Napakagat-labi si Julia habang paika-ikang lumabas ng clinic. Napatingin siya sa asawang naghihintay sa couch malapit sa lamesa ng secretary.
"Is it done?" tanong nito na tumayo at nilapitan siya. "Is it painful?"
"Hmn," tango ni Julia. "Thank you po," aniya na nilingon ang secretarya bago tumalikod para lumabas na. "Ang sabi huwag na lang daw munang makipag-contact. Baka raw matanggal ulit."
"Yeah, okay. I understand," tango ni Ali na hinawakan siya sa likod.
Tahimik silang naglakad papunta sa kotse na nakaparada sa 'di kalayuan. Nakapokus kasi ang atensiyon ni Julia sa nararamdamang discomfort kaya hindi na siya nagbitiw ng salita.
"I'm sorry," pagkuway basag ni Ali sa katahimikan. "Nabasa ko kasi sa internet na okay lang."
"Nabasa ko rin naman, kaso...malaki ka kasi, Ali. Tapos, hindi ka pa nag-iingat masyado."
Natahimik lang ang lalaki pero tumango-tango. Kahit noong una nilang pagtatagpo sa kama, napansin na ni Julia ang rough side nito. Animo'y lagi itong nangigigil, ang mga hawak ay mahigpit at padaskol ang hila sa kanyang maliit na katawan. Kaya kadalasan, may souvenir siyang maliliit na pasa sa katawan o 'di kaya ay marka ng ngipin nito. He just can't resist nibbling or even giving her body bites lalo kapag nasa climax na.
She likes that part of him, nakakatuwa kasi on the contrary--outside bed matters--napaka-gentleman nito at stern.
"Umuwi na tayo, baka umiiyak na si baby CJ," sabi ni Julia nang makapasok sila ng kotse.
***
Pagkarating nga ni Julia ay rinig na niya ang maliit na hiyaw ng sanggol.
"Parating na si mommy," rinig nilang sabi ni Manang Fe. Nasa sala ito at dinuduyan ang kanyang anak gamit ang mga braso. "Ayan na, ayan na si moomy at daddy!"
"Manang, ano pong nangyari?" tanong ni Julia.
"Maghugas muna kayo ng kamay. Nagugutom na ito. Dapat pala pinabili ko na kayo ng breast pump para kahit may lakad ka Julia, may gatas na maiiwan dito sa bahay." Nilakasan nito ang boses nang sa ganoon ay marinig niya na nasa banyo, kanugnog ng kusina.
"Ano po 'yon?" tanong niya.
"Ali, ikaw ang laging umaaalis. Bumili ka ng breast pump."
"Kayo na lang, Manang. Hindi ko alam ang ganyan," saad ng lalaki na sumunod kay Julia sa banyo.
"Ipapakita ko sa inyo mamaya kung ano ang hitsura."
"Akin na po si baby CJ," sabi ni Julia matapos tuyuin ang mga kamay.
"Ayan na si mommy, baby."
Kaagad itinaas ni Julia ang damit at ibinaba ang bra para painumin ang bata ng gatas. Sa tuwing dumidede ang sanggol ay nagpapasalamat siya dahil nababawasan na naman ang kanyang gatas sa dibdib. Due to the overproduction of milk inside her breasts, she sometimes got febrile at sumasakit ang paligid ng dibdib. Kailangan daw na mailabas ang gatas kaya naisip ni Julia na magandang ideya ang bumili ng breast pump.
Nang lumabas si Ali sa banyo ay inboluntaryong umikot ang katawan ni Julia patalikod. Bakit ba palagi na lang siyang nakakaramdam ng hiya kapag nagpapadede ng bata?
"Ali, kailangan nating bumili ng breast pump. Kasi may overproduction ako ng gatas. Nakalimutan kong sabihin sa 'yo na minsan nag-iiba ang pakiramdam ko, parang lalagnatin ako."
"Sure we will buy that, baby."
Pagkatapos niyang mapainom ng gatas ang anak ay nakatulog naman kaagad ito. Pumasok na si Julia sa kuwarto at maingat na inilapag ang dala sa crib.
"Magbibihis lang ako, habang tulog si baby, matutulog din ako," sabi niya sa asawa.
Baliktad ang oras ng gising ni CJ, sa umaga ay tahimik ito at laging tulog ngunit sa gabi ay palaging gising. Umiiyak pa nang malakas kapag hindi kaagad nakainom ng gatas. Kaya ang nangyayari, kung hindi man putol-putol ang pahinga ni Julia ay hindi na talaga siya nakakatulog.
"Go ahead, ako muna ang magbabantay sa kanya. Your undereyes are getting darker."
"Ganoon ba?" saad niya na pinadaanan ng daliri ang sariling eyebags.
Ayaw rin kasi niyang istorbohin ang tulog ng asawa dahil malapit na itong bumalik sa trabaho. Mapupuyat na ito parati.
"Babalik ka na sa trabaho bukas, hindi ba?" tanong ni Julia habang namimili ng damit na susuotin sa loob ng cabinet.
"Yes, siguradong marami nang nakatambak na gawain doon."
"Hmn." Her chest suddenly tightened. Bakit ba sa tono ng pagsasalita ni Ali parang kasalanan pa niya na natambakan ito ng trabaho?
"Iyong breast pump--"
"Yeah, about that, saan ba nabibili 'yon?" tanong nito.
"'Wag na, kami na'ng bahala ni Manang."
"Mukhang mas maganda nga kung si Manang na lang ang pabibilhin natin, I don't even know how it looks like."
"Okay na, kami nang bahala."
Kinagabihan, pinukaw ulit ng iyak ni CJ ang maiksing tulog ni Julia. She checked the time, it was just 2AM, last niyang pinadede ito ay around 12AM.
Hindi na talaga siya makakatulog nang maayos. Consistent ang interval ng paghingi ng sanggol ng pagkain, every two hours or so.
Pagbangon pa lang ni Julia ay naramdaman na niyang mabigat ang kanyang katawan, maging ang mga mata niya ay kaybigat ibuka. She touched her forehead and neck with the back of her palm.
'Mainit yata ako.' Napaisip siya kung bakit ganoon ang naramdaman. 'Baka dahil na 'to sa gatas ko.' Dinama niya ang dibdib at napangiwi sa kirot. Halata ang paglaki niyon, doble sa normal niyang size at it was painfully throbbing. Palagi na lang nababasa ang damit niya dahil sa leakage ng gatas mula sa dibdib. Kapag nasa loob na nga lang ng bahay ay hindi na siya nagba-bra dahil pakiramdam niya ay mas lalong nakukulob.
Napatitig si Julia sa katabing lalaki, gusto sana niyang gisingin ito para sabihin ang dinaramdam ngunit nag-aalangan siya. Maaga pa itong gigising maya-maya para maghanda sa pagpasok. Kaya kahit hindi gaanong maganda ang kanyang pakiramdam, tumayo siya para puntahan ang anak.
"Shhh...baby, tahan na, mommy's here," aniya na maingat na dinampot ang anak at idinuyan sa mga braso.
Katulad ng lagi niyang ginagawa, inilabas ni Julia ang dibdib saka inilapit sa bibig ni CJ ngunit ayaw nitong tumahan. Ayaw ring dumede.
"Ano'ng problema, baby? Hindi ka ba nagugutom?"
Mas lalong lumakas ang iyak ng bata kaya pilit nilalapit ng babae ang dibdib sa bibig.
"Bakit ayaw mong dumede? Hindi ka ba gutom?" Naalala niya na baka iba ang problema ng anak. Ibinaba niya ang bata sa crib saka sinuri ang diaper, wala namang dumi, hindi rin basa. Hindi pa rin tumitigil ito sa pagngawa kaya ibinalik niya sa mga braso at isinayaw. Kumanta nang mahina. Nilingon niya si Ali na mahimbing pa ring natutulog.
"Bakit ayaw mong kumain? Ano'ng problema? Bakit ka umiiyak?"
Sa tuwing nagbibitiw ang sanggol ng matinis na hiyaw ay hindi mapalagay si Julia. Palaging pumapasok sa kanyang isip na baka kung ano na ang dinaramdam nito since hindi pa nito kayang magsalita. Her heart felt heavy, tila konektado sa kanyang katawan ang lahat ng nararamdaman ng anak.
"Baby CJ, bakit ayaw mong tumahan?" usal niya na niyakap ang sanggol. Sinalat niya ang noo at katawan nito pero mukhang hindi naman mainit. The worse part was she cannot feel his temperature well cause she herself was feeling hot. Dahil sa pagkalito at kawalang magawa para patahanin ang anak ay napaiyak na lamang si Julia." Mas lalo yatang lumala kanyang lagnat.
Bakit hindi niya malaman kung ano ang problema ni CJ? Hindi ito gutom, hindi naman dumumi at hindi puno ang diaper. May sakit ba ang anak niya? She could not imagine a newly born baby having an illness. Na kailangan itakbo sa ospital. Hindi niya makakaya ang ganoon. Okay nang siya na ang magkasakit, huwag lang ang kanyang anak.
"Ali..." she muttered. Mahina lamang dahil nagdadalawang-isip pa rin siya kung iistorbohin ito o hindi.
Nang walang tugon mula sa asawa ay lumabas si Julia para katokin si Manang Fe.
"O, bakit umiiyak itong baby namin?" saad ni Manang Fe na kinuha ang bata sa kanyang mga braso.
"Hindi ko na po alam kung anong gagawin. Tiningnan ko na kung may dumi wala naman. Ayaw din niyang uminom. Ano po bang mali? May sakit po ba si baby?"
"Bakit ka umiiyak? Huwag kang umiyak," anang matanda na hinagod ang buhok niya. "Halika, tingnan natin ulit. Hindi pa rin natigil ang pagluha ni Julia nang walang pagbabago ang pagsusuri ni Manang Fe.
"Dumumi na ba si baby kanina? Kailan ang huli niyang dumi?"
Napaisip si Julia habang pinapahid ang luha ng kamay. "Mga, gabi po. Mga around 8PM."
"Ayun naman pala, malamang natatae na 'to. Hintayin na lang natin."
Makaraan nga ang ilang minuto ay ngumiwi ang bata. Nanginig nang bahagya pagkatapos ay tumigil sa pag-iyak.
"O, ayan na. Tumahan na. Sabi ko naman sa 'yo, gusto lang dumumi. Umiiyak ka kaagad. Nag-contest tuloy kayong mag-ina."
Ngumiti ang matanda sa tumitig sa kanya. "Julia, parang kailan lang noong dumating ako dito, ang liit mo pa. Ngayon, karga mo na ang anak mo. Huwag kang sumuko, huwag kang mag-alala. Nandito lang ako, kami ni Ali."
Napangiti si Julia kahit nabasang muli ang pisngi.
"Thank you po, Manang."
Si Manang Fe na ang umako sa paglilinis ng pinagdumihan ni CJ habang nakamasid si Julia sa tabi. Pagkatapos niyon ay dumede na ang bata at natulog nang muli.