Part 19

1246 Words
Matapos ang lunch meeting na dinaluhan ni Ali kasama si Veronica ay naiwan sila sa restaurant nang magpaalam ang kanilang kliyente na mauuna nang umalis. Isang branch ng sikat na European restaurant na kabubukas lamang sa Pilipinas. The place was spectacular, so with the food. Pati ang customer service ay primerang klase, ngunit sa kabila ng matagumpay na meeting sa nasabing kainan ay kasingbigat naman ng mundo ang dinadalang suliranin ni Ali. "Now spit it out, Partner, ano'ng gumugulo sa isip mo at kanina ka pa wala sa sarili?" Saad ni Veronica na tumitig sa kanya. Matagumpay ang lakad nila at pareho nilang pinagsikapan iyon. He was able to display his business smile at pinilit na huwag maapektohan ang trabaho sa pinagdadaanang problema sa pamilya ngunit ngayong wala nang audience, malaya na niyang naipakita ang totoong dinaramdam. Bumakas ang anyo ng isang taong lulong sa pighati. "Was I too obvious?" tanong niya na bumaling sa babaeng kaharap. "I'm sorry." "Nah, hindi naman. Siguro sa ilang buwan nating halos araw-araw na nagsasama, masasabi kong iba ang pinapakita mong kilos ngayon. I know you did your best for it not to show, and I really appreciate your toil. Pero, tayo na lang ang nandito ngayon, c'mon...care to share to me? Malay mo, may maitulong ako, o kung hindi naman...kahit gumaan lang ang loob mo. At least?" Itinukod ni Ali ang siko sa lamesa at diniinan ng mga daliri ang noo. "Is it work?" "No, no..." iling niya. "Family? Nag-away ba kayo ng wife mo?" Bumuntong-hininga siya bago tumango. Hindi nagsalita si Veronica pero alam niyang naghihintay ito na punan niya ng detalye ang ginawang kilos. Pero nararapat ba na sabihin niya rito kung ano ang puno't dulo ng kanilang pinag-awayan? The fact na isa ito sa rason ng pagmamakulyo ni Julia. He shouldn't involve other people over family matters, siya na mismo ang nagsabi niyon at siguradong hindi nito magugustuhan kung malaman na nasangkot ang pangalan nito. "I'm having a hard time dealing with her lately," ang sabi na lamang niya. Totoo naman. "Ang bilis niyang magtampo, nagagalit na lang bigla. At kung tatanungin ko kung ano ang ikinagagalit niya, ang sabi naman wala. But she's not talking to me at all! I'm going crazy, Veronica. She's accusing me of something I can't even imagine doing!" "Have you tried confronting her? Iyong kalma kayong dalawa." "I tried, Veronica. God knows how I tried, but I just couldn't make her understand my point. Pinaggigiitan niya ang sa palagay niya ay tama. And she's spewing terrible things at me. She's so...immature!" nanggigigil na sabi niya. Nagkiskisan ang bangang sa inis na nadarama. "Ayaw makinig sa sinasabi ko, ayaw umintindi. She's a smart woman, I know her better than the back of my palm, pero hindi ko alam kung hindi niya ba talaga ako nakukuha or she's refusing to digest what I was saying." "Isn't it too presumptive to say na kilala mo na masyado ang asawa mo?" Hinarap niya ang babaeng nakamata pa rin sa kanya. "Yes, I know everything about her." "Well, if I may say...your wife's too young, normal sa edad niya ang mga binanggit mo. Alam mo naman ang mga kabataan, maraming drama. Sa stage nila, feel nila the world revolves around them. They tend to interpret things as something that relates to them. I myself often deals with people her age, Ali. Katulad na lang ng mga pamangkin ko, at nakikita ko rin sa kanila ang mga ganoon. Siguro, you--as the more mature person--should be more patient. Habaan mo ang pasensiya mo sa ganoong tantrums ng mga babae. In fact, may mga babae rin na nasa late twenties na or tumuntong na ng 30's pero ganyan pa rin mag-isip." "Paulit-ulit na kasi, para bang sinasadya niyang sukatin ang pasensiya ko." Napapalatak na usal niya, ang dibdib ay nanunuot pa rin sa bigat ng dinadala. "Don't be too harsh to your wife. Let things cool between you. Lilipas din iyan. Gaya nga ng sinasabi ng mga married people, normal sa mag-asawa ang nag-aaway." "...I know..." Ipinatong ni Veronica ang kamay nito sa kanyang braso na nakalatag sa hawakan ng silya. "We still have another meeting in an hour," saad nito na sinulyapan ang sariling relo sa kamay. "But if you need to take a little refresher then I can do some compensation for it." "No, Veronica," iling niya na tumuwid ng upo. Tila nagbalik sa reyalidad ang isip. "I cannot mess things at work just because of personal issues. Halika na." Nilikom na niya ang mga gamit na nakalatag sa lamesa at isinilid sa attache case. "Are you certain?" "Yes," he said leaving her a smile of assurance. "...and thank you, by the way. Sa pakikinig. I needed that." Simula kagabi ay hindi pa niya nailalabas ang sama ng loob. Kahit noong paggising niya ay hindi na siya humantong sa kusina. Agad na siyang nagpaalam kay Manang Fe para tumuloy sa trabaho. Tulog pa rin si Julia at hindi na niya dinisturbo pa. Alam niyang late na rin nang makatulog ito, dahil maging siya ay ganoon din. They haven't spoke, kahit magkatabi naman silang nahiga sa kama. The entire time na gising ang diwa niya ay rinig niya ang mahinang singhot ng asawa. It crushed his soul like a marble slammed on the floor pero pinigil niya ang sariling yakapin ito nang mahigpit, say sorry and bathe her with tender kisses. May pagkukulang din ito, hindi lamang siya, gusto niyang matanto ang babae na hindi sa lahat ng pagkakataon ay siya na lalaki ang magpakumbaba. Hindi matututo si Julia kung ganoon. Baka mas lalo lamang lalaki ang ulo nito at mamihasa. He suffered horrible depression over their last separation. Pakiwari niya ay mababaliw siya sa araw-araw na wala ito sa kanyang tabi. That literally made himself like a trash. Nawalan siya ng silbi at nagulo ang ikot ng kanyang mundo. Simula noong bumalik sa kanyang poder si Julia ay ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na mangyayari ulit iyon. Hindi niya alam kung saan hahangtong ang kanyang buhay kung mawawala ulit ito, let alone their child whom he loves the most. That was why when she threatened of leaving him, tila nagdilim ang kanyang paningin. Shit, her frightened eyes literally snapped him to his senses. Mabuti at hindi niya ito nasaktan. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kung napagbuhatan niya ng kamay ang kanyang asawa. Mabigat ang kilos na bumaba siya ng kotse matapos maiparada sa parking space ng bahay kinagabihan. Tiim-bagang na binuksan niya ang pinto, hindi pa siya handa para harapin si Julia. Ano ang sasabihin niya? Paano niya sisimulang kausapin ito? Sasagutin kaya siya? Paano kung hindi? Paano kung mahirapan siyang ayusin ang away na iyon? Magulo ang isip niya nang makarating sa sala. "Manang?" Magkatagpo ang mga kilay na tinitigan niya ang natutulog na anak. "Ali, nakarating ka na pala," saad ng matanda na nilapitan ang crib ng sanggol at sinilip. "Saan si Julia?" "Hindi pa dumarating. Mamimili raw siya ng gamit para sa eskuwela." "Ano'ng oras siya umalis kanina?" tanong niya na ibinaba ang attache case at sumalampak sa sofa. "Pagkatapos niyang mananghalian. Mga ala una yata 'yon. Magkikita raw sila ng kaibigan niyang si Chelsea." "Ganoon po ba?" Inihilig niya ang ulo sa sandalan ng sofa at ipinikit ang mga mata. "Mamaya na po ako kakain, pagkarating niya." "Hindi ka pa ba nagugutom? Baka matagalan pa 'yon." "Nagmeryenda po ako kaninang hapon." "O, sige. Magpahinga ka muna sa kuwarto." Sinunod niya ang sabi ng matanda kaya mabilis siyang naglinis ng katawan. Bago magpahinga ay kinuha muna ang anak sa crib at maingat na inilipat sa kama. "Itatabi ko po si CJ." Ngumiti ang matanda. "Sige, Ali. Gigisingin kita pagkarating ng asawa mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD