After ng mga revelations kanina, somehow, parang gumaan ang pakiramdam ko. Yung tipong kahit ang bigat ng pinag-usapan namin ni Parsha, masarap pa rin sa pakiramdam kasi… at least, wala na akong tinatago. “Okay, enough the drama!” sabi ni Parsha habang biglang tumayo sa kama. “Magluluto ako ng lunch, ikaw na bahala sa dessert, deal?” nakangiting sabi nito habang pinupunasan ang namuong luha sa mata niya. “Wow, ang bilis makalimot sa iyakan!” sabi ko, sabay tawa. “Syempre! Baka mamaya ma-dehydrate tayo kakaiyak. Kailangan natin ng carbs, fats, and sugar to survive emotional damage!” sagot pa niya, nag-i-strike ng pose na parang fitness instructor. Tawa ako nang tawa habang pinapanood siya maghanap ng sangkap sa kusina. “Parsha, sure ka bang alam mo ‘yang ginagawa mo?” tanong ko. “Aba,

