Part 9

1612 Words
Ipinilig ni Ali ang ulo bago lumabas ng kotse. Mabuti at nai-park niya nang mabuti iyon sa loob ng gate sa kabila ng umiikot nang paningin. The party lasted for a couple of hours at napasarap ang inuman. Everybody was enjoying and the main purpose--which was to bring an air of bond for the two the teams--was a success. Ala una na ng madaling araw siya nakauwi kaya tahimik na ang subdivision lalo ang bahay, so Ali did his best not to create unnecessary noise to wake everybody up. Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng bottled water sa chiller, tinuluy-tuloy ang pagtungga dahil tila hinipan ng malakas na hangin ang kanyang lalamunan, sa tuyot. "Ali." Halos mabilaukan ang lalaki sa gulat nang bigla ay may nasalita sa bungad ng kusina kung saan nakatalikod siya. Pakiramdam niya ay pumasok ang lahat ng kanyang ininom hindi sa tiyan kundi sa baga. Tuloy-tuloy ang kanyang pag-ubo. Hagod pa rin ang dibdib, nilapitan niya ang asawa at hinagkan sa mga labi. "Baby." "Uminom ka?" "Yeah, a little. Get together ng mga teams ng kompanya." Tinapon niya sa malaking trash bin na nasa ilalim ng sink ang wala nang laman na botelya. "Hindi ko alam," sabi ni Julia. "Really?" aniyang nabahiran ng surpresa ang mukha. "I thought I informed you." "No, you didn't. Kaya hinintay ko ang pagdating mo." Her words became stiffer. "I'm sorry. Nakaligtaan kong sabihin sa 'yo." "I'm sleeping first." Tumalikod ang babae at nagmartsa palayo. Sumunod naman siya sa kuwarto at nilapitan ang crib kung saan mahimbing na natutulog si CJ. "Kumusta ang araw ng mag-ina ko?" "Maglinis ka ng katawan bago mo hawakan si baby." "Yes, okay." Lumayo siya sa crib at hinubad ang damit. "Wait for me, Julia." "Matutulog na 'ko," sabi ng kanyang asawa at tumalikod ng higa. Alam niyang nagtatampo ito dahil sa hindi niya pagsabi tungkol sa party. Well, she has the right. Mali niya iyon. Nawala lang talaga sa isip niya dahil at first, hindi iyon sigurado until yesterday. Tuluyan nang pumasok si Ali sa banyo at binuksan ang valve ng shower. Itinapat ang sarili sa maliliit na tubig na mabilis na bumabagsak. He hoped na sana walang hang over kinabukasan. *** "Hi Ali!" bungad ni Veronica sa kanyang opisina. "Hi, Ms. Lao. Good morning." Nahawaan na rin siya sa puno ng energy nitong bati. "Oh no. Just Veronica or Veron, Ali. Masyadong formal ang Ms. Lao. I prefer being casual lalo kapag nakakasama ko naman halos araw-araw." "Alright...Veronica." "You want coffee? Magpapakuha ako kay Brenda." "Im fine, thanks. I already had mine at home. By the way, what's up?" "Hmn, Mr. Conchi and Mr. Belmar wanted to meet us this evening. A dinner meeting." Ang dalawang manager ng Research and Development ang tinutukoy nito. "Kasi may mga gusto silang i-stressed na details para idagdag sa design. Para daw sa theme ng vision ng project. Nagbigay siya ng ilang samples and I asked Philip to research kung anu-ano ang mga materials na kakailanganin para maka-come-up ng ganoon. Para mamaya, may idea na tayo how will it work. Ibibigay ko sa iyo later ang copy for review." "That's great! I'll look into it." "Sige, I'll be in my office. Call me whenever you need something. And oh! I'll look forward to our area survey." Nakangiting tumango si Ali kaya tumalikod na rin si Veronica at lumabas ng kuwarto. Mas magaan pala talaga ang trabaho kapag may karamay. Veronica is a competent colleague, the two of them have good relationship as counterparts, gayundin ang dalawang kompanya. Kaya inaasahan niya ang magandang resulta ng project. But having that needed a great time and effort from the entire team. Hindi maiiwasan ang madalas na meetings, overtime and out of town appointments. "Ali, tingnan mo ang site na 'yan. What do you think?" tanong ni Veronica isang araw habang ginagawa nila ang area survey. "Electronic billboard is better in this area dahil malapit sa tawiran ng mga tao. Crowds of people pass by everyday." Sabi ni Ali. One hand rested on his waist and the other was waving in the air while uttering his opinions. "Exactly, iyon din ang naisip ko noong nadaanan ko ang lugar na ito the other day. And since malaki pa ang space na iyan"--itinuro nito ang isang building na napapagitnaan ng magkasangay na daan--"perfect na diyan ilagay ang electronic billboard natin." "We'll consider that. I hope, mapapapayag agad natin ang may-ari ng building." "Leave the negotiation to me," Veronica said flashing a lopsided smile. Two weeks after, pagkatapos nilang mai-report ang mga nakalap na impormasyon sa area survey, lumabas sa conference room na nakangiti ang dalawa. Their proposal was approved by the board. Ang sunod nilang gagawin ay ang ikompirma sa may-ari ng building ang paglalagay ng billboard. "A representative from our company will visit you soon with the contract, Mr. Wo," usal ni Ali sa proprietor ng building. "Thank you Mr. Marzouq, Ms. Lao. I am hoping to having a successful business partnership with you," sagot ni Mr. Wo na inilahad ang isang kamay para sa isang handshake. Ganoon din ang ginawa nito sa babae. Katulad ng ginawa nila sa case ni Mr. Wo, naghanap pa sila ng ibang magagandang site kung saan ilalagay ang ibang marketing ads. They made transactions with hotels, malls, airports and other establishments na makakatulong sa paglago ng bagong project. Dahil doon, hindi maiiwasan ang makasalamuha ng iba-ibang klase ng tao at karacter. "Sige, pag-iisipan ko iyan," anang lalaking nagngangalang Dante Montejo. Ang managing director ng isang building na nagpaparenta ng spaces for industrial purposes. "Please do, Sir," sabi ni Veronica at kumuha ng calling card mula sa bag at iniabot sa lalaki gamit ang dalawang kamay. "Let me know if you formulated your decision." "I will, Veronica." Hindi nakaligtas kay Ali ang malagkit na titig ng matandang lalaking kausap nila. Sa isang oras nga na kausap nila ito ay tila ang babae ang tanging nakikita. Kapag siya ang nagsasalita at may follow up questions ito, si Veronica ang tinatanong. Sanay na siya sa mga ganoong klaseng tao. People who loves women. Having Veronica in a negotiation especially with men client serves an essential benefit, aminado ang babae doon. In fact, ito mismo ang nagpresentang manguna sa conversation kapag lalaki ang kliyente. At siya naman kapag babae. Well, for him, it was quite inappropriate to use their gender as a tool to catch the clients' yes that's why when Veronica suggested that strategy, he objected. "Ali, let me show to you how effective it is. Ilang beses ko nang ginawa iyon," anito habang magkaharap silang kumakain sa isang restaurant. Galing sila sa area survey at nakaramdam pareho ng gutom kaya sumaglit na sila sa kainan. "Veronica, naniniwala ako na kung iniisip ng isang client na magandang makipag-tie up sa atin then papayag at papayag sila. Kapag hindi, then that's their real call. Whether babae man o lalaki ang kausap. Gender has nothing to do with this. Paano kapag nag-request na ikaw lang ang kakausapin?" "Basta ba nasa public places, wala naman sigurong mangyayari." "No. I'm against it. Okay, if it's me, sure. But you? No," mariing iling niya. Ngunit noong isang beses na nahirapan siyang ikumbinsi ang isang kliyente at nagpresenta si Veronica na kausapin ito nang masinsinan, pinagbigyan na niya. Pero hindi siya umalis sa harapan ng mga ito. He was indeed impressed when they got the positive answer. Magaling sa negotiations si Veronica. She's smart and witty pero may ginagawa itong gestures na alam niyang sadya para makuha ang interes ng kliyente. Hindi pa rin siya komportable sa ganoong set-up pero kapag nagpumilit si Veronica ay hindi na niya mahindian. Sinisiguro niya na lang na hindi mapapahamak ang kapareha. "I will call you," dagdag pa ni Mr. Montejo "Alright, we'll take our leave now," sabi naman ni Veronica. Paalis na silang dalawa ng babae sa opisina nang tawagin ulit ni Mr. Montejo si Veronica. "A, Ali, susunod agad ako. May ibibigay lang yata." "I'll be outside." "Kay." Pero dahil sa nakita kaninang kilos ng lalaki, napag-isipan ni Ali na huwag lumayo sa pintuan ng opisina. Nanatili lamang siyang nakatayo sa gilid niyon. Ang kaninang agam-agam para sa lalaking kliyente ay napatunayan after a couple of minutes, tunog ng naglalaglagang gamit ang umabot sa pandinig niya. Kaagad niyang binuksan ang pintuan ng opisina at napatiim-bagang nang makitang hawak Mr. Montejo ang braso ni Veronica. Sa hitsura ng dalawa, mukhang may nangyaring hilaan kaya nasagi ang mga gamit na nasa lamesa at napunta sa sahig. "Ali!" Veronica's face was bathed with horrified expression. Nanlalaki ang mga mata nito at nakakunot ang noo ngunit nang makita siya ay tila maiiyak na. "You sonofabitch!" Inilang hakbang niya ang harapan ng lamesa kung saan nakatayo ang dalawa saka binigwasan ang lalaki sa pisngi. Bumagsak ito sa sahig, sapo ang mukha. Hindi na niya nakita kung ano ang sunod nitong ginawa dahil hinila na niya si Veronica palabas ng opisina. Hanggang sa makapasok na sila ng kotse ay walang salitang lumabas sa bibig ni Ali. He was furious at nag-iinit ang buong kalamnan. Nagngangalit ang mga bagang na pinaandar niya ang kotse palayo sa kinaroroonan. He despises mad people especially those who targets weak women. Parang gusto niyang paliguan ng suntok ang buong mukha ng mga ito bago isuko sa mga awtoridad. Hindi niya maintindihan bakit kailangang humantong sa ganoon kung gusto lang naman nito ang isang babae. "Ali..." bigkas ni Veronica pagkuwan. Nanginginig pa ang mga kamay nitong mahigpit na nakahawak sa bag. "I told you, Veronica....I shouldn't have let you went inside alone." Naiinis din siya sa sarili dahil he's partly to blame for the incident. As a partner and a man, dapat ay sisiguraduhin ang safety ng kasamahan. "Akala ko naman kasi may sadya lang siya sandali." "Meron naman talaga. Ikaw! I'm never letting you be with male clients alone, from now on. We'll handle the transaction together, always. Pinili na lamang ng babae ang manahimik at humalukipkip sa inuupuan. "We'll pospone the area survey next week. Mag-focus muna tayo sa ibang bagay." "Okay," sabi ng babae na mahinang tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD