“Ano bang sasabihin ni Coach?” tanong ni Sky na nasa kanan ko, si Axe naman ay nasa kaliwa ko si Kale naman ay nasa tabi ni Sky at si Clarence at Lymier ay nakatabi kay Axe.
Ganiyan ang p’westo namin habang nakaupo kami sa sahig dahil sa pinatawag na meeting ni Coach.
“Baka sasabihin niya ’yong iba nating gagawin,” ani Kale na naka-indian sit at naka-cross-arm.
“Oo nga,” pagsang-ayon ni Sky na nakadiretso ang mga paa sa harap at ang dalawang kamay niya naman ay nakatukod sa likod niya
Sa apat na laro na nangyari ngayong hapon ay isa lang ang napanalo namin kaya naman isang beses lang kaming napahinga sa pagdi-dive penalty.
Sa unang laban ay nakadalawang set lang kami at parehas pang na-take ’yon ng kalaban.
First set: 21-25
Second set: 23-25
Sa pangalawang laban naman ay umabot kami sa tatlong set at kami ang nanalo.
First set: 25- 22 (VIRS SET)
Second set: 23-25 (SMIS SET)
third set: 28-26 (VRIS SET)
Sa pangatlong set ay napansin kong bumabagal kumilos si Axe pati na rin ang ilang players namin tulad ni Hobi, Chivas, at Clarence.
May pagkakataon pa nga na yumuyuko ng kusa ang mga tuhod nila habang nasa laro pero kabutihang palad naman ay nakuha namin ang laro.
Sa araw na ito isang eskwelahan ang hindi namin nakalaro at ’yon ang GIS. Dahil wala pa raw ang ibang player nito kaya naman hindi pa sila nakakapaglaro.
Hindi ko rin nakita ang lalaking nakasabay ko sa paglalakad kahapon sa kalse kaya naman malakas ang kutob ko na player siya ng GIS.
“Alas singko hanggang alas siyete ay kailangan niyong mag-jogging, mula rito hanggang sa bayan ang kailangan niyong takbuhin,” paliwanag ni Coach at agad na nag-almahan ang mga kasama ko.
“Coach? Sinabi mo mo bang bayan?” paninigurado ni Kale at tumango naman si Coach.
“Pero Coach ang layo naman po ata no’n,” reklamo ni Sky kaya naman nakatanggap siya ng batok mula kay Clarence.
“Manahimik ka na,” ani Clarence kaya namam napakamot sa ulo si Sky bago humarap nablang kay Coach.
Sa bayan? Hindi ko alam kung hanggang saan ’yon dahil nakatulog ako kanina.
“Sa bayan sa taas ang sinasabi ko hindi ang sa baba,” ani Coach kaya naman mas lalong nag-almahan ang mga kasama namin.
“Coach? Sa taas?” si Sky talaga ang reklamador dahil tumayo pa siya habang nakatingin kay Coach.
Nag-cross-arm si Coach at tiningnan si Sky na nakatayo.
“Yes! Sa taas! Sa taas daw!” kunwari ay masaya si Sky na malaman niyang sa taas pero halata namang nasindak lang siya sa tingin at hitsura ni Coach.
Napangisi kami dahil sa reaksyon ni Sky.
“Kung ayaw niyo hindi ko naman kayo pinipilit.” Pinagmasdan niya kaming lahat bago magpatuloy sa pagsasalita. “Kung gusto niyo talagang maging mas malakas at makarating sa championship... walang hirap-hirap, walang layo-layo at higit sa lahat dapat ay hindi kayo tamad!” bunigyan niya ng tingin na masama si Sky na nakatingala lang habang sumisipol.
“Ang galing ang taas mg kisame,” ani Sky kaya naman binatukan na naman siya ni Clarence.
Kulang kami, wala si Hobi dahil mukha ngang wala siyang hilig sa mga ganitong bagay.
May sarili siyang mundo, may sarili siyang plano pero hindi oobra ang plano niya kung siya lang ang kikilos dahil may kasama siya, may mga kakampi siya, hindi siya nag-iisa.
“’Wag niyong isipin na mahirap, ’wag niyo ring isipin na madali ang lagi niyo lang ilagay sa utak niyo ay kaya niyo at kakayanin niyo!” tumingin ako kay Kale nang sabihin niya ’yon.
Captain siya kaya naman alam kong alam niya sa sarili niya na malaking obligasyon ang binibitbit niya, dapat siya ang unang tao na magpapalakas ng loob nang mga kasama niya.
Alam kong kulang na kulang ang isang buwan para sa amin, hindi ko alam kung ano ang kakalabasan ng paghihirapan namin sa loob ng isang buwan.
“Sa tanghali naman,” tumingin kaming muli kay Coach nang magsalita siyang muli. “Walang tanghalian ang hindi susunod.” Nakangising si Coach habang sinasabi ’yon, nakita ko kung paano mapalunok ang iba naming kasama dahil sa sinabi ni Coach. “Madali lang naman ang gagawin natin, recieve lang naman.” Sabay-sabay na napahinga ng maluwag ang mga kasama namin p’wera lang kay Clarence na nakayuko.
“Clarence huminga ka!” ani Kale, tumingin ako kay Clarence at natawa ako dahil nagpipigil nga siya ng hininga niya.
“Clarence ’wag ka pang mamamatay,” madramang ani Sky habang nakayakap kay Clarence.
Sa pag-recieve ay hindi lang naman si Clarence ang may problema, si Hobi,Chivas at si Clarence, si Vienzell na pumapasok lang para mag-pinch serve at si Gray na isa pang middle blocker pero madalang pumasok dahil parang lagi siyang takot humawak ng bola. Si Jasper tahimik siya at may pontensyal kaya naman hindi na ako nagulat nang malaman ko na kasali siya sa strating line-up namin.
Ang isa pa ang libero namin, magaling siyang mag-recieve pero may kabagalan siya na mukhang hindi niya napapansin. Hindi sobrang bagal pero mukhang hindi niya pa alam kung paano mag-recive at habang humahabol.
Sa Captain naman namin walang problema, sa stamina, sa pagre-recive ng bola, sa pagto-toss at sa pag-serve ay walang problema sa kaniya.
Napapikit ako dahil masyado maikli ang panahon namin.
Kung tatanungin ako kung gaano kalayos ang agwat namin sa grupo nila Yulo.... nasa taas na sila samantalang kami ay nasa baba pa rin.
Malaki, sobrang laki dahil una sa lahat magagaling ang mga player nila kaya naman hindi na ako nagulat ng makita kong sila ang mag-champion at hindi ko na nakita ang mga player ng VRIS sa pangatlong araw ng interhigh nitong nakaraang taon. Ibig sabihin lang no’n pagdating ng pangalawang araw ay nalaglag na sila.
‘Tss...’
“At pagdating naman ng gabi ay do’n tayo magbabatak,” sabi ni Coach, nilagay ko ang mga kamay ko sa batok at nakinig sa kaniya.
“B-batak Coach? A-ano baba—” Binatukan ni Kale si Lymier dahil ibang batak ang nasa isip niya.
“Magbabatak ng buto, ayos na?” tanong sa kaniya ni Kale na napapailing na lang.
“Simula 4:30 ng hapon hanggang alas otso ng gabi.” Tinaas ni Coach ang isa niyang daliri. “Recive, spike,serve at match ang mangyayari sa atin.” Dinagdagan na ni Coach, maganda na rin ’yon para maging advance sila.
Kung makikisama ang lahat ay sigurado akong mahahabol namin ang kailangan naming habulin, maabot namin ang kailangang abutin.
“Sakto na ang isang buwan...” bulong ko dahilan para sa akin sila mapatingin.
Nanginginig ang mga kamay ko, hindi ko ito mapigilan.
Tumingin ako kay Coach.
“Sakto na ang isang buwan na pagtatraining para maabot natin ang kailangang abutin.” Tumango-tango si Coach samantalang ang iba ay napayuko habang nakakuyom ang mga kamao.
“Wingless to dangerous eagle,” ani Kale bago tumayo.
“Ang corny mo, Kale.” Sinamaan ng tingin ni Kale si Sky na nakanguso habang nakaiwas ng tingin sa kaniya.
“Ang sabi mo?” may pagbabanta sa boses ni Kale kaya naman tumayo si Sky para harapin si Kale na nakatayo din.
“Ang corny mo.” Pag-uulit ni Sky at parang may apoy sa mga mata ni Kale kaya naman kumaripas ng takbo si Sky palabas sa kwarto kung nasaan kami ngayon.
“Renier Sky!” sigaw ni Kale bago habulin si Sky.
Natatawa si Lymier na sumunod sa labas, si Clarence naman ay mukhang nahimasmasan na dahil sumunod na rin siya sa labas.
“Axe! Nakinig ka ba!?” nabitawan ni Axe ang cellphone niya nang biglang pumasok si Ma’am Sha sa k’warto.
“O-oo naman po Ma’am,” ani Axe habang tumatango at dahan-dahang kinukuha ang cellphone niya sa sahig.
Lumahad si Ma’am Sha kaya naman biglang bumagsak ang mga balikat ni Axe bago iabot kay Ma’am Sha ang cellphone niya.
“Saka ko na ibabalik ’to.” Nanlulumong tumango si Axe habang yakap ang mga tuhod.
“Nawawalan kasi mg ganang kumain si Axe pag nasosobrahan sa kaka-cellphone,” bulong sa akin ni Chivas kaya naman napatango ako bago ko lapitan at tapikin sa balikat si Axe.
Kanina ay konti lang ang nakain niya dahil palihim siyang nagce-cellphone na hindi naman napapansin ni Ma’am Sha.
“Sumama ka sa akin,” sabi ko sa kaniya at bahagya pa siyang hinatak sa damit.
Tumayo naman siya kaya naman tumingin ako kay Coach na kinakausap si Ma’am Sha.
“Coach labas lang kami Axe.” Tumango siya bago bumalik kay Ma’am Sha.
Para silang mag-asawa dahil para silang nagtatalo.
Sinenyasan ko si Axe na lumabas na kami kaya naman sumunod siya sa akin nang lumabas ako.
Wala akong nakikitang tao sa hallway dahil baka nasa banyo ang mga tao rito. Balita ko kasi ay may hot spring dito na puwedeng pagliguan.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Axe na nakasabay na maglakad sa akin
“Kakain tayo,” simpleng sagot ko at napabuntong hininga naman siya.
Kung magpapabigatan kami ni Axe ay sigurado akong mas mabigat ako.
Oo na! Mabigat ako pero hindi ako mataba, hindi ko alam kung paanong nangyari na mabigat ako pero wala akong taba.
“Saan kayo pupunta Xhion?” halos mapatalon kami ni Axe dahil sa gulat, bigla kasing sumulpot si Kale habang nasa balikat niya si Sky na parang sako.
“Kakain kami, sama ba kayo?” sagot ni Axe, alam ko naclose sila dahil naikwento ni Lymier sa akin nang magkita kami no’n ay mas madalas kasama ni Axe si Kale no’ng unang pasok ni Axe sa grupo.
“Kakain!?” tumalon si Sky mula sa balikat ni Kale at nakangiting tumingin sa amin. “May alam akong malapit at masarap na kainan dito,” sabi niya at agad naman siyang inakbayan ni Kale.
“Basta talaga pagkain ay nangunguna ka.” Kinatukan siya ni Kale kaya naman napaupo si Sky habang nakahawak sa bunbunan niya.
“Himala ata Axe, kailan ka pa nagkainterest sa pagkain ha!?” natatawang tanong ni Lymier na lumitaw sa likod nila Kale.
“Skyyyyyyyyyyyy!” napaatras kami ni Axe dahil bumagsak silang lahat sa harap namin ng bigla silang dambahan ng malakas ni Clarence.
“A-aray!” sigaw ni Sky dahil siya ang nasa pinakailalim.
Sabay kaming napailing ni Axe dahil sa posisyon nila ngayon.
Umiindang tumayo si Clarence, sumunod si Lymier at Kale at ang pinakahuli ang nakaplakda sa sahig si Sky.
Nakayuko si Lymier at Kale habang nakatayo, si Sky naman ay patayo palang.
“Tara na,” nagtaka ako dahil natataranta akong itinulak ni Axe.
Tumingin ako kila Kale at nakita ko kung gaano kasama ang mukha nila kaya naman nag-unahan kaming tumakbo ni Axe.
Bumagal ang takbo namin nang may kumapit sa damit damin, nagpupumiglas kaming parehas ni Axe dahil si Clarence ay nakakakapit sa amin habang tumatakbo.
“Bitawan mo ako!” sigaw ni Axe bago tanggalin ang kamay ni Clarence sa damit niya kaya naman tinanggal ko rin ang kamay niya sa akin.
“Parang hindi niyo ako ka-team!” sigaw ni Clarence at nagulat kami ng unahan pa niya kami ng takbo.
“KAYOOOOOO!” mas binilisan pa namin ang pagtakbo dahil narinig na namin ang boses nila Kale.
Napansin kong parang nahihirapan ng tumakbo si Axe dahil sa pataas na kalsada kami napunta kaya naman hinawakan ko ang braso niya at hinatak patakbo.
Tumakbo lang kami nang tumakbo.
Ha?
Binitawan ko si Axe upang makahinto kami sa pagtakbo.
Yumuko si Axe bago humawak sa magkabila niyang tuhod.
“Bakit nga pala tayo tumatakbo? Hindi naman tayo kasali sa kanila,” ani ko nang mapagtanto na hindi naman kami kasali ni Axe sa gulo nila Kale dahil kami ay kakain lang talaga.
“O-oo nga, bakit b-ba tayo tumatakbo?” hnigingal na sabi ni Axe. Napataas nag kilay ko at parang gusto ko siyang batukan ’yong tipong magkakalagas-lagas ’yong mga buto niya.
Siya ang nagtulak sa akin na tumakbo tapos ngayon tatanungin niya ako?
“Nasaan si Clarence!?” tanong nila Sky ng maabutan nila kami.
“Hindi namin alam, ang alam lang namin—”
“Hoy! Kayo d’yan! Lalamig na yung mga siopao!” napatingin kami sa isang tindahan at nakita namin do’n sila Clarence na may hawak na siopao sa magkabilang kamay habang nakangiti pa sa amin.
“Siopao!?” sabay-sabay na tanong ng apat kong kasama bago mag-unahang lumapit kay Clarence, ulitimong pati si Axe na mukhang lantang gulay ay mas nauna pang nakarating kay Clarence.
Siopao? Tumingin ako sa kanila at nakita ko na sunod-sunod nilang kinatukan sa ulo si Clarence nang makalapit sila rito pati nga si Axe na hindi kasali ay nakikatok na rin.
“Xhion!” sigaw ni Lymier kaya naman lumapit na rin ako sa kanila.
Naglakad ako papalapit sa kanila at agad akong inabutan ni Kale ng siopao na umusok-usok pa.
“Si Clarence ang magbabayad niyan kaya kunin mo lang lahat ng gusto mo,” ani Sky na may hawak na siopao at softdrinks.
Hinipan ko ang siopao na hawak ko bago umupo sa upuan kung saan katabi ko si Axe na magkabilang kamay ang may hawak na siopao.
Ganado siya kumain kaya naman hindi ko na siya inabala.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng maliit na parang resto.
Parang japanese ang theme nito.
Kinagat ko ang siopao at malaman ito at masarap.
Nakita ko ang menu nila at may nakita akong dumplings do’n kaya naman tumayo ako at lumapit sa counter.
“Konbanwa!” (Good evening) ani ng babaeng nasa counter at yumuko, nakasuot pa ng kimono ang babae na bumagay sa kaniya.
Japanese nga ang resto na ’to.
Yumuko ako ng bahagya sa kaniya bago magsalita.
“Magkano ang dumplings niyo?” tanong ko rito gamit ang salitang tagalog dahil mukhang porma lang naman ang nagdadala sa kaniya kaya naman nagmumukha siyang Japanese.
“Hihihi, 65 po sir.” Napataas ang kilay ko ng bigla niyang hawiin ang kanyang buhok at ilagay ’yon sa likod ng tainga niya.
“Pa-order ako ng anim,” ani ko bago dumukot sa bulsa ko kung nasaan ang wallet ko.
Naglapag ako ng isang libo, kinuha niya ’yon pero may kasamang paghawak sa kamay ko kaya naman tumingin ako sa likod ko upang tingnan ang ginagawa ng mga kasama ko, nakita ko naman sila na naghaharutan kaya naman nilapit ko ang mukha ko sa tainga ng babaeng nasa harap ko na mukhang masaya sa ginagawa ko.
“Baka, sore wo itadaki masu,” bulong ko rito na nakapagpamula sa mukha niya dahil mukhang alam niya ang sinabi ko. “Can you put some wasabi on my dumplings?” tanong ko rito at tumango naman siya bago ako talikuran.
Napailing na lang ako bago bumalik sa lamesa kung nasaan sila Axe.
“Nako mukhang may inorder pa si Xhion, mukhang mapapasubo ka Clarence!” panunukso ni Sky kay Clarence na nakayuko habang kumakain ng siopao pa rin.
“Binayaran ko na yung bills natin.” Umupo ako sa tabi ni Axe bago inumin ang tea na nasa harap ko.
“Naks naman! Galante!” ani Clarence na nakipag-high five pa sa akin.
Dumating ang inorder kong dumplings at ’yong babaeng nasa counter ang nagbigay sa amin no’n.
“Arigatou,” (Thank you) ani ko sa kaniya kaya naman agad siyang namula at nagmadaling umalis sa lamesa namin.
“Ari— Ano?” ani Axe nang marinig niya ang sinabi ko.
“I said to her thank you in Japanese language,” zabi ko sa kaniya at nakita ko ang reaksyon niya.
“Marunong kang magjapaneze!?” ranong nito kaya naman napalingon na rin pati sila Kale sa akin, natawa pa nga ako dahil sa sinabi ni Axe imbes kasi na ‘Japanese’ ang sabihin niya ay ginawa niyang ‘z’ ang ‘s’.
“Silly it’s Japanese not Japaneze,” ani ko at natawa ng mahina.
“Sino? Sino marunong mag-japanese?” tanong ni Lymier at tinuro naman ako ni Axe.
Tumingin silang lahat sa akin kaya naman tumaas ang kilay ko.
“Ano sa Japan ang pogi?” tanong agad ni Sky.
“Baka,” ani ko at napangiti naman siya ng malapad, tumawa si Clarence na mukhang alam ang sinabi ko.
Mukhang nakakaintindi siya ng Japanese dahil halos mamatay na siya sa kakatawa.
“Si Clarence naulol na,” sabi ni Axe na inosenteng kumakain ng dumplings.
Sumubo rin ako nang sa akin at napatango-tango ako dahil masarap ang pagkakagawa ng dumplings at masarap din ang sawsawan nito.
“B-baka!” tumawa ulit siya nang malakas kaya naman binatukan na siya ni Lymier para lang mahinto siya sa pagtawa niya.
“Ang ingay mo!” singhal sa kaniya ni Kale kaya naman tuluyan siyang napahinto sa pagtawa.
Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa si Sky habang nakatingin kay Clarence na napagalitan ni Kale.
Tumingin ako kay Axe na nakayuko lang at halatang nasasarapan sa dumplings dahil pati ang kay Kale na dumplings ay palihim na niyang dinudukot.
“Manah—” Tumingin si Kale sa plato ng dumplings niya ng mapansin niyang wala na itong laman. “Nasaan na ang pagkain ko?” tanong ni Kale at inangat pa ang plato na parang nando’n ang pagkain niya.
Tiningnan niya kami isa-isa kaya naman kaniya-kaniya kaming takip sa dumplings namin.
“Axe?” tawag nito kay Axe at pag-angat ng mukha ni Axe ay lobo ang mga pisnge nito.
“Qawserdin.” Muntik na naming maintindihan ang sinabi niya, punong-puno ang bibig niya kaya naman hindi naman maintindihan ang sinasabi niya.
“Ah, alam na Kale,” sabi ni Sky bago sunod-sunod sumubo ng pagkain niya.
“Mabigat sa tiyan ’yan Axe pag ikaw hindi natunawan hindi ka makakapaglaro bukas,” banta sa kaniya ni Kale bago tumayo. “Maraming salamat po!” sigaw ni Kale kaya naman nagtayuan na rin kami, minadali kong kainin ang dalawang dumplings na natira sa plato ko bago umalis sa upuan ko
Naunang lumabas si Sky at Clarence sunod ay si Kale at Lymier na nag-uusap.
hinantay ko naman si Axe na kinakain pa ang mga tirang dumplings sa plato ni Clarence.
“Axe, ibibili na lang kita ulit bukas niyan,” sabi ko sa kaniya at agad naman siyang lumapit sa akin.
“Sabi mo ha,” sabi niya nang makalapit siya sa akin, nagpunas siya ng bibig gamit ang tissue.
Nagtataka nga ako sa resto na kinainan namin dahil Japanese theme sila tapos may siopao? Pero hindi na rin masama at saka trip nila ’yon kaya wala akong magagawa.
Tiningnan ko ang cellphone ko, mag-aalas nuebe palang ng gabi. Gusto ko sanang tawagan si Icom para masabing okay lang ako at nakarating na kami pero wala akong load at saka baka busy rin siya ngayon.
Ngayon ko lang din naalala na sinabi sa akin ni Jade na nakasabay niyang kumain si Marco? Ang ibig sabihin ay pumasok siya? Ang alam ko ay birthday ng lola niya ngayon kaya naman hindi siya naasabay sa pag-uwi ni Icom? Ang gulo.
“May lahi ka bang Japanese?” tanong sa akin ng kasabay na si Axe, nauuna sa amin ang apat na mukhang naghaharutan.
“Yes, half Japanese and half Filipino,” sagot ko sa kaniya.
Tumango naman siya bago ulit siya magtanong. “Ilang taon ka na?”
“19, sabi nila bata raw ako para sa grade ko pero mukhang hindi naman.” Natatawang sabi ko, madami ang nagsasabi na dapat ay nasa first year college o 4th year high school palang ako.
“Hindi naman sakto lang ang edad mo sa grade, baka matatanda na sila nang nag-aral sila,” Sabi ni Axe at natawa bahagya.
“Baka nga, matanong ko nga may kapatid ka ba?” tanong ko rito at tumango naman siya.
“May kapatid ako, Ate.” Napatango ako, mukhang bini-baby rin siya ng Ate niya dahil sa hitsura niya. “Ikaw ba? Mukhang only child ka.” Umiling ako bago ko ibuka ang palad ko.
“Lima kami, dalawa ang babae at tatlo naman ang lalaki.” Nakita ko na naoangiti siya ng bahagya dahil sa sinabi ko.
“Ang dami niyo pala, siguro ay laging masaya sa inyo?” tanong nito na nakapagpahinto sa akin sa paglalakad.
“Batas ko ang masusunod at wala kayong magagawa do’n.”
“Simula ngayon siya na ang magiging mommy niyo.”
“Wala ka na ba talagang respeto!?”
“Lumayas ka!”
“Hindi rin siguro, kahit na marami kayo sa bahay kung hindi naman kayo magkakasundo,” sagot ko sa kaniya at alam ko na magtatanong na naman siya kaya naman hinanda ko na ang sasabihin ko.
Magsasalita na sana ako ang kaso ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman napahinto na naman kami sa paglalakad ni Axe.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at number ni Dylan ang bumungad sa akin.
Bigla akong kinabahan ng mabasa ko ang number niya.
‘Bakit naman kaya siya napatawag ng ganitong oras?’
“Sige mukhang importe ’yan sagutin mo muna at hihintayin na lang kita sa may punong ’yon.” May tinuro siyang puno at nakita ko do’n sila Kale na nakaupo habang pinagmamasdan ang kalangitan.
“Sige,” sabi ko bago sagutin ang tawag. “Bakit?” tanong ko at ang loko nagrequest pa ng vidoe call.
Wala nga akong loa— huh? Napataas ang kilay ko ng makita kong five thousand load ang biglang pumasok sa akin.
Binuksan ko ang camera ng cellphone ko at mapulang mukha ni Dylan ang nakita ko, mapulang mukha at mapupungay na mata....
“Lasing ka ba Dylan?” tanong ko sa kaniya at ngumuso naman siya bago umiling.
‘Abno.’
“Kailan ka uuwi?” tanong nito, napailag ako dahil ang akala ko ay maamoy ko ang hininga niyang amoy alak pero nakalimutan kong sa cellphone nga lang pala kami nag-uusap.
Mababakas sa boses niya na parang pagod na ewan kaya naman napabuntong hininga ako.
Bakit naman kaya siya nagpakalasing? Ang alam ko ay nagsisimula na rin ang training nila para sa basketball?
“Tinatanong k-kita, kailan ka uuwi?” tanong nito kaya naman tumingin ako sa screen ng cellphone ko.
“Hindi ko alam, baka isang buwan ako rito,” sagot ko sa kaniya at nakita ko na napatampal siya sa noo niya.
Mukhang nakahubad siya ng damit dahil nakikita ko ng buo ang mga balikat niya.
“Matulog ka na,” utos ko dahil mukhang lasing na lasing siya.
“Ayaw mo ba akong kausap?” tanong nito kaya naman napalunok ako.
“H-hindi naman sa gano’n.” Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa hiya sa simple kong sagot.
“Hmm, tama ’yan dapat ako lang ang kakausapin mo.” Napakalambing ng boses ni Dylan kaya naman nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan. “Baka naman maghanap ka ng ibang lalaki d’yan?” pinanlakihan ko ng mata si Dylan dahil sa sinabi niya, ginawa pa akong maharot.
“Tumahimik ka! Hindi ako mahilig sa lalaki!” singhal ko sa kaniya at napangiti naman siya ng sobrang tamis.
Napahinto ako at napatitig sa mukha ni Dylan, bakit... bakit parang... bakit parang ang g-guwapo ngayon ni Dylan?
Umiling ako, ‘Antok lang ’yan Eve, walang pogi, walang guwapo.’
“’Yan tama ’yan dapat ako lang ang lalaki mo.” tuluyan na akong hindi nakapagsalita dahil sa mga sinasabi niya.
Ang mga mapupungay na mga mata nito ay nakatutok lang sa camera kaya naman nagmumukha tuloy na nakatitig siya sa akin.
“M-matulog ka na D-dy, lasing ka.” Hindi na ako makatingin sa screen ko dahil naiilang na ako.
“Si Eve, ayaw akong kausap ni Eve.” Ngumuso ito at napailing ako dahil sa hitsura niya, daig niya pa ang batang nagtatampo sa hitusra niya. “Ayaw sa akin ni—”
“Gusto kita!” putol ko sa sasabiglhin niya, napahinto siya at daig niya pa nawalan ng lasing dahil sa naging reaksyon niya, ang tanga ng sagot mo Eve.
Napapikit ako bago magsalita. “Ang ibig kong sabihin ay hindi kita ayaw na makausap.” Paglilinaw ko sa sinabi ko, parang binabambo ng malakas ang dibdib ko dahil sa reaksyon ni Dylan.
Nakatingin lang siya sa akin, pumikit siya at ang akala ko ay didilat pa siya ulit pero nakarinig na ako ng mahina niyang hilik kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Tiningnan ko ang mukha niya, ang amo pagtulog pero paggising ang lakas mang-asar.
“Dy... papatayin ko na ang tawag.” Tiningnan ko siyang muli bago mapangiti. “Matulog ka nang mahimbing, hintayin mo ako,” sabi ko at tuluyan ng pinutol ang tawag.
Masyado nang gabi at nasa labas pa rin kami.
Naglakad ako papalapit kila Kale na nasa ilalim pa rin ng puno habang mga seryosong nag-uusa-usap.
Binulsa ko ang cellphone ko bago tumayo sa likod ng puno kung saan sila nakaupo.
“Isa lang naman ang pangarap natin...” Narinig ko ang boses ni Kale at mukhang hindi pa nila nararamdaman ang presensiya ko. “Ang makapaglaro sa championship.” Napayuko ako.
“Simula nang nakapasok ako sa volleyball club ng VRIS ay hindi ko naranasan ang makapaglaro sa championship kahit na nando’n si Yulo.” Si Lymier.
Tumingala ako sa kalangitan, ang taas ng pangarap niyo pero hindi niyo magawamg abutin dahil mga wala kayong pakpak, mga wingless eagle.
“At ngayong taon mararamdaman ko na ulit ang pagkabigo.” Nawawalan na agad sila ng pag-asa, hindi sila marunong lumaban sa palakasan ng loob.
“Huling taon ko na pala ngayon, kung hindi tayo makakapasom kahit sa semi finals ay baka malabo niyo na akong makita sa volleyball gym.” Narinig kong muli ang boses ni Kale, alam ko ay third year college na siya at graduating na siya next year kaya naman mas kailangan niya ng pag-igihan sa pag-aaral.
“Talo na kayo kahit ’di pa kayo lumalaban.” Hindi ko napigilan ang hindi magsalita, unang nakakita sa akin ay si Clarence. “Bakit kayo ganiyan?” tanong ko sa kanila.
Bakit sila sumsuko agad kahit hindi pa nagsisimula amg gyera?
“Kale...” tawag ko rito at tumingin naman siya sa akin. “Ikaw ang Captain namin dapat ikaw ang nagpapalakas sa loob namin pero mukhang ikaw pa ’tong walang lakas ng loob,” sabi ko sa kaniya, wala siyang naging reaksyon at nakatingin lang sa akin.
“Alam kong hindi madali ang maging Captain dahil naranasan ko na ’yan.” Hindi ako Captain sa HHIS pero daig ko pa ang captain dahil sa akin nila pinasan lahat, sa akin sila lahat nakadepende kaya naman nang umalis ako sa grupo ay hindi ko na ulit nabalitaan na nakapasok man lang ulit sa championship ang grupo namin dati. “’Wag mong isipin na pasan mo ang lahat... tandaan mo nandito ang mga kasamahan mo... nandito kami.” Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. “Nandito kami para tulungan ka, nandito tayo para magtulungan.” Tinaas ko ang kamao ko at tinutok ’yon sa bituwin na pinakamaningning ngayong gabi.
“Aabutin natin ang mga pangarap niyo!” sigaw ko.