Part 20

1060 Words
Patay ang ilaw sa sala, tanging ang kusina lamang ang maliwanag nang dumating si Julia sa bahay. 'Nasa'n ang mga tao rito? Tulog na ba?' Sinulyapan niya ang relo sa kamay. 'Maaga pa naman.' Kahit anino ni Manang Fe ay hindi mahagilap. Kapag ganoong oras ay inaasahan niyang nasa kusina pa ito, nagliligpit ng pinagkainan. Dumiretso siya sa kuwarto at marahang inikot ang seradora ng pinto. Tumambad sa kanyang paningin ang bulto ng asawa sa kama. Nakahiga ito pero nakahilig ang likuran sa pinagpatong na unan kaya kung titingnan ay tila bahagyang nakaupo. Sa malapad nitong dibdib ay ang katawan ng maliit nilang sanggol. Wari ay hinaplos ang kanyang puso sa tanawing nakita, parehong nakapikit at mahimbing na natutulog ang kanyang mag-ama. Baby CJ looked serene with his angelic face, kadalasan ay napapakibot ito kapag nakakarinig ng kaluskos sa paligid pero ngayon ay walang pakialam sa kahit anong ganap. Maingat siyang naglakad palapit sa mga ito, sinigurong hindi lilikha ng ingay nang sa ganoon ay huwag maputol ang malalim na pahinga ng dalawa. Upon staring at the two male, she realized that CJ is starting to look like his dad. Ang tangos ng ilong nito, ang pilik-matang tila sinadyang pinakurba, ang perpektong hugis ng mga labi. They once thought he acquired his looks from her kasi halata na sa kutis nito ang pagkaputi, ngayon, maputi pa rin ang balat ni CJ pero anyo naman ng ama nito ang nakaukit. Napangiti siya. She loves them especially her husband to the extent that it becomes depressing. Nakalulungkot isipin na kahit sa pagmamahalan nila ay hindi pa rin maiwasan na masaktan ang isa't-isa. Muling sumikip ang dibdib ni Julia nang maalala ang huling pagtatalo nila ni Ali. Hindi naman siya nasaktan noon, physically, kahit medyo malakas ang pagkakahablot nito sa kanyang mga balikat, but the enraged gaze in his eyes were like fire from hell. Pakiramdam niya noong oras na iyon ay hindi na siya nito nakikilala. Naalala niya noong nagalit ito sa kanya noon sa loob ng kotse after she stole a kiss from him on her 18 birthday. She was hurt when she shoved him away pero ang mga mata nito ay purong kalungkutan at disbelief lamang, kaya naman bago sa kanya ang nararanasan ngayon. Bakit ganoon? Hindi na ba siya mahal ni Ali? Tuluyan na bang naimpliwensiyahan ng Veronica na iyon ang feelings nito para sa kanya bilang asawa? Napaatras siya nang bahagya nang gumalaw ang lalaki. Dagli niyang nilisan ang kinatatayuan at lumapit sa cabinet, nagpanggap na abala sa pagkuha ng damit na pampalit. "Julia? Nakarating ka na pala..." Kagyat itong natahimik kaya nilingon niya. Maingat nitong binuhat ang anak mula sa dibdib at inilipat sa crib. Muli niyang ibinalik ang pansin sa loob ng cabinet nang sa palagay niya ay lilingon na sa kanya. "Kumain ka na ba?" "...kumain na 'ko." "Ah..." bulong nito. Gusto niyang tanungin rin ito kung nakapaghapunan na ba pero pakiramdam niya ay hindi naman na kailangan. Nakakain naman na siguro since mukhang kanina pa ito nakauwi ng bahay. Basta na lamang siyang humablot ng damit saka pumasok sa banyo, nakakailang kasi ang namayaning katahimikan sa kuwarto. Pagkasara niya ng pinto ay saka pa siya huminga ng malalim. She actually just had a burger meal two hours before she went home, kaya dapat ay lalagyan pa niya ang sikmura pagkarating ng bahay, ngunit kung bakit iyon ang sinagot niya sa tanong ni Ali ay hindi niya alam. Marahil ay hindi na gumana ang kanyang utak nang mga sandaling iyon basta na lamang siyang nagsalita nang sa ganoon ay matapos na ang kanilang pag-uusap. Pagkatapos ng ilang minutong paglilinis sa sarili ay lumabas na siya sa banyo, suot ang presko at malinis na damit. "Stay with baby CJ for a while," anito na tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. "Sige..." Saan kaya ito pupunta sa oras na iyon? Sa garden? Ilang sandali matapos lumabas ni Ali ay maingat niyang binuksan ang pinto ng kanilang silid. Walang ingay na tinalunton ang pasilyo papunta ng sala para silipin kung saan nagtungo ang asawa. Nakapatay pa rin ang ilaw ng sala pero kita niyang walang tao roon. Mula sa kanyang kinaroroonan ay rinig niya ang tunog ng pagdaiti ng kutsara sa plato. Ang matinis na tunog ng pagbungguan ng mga kubyertos. Kumakain ba siya? Napakunot ang kanyang noo. Kaya ba nagtanong ito kung kumain na ba siya dahil gusto nitong magkasabay sila? Lumukob ang konsensiya sa kanyang dibdib sa kanyang pagsisinungaling. Sasaluhan na lang ba niya itong kumain? Kung ganoon, baka isipin nito na nagsinungaling siya. Madadagdagan na naman ang makikita nitong mali sa kanya. Tumalikod na lamang siya para magbalik sa kuwarto. Ipapahinga na lamang niya ang katawan at isip. Hindi naman siguro pag-iisipan ng masama ni Ali ang pagkain niya sa labas at hindi pagsalo rito. Hindi rin naman ito nagyaya. Kung niyakag siya nitong magsabay silang maghapunan ay papayag naman siya. *** "She let me eat in the kitchen, alone, Veronica. Hindi man lang niya ako tinanong kung nakakain na ba ako. I waited for her, nakatulog na nga ako, para sana magsabay kaming maghapunan and might as well mend things over. Hindi, e, kahit man lang tinanong kung kumusta ang araw ko," aniya sa kasama kinabukasan habang nasa isang coffee shop sila. "Baka puyat rin siya. 'Di ba sabi mo, may inaasikaso sa school?" "No," iling niya. "She used to be concerned in what I do, kahit pagod. Noon, gusto niyang laging nalalaman kung ano ang mga pinaggagagawa ko sa araw-araw. Pero ngayon..." Napabuga siya ng hangin ay sinuklay ang sariling buhok gamit ang mga daliri. "She's young, Ali. Magiging mature pa siya, at marami pang mga pagbabagong darating sa kanya, including principles and priorities. Expect the worst with youngsters 'cause they're still developing. They can be smart and witty at times, but also very fragile and sensitive. Mahirap ka-deal ang mga gaya nila kasi they interpret things differently compared to us. Kahit ako may panahon pa rin na naguguluhan sa kanila. But, you need to put up with her." "Nalilito na ako, Veronica. I cannot control her anymore." Idinantay ng babae ang kamay sa balikat niya. "Don't be too harsh on yourself, Ali. Huwag mong hayaang ma-pressure ka ng ganyan." "I know that I'm becoming like a broken record. Venting my troubles to you. I'm sorry..." "It's totally fine. Gusto ko ring makatulong sa iyo kahit sa pamamagitan lang ng pakikinig. But, my apologies if I'm not a big help with advices." Ngumiti si Ali pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. "Nah, it's more than enough."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD