Part 8

1128 Words
Pagkarating ni Ali sa trabaho ay bahagya siyang nasurpresa nang makita si Veronica sa loob ng malawak na opisina ng Marketing department. Kausap ito ni Sharon at Brenda, kung magtawanan ang tatlong babae ay wari matagal na itong magkakilala. Nakaupo pa ang kalahating puwet ni Veronica sa lamesa ng huli. "Hi, Sir." Dahil si Brenda ang nakaupo paharap sa pintuan kung saan siya naroon, ito ang unang nakakita sa kanya. Nagtigil ang pagnganga nito at tumayo para batiin siya. Natahimik na rin ang dalawang babae. "Oh, Ali!" bati ni Veronica suot ang matamis na ngiti. The woman's voluptuous hour glass figure molded under her maroon coctail dress. Her 5'6 height looked more prominent with a pair of nude plumped shoes. "Veronica? Hi! Good morning." "I just had a small morning chat with your team leaders, para mas magana ang umaga nila." "Oh, okay. But, why the visit early in the morning?" Nakatayo pa rin si Ali malapit sa pintuan bitbit ang attache case. "A, I just want to take a look at the office. Para mas ma-familiarized ko ang buong lugar. Para mas madali sa akin pumunta sa iba-ibang parts dito. At the same time  eyeing a nice corner where I could lay my table and stuff." "What do you mean eyeing? Oh, sorry. How rude of me. Please, come. We'll continue inside." Nauna nang naglakad si Ali papunta sa sariling opisina, ang babae naman ay daig pa ang isang modelo sa pagkendeng ng pang-upo sa paglalakad. Maging ang mga babaeng kanina ay kausap nito, napapatingin. "Ang sexy, I envy her so much!" saad ni Sharon na nakasunod pa rin ng tingin. "They're perfect. Tingnan mo sila." Si Brenda naman. "'Wag kang ganyan, may asawa na si Sir. Baka gawan pa ng issue iyan dito o matukso, maging rason pa ng away mag-asawa." "Nakita mo na ba ang wife ni Sir? Hindi ko pa name-meet eversince. Nagka-anak na siya at lahat-lahat pero kahit buhok ng wife niya hindi pa naipakilala rito." "No, hindi pa rin. Pero ang balita ko mas bata sa kanya." "Hmmn, no wonder. Sa guwapo niyang ganyan, maraming maghahabol sa kanya." "Mabuti na rin na nag-settle down siya, nabawasan ang pagka-terror. Noon, jusko Lord!" "Please, have a seat," yaya ni Ali sa babae na tinanggap naman nito habang siya ay inilagay ang mga gamit sa lamesa. "Which do you prefer for a drink? Coffee, tea, juice?" "Thanks! But I just had my coffee." "Oh, alright." Hinila niya ang swivel chair at pumuwesto roon. "But, you know, Ali, you don't have to act so formal to me." Hindi man nakaligtas sa pandinig niya ang paggamit nito ng kanyang first name pero hindi na niya pinansin. "Why is that?" "Because from now on, I will be spending more often here." Ngumiti si Ali pero makikita sa kanyang mukha ang pagka-alanganin. "I'm not sure if I understood it correctly." "I will be having an office in Wills'. Magiging magkapitbahay na tayo." "Oh." "Yes, I filed a request from the ups, kasi since counterpart naman kita at kailangan ang regular and thorough communication between us, might as well work in one office. Magre-report ako at least two to three times in a week dito." "Thats--great!" saad ni Ali na ngumiti. "May napili ka na bang magandang puwesto para sa magiging office mo?" "Yes, there"--Itinuro nito ang gilid ng kanyang office--"adjacent to yours." "Hmmn, alright," sabi niya na tumangu-tango. "So, welcome to Wills'!" "We should celebrate it with the team, mine and yours. A drinking party, dinner? Yes?" "Sure, sure. I'm looking forward to having you here." "Great! So, maiwan na muna kita. Babalik pa ako sa JLC." Magkasabay silang tumayo, pinauna niya ang babae na makalabas ng opisina at sumunod para ihatid ito. *** Ilang araw lang ay nagawa na kaagad ang opisinang ni-request ng babae at nang gabi ring iyon, idinaos ang drinking party na pinamunuan nito. "Welcome everyone! Ang purpose ng party na ito is for you to know everybody, since simula ngayon we will be working together. The JLC and Wills' Marketing team will become one in this project. Bond with each other, make friends and just enjoy the night guys," saad ni Veronica. "For a start, let me introduce myself formally sa inyo kahit alam kong may nakakakilala na sa akin. My name's Veronica Lao, the marketing manager of JLC. I am thirty three and been working in this industry for six years." "Ma'am, single ka pa po ba?" tanong ng isang lalaking empleyado na galing sa Wills'. "Yes, I am single." Napa 'oooh' ang mga naroroon maging ang mga babae na hindi maitago ang hanga sa mga mata. Ngumiti naman si Veronica at sumulyap kay Ali na tahimik pang na nakaupo sa gilid. "Please tumayo ang mga napapabilang sa team ko at ipakilala ninyo ang isa't-isa. Starting from you Patrick," turo ng babae sa lalaking nakaputi ng polo na nakaupo sa kanan nito. Napuno ng palakpakan ang silid matapos magpakilala ang mga empleyado. Nang matapos nang magpakilala ang team ng JLC, tumayo naman si Ali. Napatingala ang mga babaeng galing sa JLC at napatulala habang nakikinig sa kanyang pagpapakilala. "Hello." His baritone voice made those women's eyes sparked in admiration. Tahimik ang lahat habang patuloy siyang nagsasalita. "I am Ali Marzouq--" "Sir, do you have a girlfriend? Can we apply?" Sinundan ang tanong na iyon ng giggles ng mga babaeng wari ay ganoon din ang iniisip. Hindi nga lang makatanong nang diretsa. Naiwan sa lalamunan niya ang sasabihin dahil sa narinig. Dahil marami ang nakaupo roon, hindi na niya matukoy kung sino ang nagsalita. Napangiti si Ali bago inilagay ang ikinuyom na palad malapit sa bibig at umubo nang mahina. To clear his throat. "I'm married." Gusto niyang mapailing nang makita ang obvious frustration sa mga mukha nito. Ang iba ay dramatic pang inilaglag ang mga balikat to express their disappointments. Ang mga lalaki naman ay ngumisi. "Sir, let us guess your age!" rinig niyang sabi ng isang babae. "Wow, guessing game! Ano'ng prizes?" sagot ni Brenda. "Hug from Sir Ali!" sagot ng isang pang babae na hindi pa niya kilala. Nagtawanan naman ang mga ito. "Alright, you guess. Kung sino ang mananalo, may premyo. But not the hug." "Sir, 37!" anang mahaba ang buhok. "Another one?" "What?" saad nito na tumingin sa katabi. Ang mga empleyado niya ay tahimik lang sa tabi habang ngingisi-ngisi. "Higher or lower, Sir?" "I don't know. You guess." "39?" Lalaki naman ang nagsabi niyon. "No," iling niya. "Forty three," saad ni Veronica na ngumiti. Ang mga mata ay matamang hinuhuli ang kanyang titig. Ali felt a slight awkwardness pero idinaan niya sa ngiti. "No." Tumaas ang kilay ni Veronica and motioned her lips to say a silent 'Oh'. "Pass na lang, Sir!" saad ni Patrick. "Okay, I'm forty six and I have a baby boy. I am the marketing manager of Wills'. From now on, Miss Lao and I will be your guide as we work with this project. We are expecting your utmost cooperation regarding this matter. Once again, to everyone, welcome! Isang malakas na palakpakan ang ibinigay sa kanya bago sinimulan ang pagpapakilala ng kanyang team.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD