"Julia, kumusta na ang pakiramdam mo?" Nakatungo si Manang Fe sa kanya habang hinahagod ang kanyang buhok patalikod. Nakatulog pala siya, ilang oras kaya siyang nawalan ng malay? Ang huli niyang naalala ay noong ipinatong sa kanyang dibdib ang kalalabas lang na sanggol.
Iginalaw ng babae ang ulo patagilid at tiningnan ang tabi ng kama.
"Ang baby mo ba? Nasa nursery room pa."
"Ano'ng oras na po ba, Manang?"
"Alas onse na ng gabi. Mahaba-haba rin ang naging tulog mo. Kumusta na ang pakiramdam mo?"
"Masakit ang katawan ko."
"Hmmn, ganyan din ang naramdaman ko noong kapapanganak ko pa lang. Siya nga pala, tumawag si Ali kanina gusto kang makausap pero nang sabihin ko na natutulog ka, ang sabi huwag ka na lang daw gisingin. Tatawag daw siya ulit. Iti-text ko na para magkausap na kayo. Miss na miss ka na no'n, e."
"Hmn, sige po," sabi ni Julia na nag-iba ng puwesto sa pagkakahiga.
Pinindot ni Manang Fe ang loud speaker button kaya rinig na rinig niya ang pag-ring ng telepono.
Baka nakatulog na si Ali. Maghahating-gabi na rin, siguradong pagod iyon.
Hindi na binilang ni Julia kung ilang magkasunod na ring na ang narinig mula sa cellphone nang huminto iyon at pumalit ang baritonong boses ng lalaki.
"Manang?"
Napapikit si Julia. Hanggang ngayon ay lumalakas pa rin ang salsal ng kanyang puso sa tuwing naririnig ang boses ni Ali. Lagi na lang ay gusto niya itong takbuhin at ikulong ang sarili sa mga yakap ng lalaki.
She missed him so much.
"Ali, gising na si Julia."
"Talaga? Can I talk to her?" Mahihimigan ang galak sa boses nito.
"O, kayo na ang mag-usap," anang matandang babae na inabot ang cellphone sa kanya.
Nang mahawakan ang telepono ay nakita niya na umilaw ang icon ng camera. Pinindot niya iyon at tumambad sa screen ang mukha ng asawa.
"Julia? Baby...I love you. How are you? Are you feeling hurt?" Malamlam ang mga mata ng lalaki habang maiging nakatingin sa kanya, kung dahil sa pagod o dahil sa matinding pangungulila ay hindi niya alam.
"Masakit ang buo kong katawan." Her voice sounded coarse.
"Drink water, baby."
"Hindi pa yata p'wede."
"Hindi, p'wede na. Hindi ka naman cesarean, e," sabat ni Manang Fe sa kanilang usapan. Tumayo ito at kinuha ang maliit na bottled water sa lamesa.
"I miss you so much, Julia. I'll be going home tomorrow evening. Pagkatapos ng meeting, uuwi kaagad ako."
"Hindi ba masyadong nakakapagod kapag bumiyahe ka?"
"I'd rather get tired and be with my family."
Napangiti ang nanghihina pa ring babae sa sinabi ng asawa. She's aching to inquire about the woman named Veronica, na counterpart nito sa trabaho but she had no energy for that. Lalo kapag naging tensiyonado ang kanilang pag-uusap, mukhang hindi pa niya kayang harapin ang ganoon.
"Ali, mahal mo ba ako?"
"Of course. You are my life, Julia. I believe I carved that into you several years ago."
Yes, he said that when she was just in gradeschool. She could clearly remember when Ali got so angry that night at siya naman ay iyak nang iyak.
Is Ali capable of hurting her again? Ngayon na nakatali na sila sa isa't-isa?
"I remember."
"Hinding-hindi iyon magbabago. You are the only woman I have and will love for the rest of my lifetime."
Sumikip ang dibdib ni Julia sa narinig. How can he say those words without batting an eyelid when she just talked to a woman behind his phone? Kahit ignorante siya sa ibang galaw ng mundo, she still thinks that a cellphone should be a personal possession. Bakit hinayaan ng asawa na basta na lang hawakan iyon ng iba sa dalawang pagkakataon pa?
Sa naisip ay nangilid ang kanyang luha. Mabilis ang pagkamuo niyon at bumitaw na nga, naglandas sa gilid ng kanyang mga mata.
"Just come home, Ali, please. I need you here. Masakit ang buo kong katawan. I can't move, I don't know what to do."
"Baby, baby...I'm coming home tomorrow. I'm so sorry." Mula sa kaharap na screen ng cellphone ay nakita na rin ni Julia ang pamumula sa mga mata ng lalaki. "I love you so much, okay?"
Tumango ang babae habang panay ang ginawang singhot. Inabutan naman siya ni Manang Fe ng tissue.
The call lasted for more than an hour. Kung hindi sumingit muli si Manang Fe at nagsabing kailangan na nilang dalawang magpahinga ay hindi mapuputol ang kanilang pag-uusap.
After she bid goodbye to her husband, nakaramdam muli si Julia ng antok.
***
Kinabukasan ay gumaan-gaan ang pakiramdam ni Julia. She could walk with the assistance of Manang Fe. She also ate alot which is a good sign daw sabi ng doctor dahil kailangan niya iyon para manumbalik ang kondisyon ng katawan. The best part of that day was when the nurse delivered her baby and right now she can't take her eyes off of him. Karga niya ito sa nakaraang trenta minutos at walang sawang tinitigan kahit na nga ba nangangalay na ang kanyang mga braso.
Caius Jon. Baby CJ. She came up with that name after reading a certain novel. It sounded unique yet simple at ang cute ng palayaw.
Kahit masyado pang mura ang edad ng anak ay makikita na kaagad sa hitsura nito ang features ng mukha. Definitely eighty percent was from Ali. Ang matangos na ilong, mahabang pilik-mata at mamula-mulang kutis. Mukhang ang namana lang ng anak mula sa kanya ay ang kulay ng buhok niya, light brown.
"Ang cute mo!"
"Napadede mo na ba si baby CJ?" tanong ni Manang Fe sa kanya, kakapasok lang sa pintuan. Nanggaling ito sa labas para bumili ng adult diaper.
"Uhm, hindi pa po."
"Hesus maryosep! Hinihintay mo pa bang umiyak iyan nang umiyak bago mo bigyan ng gatas? Ang mga sanggol, dapat palaging pinapadede. Para mabilis ang paglaki."
"Paano po pala?"
"Ilapit mo ang dede mo sa bibig niya, kapag naramdaman iyan ng bata, kusa na iyang dedede."
"S-sige po." Tinulungan siya ni Manang Fe na kalasim ang pagkakatali ng gown sa likod saka ibinaba para mahantad ang kanyang dibdib. "Uhm, doon na muna po kayo."
"Ano, nahihiya ka ba?"
"Siyempre po!"
"Hindi ka na dapat mahiya, Julia. Ang una mong isipin ay ang kapakanan ng anak mo. Kapag nasa labas ka, paano mo mapapainom ng gatas ang baby mo kung uunahin mo ang hiya? Sanayin mo na ang sarili mo."
Napapangiwing inilabas ni Julia ang namamagang dibdib at inilapit sa bibig ni CJ. Katulad ng sinabi ni Manang Fe, kusa nga nitong nahanap ang kanyang dibdib at sinimulan ang pagdede.
Napakagat-labi siya dahil sa kiliti na nararamdaman.
Her breast felt hot and swolen. Halos dumoble ang laki niyon kaysa sa noong hindi pa siya nabubuntis at pakiramdam niya, ngayong nanganak na siya, ay mas lalong sumakit iyon.
"Mas bata ako sa iyo noong ipinanganak ko ang panganay. Disi-otso ako no'n," anito na hinila ang silyang nakadikit sa lamesa at inikupa. "Kaya alam na alam ko ang nararamdaman mo. Mabuti ka nga at may asawa kang matino. Kasi ako noon, lasenggero ang asawa ko. Lasing pa noong isinugod ako sa ospital."
Tahimik lang na nakikinig si Julia sa matanda habang karga ang anak.
"Nasaksihan ko kung paano ka alagaan ni Ali noon kaya masasabi kong masuwerte ka sa napangasawa mo, Julia. Noong una, tutol talaga ako sa nararamdaman ninyo. Hindi maganda sa mata ng lahat ng nakakakilala sa inyo na ang mag-ama ay nag-iibigan sa ibang paraan. Pero nang makita ko kung gaano kayo naghirap nang mawala kayo sa isa't-isa, nasabi ko na siguro pinagtagpo talaga kayo hindi para maging mag-ama kundi para maging mag-asawa. Si Ali, noong umalis ka ng bahay, naglumuhod na humabol sa iyo."
Natigilan si Julia sa narinig. Ngayon niya lang nalaman ang bagay na iyon.
"Sa gate. Unang beses kong nakakita ng lalaking umiyak nang ganoon. Simula nang araw na iyon, nawalan na ng kulay ang kanyang mundo. Hindi na nga kumakain halos sa bahay. Palaging nagkukulong sa kuwarto o kaya ay nag-iinom sa garden. Noon ko lang nalamang naninigarilyo pala siya. Araw-araw kong naaabutang puno ang ashtray sa graden. Kaya ipinagdasal ko na sana ay magkabalikan na uli kayo. Hindi ko na masikmura kung paano niya abusuhin ang sarili dahil sa matinding panibugho." Namamasa ang mga ni Manang Fe habang nagbabalik-tanaw sa nakaraan. "Napakasaya ko sa kaligayahan ninyo, Julia. Sana ay hindi ko na makita ang isa sa inyo na mahulog sa ganoong sitwasyon."
Napangiti si Julia habang mas hinigpitan ang pagkakayapos sa anak. "Sana nga po, Manang. Iyon din ang palagi kong iniisip."
"Tiwala lang, Julia. Dapat ay may matibay kayong tiwala sa isa't-isa. Ang pag-aasawa ay hindi lamang binubuo ng pag-ibig. Mas dapat na malaki ang porsiyento ng pagtitiwala at respeto. Dahil balang araw, ang pag-ibig ay nalulusaw lalo kapag dumating na ang mga problema. Natatabunan iyon kaya dapat ay mapanatili pa rin ang respeto at tiwala. Dahil iyon ang inyong kakapitan para hindi masira ang magandang samahan."
"Thank you rin po, Manang. Sa lahat ng pag-iintindi ninyo at pag-aalaga sa amin ni Ali. Tatandaan ko po pahat ng sinabi ninyo. At...ito na nga ang bunga ng pagdarasal ninyo," nakangiting sabi ng babae. "May apo na ulit kayo."
Napangiti rin ang matanda at nagpahid ng mga mata gamit ang tissue.
"Nagdedede pa ba?"
Niyuko ni Julia ang dalang sanggol at pinakiramdaman. "Mukhang nakatulog na yata."
"Sige, ilapag mo na ng maayos. Halika, tuturuan kita paano humawak ng bata."
Matapos maihiga ang bata ay nagpahinga na rin si Julia habang puno ng kagalakanh hinihintay ang pagdating ng asawa.