Chapter 12

2477 Words
Camille POV Hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil sa mismong party ni Hash ay nawalan ito ng malay. At ngayon ay papunta palang akong hospital para alamin kung ano na ba ang kalagayan niya. Hindi ako kailanman nagsisisi na iniwan ko siya sa aking kaibigan ko dahil lahat ng nais niya ay naibigay nila sa kanya. Selfish na ako kung selfish pero alam kong hindi ako magiging mabuting ina sa kanya. Throwback...  "Hindi po kayo pwedeng ma-istress dahil maselan po ang inyong pagbubuntis misis Aragon." aniya ng doctor ni Ashlee. Ngunit hindi pa man nagtagal ay nakunan na ito na labis niyang dinamdam. Awang-awa ako sa kaniya. At doon ko din nalaman na buntis din pala ako. Kaya nagdesisyon akong lalayo na muna pansamantala bago ako manganak. Walang sino man ang nakakaalam na buntis ako maliban nalang sa kapatid kong si Charmaine. "Napakawalang kwenta mong ina." galit na bulyaw sa akin ng aking kapatid nong  nalaman niya ang ginawa ko.  "Kailangan kong gawin iyon. Paano ko pa kayo matutulungan kung may bata akong iniintindi?' balik na sagot ko naman sa kanya. "Ang sabihin mo mahina ka. Saan mo dinala ang pamangkin ko? Kukunin ko siya kung di mo kayang tumayong ina sa kanya." Galit  pa rin niyang sabi. "Charmaine, unawain mo naman ako. Ginawa ko ito para din sa kinabukasan niya. Dahil alam kong mas mapapabuti siya dun." pagrarason ko. "Sana balang araw hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mo. Malaki ang respeto ko saiyo ate pero sa pagkakataong ito maling-mali ang ginawa mo. Kung wala ka rin naman palang balak na alagaan siya sana noong nasa sinapupunan mo palang siya ay pinatanggal mo na."  Mahabang litanya niya.  masakit naman sa parte ko  na iwan ang anak ko pero kailangan kong gawin iyon. At isa pa malaking tulong na din ang pag-iwan ko sa kanya dahil alam kong mamahalin siya nito ng totoo. Ngunit hindi ko akalain na  may masmalala pa pala akong haharaping pagsubok. "Anong anak? At sinong pamangkin ang sinasabi niyo?" boses ng aming ina na bigla nalang lumitaw sa kung saan. Parehas kaming di nakakilos ng aking kapatid lalo na nong makita naming kasama niya ang isa pa naming kapatid na lalaki. "Tinatanong ko kayo, sino ang tinutukoy niyo na kukunin mo Camille?" ulit pa niya. "Ah, eh, ano kasi nay kukunin ko kasi ung anak ko sa hipag ko. Naiwan kasi siya dun kanina." Tinignan niya kaming dalawa na parang sinusukat kung totoo ba iyong sagot ni Charmaine. Tumango naman ako. Pero bumaba ang tingin niya sa aking tiyan. Naalala ko hindi nga pala ako nakasuot ng girdle. Pinaliit ko ito pero huli na. "Camille?" tanong ni nanay. "Nay, bakit po?" tanong ko din. Agad namang sumingit si Charmaine. "Ah Nay, may meryenda po sa kusina kain po muna kayo. Nagluto ako ng sopas." "Camille, lumapit ka nga sa akin?" kinakabahan akong napatingin sa kapatid ko pero katulad niya ay takot din. Si nanay na ang lumapit sa akin at iniangat ang aking damit. napapikit nalang ako. "Nagbuntis ka?" tanong niya. Hindi ako sumagot. "Nasaan ang bata?" tanong pa ulit niya na hindi ko din masagot. "Tinatanong kita nasaan ang apo ko?" Bulyaw na niya sa akin na nagpahina sa loob ko. Don na ako umiyak. "Ano nasaan ang apo ko, sumagot ka. At sino ang nakabuntis saiyo?" niyugyog niya ang balikat ko. Panay hikbi lang kaya kong isagot. "Charmaine, kukunin natin ang apo ko. Hindi ko kayo pinalaki para abandonahin niyo ang mga anak niyo." "Hindi ko din po alam kung nasaan Nay." Sagot nito. Isang mag-asawang sampal ang pinakawalan niya sa pisngi ko. "Kung wala kang maiuwing bata. kalimutan mo nalang na naging anak kita." Iyon lang ang sinabi nito saka mabilis na lumabas ng bahay nila Charmaine. "Ate, pasensya na pero hindi din ako pabor sa ginawa mo. Kahit ano pa man ang dahilan mo ay hindi tamang iwan mo ang pamangkin namin sa ama niya o sa kung kanino man." sabi naman ng nakababatang kapatid naming lalaki. Alam ko hindi nila ako maintindihan pero para sa ikabubuti ng anak ko ang ginawa ko kaya kahit napakasakit ay titiisin ko ang lahat. Dumaan ang ilang taon na hindi ako kinausap ni nanay at ng kapatid ko. Tinatanggap din naman nila ang monthly allowance na pinapadala ko pero alam kong galit parin sila sa akin. Tanging si Charmaine lang ang nakakaalang mangamusta sa akin. Namuhay akong mag-isa katulad ng dati. Sinarili ko ang lahat. Napatapos ko na din naman lahat ng sila. Nong graduation nang bunso namin ay nakontento nalang ako sa pagtanaw dahil kahit anino ko ay ayaw makita ni nanay. "Mam nandito na po tayo." Boses ng taxi driver ang pumukaw sa pagbabalik tanaw ko. "Heto po ang bayad ko manong. Salamat po." Nagmamadali akong pumasok ng hospital. Naabutan kong umiiyak si, Ashlee. "K-kumusta na si Hash?" tanong ko dito. "Cams..." Umiiyak pa rin ito kaya pinili kong wag na muna mag-usisa. Niyakap ko na lamang ito. Taimtim akong nanalangin na sana hindi malala ang kung ano mang sakit ng anak ko. Dumating si Hammer na parang problemado. "Hammer kumusta ang bata?" Usisa ko. Umiling ito saka niyakap ang asawa. "Sshhh stop crying. He will be okay. We can find a donor." Nanginig ako sa aking narinig. "A'anong Donor at bakit kailangan ng donor?" Hindi ko mapigilang magtanong. "Hash is sick." maikling sagot nito. "Camille, can you bring us water please?" Tumango ako sa kaniya. Naglalakad ako papunta sa canteen na wala sa sariling isip. Bumalik din akong ang tanging tumatakbo sa aking utak ay si Hash. Pinihit ko ang seradura ng kwarto nong di sinasadya ay narinig ko ang pag-uusap ng doctor at ang mag-asawa. "Leukemia? M-may leukemia si Hash?" Yan ang tanging nasambit ko. At di ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. "May history po ba kayo ng leukemia Mr. and Mrs. Aragon?" Narinig kong tanong ng doctor. Wala sa sariling sinagot ko ito. "Yes." Kumunot ang noo ng mag-asawa sa biglang pagsagot ko. Nagtaka ang mga ito. "I'm sorry..." sagot ko nalang saka ako mabilis na nagtatakbo palabas ng kwaro. Dinala ako ng mga paa ko sa loob ng chapel ng hospital. Doon ako nanalangin ng taimtim na sana bigyan pa ng pangalawang pagkakataon ang anak ko na mabuhay ng matagal. Hindi ko kakayanin kung tuluyan siyang mawala sa amin. Mahal na mahal ko ang anak ko. Kontento na ako sa mga panahong nakakasama ko siya. Alam ko na madami akong pagkukulang at malaki ang nagaea kong kasalanan sa kanya pero lahat gagawin ko para lamang madugtungan ang kanyang buhay. Lupaypay ang balikat kong bumalik sa loob nang masalubong ko si Rogelio. Isang buwan na ang nakalipas simula naadmit ang anak ko pero wala parin itong pagbabago. Patuloy pa din naman akong nagtrabaho. Nasa kalagitnaan ng meeting ang aking boss na si Hammer nong tumawag si Ashlee. "Cams busy ba ang asawa ko?" tanong nito sa kabilang linya. "Nagkaroon ng biglaang meeting Ash, sasabihan ko nalang siya mamaya nan tumawag ka. Kamusta na pala si Hash" tanong ko. "He needs bone marrow transplant Cams..." Hindi ako umimik. "Pakisabihan nalang siya Cams na mag-inquire siya sa mga kakilala niya kung may alam silang willing maging donor ni Ha..." hinndi ko na pinatapos ang kung ano mang sasabihin niya. "Ako Ash, willing akong maging donor niya." Hindi ito agad nakaimik. "Thank you Cams." Tanging saad niya. "For Hash Cams I will do everything..." Bahala na kung anong isipin nila, Basta gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Kinabukasan ay agad akong nagtungo sa hospital. Ilang linggo na din ang nakararaan simula nong huling dumalaw ako. Hindi ko kayang nakikitang nahihirapan ang anak ko kaya nakontento nalang ako sa mga balitang nanggagaling kay Hammer. Agad akong dumiretso sa laboratory para magpatests. "Yes, po mam?" tanong ng nurse. "Ahm miss saan po ba pwedeng magpatests ang mga donor for bone marrow?" Tanong ko. "Dito po mam. Ano pong name ng patient?" " Hash Aragon po." Tinignan ako nito saka niya tinignan ang monitor. Okay po mam pakifill up lang po ito. May inabot itong form sa akin. Pagkatapos kong magfill-up ay sinabihan akong mag-antay lang ako saglit. Tatawagan nalang daw ang pangalan ko. Palabas na sana ako nung tawagin ulit ako ng nurse. "Mam relation to the patient po?" Hindi ako sumagot. "Mam?" ulit niya. "Pakilagay nalang miss, Auntie." sagot ko. Umuwi na din naman ako pagkatapos. Babalik nalang ako bukas. Sana magmatch kami. Yan lang ang lagi kong usal. Kinabukasan maaga palang ay agad na akong naghanda para kunin ang result ng test. Pero nanghina ako pagkatapos kong makuha ito sa laboratory. Nanlulumong tinahak ko ang daan tungo sa kwarto ni Hash. Lalo akong nanlumo sa nakita ko dahil sobrang bumagsak na ang katawan nito. Ang dating masayahin, bibo at active na active na bata ay wala na. Nag-uusap sila ni Ashlee. Nasasaktan ako sa mga daing niya. Kung pwedeng ako nalang sana. handa akong akuin lahat ng sakit na nararamdaman niya. Napalingon sa gawi ko ang aking kaibigan. Hindi nagtagal ay nagpaalam ito sa bata. "Let's talk." Kinabahan ako sa tono ng pananalita nito. Hinila niya ako sa parte na hindi gaanong maririnig ni Hash. "Now speak..." Hindi ko maintindihan ang tinutumbok nito. "Hindi kami match..." umiyak na ako na lalong ikinabigla niya. "Me either..." Sagot din niya. "I want to save him..." Humihikbing saad ko. "I want to save him too as much as you want but tell me... Ikaw ba ang nag-iwan sa kaniya noon?" Wala na akong rason para maglihim pa kaya napahagulgol nalang ako. "Napakairresponsable mo!" Katulad nila nanay ay sobra din ang galit nito. Nagkamali nga ba ako ng desisyon? Mali ba na iniwan ko siya? Mali ba na mas inisip ko ang kapakanan niya noong panahong sobrang depress siya dahil sa pagkawala ng anak nila ni Hammer? Mali ba na mas ginusto kong mas mabigyan siya ng magandang buhay kapag nasa poder siya nito? "Help him Ash I'm begging you..." Lumuhod na ako sa kaniya sa pagmamakaawa. Nakatingala ito na parang ayaw niya akong tignan. "Who is the father? And why did you abandoned him?" Tanong niya na hindi ko din masagot. "Dahil mas maganda ang buhay niya kapag nasa saiyo siya..." Sagot ko. "And do you think that is acceptable? Nakita mo kung anong klase ng pamilya ang kinalakhan ko. Pero ginawa mo din sa anak mo ang ginawa sa akin ng magulang ko Camille. Mas naiintindihan ko pa sila eh kesa sa rason mo..." tumigil ito... "Sila Camille inabandona nila ako just to save me from my grandfather because of that damn beliefs... but you! I don't know what kind of a mother you are!" Dinuro-duro ako nito... At Tama siya, tama sila dahil wala akong kwentang ina. "You abandoned him because of poverty!" umiyak lang ako ng umiyak. Tinanggap ko lahat ng mga sinabi niya dahil totoo naman lahat ng ito. "I'm sorry..." Tanging wika ko. "You're sorry? Sabihin mo iyan sa anak KO! And yes, ANAK KO dahil wala kang kwentang ina!" "Ash hindi ko kayo guguluhin at lalong wala akong balak kunin siya sa inyo. Pero Ash please... I'm begging you, please help him..." "Don't worry dahil sabihin mo man yan o hindi, ay talagang gagawa kami