Pagkalabas ko ng office ni Liam, parang bumigat agad ang paligid. Tahimik lang sa hallway, pero pakiramdam ko may nakatingin sakin, may nakamasid. Huminga ako ng malalim, pero parang kulang. Para bang kahit ilang beses akong huminga, hindi lumalabas ‘yung bigat sa dibdib ko. Nasa kamay ko pa ang folder na dapat ipapasa ko sa records, pero halos hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko. Nakayuko lang ako habang naglalakad pabalik sa department namin, sinusubukang huwag isipin ‘yung mga nangyari kanina, pero mas lalo lang bumabalik lahat. Ang lamig ng aircon, pero parang ang init ng paligid ko, parang yung init ng katawan ko kanina sa ginawa ni Liam, hindi parin nawawala. “Bes!” Nagulat ako nang marinig ang tawag ni Parsha, pagtingin ko sa paligid nasa department na pala ako. ng hindi

