Malapit na ring mag-ala una nang madaling-araw noong matapos ang party. Ang hindi maintindihan ni Julia, bakit ba ayaw mabura sa isip niya ang hitsura ni Danico? Para bang tinatawag siya nito na tumitig nang matagal, tipong maakit ka. Mahal niya si Ali, oo, pero may kakaiba rin kasi kay Danico.
Hindi niya alam alam kung sa paningin niya lang o totoo pero sobrang guwapo ni Danico. Para talaga itong magandang tanawin para sa kaniya at hindi niya mapigilang hindi maisip ang hitsura nito. Ngunit napahampas siya sa kaliwang kamay dahil alam niyang mali ang iniisip niya. Si Ali ang asawa niya at hindi siya dapat tumingin sa iba kahit ano'ng mangyari.
Nasa bahay na sila ngayon at tila ba hindi siya napapansin ng asawa. Nagsimula ito noong pasakay na sila sa sasakyan, ni pagbuksan siya ng pinto ay hindi ginawa. Napaka-seryoso rin ng mukha nito na para bang masasapak ka na lang bigla kapag kinausap mo pa. Alam naman niyang seryosong tao talaga ang asawa, ngunit pakiramdam niya ay may kakaiba sa awra nito ngayon. Para bang may malalim itong iniisip na hindi niya malaman kung ano.
"Ali?" saad niya para matawag ang atensyon nito. Nasa kuwarto na sila noon. at pahiga na sa kama na nakatitig sa asawang nakatayo lang sa pintuan at nakalagay ang kamay sa baywang.
"What?"
"Ano'ng what? May problema ka ba?" Sinubukan niyang titigan nang diretso ang asawa ngunit umiwas lang ito ng tingin. Ano ba talaga ang nangyayari?
"If I have a problem, it doesn't matter." Walang siyang nakikitang emosyon sa mukha nito ngunit nababanaagan niya ng diin ang bawat salitang binitiwan ng asawa.
Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Inalala niya ang mga nangyari sa party ngunit wala naman siyang makitang mali rito. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may wirdong ugali ang asawa. Bigla-bigla na lang kasi itong nag-iba ng emosyon sa dahilang 'di niya malaman.
Umupo siya at hinarap ito. "Alam mo, hindi kita maintindihan. Kanina ka pa, e."
"Hindi mo ako maintindihan kasi wala ka namang dapat intindihin in the first place."
Nanlaki ang kaniyang mata sa sinabi ng asawa. Magtatanong pa sana siya dahil wala talagang maintindihan sa sinasabi nito ngunit mas pinili na lang niyang itikom ang bibig. Sa puntong iyon, nakaramdam na siya ng matinding kaba na hindi niya malaman kung saan nanggagaling. Hindi ganoon kabilis ang t***k ng puso niya ngunit nagpapawis ang kamay niya at kapag ipinaghahawak, mas lalo pang tumitindi ang kaniyang nararamdaman. Pakiramdam niya, may mali. Hindi lang malaman kung saan o sa papaanong paraan.
"A-Ali?" Iyan na lang ang tanging nasabi niya.
Sa wakas ay nakita niya itong umalis sa kinatatayuan. Lumakad ito palapit sa kama at hinarap siya. Hindi niya malaman kung totoo ba o sa paningin niya lang pero masama ang tingin nito sa kaniya. Lalo tuloy siyang kinabahan. Ngayon lang niya nakitang ipinukol sa kaniya ng asawa ang ganitong mga titig. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na may mali siyang nagawa at mas malala ito kumpara sa mga nagdaang panahon.
Hindi niya na malaman kung ano ba ang dapat gawin. Tatayo ba siya at sasalubungin ito ng yakap kahit na hindi maganda ang emosyong nakikita niya sa mukha nito? Kung gawin man niya iyon, ano ang sasabihin niya para mag-comfort?
"Ali," Wala siyang ibang masabi kundi ang pangalan nito pero wala na iyon sa kaniya. Ang mahalaga ay matawag niya ang pansin nito at malaman na kung ano ba talaga ang problema.
"Do you have anything to say aside from my name, Julia?" Ganoon pa rin. Matalim na tingin pa rin ang nakikita niya sa mga mata nito.
"A-Ano'ng sasabihin ko?"
"Tell me. Do you really love me, Julia?"
Hindi na niya nababanaagan ng talim ang mga titig nito ngunit napaawan naman ang kaniyang labi dahil sa tanong nito. Ito ang unang pagkakataon na nagbitaw ng ganitong kataga ang asawa at hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa rin mawala ang kaniyang kaba. Siguro nga ay may mali na talaga, ayaw lang sabihin sa kaniya kung ano.
"Anong klaseng tanong iyan, Ali?"
"You didn't answer my question. Does it mean... no? Or. you don't want to answer it because there are other reasons?"
"Ano ba ang pinagsasasabi mo? Paano ko naman kasi sasagutin iyang tanong mong pabigla-bigla?"
Hindi niya alam kung bakit tila gumawa ng hand gesture ang kamay niya habang sinasabi iyon.
"Ako pa ang pabigla-bigla? Julia, never akong gumawa ng ikasasa—"
Tumayo na rin siya at tinitigan nang diretso ang asawa. "Puwede bang magsalita ka nang diretso, Ali? Kanina pa ako tanong nang tanong sa iyo kung ano'ng problema pero puro idoomatic expressions na hindi maintindihan ang isinasagot mo. Makikinig naman ako, e."
"Sagutin mo lang naman kasi iyong tanong ko. Do you love me?" Dahil nga nakatitig nang diretso, nakita niya ang pagguhit ng lungkot sa mga mata nito.
"Ali, of course love kita. Ano ba kasi ang mayroon?"
"Huwag mo nang pansinin. The thing is, you love me. Okay na iyon."
Out of the blue, hinawakan niya ang kamay ni Ali at iginiya sa kama. Hindi naman na siya nahirapan dahil nagpahatak din naman ito sa kaniya at pareho silang nahiga. Ngunit nang akmang hahalikan niya na ang asawa, bigla nitong ibinaling sa ibang direksyon ang ulo. Dahil dito, nakaramdam siya ng kung anong mainit sa kaniyang dibdib. Para itong sasabot kapag nayamot na siya.
Hindi niya talaga maintindihan ang lahat. Akala niya kasi, tapos na dahil sinagot na niya ang tanong ng asawa, pero bakit may ganito? Bakit parang hindi talaga iyon ang probmema?
Ilang minuto ang lumipas, tumayo na siya sa kama at hinayaang nakahiga ang asawa. Hindi niya na mapigilan ang nararamdaman. Mistula nang bombang sasabog ang utak niya dahil sa sobrang okupado. Kung kanina ay kinakabahan siya, nakakuyom na ang kamao niya ngayon. Wala siyang balak na ambahan ang asawa, nanggigigil lang siya dahil sa nangyayari.
"Kung ano man ang problema, sabihin mo sa akin nang diretso, hindi iyong nagpapaliguy-ligoy ka. Akala ko ba okay tayo? Ano ito?" saad niya habang dahan-dahang tinutungo ang lamesa na nasa tapat halos ng kama.
Katahimikan ang umiral at nag-iinit na ang sulok ng kaniyang mga mata sa hindi pa rin malamang dahilan. Samu't sari na ang kaniyang emosyon at ayaw na niyang pangalanan dahil hindi sila magaganda. Ang alam niya lang, sobrang nahihirapan ang kaniyang kalooban sa ikinikilos ng asawa. Talaga nga bang hindi niya pa ito kilala kahit matagal na silang magkasama?
"Julia, do you really love me?" Nakahiga pa rin ito sa kama at kitang-kita niya ang magkasabulong nitong mga kilay.
Naipaghawak niya ang dalawang kamay nang mahigpit. "Oo, Ali, oo. Iyan lang ba ang gusto mong marinig? Ang gagawin mo ba, hahalikan kita ulit tapos aayaw ka at itatanong iyan?"
umupo na ito at bumuntong-hininga. "Julia, hindi naman kasi iyon ganoon lang."
"E, ano nga? Sabihin mo na, hindi iyong tanong ako nang tanong tapos wala naman akong nakukuhang matinong sagot."
"What happened a while ago?"
Nanlaki ang kaniyang mata sa tanong na iyon. A wile ago, wala naman silang pinuntahan kundi iyong party. Ano naman ang mangyayari doon? Sinubukan niyang alalahanin ang lahat ng naganap ngunit wala naman siyang nakitang mali. Wala ni isa sa mga nangyari ang nakikita niyang magiging dahilan para magkaganoon ang asawa.
"A while ago? Wala namang nangyaring hindi maganda. Kung alam ko lang na magkakaproblema pala, sana hindi na ako sumama sa iyo."
“Julia, hindi mo naiintindiha—“
“Maiintindihan ko kasi sana kung hindi ka nagpapaikot-ikot!” Mababahiran na ng pagkairita ang boses niya nang sandaling iyon.
“About the guy you met while we are talking to the—“
Napaawang ang kaniyang labi sa sinabi ng asawa.
“Si Danico? What’s with him?”
“I don’t want you getting along with him.”
“Bakit?”
"Dahil sinabi ko.”
“And do you think basta lang ako susunod dahil sinabi mo? Hindi na ako bata para—“
“He’s younger than me!” Hndi niya alam kung sa pandinig lang niya ba o totoo pero dumagundong ang buong kuwarto sa pagsigaw ng asawa, idagdag pa ang matalim na naman nitong tingin.
Hindi pa rin niya maintindihan. Ano naman ngayon kung mas bata kay Ali si Danico? Wala namang mali roon kung siya ang tatanungin dahil nagkakilala lang naman sila, walang kahit anong namamagitan sa kanila.
Mas lumapit siya sa kamang kinauupuan ng asawa.
“And so? Ano ngayon kung mas bata siya sa iyo?”
“I love you so much, Julia. Pero what if lumayo ka na sa akin because of him kasi mas bata siya? Ipagpapalit mo ako sa kaniya? Julia, no way!”
“So nagseselos ka? Sa tingin mo ba ganoon kababaw ang pagmamahal ko sa iyo? Ali, huwag mo akong itulad sa iyo!” Hindi na niya mapigilang sumigaw. Halos sumabog na ang dibdib niya sa narinig, idagdag pa na may naalala siyang isang bagay na ayaw naiya na sanang pansinin.
“Huwag itulad sa akin? What do you mean? Julia, of course hindi kita ipagpapalit, hindi kita lolokohin if iyon ang point—“
Hindi na niya napigilan ang sarili. Tuluyan nang lumandas ang kaniyang mga luha at napahagulhol. Naninikip na ang kaniyang dibdib at para bang may nakabara sa lalamunan niya dahil hindi siya makapagsalita nang maayos.
Buong tapang niyang tinitigan ang asawang nababahiran niya ng kalituhan at saka nagsalita, “Hindi lolokohin? E, di dapat, hindi ka rin magsisikreto sa akin, ‘di ba?”
“I don’t have any secrets.”
“Talaga? E, ano iyong nangyari noong manganganak ako? Ano iyong ipinahawak mo sa counterpart mo ang phone mo? Ano iyong tumawag ako sa iyo pero siya ang sumagot? Ali, hindi ako nagsasalita kasi binabaliwala ko iyon, kahit nahihirapan din ako. Ako nga ang dapat mas may sinasabi rito, e, pero pinili kong manahimik kasi alam kong itatanggi mo lang ito! Ngayon, ang lakas ng loob mong magselos samantalang isang beses lang kaming nagkakilala ni Danico? Kayo nga, e, you’re always with each—“
“That’s because we have transactions to do! There’s nothing wrong with that!”
“Then, there is nothing wrong with me getting along with others, specifically guys!”
“Julia…”
“Pareho lang tayo, Ali. Hindi ko lang alam kung totoo iyang sa iyo o alibi pero hindi na ako bata para mapagbawalan.”
Hindi na niya hinintay ang sagot ng asawa at dali-daling nagtungo sa kusina habang sapo-sapo ang bibig. Hindi siya makahihinga sa atmospera nilang dalawa kaya minabuti niya na lang na dumistansya kaysa kung saan pa humantong ang usapan nila.