Camille Pov "Camille, your Dad will fetch you. Rafaella is looking for you anyway, ayaw niya tumigil kakaiyak." kasalukuyan akong nasa opisina nong tumawag si mommy. "Mommy may driver naman tayo." sagot ko. "Wala iyong driver, may sakit iyong asawa kaya umuwi muna." tinignan ko ang kalendaryo. "Mom, just go with dad and Rafaella. We will visit him. Magpapahatid nalang ako sa company driver dito." nagpaalam na din ako agad sa kanya. Dadaan pa akong flower shop para sa order na bulaklak. Tatlong taon na din pala ang dumaan. Tinignan ko ang painting na nakasabit sa opisina ko. Ito ang kahuli-hulihang obra niya bago siya tuluyang makalimot. "Sweetie, I have a gift for you." "What is it Tart?" "It's a surprise so close your eyes." "Tart naman eh, kailangan pa ba yun?" "Yes of course,

