"I will consider your offer, Mr. Marzouq. Ngayon pa lang ako nakatanggap ng ganitong tie up. I really hadn't expected na magandang spot pala ang building ko for huge marketing ads kagaya ng sabi ninyo," saad ni Ms. Kelmy, isang biyudang Pinay na nakaasawa ng Amerikano. Veronica was almost sure that her fair smooth and flawless skin is a product of a high end clinic's service.
"Please do and give me a ring whenever you have decided. It'll be our pleasure to address any of your concern," sagot naman ni Ali.
"You can also have my number, Ma'am." Binigay ni Veronica ang kanyang calling card sa babae. Tinanggap naman nito iyon, binigyan pa siya ng maikling ngiti.
"I'll call you, Mr. Marzouq."
"I'll be expecting it." Ali flashed a bright smile before heading his way to the door. Hinatid sila ng babaeng kliyente.
"Akala ko ba ayaw mong gamitin ang charm natin sa business transactions," tanong ni Veronica nang makalabas na sila sa building.
"I haven't resorted to that Veronica," saad ni Ali na binuksan ang pintuan ng driver's seat.
"Ows? Iba ang nakikita ko kanina, e." Nabuksan na rin ni Veronica ang pintuan pero sinadya niyang huwag munang pumasok. Itinuokod niya ang mga braso sa bubong ng kotse at humarap kay Ali.
"I don't know what you are talking about," iiling-iling na sabi ni Ali. Yumuko na at tuluyang inukupa ang driver's seat. Umupo na rin siya sa tabi ito at sinara ang pintuan. "Gano'n ba ang type mong babae? Maputi?" A teasing grin played on Veronica's lips.
"Cut it off Veronica. I'm married."
"Ano? Nagtatanong lang naman. Sige na para may mapag-usapan tayo sa daan."
"Ano'ng hitsura ng asawa mo? Maputi ba?"
"Yes."
"Hmn, so maputi talaga ang mga type mo." Hindi sumagot si Ali, seryoso lang sa pagmamaneho pero tantiya naman niya ay hindi galit.
"Sa darating nating business party, isasama mo ba ang wife mo?"
"Hindi ko pa nasabi sa kanya ang tungkol d'yan."
"But it's next week."
"I'll ask her tonight kung sasama siya."
Veronica shrugged her shoulders. Napakalimitado talaga magsalita ng lalaking ito. Parang takot maglabas ng kahit na anong information sa buhay. She was exerting an extra of 10% bubbliness and enthusiasm whenever she's with him dahil kapag seryoso siya plus seryoso rin ito, magiging feeling burol ng patay ang pagsasama nila lagi sa katahimikan. Hindi pa yata na-introduce ang salitang 'joke' sa partner niya.
"Ali."
"Yes?"
"Knock knock!"
"What?"
Napatawa nang sunud-sunod si Veronica sa hitsura ni Ali. Wari nakarinig ito ng pinakawirdong salita sa araw na iyon. Tama nga siya, 0% ang humor nito.
Makaraan ang ilang araw, nakatanggap ng tawag si Ali mula kay Ms. Kemly.
"Anong sabi? Papayag siya?" tanong ni Veronica kay Ali. Nasa opisina sila noon. Siya ay nakaupo sa harap ng mesa ng lalaki.
"Not yet, may clarifications lang daw siya."
"Let the representative go there. Clarifications lang naman, kaya na iyan ng iba. May pupuntahan pa tayong client mamaya, 'di ba?"
"I have to see her personally, iyon ang sinabi ko, e. Baka mawalan na ng tiwala kapag iba ang gumawa."
"Kung ganoon man ang mangyari, nag-iinarte lang siya!" Nang hindi nag-react si Ali ay nanlaki ang mga mata ni Veronica. "For real? Pupunta ka? Baka ma-delay ang lakad natin dahil kay 'salamat doc' ha."
"Ano'ng salamat, Doc? I have to go." Tumayo na ito saka naglikom ng gamit. Naglagay ng ilang folders na naglalaman ng mahahalagang documents sa attache case.
"Fine, siyempre sasama ako sa 'yo."
Napangiti na lamang si Ali. "Then let's go."
Pagkarating sa isang restaurant na pagkakakitaan ng tatlo ay kita ni Veronica ang bahagyang paglukot ng noo ni Ms. Kemly nang makita siya. Veronica knew just what the woman was after, gusto lang nitong maimbitahan si Ali sa isang lunch. Hindi marahil nito inaaasahan na isasabay siya ng lalaki. Kung ganoon, magtiis ito sa beauty niya.
"Hi!" bati ni Ms. Kemly sa kanila. She was still surprisingly polite despite the unpleasant look earlier. Ewan niya kung nakita ba iyon ni Ali or nagpapatay-mali lang din. "Mabuti at nakarating kayo."
"Yes, of course," sagot niya na inapunan lang siya ng kagyat na tingin ng babae saka hinarap ulit ang kasama.
They dragged their own seats beside a round table covered with ivory sheet. Siya ay kinuha ang katabing upuan ni Ali habang ang huli naman ay kaharap ng kliyente.
"Ang sabi mo gusto malaman ang specifications ng contract? Pasensiya na kung hindi ko maipakita ang actual na kontrata prior to the deal but you can ask us whatever inquiries you have," anang lalaki nang makapuwesto.
"Oh, yes. I understand that. Gusto ko lang malinawan ang mga questions na bumabagabag sa akin before saying yes to you." Matamis na ngumiti ang babae. Wala man lang siyang nakitang fine lines sa makinis na mukha. The woman was wearing a white dress with blue floral designs.
Ms. Kelmy raised a few general questions na sa palagay ni Veronica ay hindi naman talaga iyon ang rason ng pag-iimbita nito. Tumikwas-tikwas ang kamay nitong halata rin ang puspusang pag-aalaga. Her long nails were coated with nail polish in a nude shade.
Ganoon kaya talaga ang type ni Ali sa babae? Napapaisip tuloy siya at mas na-curious sa pinakasalan ng lalaki. She heard she's pretty at bata pa, mukhang totoo base sa boses na narinig niya noon sa telepono. Her name was...Julia? But how pretty?
Ugh! Umaandar na naman ang p********e niya. Iyong tipong ayaw maungusan ng iba. She knows it isn't a good manner though.
"Alright, I'll sign the contract," nakangiting sabi ng babae kay Ali matapos masinsinang mag-usap. Siya, pahigup-higop lang ng juice sa gilid since ramdam niya ang pagka-out-of-place.
"Really? Thank you!" saad ni Ali na malapad ring napangiti. "I happen to bring the contract with me right now. Ayos lang ba sa inyong ngayon na natin i-settle ito?"
"Oh! You're quite an attentive man. Sure!"
"Thanks!" Matapos mapirmahan ang kontrata, naglabas si Ali ng isang kulay puting maliit na envelop mula sa attache case. "Before I forget, Will's will be having a business party next week and clients are special guests. I am hoping I could see you there."
Namilog ang mga mata ng babae habang tinitingnan ang sobre. "Sure, I'll go. I will see you there."
Tumikwas ang isang kilay ni Veronica sa liwanag na bumalot sa anyo ng babae sa narinig pero para hindi siya mahalata ay ngumiti na rin.
It was there success dahil tagumpay na naman nilang na-close ang isang transaction. Pero nanggigigil ang mga panga niya sa babaeng kaharap ngayon.
"Maraming salamat, Ms. Kelmy. It was nice having a transaction with you. We should go now, may hinahabol pa kaming another appointment," hindi na napigilang saad niya. Nagsasabi naman siya ng totoo.
"Yes, sure. You take care on your way there."
Tumalikod na kaagad siya para huwag ng madagdagan pa ang pagpapanatili nila roon.