ng paraan para mailigtas siya... Because we are his parents. And parents will not choose to abandon their child just because of poverty." Wala na akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. "Now tell me who is the father?" Umiling ako. "Ayaw mo ba siyang maligtas?" Tanong ulit niya. "Gusto ko Ash, gustong-gusto ko." She smirked. "Isa lang ang taong pwedeng makakapagligtas sa kanya. And that's his father...Who is he?" Umiling na naman ako habang umiiyak. "Okay makakaalis ka na...and never ever show your face again in front of my son!"Saad nito saka ako pinagtulakan palabas. Napansin kong paparating si Rogelio kaya... "Si Rogelio..." Bigla kong nasambit. napatingin din naman agad ito sa paparating na lalaki. "Si Rogelio ang ama niya?" Tanong nito. "Rogelio Tan??? My cousin?" Paniniguro niya na tinanguan ko. Sakto namang nakalapit ito sa amin. "I heard my name. What is it, sweetheart?" Humalik ito sa pisngi ni Ash. Samantalang tinignan lamang niya ako. Kakalabas lamang ito nito galing laboratory para kunin ang result ng tests niya. Isang mag-asawang sampal ang pinadapo ni Ash sa pisngi nito na labis naman niyang ikinabigla. "Hey para saan yun?" Pero sinampal siya ulit nito. "Ash that's too much. Why did you slap me? Anong kasalanan ko and why are you two crying? Is Hash okay?" Sunod-sunod na tanong nito na may halong pagtataka. "Napakataas ng tingin ko saiyo pero anong ginawa mo?" Bulyaw ni Ashlee sa kanya. Itinulak niya kaming dalawa palabas ng pinto. Isinarado ko ang pinto. "Hindi kita maintindihan, ano bang nangyayari?" "Anong nangyayari? Bakit hindi mo tanungin diyan sa lintik mong p*********i kung ano bang ginawa mo?" "Huwag mo akong pahulain Ash. Bakit mo ba ako sinampal at bakit kayo umiiyak? Kamusta na ba ang anak mo?" Hindi ako makaimik kaya hinahayaan ko lang sila. Alam ko ano mang oras malalaman na nito ang totoo. At hindi ko alam kung paanong paliwanag ang gagawin ko at kung anong masasakit na salita din ang pwede niyang sabihin sa akin. Sakto namang may lumabas na doctor galing laboratory. Lumapit ito sa amin. "Excuse me Mr. Tan, Mrs. Aragon..." Nakangiti nitong sabi. "I would like to congratulate you. May bone marrow donor na ang anak ninyo. And you should thank Mr.Tan dahil nagmatch po silang dalawa." Nakahinga ako ng maluwag. Sobrang saya ko sa ibinalita sa amin. Umalis na din naman agad ang doctor para maihanda na daw si Hash. "Did you hear that?" Nang-uuyam na tanong ni Ashlee. Tatalilis na sana ako ng alis pero maagap niya akong pinigilan. "Yes, and I am happy na makakatulong ako sa anak mo kahit na sinampal mo ako ng walang dahilan." Sabi niya. "You!" turo niya sa akin. "Stay here, and yes, of course, magmamatch talaga kayo dahil anak mo siya Rogelio. Anak mo si Hash, naririnig mo ba?" Pagtataka ang rumehistro sa mukha nito. "I didn't f**k you Ash,bso how come na magkakaanak ako saiyo." Natatawa namang sagot ng isa. "Damn you, I have no plans to spread my legs to my own cousin but you! You just f**k our friend and run away ha! Don't you have balls?" Gulat, pagkalito ang mga tinging ipinukol nito sa akin. "What do you mean?" Tanong niya. napalingon siya sa akin. "Camille, tell me... nabuntis ba kita?" Umiiyak akong lumapit sa kaniya. Sinampal ko siya ng pagkalakas-lakas. "Yes, nabuntis mo siya. At ang anak niyo iniwan niya sa akin. Hayan siya, pagmasdan niyo ang anak niyo! Bagay nga kayo... mga irresponsable!" Nakatulala lang si Rogelio. Habang tinatanong ang sarili. "I have a child? How? But why?" Humagulgol ito ng iyak habang nalilitong nakatingin kay Hash. "Explain to me, Camille!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD