Camille pov
Habang tumatagal na nakakasama namin si Rogelio ay madalas na din kaming hindi magkita ni Ashlee. Minsan kung hindi ko pa siya puntahan sa bahay nila ay hindi na din niya ako maalala pa dahil mas inuuna na niya iyong boyfriend boyfriendan niya. Tulad ngayon, pero hindi ko siya matiis kaya ako din ang sumusunod-sunod sa kanya. Ewan, natotomboy na yata ako.
"Ash..." sigaw ko sa labas ng bahay nila.
"Oh, Camille, anak, bakit hindi ka dumiretso dito sa loob." bungad ni nanay.
"Eh nay, nandiyan po ba si Ash?" tanong ko.
"Oo nak, nasa kwarto nila, kasama si Rogelio." nag-alangan akong pumasok.
"Ah sige nay, sa susunod nalang." medyo nainis ako pero hindi ko pinahalata sa inay niya.
"Bakit naman nak, nandito ka na rin lang. Halika na dito. " wala na akong nagawa dahil hinila na ako nito sa loob.
"Ashlee anak, si Camille nandito." tawag niya.
"Nay, ako nalang po." sabi ko.
"Sige, dumiretso ka na lang sa kwarto niya nak." sabi niya. Ganoon nga ang ginawa ko.
Kinatok ko ang pinto pero walang sumasagot kaya binuksan ko nalang ngunit ang sarap lang sabuyan ng malamig na tubig ang dalawa sa nakita kong tagpo. Si Ashlee na nakalingkis sa lalaki at halos nakabra nalang dahil manipis na manipis ang suot na damit at si Rogelio na grabeng makayakap sa kaibigan ko ay parehas na tulog. As in tulog sila. Sigurado bang bakla talaga itong si Rogelio? Una palang nagduda na ako dito eh. Pinagmasdan ko silang dalawa. Wala ka talagang makikitang bakas nang pagiging bakla sa mukha at katawan nito. Yuyugyugin ko na sana sila nong kumilos si Ashlee na dahilan din ng pagkilos ng isa. Ngayon ko lang siya nalapitan ng husto. Ang gwapo pala talaga niya. Matangos na ilong, makipot at mapupulang labi, mahahabang pilik-mata. Hindi ko napansin gising na pala ito at pinagmamasdan din niya ako. Bigla akong namula. Huli pero di kulong.
"Gwapo na ba ako Cams?" nagulat pa ako dahil sa biglang pagsalita niya.
"Aaaaahhhh..." sigaw ko.
"Anong nangyari?" pupungas-pungas namang tanong ni Ash.
"Wa-wala, sigurado ka bang bakla ka?" iwas ko sa kanya.
" Bakit inggit ka ba?" balik tanong niya.
"Saan ako maiinggit?"
"Inggit ka dahil hindi ikaw ang yakap ko?" Rogelio
"Yuck hindi ako maiing... Ayyyyy..." napasigaw nalang ako dahil hinila niya ako na dahilan para masubsob ako sa malapad niyang dibdib habang silang dalawa ay nakahiga pa.
"Titig ka nang titig." ipinalibot niya ang kanang braso niya sa bewang ko habang ang kaliwa ay ginawang unan ni Ash.
"Bwisit ka Ordinario, paano kung sa iba ako bumagsak?" sabi ko saka ako umayos ng upo. Grabe ang lapad ng dibdib nang baklang to.
"Hindi ko hahayaang babagsak ka sa iba, dahil sa akin palang hulog na hulog ka na. " hugot ba yon?
"Pinagsasabi mo Ordinario?" tanong ko.
"Aba miss Gisa, kanina ka pa Ordinario ng Ordinario ah. May pangalan ako. Minsan pa, hahalikan na kita." inismiran ko lang siya.
"Tsk, Totoo namang Ordinario k..." bigla nalang niyang kinabig ang batok ko saka ako hinalikan sa labi. Gosh hinalikan talaga niya ako? Nakaramdam ako nang kakaiba sa ginawa niya.
"Iwwww, sweetheart give me water." my first kiss... oh my God. hinalikan talaga niya ako.
"Cams, natulala ka na?" tatawa-tawang sabi ni Ash.
"Yaaaaaakkkkk, ang landi mo Ordinario. kadiri ka!" wala akong masabi kaya iyon nalang. Ang bango ng bunganga niya kahit bagong gising lang. Ang lambot ng labi niya. Erase , erase ano ba tong naiisip ko.
" First kiss mo?" tanong pa niya
"Ambisyosa! sa edad kong to?" kunwari ko.
"Oo, first kiss mo ako eh."
"Hoy for your information may boyfriend ako, siya ang first kiss ko." saad ko pa.
"Talaga? Pakiss ako ulit. " inginuso niya ang labi niya sa akin. Napatitig ako doon.
"Cams, kelan ka pa nagkaboyfriend. At sino?" biglang singit ni Ash.
"Ahhh, eh, kelan lang Ash." nakatingin pa rin ako sa labi ni Rogelio. Halikan ko kaya? Tskkk...
"Ahhhh, wala kang sinasabi sa akin. " Siya na ang humalik sa labi nang isa. Bakit sa kanila normal lang. Bakit sa akin para nang tambol ang dibdib ko.
"I love you Gel." sabi ni Ash.
"I love you sweetheart." halos masuka ako sa ipinapakita nila sa aking kasweetan. Bakit ganun naiinggit ako?
"Nakakadiri kayo." sabi ko sa kanila.
"Inggit ka lang kamo." singhal pa nito.
" Tama na nga iyan mamaya may magkadevelopan sa inyo." biglang saad ni Ash na agad kong sinagot.
"Yak ka Ash, ako maiinlove sa isang bakla o tama bang nagbabakla-baklaan." matalim ang tingin ni Rogelio sa akin.
"Oh bakit, totoo naman di ba? May bakla bang tumatayo ang sandata?" nakaupo na ito kaya halatang-halata ang kanyang p*********i sa cotton short na suot niya. Pero napatigil din ako bigla. Bakit ba ako nakatingin doon?
"Mmmnnn, ano, naiihi ako." saka ito biglang tumakbo sa cr. Nagkatinginan naman kami ni Ashlee.
"Napadalaw ka pala Cams." sabi nito.
"Aba, kung di pa ako dadalaw hindi mo na ako maaalala?" nagtatampo kong wika.
"Busy lang Cams, kailangan ko kasing manalo sa susunod na sinalihan kong pageant. Pero babawi ako saiyo, kapag natapos na iyon. Pangako." itinaas pa niya ang kanang kamay nito.
"Hmpt, ipinagpalit mo na ako kamo." sabi ko pa.
"Kaibigan ko kayo, kaya paano naman kita ipagpapalit ay. Mahal ko kayong dalawa no."
"Mahal mo ako noon oo, pero ngayon mas mahal mo na iyong nagbabakla-baklahan mong pekeng boyfriend."
"Wag ka na magtampo Cams oh." niyakap niya ako. Ganito kami, laging ako ang talo kapag siya na ang naglambing.
"Nakakainis ka kasi. Parang mas gusto mo na siyang kasama kesa sa akin." sabi ko pa.
"Bakit ka nga pala napadalaw?" biglang tanong niya.
"Wala, namiss lang kita."
"May problema ba Cams?"
"Napadalaw lang may problema na?" tanong ko.
"Hindi naman sa ganon Cams. Pakiramdam ko kasi may problema ka eh." ngumiti ako nang alanganin.
"Ahm, ano ka."
" Sweetheart." biglang singit ni bakla. Inirapan niya ako saka ipinulupot ang kamay niya sa bewang ni Ash. At syempre ako itinulak na naman niya.
"Bwisit ka talaga eh no." singhal ko sa kanya.
"Ano ah... igiGISA kita jan eh." sabi niya.
"Huwag ka ngang laging dikit nang dikit sa kaibigan ko. Igisa mo man ako, di bale na, wag lang pekeng tao. Sabagay Ordinario ka nga naman kasi." singhal ko din.
"Tama na nga iyan ang maganda pa doon tayo sa labas..." aya niya. Parehas kaming napatayo ni Rogelio nong umalis si Ashlee para lumabas na.
"Ash, magbihis ka nga!" sabi ko.
"Ash, sweetheart don't go out like that." Malanding wika niya na halata namang hindi normal. Naningkit ang mata ko.
"Kapag ibang tao ang makakita ng katawan niya bawal pero ikaw kahit maghubad pa siya sa harapan mo ayos lang?" naiinis kong sita.
"Eh di ikaw ang lumabas na nakapanty at bra. Tignan ko lang kung kaya mo." bulyaw niya sa akin.
"Manyakis kang bakla ka bakit ako lalabas ng nakapanty at bra. kulang pa ba si Ash sa paningin mo?"
"Sumasakit na ang ulo ko sa inyo sa totoo lang." saad naman ng isa. Tumahimik kaming dalawa.
"Pwede bang magkasundo naman kayong dalawa." nag-irapan lang kami ni Rogelio.
Lalabas na sana ulit siya nong nag-unahan kaming tumakbo sa tagiliran niya.
"Ano ba? Naiinis na ako sa inyo kaya kong maglakad palabas." saka nito kinalas ang mga kamay namin sa braso niya. At kaming dalawa ni Rogelio ang pinagtabi. Ikinawit niya ang kamay naming dalawa saka siya kumapit sa kabilang side nito.
"Oh di ba mas maganda kapag tatlo tayo?" tuwang-tuwa pang sabi nito. Tatanggalin ko sana ang braso ko sa braso ng lalaki nong sinita ako ni Ash.
"Cams..." hindi na lang ako kumibo. Ganun ang ayos namin kahit hanggang labas.
"Gel, pasyal mo naman kami sa bahay niyo oh, sama natin si Camille." Ashlee.
"Gusto mo bang sumama?" tanong naman nito. Sa totoo lang mabait naman siya eh. Ewan ko lang kung bakit ang init ng dugo ko sa kanya. Siguro, dahil na din sa hindi ako sanay na may kahati ako sa attention ni Ashlee.
"Kung isasama niyo ako, bakit hindi." sabi ko.
"Sige, pero nandoon sila papa at mama Ash ah. Alam mo na." saad naman niya sa kaibigan ko. Syempre alam ko din kung anong gusto niyang sabihin.
"Oo, magiging extra sweet ako sayo Gel." humilig pa ito sa balikat niya. Nagpaalam lang kami sa ina nito bago kami pumunta sa bahay nila Gel.
Semi bungalow ang bahay nila simple lang ang pamumuhay ng mga ito. May isa silang kasambahay.
"Pa, Ma..." tawag nito sa parents niya.
"Nandito kami sa sala iho." boses ng isang babae. Ito siguro ang ina niya.
"Hi ma, Hi pa." humalik ito sa pisngi nila. Ganun din ang ginawa ni Ashlee. Hahalik din ba ako?pero si Ashlee ang girlfriend niya.
"May bisita pala kayo. Umupo kayo mga anak." sabi ng ginang.
"Magandang hapon po mam, sir." bati ko nalang.
"Magandang hapon din saiyo iha." sabi nito. Tumango lang din ang papa niya.
"Ma, Pa, siya si Camille. Bestfriend po ni Ashlee. " pakilala niya sa akin.
"Cams, they are my parents." dugtong pa niya. Wala naman kaming ginawa doon kundi kwentuhan lang.
"Ash anak, dito ka ba matutulog?" tanong nang ginang kay Ashlee.
"Hindi ko po alam tita." kumunot ang noo ko. Matutulog? kelan pa siya nagsimulang matulog dito? Ganon na ba kalalim ang samahan nila? Tanong ko sa sarili ko.
"Natutulog ka dito, Ash?" tumango ito.
"Saan?"
"In my room." sabad ni Rogelio. Nabilaukan ako sa sarili kong laway. Si Ashlee at Rogelio?
"Magkatabi kayo?" hindi pa kontentong tanong ko.
"Yes, sino pa ba dapat?" pilosopong tanong niya.
Wow, nasa ganong stage na sila. Iyong totoo, bakla ba talaga ito? Bakit pakiramdam ko lalaki siya?Hindi kaya nagpapanggap lang talaga itong bakla para makalapit kay Ashlee? Kailangan kong malaman ang totoo. Ayaw kong mapahamak ang kaibigan ko.