Part 17

1061 Words
Abala ang opisina, maraming nagpatong na gawain at kailangang makompleto ang mga iyon bago pa man lumubog ang araw ngunit diskumpiyado si Ali kung matatapos niya ang lahat. He just can't put his entire attention to what he is doing. Naiwan ang isip niya sa bahay, idagdag pa na wala siyang maayos na tulog. Halos sumilip na ang galamay ng araw nang sumara ang kanyang malay, dahil sa pagkabagabag sa naging alitan nilang mag-asawa, at ramdam niya na ganoon din si Julia. He couldn't fathom why he got too jealous of the young man. Nakipag-usap lang naman ito sa asawa pero tila gusto na niyang hablutin ang babae para ilayo rito. Pakiramdam niya ay kaunting sandali na lang, mawawala na sa kanya ang isang napakamahalagang taglay. Gusto niyang sawayin at murahin sa sarili dahil sa ideyang iyon. Ganoon na lang ba kababaw ang tingin niya sa asawa? May trust issue ba siya rito para pag-isipan niya ng ganoon? All this time, wala nang sinasabi si Julia sa kanya kundi mahal siya nito. They both faced a hard fought and bitter struggle to protect and preserve the love that blossomed between them, pero bakit bigla na lamang umusbong ang ganoong pagtatalo? Ibinaba niya ang hawak na ballpen saka inihilamos ang palad sa muka. Nagpakawala ng mahabang hininga. He's becoming immature. Hindi dapat niya pinag-iisipan ng mali ang asawa. She's young and assertive, ready to explore the broad world, kaya natural lang na hayaan niya itong gumalaw. He should put more trust to his wife, despite their age gap. Napalaki naman niya ito nang tama, at simula noon ay hindi siya nagkaproblema sa padalus-dalos nitong desisyon. Huwag muna dapat niyang husgahan pero kailangan pa rin niyang gabayan ito. Isa pang nagpabagabag sa kanyang loob ay ang sinabi nitong ugnayan nila ni Veronica. He remembered Veronica telling him na tumawag si Julia, na sinagot ng babae ang telepono for him. But what's the big deal? Bakit pinalalaki ni Julia ang bagay na iyon? Bumuga ulit siya ng hangin. "I need to talk to her," aniya sa sarili. Napatingala siya sa pintuan nang may kumatok roon. "Yes? Come in, Sharon, have a seat," lahad niya sa kamay paturo sa harapang silya. "Sir, tumawag po ang BX company, gustong nilang baguhin ang designs na pinasa natin." "What? Why?" "May naisip daw silang mas magandang concept at hindi raw nagustuhan ng chairman nila ang nauna." Napapikit siya habang tumangu-tango. "Alright, kaya pa ba sa load ninyo na isingit iyon?" Sandaling nag-isip ang babae. "Kakayanin po, Sir. Pero hindi ko po masisiguro na walang delay na mangyayari." "Thank you, Sharon. I trust you to manage this matter effectively." "Thank you, Sir." Tumayo na ito at lumabas. Ang siya na naiwan ay napapailing na hinarap ang telepono. Binuksan ang screen para tingnan kung may mensahe ba mula sa asawa pero nabigo siya. Nag-dial siya ng ilang numero saka pinindot ang call button. Sumagot ang malambing na boses ni Julia na nagpahigpit nang bahagya sa kanyang dibdib. "Baby...where are you?" "I'm at home." "How's CJ?" "Katutulog lang. Tapos ko na siyang padedehin." "How are you?" Walang sumagot sa kabilang linya, gusto niyang pumalatak sa pagkadismaya. "Julia--" "I'm fine, Ali." Kariringgan ng pagkainis ang boses nito. Siguradong hindi pa humuhupa ang masamang loob ng asawa sa kanya. "I'll be home early." "Okay, take care." "I love you, wife." Naulinigan niya ang buntong-hininga nito bago sumagot, "Mahal din kita." Napangiti siya nang malamlam bago pinatay ang tawag. Uminat ng upo sa swivel chair. Bigla ang paglaho ng mabigat na damdamin ni Ali sa sagot ni Julia. Tila dumaan ang isang anghel at binura ang lahat ng kanyang paghihirap. He should bring something for her. A peace offering? Ano kaya ang maganda? Kailangan na niyang tapusin ang ginagawa para makadaan sa isang shop at tuparin ang sinabing maagang pag-uwi. *** Inilapag ni Julia ang dalang cellphone at malalim na bumuntong-hininga. Napapikit siya nang mariin. Nasa kusina siya at katatapos lang maghugas ng feeding bottles ng anak. Hindi na siya nakapagtimpi kagabi, naibulalas na niya kay Ali ang matagal nang saloobin. Ang tungkol sa dinadalamhati niya noong insidenteng ibang babae ang humawak ng telepono nito at sumagot sa kanyang tawag. Ngunit base sa mga sinabi ng binata, mukhang wala itong nakikitang mali roon? Bakit? Ganoon na ba talaga ka-close ito sa counterpart para bigyan ng karapatang sagutin ang mga personal na tawag? Kahit na sa asawa ng lalaki nagmula? Will Ali really cheat on her? Kahit ba sa kabila ng pinagdaanan nila, sa mga sinabi nitong pagmamahal sa kanya, hanggang ngayon ba ay may puwang pa rin sa puso nito ang pagsisisi na siya ang piniling maging asawa? Madiin ang pagkakatagpo ng kanyang mga bagang nang gumuhit ang hapdi sa kanyang dibdib sa naisip. Bakit ganoon na lang siya ipagtulakan ni Ali? Akala niya ay nalampasan na nila ang ganoong issue. She uttered praises nang mawala sa buhay nito si Phoebe, at sinabing mamahalin siya bilang isang babae. Akala niya ay matatapos na ang mga pasakit na ginagawa ni Ali sa kanya kapag nakasal na sila, na mamahalin na lamang siya nito nang lubos katulad ng kung paano niya ito ibigin, pero bakit nangyayari pa sa kanila ang ganoon? Lubos siyang nasasaktan. Dinadaan lang ni Ali sa selos ang lahat. Naghahanap ng alibi para pagsimulan ng away. Pati ba naman ang pakikipag-usap niya sa isang guest ng party ay ikagagalit nito? Wala naman siyang ginagawang masama. Napaka-unreasonble ng hinaing nito sa kanya. Siya nga hindi pinakikialaman kung kanino ito nakikipagkita at saang lupalop ng mundo nagpupupunta. Wala itong narinig na reklamo sa kanya kahit noong mas pinili pa nitong bumiyahe para sa trabaho sa halip na samahan siyang manganak. Pinunasan ni Julia ang nabasang pisngi sanhi ng paglandas ng luha roon. Hindi na talaga mabubura pa sa kanyang isip at puso ang sakit na ikinintal ni Ali at ng babaeng iyon. Sa tuwing naaalala niya ang panibugho na tinamasa sa panahong walang siyang ibang dinaramdam kundi ang pagiging mahina. Gusto na lamang niya iiyak iyon hanggang sa matuyo ang kanyang luha. Kailan ba sila magiging pantay ni Ali? Hanggang ngayon ay bata pa rin ang turing nito sa kanya. Maayos man siyang naipakilala nito sa mga katrabaho, pero hindi nakalaigtas sa kanyan ang matalim na tingin na ipinukol ng babaeng nagngangalang veronica sa kanya. She knew those eyes were yelling for jealousy, envy. Kahit wala itong ginawang hakbang para magtanim siya ng suspetsa para kay Aki at dito, she would never knew how they played the game at her back. Huwag lang talaga niyang malalaman na may ginawang kabuktutan si Ali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD