Camille pov
Dumaan pa ang mga araw at buwan na kaming tatlo ang magkakasama. Ilang beses na din kaming nagtalo ni Rogelio. Ayaw ko mang aminin pero nasasanay na din ako sa presensya niya... Kasalukuyan akong nakaupo dito sa maliit naming balcony nong dumating si nanay.
" Camille!" tawag nito. Agad akong lumapit sa kanya.
"Mano po nay." nagmano ako sa kanya.
"Bakit po?" tanong ko.
"Ilabas mo lahat ng gamit nang lalaking iyon." galit na galit niyang wika.
"Sino po inay?" tanong ko pa.
"Iyong walang hiyang lalaking iyon. Akala ko iba siya sa tatay mo pero wala rin pala silang pinagkaiba. " hindi na bago sa akin ang mag-away sila pero iba ngayon. Dahil galit talaga ang nanay.
"Ano bang nangyari nay?"
"Basta iempake mo lahat. Walang hiya siya, kaya pala madalas siyang umuwi sa bahay nila dahil may iba pa pala siyang babae." himutok nito.
"Nakita mo ba nay?"
"Ikaw ba'y susunod sa ipag-uutos ko o pati ikaw palayasin ko sa pamamahay na to." mabilis pa sa agila akong tumakbo sa kwarto nila. Saan naman kaya ako makikituloy kung pati ako palayasin niya. Mamaya-maya lang ay nakarinig ako ng kalabog at iyak. Iyak??? Tumakbo na naman ako sa kusina. Nakita ko ang nanay kong sinasabunutan ang aking kapatid.
"Nay!" mabilis ko itong tinakbo at pilit kinakalas ang kamay nitong nakapulupot sa buhok ni Charmaine.
"Tama na po nay. Tama na po..." umiiyak nitong pakiusap.
"Malandi kang babae ka, kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo sana hindi na kita pinaaral." ingungudngod sana nito sa lamesa ngunit pinigilan ko siya.
"Nay ano bang nangyayari?" tanong ko.
"Yan! yang kapatid mong walang pinagkaiba sa tatay mo. Nagpabuntis sa may asawa!" parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi nito. Nakaluhod si Charmaine sa harap namin.
"Ate..."
"Nanay... Patawad po... I-ipapalaglag ko na---" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nasampal ko siya.
" Ang isang pagkakamali ay hindi maitatama nang isa pang pagkakamali, Charmaine." sabi ko. Si inay ay natulala din sa ginawa ko. Huli na nong marealize ko ang nagawa ko.
"Ate, sorry. " hagulgol nito. Inabot niya ang kamay namin ni nanay.
"Patawarin niyo po ako... Patawad po..." halos sumubsob na ito sa pagkakayuko niya.
"Wala na bang katahimikan ang pamilyang ito?" Sigaw ko. Natahimik silang dalawa.
" Ikaw alam mong nag-aaral ka pa. Bakit ka nagpabuntis? Ikaw naman inay, hindi ka na bata para umastang teenager. Nay, malalaki na kami oh, hindi porket iniwan tayo ni tatay ay gagawin mo din ang ginawa niya. Dapat ikaw na nanay namin ang maging modelo sa amin. Pero hindi eh dahil dito sa pamamahay na ito, ikaw pa na ina namin ang humihila sa aming magkakapatid sa maling landas.. Nay pwede ba, isipin mo naman kami. Hindi iyong lalaki mo!" bulyaw ko sa kanya. Hindi ito nakaimik.
"At ikaw, akala mo ba solusyon ang pagpapalaglag mo diyan sa ipinagbubuntis mo. Nagkamali ka na nga, gagawa ka pa ng mas mabigat na pagkakamali!? Kung nabuntisan ka, nandito naman kami ah kung hindi ka kayang panindigan nang nakabuntis saiyo. Nandito kaming mga kapatid mo. Nakaya nating tumayo na wala ang tatay, kaya makakaya nating buhayin yang nasa sinapupunan mo!" saka ako nagmartsa palabas ng bahay. Nakita ko pa ang asawa ni nanay pero hindi ko na ito pinansin. Kailangan ko nang katahimikan.
Naglakad-lakad ako hanggang sa mapadaan ako sa park kung saan madalas kaming tumambay na magkakapatid noong buo pa kami. Noong maliit pa kami. Umupo ako sa swing.
"Tay, kung hindi ka sumama sa iba, ano na kaya ang buhay natin ngayon? Hindi mo ba kami namimiss? Hindi ka man lang ba nagsisi na iniwan mo kami? Tay, ang bigat na sa dibdib." Hindi ko mapigilang lumuha. Napayuko ako dahil pinagtitinginan ako ng mga kabataang nagdidate. Ilang minuto din akong tahimik na lumuluha.
"Kung kailangan mo ng kausap, handa akong makinig Cams." Isang boses ang pumukaw sa akin. Nilingon ko ito at tama nga ako ng hinala.
"Gel..." usal ko.
"May dinaanan lang ako sa barangay. Parang pamilyar sa akin iyang suot mo kaya lumapit ako." saad niya kahit hindi ko naman hinihingi ang paliwanag nito.
Yumuko ako ulit. Nakatingin lang ako sa baba...
"Cams kung ano man yang pinagdadaanan mo, hindi ka nag-iisa." saad ulit niya. Umupo siya sa tabi ko. Kinabig niya ang ulo ko patungo sa balikat nito.
"Gusto ko sanang mapag-isa." sabi ko. Hindi ito umimik.
"Makakaalis ka na Gel..." taboy ko sa kanya ngunit hindi ito natinag.
"Isipin mo nalang, wala ako dito." Sabi niya. Hindi nalang din ako kumibo.
" Ang problema, mas gumagaan kapag may napagsasabihan ka." wika ulit nito. Nilingon ko siya, saka ako ngumiti.
"Okay lang ako Gel, huwag kang mag-alala kapag di ko na kaya, kayo ni Ashlee ang una kong sasabihan."
" Sabi mo yan ah. Tara may pagdadalhan ako saiyo." hinila na niya ang kamay ko. Napasunod nalang ako sa kanya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Diyan lang, sigurado ako na makakalimutan mo ang kung ano mang problema mo." nagpatianod nalang ako dito.
"Hindi naman ako mapapahamak diyan no?" usisa ko pa.
"Of course miss Gisa..." napangiwi ako.
"Kailangan ba mamention ang apilyedo ko mr. Ordinario?" tanong ko. Hindi tuloy namin mapigilang tumawa. Dinala niya ako sa isang restobar. Ang tahimik lang sa labas nito pero nalula ako pagkapasok dahil madami palang tao sa loob niya. Resto pero bakit parang casino naman? sabi ko sa isip-isip ko.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.
"Mag-iinom tayo... " wika niya saka kumindat. Biglang sumikdo ang dibdib ko.
"Hindi ako umiinom. Tsaka mukhang pangmayaman lang dito."
"Huwag kang mag-alala. Kakilala ko ang may-ari dito." hinila ulit niya ako sa may bar tender. Napatigil pa ang mga staffs nang makita kami ni Rogelio.
"Sir..." bigla itong tumigil.
"Good evening sir." nakatingin sila sa kamay naming dalawa. Bigla ko nalang itong nahila. Lumapit naman si Rogelio dito.
"Saglit lang ha..." may ibinulong siya sa isang staff.
"Tara, sa taas tayo." hinila ulit niya ako.
"Hindi kaya magtampo si Ashlee?" bigla kong naalala ang kaibigan ko.
"Hindi yan, akong bahala sa kanya." sabi lang nito. May napansin ako sa kanya...
"You're not a gay right?" nagulat ito, pero hindi umimik. Napatawa ako sa reaction niya.
"Joke lang." sabi ko.
"No..." napatingin ako sa kanya...
"Anong no?" tanong ko.
"Nothing..." maikling sagot niya.
"Gel, saan ang powder room?" bigla akong naihi.
" Labas ka lang sa pintong to left side." saad niya. Sinunod ko naman ang sinabi nito. Nasa loob na ako ng cubicle nong may narinig akong nag-uusap.
"Ngayon lang nagdala si Sir nang babae dito. Mukhang tomboy pa." girl 1
"Kaya nga, sayang ang kapogihan ni sir." girl 2
"Sa palagay mo girlfriend kaya niya yun?" girl 1
"Ewan ko lang. Alam kaya ni Mr. Tan na nagdala ng babae dito si Sir Rogelio?" tanong ng isang babae. Sa pangalang binanggit ako napaisip. Such a coincidence lang kaya.?
"Kahit naman malaman nila eh ayos lang naman. Tsaka isa pa, sa yaman ni sir Rogelio kaya na niyang buhayin ang pamilya niya kung sakali man. Ikaw ba naman ang anak ng isang Tan." hindi naman Tan si Rogelio. Rason ko pa sa sarili ko. Ordinario kaya yun.
Inantay kong makalabas sila bago ako sumunod. Palaisipan pa rin sa akin ang narinig ko.
Pagbalik ko sa pwesto namin ni Rogelio ay may kausap itong babae. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako nakita.
"My friend need me right now, I can't just leave her here alone." narinig kong sabi nito.
"But Sir, pinapatawag po kayo ng papa niyo." sabi naman ng babae.
"Alam ba ni Dad na nandito ako sa resto?" tanong pa niya.
"Mr. Tan knows that you are here sir, but he said it's urgent." Sino ka ba talaga Rogelio... bakit parang hindi ikaw ang Rogelio na pinakilala sa akin ni Ashlee.
Nagdesisyon akong agawin ang atensyon nila.
"Ahm okay lang Gel. Pwede naman akong umuwi nalang." sabi ko sa kanila.
"But..." nginitihan ko siya.
"Ayos lang ako. Kung may importante kang pupuntahan, unahin mo muna iyon." saad ko.
"Sir excuse me. I will leave first." paalam ng babae.
"Tell my father, I will go home after I drop Camille in their house." bilin niya dito.
"Babawi ako sa iyo sa susunod Cams." Lumabas na kami ng sabay. Ayaw matahimik nang utak ko habang binabagtas namin ang daan papunta sa bahay kaya pinili kong tanungin nalang siya.
"Gel, kanino iyong resto na iyon?" hindi ito umimik. Hindi ko alam kung nagbibingi-bingihan ba siya or hindi talaga niya narinig.
"Gel, Ikaw ba si Rogelio Tan?" bigla niyang naipreno ang sasakyan niya. Palatandaang narinig nga niya ako.
"Let's talk about that in some other days Cams..." saad niya.
"So kayo ang may-ari ng resto?" pangungulit ko.
"Cams..." sabi niya. Bakit pakiramdam ko ang swerte ko sa araw na ito. Napakarami ko yatang iisipin ngayon. Si nanay, si Charmaine, Ashlee at Rogelio... Anong kamalasan ba ang sumapi sa akin?
"Alam ba ni Ashlee na nagpapanggap ka talagang bakla?" hindi na naman ito kumibo.
"Alam din ba niya na hindi totoong Ordinario ang apilyedo mo?" wala pa ring kibo.
"At alam din ba niyang hindi ikaw iyong Rogelio na inaakala niyang simpleng tao?" doon na siya hindi makatingin sa akin.
"Niloloko mo lang ba siya?" muling tanong ko.
"Rogelio tinatanong kita. Pinagloloko mo lang ba ang kaibigan ko?" pinaandar lang niya ulit ang sasakyan niya.
"Itabi mo ang sasakyan!" medyo madilim na pero wala akong pakialam.
"Sabi ko, itabi mo ang sasakyan!" madiing wika ko. Itinigil naman niya ito.
"Cams, sasabihin ko naman sa inyo, pero hindi ko lang alam kung paano." binuksan ko ang pinto.
"Sinungaling ka. Niloloko mo lang pala kami. Tama nga ako na sinasamantala mo ang kabaitan ng kaibigan ko." Pabalibag kong isinara ang pinto nito pagkababa ko. Sakto namang may dumaang taxi. Pinara ko agad ito... Sari-sari na ang iniisip ko. May problema na nga kami sa bahay. Dumagdag pa ang sinungaling na iyon.