Part 18

1539 Words
"How was your enrollment?" tanong ni Ali kay Julia pagkarating ng huli sa bahay isang gabi. Sinalubong ng lalaki ang asawa para kunin ang dalang mga gamit at hinagkan sa labi. "Ang daming tao. Nakakahilo ang init sa gym," sagot ng babae. Matulin na lumipas ang panahon, ang anak nilang si CJ ay nag-uumpisa nang gumapang. Kailangan nang bumalik ni Julia sa pag-aaral kaya nang nagbukas ang kasunod na semester ay nagparehistro na siya. "Are you okay?" Sinalat ni Ali ang noo niya saka hinagod ang buhok. "Hmn, nakainom na 'ko ng paracetamol kanina." "Have you taken a meal before you took the medicine?" "Nag-sandwich lang ako." Dumiretso si Julia sa puting crib na nasa sala kung saan mahimbing na natutulog ang anak. Dahil hindi pa nakakahugas ng kamay ay binigyan na lamang niya ng halik ang mamula-mulang pisngi ng sanggol. Magkasabay na lumapit ang mag-asawa sa hapagkainan nang marinig ang tawag ni Manang. "Ano pong ulam, Manang?" "Nagdiningding ako. Ang pepresko kasi ng mga gulay na nakita ko sa kanto kanina, natakam ako. Siguradong mawawala ang pagod ninyo nito." Nasa kusina ito at naghahanda ng lamesa. "Ang tagal mo nang hindi nagluto ng ganito, Manang," anang lalaki na naglagay ng kaunti sa maliit na mangkok. Hinigop kaagad ang sabaw. "Puro na lamang pagkaing walang sustansiya ang kinakain ninyo kapag nasa labas kayo. Kailangan ninyo ring makatikom ng gulay. Julia, kapag nag-umpisa ka nang pumasok, pagbabaunin kita ng ulam. Huwag kang bumili sa labas. Di mo alam kung paano nila hinahanda 'yon." "Hmn, that's a good idea, Manang," saad ni Ali na tatangu-tango. "Pero mas convenient po kapag sa labas na lang ako kakain, hindi bibigat ang dalahin ko. Nakakapagod kaya kapag mabigat ang bag, masakit sa balikat. At pagdating ko rito, at least, wala kayong huhugasan." Binigyan ng dalaga ng matamis na ngiti ang matanda pero hindi ito nagpatinag. "Huwag mo akong dinadaan-daan sa ngiti ngiti mo, paglulutuan kita ng maraming ulam tuwing umaga." Tumulis ang nguso ni Julia at bumulong. "Nakakahiya..." "I heard that," saad ni Ali. "Bakit ka mahihiya sa baon? Ayaw mo niyan, masasarap ang pagkain mo sa tanghali." "Saan ako kakain?" "Sa canteen, or even sa restaurant. Bumili ka lang ng drinks or desserts doon," sabi ng lalaki. "Wala namang magpapaalis sa 'yo roon." "Ikaw kaya, magbaon ka rin!" "Bakit napunta sa akin ang usapan? Ikaw ang dapat na magbaon dahil nagpapa-breastfeed ka." "Manang, gawin mong dalawa, sa akin at sa kanya." "Oo iyon talaga ang plano ko. Mas maigi na kahit nasa labas kayo, alam natin na maayos kayong nakakakain." "But Manang, apam mo naman na halos araw-araw akong may lunch meeting. Hindi puwedeng maglabas ako ng plastic ware sa isang fine dining restaurant." "Nahihiya lang 'yan sa partner niyang maganda, makitang may baon siya," usal ni Julia sa mahinang boses na ikinatigil ng pagnguya ni Ali. Kahit si Manang Fe ay nahinto rin sa pagbigay ng komento. Nabalot ng katahimikan ang hapagkainan at ramdam Julia ang pagkailang kaya napatungo na lamang ang babae sa pagkain. Kalansing lamang ng mga kubyertos ang tunog na mauulinigan sa kusina bago binasag ni Manang Fe ang asiwang namayani. "Sabihan mo na lang ako Ali kung may meeting ka para hindi na kita ipaghanda. Pero kung wala, ay kailangan mo ring magdala nang sa ganoon ay hindi ka na gumastos." Napayuko rin ang lalaki sa plato at sumandok ng kanin. "Okay, Manang." Matapos kumain ni Julia ay nauna siyang humingi ng permiso para pumasok ng silid. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kuwarto nang sa ganoon ay makapasok na sa banyo at maiwasan ang asawa. Hindi na siya naghubad ng damit, diretso nang pumasok sa paliguan. Kalalapat lamang ng pintuan ay siya namang pagkatok ni Ali. "Julia." Kipkip ang tuwalya nakatitig lamang siya sa dahin nang oinyo kung saan paulit-ulit ang mahinang pagkatok ni Ali. "I know you're in there." "Maliligo ako," aniya, nilangkapan ng inis ang boses. "Be quick. Mag-usap tayo, pagkatapos mo." Hindi niya sasagutin ang asawa. Magiging napakasunurin niya kung kailangan pa niyang tumugon sa lahat ng sinasabi nito. Sinimulan na lamang niya ang paglinis sa sarili. Binagalan ang mga galaw nang sa ganoon ay mainip ito sa kahihintay at mauna nang matulog. Nagbabad siya ng lampas kalahating oras, subalit pagkalabas niya ng banyo ay nakaupo lamang ito sa gilid ng kama. Nakakrus ang mga braso sa dibdib at halatang nawawalan na ng pasensiya. Ayaw na ayaw nitong pinaghihintay nang matagal kaya alam niyang nakalapat na ang mga bagang nito. Tuwid ang leeg, naglakad siya sa patungo sa built-in cabinet at naglabas ng susuoting damit pantulog. Hindi sinulyapan ang asawa ng tingin. "I didn't like what you said earlier in front of Manang." "Bakit? Ano bang sinabi ko?" sagot niya na hindi pa rin sinusulyapan ang kasama. "Hindi maganda ang pinakita mong ugali, Julia. First, nasa hapagkainan tayo. Second, kailangan bang malaman ng ibang tao ang issue nating dalawa?" "Bakit, ibang tao ba si Manang? Kapamilya na natin siya." "I know. But you don't have to involve her in this matter. This is just between me and you." "At ano'ng sinasabi mong pag-uugali ko? Ano bang ginawa ko? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Totoo naman na nagpapa-impress ka doon sa babae mo." Ngayon ay nakaharap na siya sa lalaki, labas ang mga litid sa inis. "Julia! Stop that." "Gusto mo bang magising si CJ, Ali? Bakit ka sumisigaw?" Matapos makapagbihis ay nilapitan niya ang anak nang matanaw na kagyat itong gumalaw. Tinapik nang marahan sa binti nang sa ganoon ay makatulog nang mahimbing. "Don't change the subject, Julia. Hindi ko gusto ang mga lumalabas sa bibig mo. I and Veronica have no affair. She is my co-worker, bakit mo binibigyan ng kahulugan ang pagsasama namin?" Sa inis ay iniwan niya ang sanggol sa crib at lumabas ng kuwarto. "Come back, here." Alam niyang nakasunod ang asawa sa kanyang likod. Lumabas siya ng garden at doon ito hinarap. "Walang kahulugan? May co-worker ba na ang lagkit makatitig, Ali? Na halos palitan na ako sa tabi mo noong party. She practically wanted to flirt with you kaya lang hindi niya magawa dahil hindi ko siya pinagbigyan. Paano pala kung wala ako roon? Baka naglingkisan na kayo na parang mag-asawa." "You are going too far, lady." "Co-worker lang? Are you sure? E paano mo ipaliliwanag ang paghawak niya ng cellphone mo?" "What are you talking about?" Lumalalim ang lukot sa gitna ng kilay nito habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. "Siya ang sumagot ng tawag ko 'di ba, noong nanganak ako? Gawain ba ng matinong babae na walang relasyon sa lalaki ang ganoon?" "Babalik na naman ba tayo sa ganyan, Julia? I thought napag-usapan na natin iyan. Its all over." It is definitely not over dahil hanggang ngayon ay hindi ako kombinsido sa mga alibis mo!" "Alibis? I never told you alibis, Julia. Hindi ko lang nasabi sa 'yo ang mga gusto mong marinig sa akin but that doesn't mean that I am not saying the truth. How many times do I need to tell you that there's nothing between me and Veronica! Masyado lang marumi ang isip mo. Hindi na ba matatapos ang mga paratang mong ganyan?" "No. Hindi dahil hindi mo pa napatunayan sa akin na mali ang hinala ko." "Wala akong dapat patunayan dahil wala akong ginagawang masama. Puwede bang tigilan na natin ito? Wala kang makukuha sa pagseselos. Guguluhin mo lang ang utak mo sa walang kabuluhang bagay." Nakapamaywang na sinuklay ni Ali patalikod ang sariling buhok. "Walang kabuluhan?" tanong niya sa naniningkit na mga mata. "Yes. Dahil nagsasabi ka ng mga bagay na hindi naman totoo." "Ngayon, confident kang ipagkaila lahat ng sinasabi ko, Ali. Pero darating ang araw, mapapatunayan ko rin ang lahat." Hindi makapaniwalang napanganga ang lalaki sa kanya. "At sa oras na mangyari iyan, sisiguraduhin kong magsisisi ka!" "What are you planning to do again, Julia?" ang tono ng salita ni Ali ay mababa na. Nagbabadya ng pagbabanta. "Just as you are thinking, Ali. Aalis ako sa bahay na ito at dadalhin ko si CJ. Hinding-hindi mo siya makiki—" Inilang hakbang ni Ali ang pagitan nilang dalawa. Napasinghap siya nang padakma siyang hinawakan nito sa magkabilang balikat. Nanlilisik ang mga matang hinarap nito ang kanyang paningin. "Just try doing that and you'll be begging on your kness," anito sa matigas na salita. Iyon ang unang beses na nakitaan niya si Ali na ganoon kagalit. Sa kabila ng pinagdaanan nilang alitan noon ay hindi pa siya nito tiningnan nang ganoon kasama. Pakiramdam niya ay ibang tao ang kanyang kaharap. Pakiramdam niya ay isang salita na lang na lumabas sa kanyang bibig ag dadapo na ang mabigat nitong palad sa kanyang pisngi. Maging ang hawak nito sa kanyang mga balikat ay sigurado siyang lilikha ng pasa. He's been shivering with anger. Bakit? Dahil ba guilty ito sa mga binibintang niya? Sindak ang lumarawan sa anyo ni Julia habang hinaharap ang mga titig ni Ali. Nangilid ang mga luha niya sa mga mata at humapdi ang ilong. Ngunit walang mas kikirot pa sa kanyang dibdib na tila pinagtatarak ng malaking kutsilyo dahil sa pinakita ni Ali. She hadn't imagined eversonce that Ali could be violent. Wether towards her or anybody else, ngunit ngayon ay napatunayan niyang mali ang kanyang akala. Binitiwan lamang siya nito nang magsimula nang kumawala ang kanyang hikbi. Nangangatog sa takot ang kanyang katawan para sa lalaki. Napaatras naman ito at animo nahimasmasan mula sa pagkakasapi, napasapo si Ali sa bibig at umatras. "I-Im sorry, Julia." Hindi na kayang maglabas ng salita ng kanyang bibig kaya pinili na lamang niyang lagpasan ang lalaki para iwanan at muling pumasok sa kanilang kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD