"Manang," tawag ni Julia sa kasambahay habang dahan-dahang naglakad palabas ng sala. Si baby CJ ay natutulog pa kaya sumadya muna siya para maghanap ng gamot. "Sa'n na po ang gamot natin dito?" aniyang binuksan ang mga drawers sa kusina.
"Wala diyan. Nasa kuwarto, bakit, iba ang pakiramdam mo?"
"Kagabi pa po ito, e, nilalagnat yata ako."
"Halika nga," sabi ng matanda na inabot ang noo niya. "May lagnat ka nga. Bakit? Ano'ng nangyari?"
"Sa gatas po yata. Masyadong marami. Kailangan na nating bumuli ng pump, Manang. Teka, 'yong gamot po muna." Hinila ni Julia ang upuan katabi ng lamesa at pumuwesto, pakiramdam kasi niya ay bahagyang umiikot ang paligid.
"Teka at kukunin ko."
Dala na nga ni Manag Fe ang lalagyan ng gamot pagkabalik.
"Paracetamol lang muna ang inumin mo para hindi masyadong matapang sa katawan," anang matanda.
"Hmn. Manang, ganito po ba talaga ang feeling 'pag may anak? Andami pong dinaramdam. Ayoko nang mabuntis ulit."
Sa narinig ay napatawa ang matanda, umupo sa katabing silya. "Oo ganyan talaga, sa pamamagitan niyan, mararamdaman mo na ina ka na talaga. At mas lalo mong mamahalin ang iyong anak. Huwag mong sabihin iyan kasi baka gusto pa ni Ali ng dagdag na anak."
"Ayoko na! Magpi-pills na 'ko."
"Nagpapadede ka naman, hindi ka na mabubuntis niyan kaagad kapag nagpapadede ka."
"Talaga? Sure ka, Manang? Ayoko muna talagang magbuntis ulit."
Hinawakan ni Manang Fe ang sariling baba at tumingin sa kawalan. "Kasi 'yong pamangkin kong isa, nagreklamo siya. Nagpapadede naman daw siya pero nabuntis pa rin. Pero kapag ang doctor ang nagsasabi, nakakatulong naman daw ang pagpapadede para maiwasan ang pagbubuntis." Bumuntong-hininga si Manang Fe. "Para mas makasiguro ka, bisitahin mo ulit ang doktor mo. Magtanong ka kung ano ang mas makabubuti."
"Opo, sige po. Manang, okay lang po ba na kayo muna kay baby CJ, please? Gusto ko pong matulog."
"Siyempre, Julia. Magpahinga ka. Huwag kang mag-alala."
Bandang tanghali ay naalimpungatan si Julia dahil sa isang pamilyar na boses ng babae. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito dahil sa may kakapalang pader ng kuwarto.
'Si Tita Elsa?'
Kahit na inaantok ay lumabas siya sa sala para harapin ang tiyahin.
"Julia! Nagising ka ba namin? Maingay ba kami?"
"Tita." Nilapitan niya ang tiyahin at yumakap dito nang mahigpit.
"Kumusta ka na? Nilalagnat ka raw?"
"Opo, sa gatas ko. Marami yata masyado. Nagmerienda na po ba kayo?" tanong niya na niyaya ang babae na maupo.
"Busog ako, kakakain ko lang noong umalis ako sa bahay. Ang cute ng anak mo, Julia. Siguradong guwapo, si CJ paglaki." Karga nito ang sanggol sa mga braso. She was surprised dahil behave ang baby. Ang maliliit na mga mata ay dilat na wari ay nakikinig sa kanilang usapan.
Napangiti siya habang tinitingnan ang anak. "Sa palagay n'yo po, sa'n nagmana?"
"Halata namang kay Ali, o. Tingan mo, ang gwopo gwopo," anitong inamuy-amoy ang sanggol.
"Feeling ko rin kay Ali. "
"Ano'ng oras ba umuuwi si Ali?" pagkuway tanong ni Elsa.
"Mamaya pa po 'yon, mga seven or eight ng gabi."
"Dito na po kayo maghapunan mamaya, Tita, ha? Para maabutan din ninyo siya."
"Oo, walang problema 'yan.
Kinagabihan, 7:30 ay dumating na si Ali. She texted and informed him that afternoon na dumating si Elsa at doon maghahapunan kaya mas maaga sa usual niyong uwi dumating ang lalaki.
"Elsa, how are you? I'm glad you visited," sabi ni Ali na nilapitan ang babae.
"Gustung-gusto ko nang makita ang apo ko kasi. Nami-miss ko na rin si Julia."
"How's my little boy?" sabi nig lalaki na tinitigan ang sanggol na hawak pa rin ni Elsa. "Gising na gising pa, a."
"Kagigising lang niyan, kapapalit din ng diaper."
"Ali, nandito ka na pala."
Isang malamlam na ngiti ang binigay ng lalaki nang malingunan ang asawang kakalabas lang ng kuwarto. Lumapit ito at hinagkan and babae nang mabilis sa mga labi.
Natigilan tuloy si Julia dahil nakita ni Elsa ang ginawa ng asawa. Napangiti naman ang ginang bago inilipat ang atensiyon sa kanyang anak.
"Kumusta ang araw mo?" tanong na lang ni Julia para magkaroon siya nang rason para ilayo na ang mukha sa lalaki.
"Tired, awhile ago," he muttered, still glancing at her face. Hihirit pa sana ito ng isa pang halik pero hinawakan niya ang braso saka tinulak papuntang kusina.
"Uhm...Tita, ready na po yata ang dinner. Dito na po tayo. Manang, okay na po ba?"
Sumagot ang matanda na nasa kusina. "Oo, halina kayo. Ihahain ko na lang itong ulam."
Pagkatapos ilagay si baby CJ sa nursery bed ay magkasabay na dumulog ang apat sa lamesa.
***
Nakaalis na si Elsa ilang sandali matapos ang hapunan. Hindi na ito masyadong nagtagal dahil bibiyahe pa ito pauwi.
Si Manang Fe ay nasa sarili na nitong silid. Ang mag-asawa naman ay nasa kanilang kuwarto na rin. Nakabukas ang TV at si baby CJ ay nasa crib, mahimbing na natutulog.
Ali just got out from the warm shower, habang si Julia ay nasa ibabaw ng kama, ang mata mata ay nakatutok sa pinapanood.
"Julia," usal ni Ali na tumabi sa kama. "I missed you. Can we do it tonight?"
"Ali, 'di ba kakapalit lang ng tahi ko? At alam mo ba na kagabi hanggang kaninang umaga nilagnat ako? Ang sama ng pakiramdam ko."
"Why? What happened?"
"Sa gatas ko kasi. Hindi nakakalabas, masyado nang marami. Nakaka-cause raw iyon ng fever. Kanina medyo nagka-chill ako, buti na lang nainuman ko kaagad ng gamot."
"Okay ka na ba ngayon?" Wala ka nang dinaramdam?"
"Masakit pa rin nang kaunti ang dibdib ko. Need ko na talaga ng breast pump."
Hinawakan ni Ali dibdib ni Julia saka dinama. "Bakit hindi pa nakabili si Manang?"
"Kasi pinabantay ko siya kanina kay baby. Natulog kasi ako. Ang sama na talaga ng katawan ko kanina, e. Bukas, pabibilhin ko na siya.
Tumangu-tango ang lalaki. "So, hindi pa rin ba puwede?"
"No, not now, please? I'm not feeling great."
Tumangu-tango ulit ang lalaki saka bumitaw. Hinagkan siya sa noo pagkatapos ay umayos sa pagkakaupo. Dinampot nito ang cellphone sa bedside table at nagpaka-busy na roon.
Ibinalik na lang din ni Julia ang tingin sa TV. Napalingon ulit siya dito nang bigla na lamang tumunog ang cellphone na hawak ni Ali.
"Yes, Ms. Lao. Hi! How are you? Napatawag ka?"
'Ms. Lao?' Kaagad gumana ang memorya ni Julia kung saan at kailan niya narinig ang pangalan n iyon. 'Veronica Lao.'
Umusod si Ali at bumaba ng kama. Binuksan nito pinto at lumabas ng silid. Naiwan si Julia na nakatitig sa nakasara nang pintuan.
'Alas diyes na ng gabi. Bakit tumatawag pa ang katrabaho ni Ali nang ganoong oras? Work related pa rin ba?'
She could not help becoming suspicious. She felt heaviness inside her chest lalo dahil may masaklap siyang alaala sa pangalan na iyon. With Ali talking to that woman outside the room without her knowing what's the topic all about, minutes seemed like century. Ang dami nang naglalarong ideya sa kanyang isipan.
Nang makabalik ang lalaki sa kuwarto ay kaagad niya itong tinanong.
"Who was that?"
"It was Ms. Lao. Co-worker ko."
"Bakit siya tumatawag ng 10 Pm? Bakit hindi ko naman naririnig ang pangalang iyan noon? Wala namang tumatawag sa iyo nang ganitong oras." Hindi na maiwasan ni Julia ang pagkairita sa boses.
"She's my counterpart. Nag-merge kasi ang isang kompanya sa Will's para sa isang project. Kailan lang, around three months ago. May tinanong lang siya about sa designs na pinasa ng teams."
"Hindi ba puwedeng ipagpabukas iyan? Kailangan talaga itawag ngayon?" Magkatagpo na ang mga kilay ng babae.
"Baka nire-review niya sa bahay ang designs. Wait, are you jealous?"
"Bakit? Hindi ba puwede?" aniyang itinaas ang isang kilay. "I am you wife. I have all the right na magselos. Bakit ayaw mo?"
"No, of course not. I mean, of course you have all the right. I just don't want you to stress yourself with those thoughts. It won't be helpful sa kalagayan mo."
"Kung ayaw mong kumilos ako ng ganito, huwag kang gagawa ng ikakagalit ko, Ali."
"Alright," anitong tumangu-tango. "Sure, wife. Relax, okay?"
Umismid si Julia at dahil nawalan na ng ganang manood ay tumalikod na at hinila ang kumot hanggang leeg.