Meeting Cray & Carson parents part one with Carson and Cray's childhood friend
"Are you ready to meet our parents?
isang tanong na hindi ko masagot handa na nga ba akong makilala ang mga magulang nila.
Napakahirap magdesisyon lalo na at kakagaling ko lang sa isang hindi
magandang pagtatagpo sa pagitan
namin ng magulang ko, pero alam ko sa sarili ko na basta para sa kanila handa akong gawin ang kahit na ano.
"Paano pag hindi nila ako magustuhan? Isang tanong ang ibinato ko sa kanilang dalawa sabay na nangunot ang noo nila at sabay na
tumikhim. "Pati pagkunot ng noo ang
cute nila haayy hindi ko akalain na mahal nila ako.
"They'll love you, huwag ka ng mag-
alala" pagsisiguro nilang dalawa but I
know it's not easy dahil parents na nila yung pinag uusap.
Yung parents ko nga ayaw sakin
parents pa kaya nila, napabuntong
hininga nalang ako sa mga pinag-iisip
ko.
"hey what's with the deep sigh?" cray
ask.
You know that it's not easy, what if
your parents found out that I'm a
stripper? Or worst that the three of us
have a "thing". Mahabang litanya ko na inemphasize pa ang word na thing
"we don't care, Angel this is a free
country and we can do whatever the hell we want!!" may kataasan ang boses sa sambit ni Carson.
"I'm sorry, but you can't blame me l
have been rejected always, and I dont
want to feel that again. Ayoko ng
maramdaman yung pagtanggi at hindi pagtanggap ng marami sa pagkatao ko.." mahinang sagot ko at napayuko nalang dahil alam kong nagagalit sila sa akin.
"oh right, you've been rejected by
your own family and if something like
that happen again it feels like
tinanggihan ka na naman ulit."
mahabang litanya din ni Carson.
"Baby di ba kagabi sabi namin sayo
na kahit anong mangyari andito kame, at walang ibang pwedeng manakit sayo, kahit na magulang pa namin... malambing ang boses na saad ni cray at niyakap ako ng mahigpit.
Sa lambing ng boses niya nawawala
ang bumabagabag sa akin nakakawala ito ng problema.
"Just trust us okay? paniniguro ni
Carson wala akong magawa kundi ang tumango at magtiwala sa kanilang dalawa. Yumakap na din si Carson sa akin at humalik sa aking noo.
Pagkatapos ng pag-uusap namin na
iyon ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasakay sa kanilang sasakyan at papunta na sa town house nila sa tagaytay.
Nakatingin lang ako sa labas ng
sasakyan at pinagnmamasdan ang mga tanawin pero hindi ko maapreciate ang ganda na nakikita ko.
Masyadong malalim ang nilalakbay
ng isip ko, hindi din ito nakakatulong para maibsan ang panginginig ng mga kamay ko.
Habang ang dalawa naman ay
masayang nag uusap pero heto ako at
tulala sa daan.
May kakaibang kaba ang hatid sa
akin ng pagpunta namin sa tagaytay,
kabang hindi ko maipaliwanag, siguro ay masyado lang akong nag aalala.
Pilit kong iwinaksi ang kung
anumang iniisip ko ng sa gayon ay
mawala na itong kabang nararamdaman ko.
llang oras ang naging byahe namin
mula sa Quezon City papuntang tagaytay, may mga oras na makakaidlip ako ngunit wala pang limang minuto ay magigising na naman.
Hindi ko alam kung bakit ganon pero
nagpaulit ulit ang pangyayaring iyon
hanggang sa makapasok kami sa
mismong bayan ng tagaytay.
Habang binabagtas namin ang
kahabaan ng isang barangay ay hindi ko maiwasan ang muli na namang kabahan.
Hindi pamilyar sa akin ang daan na
aming tinatahak ito ang unang beses na makapunta ako ng tagaytay at sana ay hindi ito ang maging huli.
"Hey malapit na ba tayo? tanong ko sa dalawang nasa harapan pero hindi
yata nila ako narinig dahil mukhang may importante silang pinag-uusapan.
"Hey! Malapit na ba tayo!?" mas malakas na tanong ko ulit na ikinagulat nila para silang binulabog na langgam bahagya pang namutla ang kanilang mga mukha.
"Anong pinag-uusapan niyo?
pangtatlong tanong ko na umaasang
sasagutin nila.
"wala ito angel, malapit na tayo sa
town house namin isang barangay
nalang. Nakangiting sagot ni Cray pero hindi ko maiwasan na magtaka sa ngiti niyang alanganin.
ano kayang nangyayari sa dalawang
ito? tanong ko sa aking sarili sa
mahinang boses.
Nang makalagpas kami sa isang
barangay ay unti unti ng bumagal ang
takbo ng aming sinasakyan, ngayon
naman ay papaliko na ito sa isang
parang beach resort na may mahabang entrada na dadaanan bago makarating sa mismong bakuran.
Puno ng mga bushes ang bawat gilid ng entrada nila at napaka ganda ng mga bulaklak nito.
Habang dumadating kame sa bakuran nila ay isa isa kong natatanaw ang nag gagandahang bulaklak at disenyo ng kapaligiran.
Sa isang side ng bakuran ay punong
puno ng mga rosas na hitik sa bulaklak at sa kabila naman ay mga orchids na may kakaibang bulaklak habang sa gitna nito at may angel shape na fountain na napakaganda, mayroong fishpond sa isang side na isa sa mga naging highlights ng kanilang hardin.
Pababa palang kami ng sasakyan ay
may mga nakauniforme nang
sumasalubong sa amin.
"magandang umaga señorito Cray at
señorito Carson!" magalang na yumukod ang mga nakauniforme na hinuha ko ay mga tagapag silbi.
"Magandang umaga din po nakangiting humarap ang magkapatid sa mga tagapag silbi ako naman ay
yumukod lang bilang pagbati
Nang matapos bumati ay niyakag na
nila ako papasok ng bahay.
Nang makapasok ay may isang
matandang babae ang humahangos
papunta sa gawi namin.
"Mga anak bakit hindi kayo
nagpasabi ng bibisita pala kayo?
Nagagalit na tanong nung matanda ng
makalapit siya sa gawi namin
"Nanay Elvie, magandang umaga!"
masayang bati ni Cray at yumakap sa
matanda
"na miss ka namin nanay!" si Carson
ay nakangiti din na bumati at yumakap sa matanda.
"Siya na kaya ang kanilang nanay?"
tanong ko sa aking isipan
Kumalas sa yakap ng dalawa ang
matanda ng mapadako sa akin ang
kanyang tingin.
Bahagyang nanginig ang tuhod ko
sa uri ng kanyang pagkakatingin.
Pakiwari ko'y sinusuri niya ako sa
pamamagitan ng kanyang mga mata.
Pagkuwa'y malapad ang ngiting
humarap ang matanda sa dalawang
binatang nakangiti lang habang
pinagmamasdan kami.
"hindi ko alam na may bisita pala
tayong iba?" Maamo ang boses ng
matanda halata dito ang likas na kabaitan, mayroon din itong palangiting mukha at mga mata.
"Angel, halika dito at ipapakilala ka
namin kay nanay" nakayukong lumapit ako sa magkapatid na parehas naglahad ng kamay sa akin.
Nang makalapit ako sa dalawa ay
parehas kong inabot ang kanilang mga kamay.
"Angel meet nanay elvie, ang
tagapag alaga namin ni Cray mula bata pa kami"
"Nanay meet Angel ang the one
namin ni kuya Carson."
"Magandang umaga po, nagagalak
po akong makilala kayo." Magalang na
bati ko at lumakad papunta sa gawi ng matanda at nagmano bilang pagrespeto.
"Magandang umaga din naman
nagagalak din akong makilala ka iha."
May kunot sa noo ng matanda pero
nakangiti pa din itong humarap sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit bago may binulong.
"Pwede ba kitang makausap mamaya ng sarilinan?" bulong ng matanda.
"O-opo" kinakabahan ako sa kung
ano ang sasabihin ng nanay nila, alam
kong mabait ito pero hindi ko maiwasan ang kabahan dahil sa pagkunot ng noo nito kanina, alam kong may hindi siya nagugustuhan.
"Nanay, I don't see mom and dad's
car, where are they? takang tanong ni
Cray, nanay elvie smiled at them and
answer.
"Sinundo si Miss Castel sa airport,
baka gabihin sila ng uwi."
"Castel?" gulat na tanong ng
dalawa, napakunot ang noo ko sa
reaction nilang dalawa.
Nagtatakang napatingin ako sa
kanilang dalawa. Sa pagtingin ko ay
sabay pa silang napabuntong hininga.
"Angel, Castel is our childhood friend" Carson answered and hug me as if ensuring me na walang namamagitaan sa kanila nung castel na iyon. Pero kinakabahan ako sa kung ano ang malalaman ko.
"Nanay I didn't know Castel is going
home?
"Magbabakasyon daw muna siya
dito ng isang buwan." Nanay elvie
answered
"San siya mag stay? At bakit daw siya magbabakasyon, hindi naman niya gawain yun." Patuloy sa pagtatanong ang dalawa.
"hey stop with the questions you two, everyone deserves to unwind and do a vacation!" pagtatapos ko sa question
spree ng dalawang magkapatid.
"Okay angel" nakangusong tugon ni
Carson at si Cray naman ay napabuntong hininga nalang.
Napangiti nalang ako sa inakato
nilang dalawa habang si nanay elvie
naman ay tuluyan ng natawa sa
magkapatid
"kayong dalawa talaga! Halina kayo
at kumain muna!" pag aaya ni nanay elvie na agad naming tinugunan.
Sabay sabay kaming nagtungo sa
kusina para kumain ng agahan.
Habang naglalakad ay nagkukwentuhan ang magkapatid,
habang ako ay lumilinga sa buong
kabahayan para lang mamangha.
Napaka ganda ng bahay nila parang
yung condo nila na naghahalo ang classy and manly design.
But one thing's I noticed there isn't
any portrait of the whole family other
than the protrait of an abstract painting and a mosaic.
Nang makaupo kami sa dining table
nila ay kaagad naglabas ng pagkain ang mga kasambahay nila.
Iba't ibang putahe, akala mo may
fiesta sa sobrang dami ng hinanda.
Aabutin ko palang yung lalagyan ng
kanin ng abutin ito ni Carson at siya na ang naglagay ng kanin sa plato ko.
Si cray naman ay ipinaglagay din ako ng ibat ibang ulam. Napailing ako at
napatingin kay nanay elvie ng may
nahihiyang ngiti.
"Ano ba kayong dalawa! Kaya ko naman eh!" nagrereklamong saad ko sa magkapatid
"Hanggat kasama mo kami pagsisilbihan ka namin Angel" Nakangiti ang magkapatid ng sabi ni Carson ang mga katagang iyon, nakakataba ng puso, hindi ko maiwasan ang kiligin dahil sa kanilang dalawa si nanay elvie naman aypinapanood lang kami ng nakangiti.
Nang matapos silang kumuha ng
pagkain para sa aming tatlo ay masaya kaming kumain habang
nagkukwentuhan.
Maya't maya din nila akong
tinatanong kung gusto ko pa ng ulam o kaya kanin puro ngiti at iling lang ang isinasagot ko sa kanila.
Sa totoo lang medyo nahihiya ako pero nawawala yun dahil sa kilig ko sa ginagawang pag aasikaso nung dalawa.
Tanghali na pero wala pa din yung
parents niya, ang sabi naman din ni
nanay elvie ay gagabihin daw ito, kaya malamang na bukas ko na sila
makikilala.
Nakaupo ako sa sala nila habang
hinihintay ang magkapatid, nang lumapit sa akin si nanay Elvie, kinabahan ako sa biglang paglapit niya sa akin.
"Iha nasaan ang magkapatid?"
tanong nung matanda.
"Lumabas lang po sandali may bibilhin lang daw po." Magalang na sagot ko
"pwede na ba kitang makausap?"
"O-opo..
"Sa garden nalang tayo iha." Yun lang ang sinabi niya at nauna ng lumakad
patungong hardin ako naman ay
nagbuntong hininga muna at sumunod na din sa kanya papuntang garden.
"Iha hindi na ako magpapaligoy ligoy
pa, may namamagitan ba sa inyong
tatlo!" it's not a question, more like a
statement, ito yung isa sa ikinakaba ko ang may makaalam at mahusgahan
kame. At nangyayari na ang isa sa
kinakatakot ko.
Magkakasunod na napalunok ako,
hindi alam kung paano sasagot,
pansamantala kong nakalimutang kung paano mag salita dahil sa kaba.
"sa inaakto niyong tatlo ay alam
kong may relasyon kayo, totoo ba?!
Nakakatakot, napatingin nalang ako sa mga daliri ko at napaluha
"S-sorry po" tumulo ang luha ko
habang nakayuko ako nakita ko kung
paano ito pumatak sa mga kamay ko na magkahawak at nanginginig.
"Iha bakit ka umiiyak? Halika nga na
bata ka!" tinawag ako ni nanay elvie
gamit ang boses niyang sobrang
nakakagaan ng pakiramdam.
Parang bata ako na lumakad patungo sa kanya habang patuloy na
lumuluha.
Pagkuway niyakap niya ako ng
mahigpit at tinahan.
"Shh.. wag kang umiyak, hindi ako
galit natutuwa nga ako na makitang
nagkakasundo ang dalawang batang
iyon eh at nakikita kong mahal ka nila.." mahabang litanya ni nanay elvie habang patuloy na hinihimas ang likod ko para patahanin.
"Nanay mahal na mahal ko po sila,
at natatakot po ako na masaktan sila sa panghuhusga ng ibang tao, kaya ko po kahit na ako yung masaktan huwag lang po sila, masyado po silang mahalaga." Humihikbing sambit ko habang mahigpit na nakayakap sa matanda.
"Sana si nanay kaya akong yakapin
ng ganito kahigpit.."Tihim na panalanginn ko
"Tumahan ka na okay.." she hold me
at arm's reach and wipe my tears using her thumb, na nagpaluha na naman sa akin.
"Sana kaya din ng nanay ko na
yakapin at pahirin ang luha ko, salamat nanay" patuloy sa pagtulo ang luha ko habang sinasabi ko ang mga katagang iyon sa tagapag alaga ng magkapatid.
"Shhh... wag kang umiyak okay
maging matatag ka lang, magiging
maayos din ang lahat" nakangiti ang
matanda ng sabihin niya iyon at muling pinahid ang mga luha ko.
Tumigil na ako sa pag iyak ng
maramdaman kong niyakap ako ng
mahigpit ng magkapatid.
"Angel baby, ayaw naming nakikita
kang umiyak eh diba?!" pag-aalo ng
dalawa napangiti nalang ako kay nanay elvie habang pinagmamasdan kaming nakayakap sa isat isa.
"naku kayong dalawang magkapatid,
huwag niyo siyang sasaktan ha, kundi
malilintikan kayo sakin!!" Malakas ang boses na banta ni nanay Elvie
"nanay naman hindi namin sasaktan
ang angel namin, mahal na mahal kaya namin siya, diba angel?!"
"mahal na mahal ko din kayo"
nakangiti ako ng sabihin ko sa kanila
iyon at hinalikan ko silang dalawa sa
ilong.
Tulala ang dalawa habang
nakatingin sa akin, ako naman ay natawa lang sa reaksiyon nila, para silang naestatwa, ngayon lang yata may nagmahal sa kanilang dalawa
"hoy natulala kayo jan?" sigaw ko sa
dalawa para matauhan, si nanay Elvie
tuluyan ng natawa.
"HAHAHA! Kinikilig yang dalawa na
iyan kaya ganyan! Maiwan ko na kayo ah" tumatawag si si nanay na umalis sa garden papunta sa loob ng bahay.
"m-mahal mo kami Angel?" cray
asked
"Seryoso baby mahal mo kami?"
Carsong seconded
I nodded at them and the two broke
into laughter and Carson carried me and spin me around. Nakikisabay na ako sa pagtawa nilang dalawa nang ibaba nila ako mula sa pagkakabuhat ay niyakap nila ako at hinalikan sa labi.
Their kiss is soft and sweet
nakakalasing ang mga halik nila. The
tenderness of their kiss is making my
legs to swayed like jelly.
I can feel their lips touching my soul
and it's addicting.
Natigil lang kami sa paghahalikan
ng may tumikhim mula sa likuran namin.
Sabay sabay kaming tumingin sa
tumikhim. And my world begun to sink and shattered.
Tigagal akong nakatingin sa tatlong
taong bagong dating at mukhang ganon din sila habang nakatingin sa akin.
Lalo na ang taong iyon na parang
nakakita ng multo habang nakatingin sa akin.
Nanginginig ang aking kalamnan..
Nagiging blangko ang aking utak...
And I fainted..