Ang Paglilihi
"UMALIS KAYO DITO! AYAW Ko
KAYONG MAKITA!" galit na sigaw ko sa dalawa na nakatingin sakin na parang asar na asar na
"Angel bakit mo kami pinapaalis?"
Takang tanong ni Carson
"Wala naman kaming ginagawang
masama ah!" Frustrated na pasigaw ni Cray
"BASTA UMALIS KAYO DITO AYOKO
KAYONG MAKITA AT MAKASAMA!"
Sigaw ko muli.
Habang tinititigan ko sila ay mas
lalong sumasama ang timpla ko.
"Isang buwan ka ng ganyan angel,
kung hindi mo kami kakagatin,
sasabunutan, susuntukin ngayon naman ay papalayasin mo kami!"
nagrereklamong sambit ni Carson
habang bahagyang pumapadyak ang
paa.
Tama kayo isang buwan na mula ng
makalabas ako sa hospital at isang
buwan na din kaming nagsasama dito sa bahay ko.
Isang buwan nadin akong
nababanas sa kanilang dalawa.
At sa loob ng isang buwan na iyon ni
minsan hindi ko sila nakitang pumasok sa trabaho.
Naalala ko one time tinanong ko sila
habang kumakain kami, sabi ko "bakit lagi kayong nandito? wala ba kayong pasok? at ang mga bwisit na ito ang sabi ba naman sakin ay "tatakbo naman yung kompanya kahit wala kame" pagkatapos nun balik kain sila na parang walang magiging problema kahit hindi sila pumasok sa work.
Tapos ito na kame ngayon
nagsisigawan...
Hindi ko alam kung anong
nangyayari sakin basta ayaw ko silang
nakikita at naaamoy pero pag naman
hindi ko sila kasama ay hinahanap hanap ko, "'nababaliw na yata ako".
Tapos eto pa secret lang to pero
hinahanap hanap ko lagi yung pag
aanuhan namin sa kama. May mga time
nga na kulang nalang rape-in ko sila.
Natatawa na nga lang sila sa akin
eh, wala naman akong makitang
nakakatawa.
Ay ewan ko ba basta ngayon gusto
ko wala sila sa harapan ko.
Bumukas bigla ang pintuan, kaya
sabay sabay kaming napatingin dito.
Nabungaran namin si mama mosang na
nakakunot ang noo at nakasimangot.
"Anong nangyayari dito, dinig na
dinig ang ingay niyo sa kalsada" saad ni
mama mosang habang ibinababa ang
dalang shoulder bag.
"Mama si angelina nga oh noong
isang buwan pa siyang ganyan, hindi
namin maintindihan!" pagsusumbong
nung dalawa kay mama mosang
"Ano ba kase ang nangyayari
angelina?" muli ay tanong ni mama
mosang sa akin habang nakatingin ng
mapanuri.
"Pinapalayas ko po kase sila"
napapayuko at napapangusong sambit ko
"Bakit mo naman sila pinapalayas?!"
napahilot sa sintido si mama, "halatang napufrustrate hahaha" napangiti nalang ako sa iniisip ko
"Ang baho kase nila mama, ang
lansa ng amoy, tapos tignan mo mama
mosang ang pangit nila oh"
nagpapakamping sagot ko kay mama
mosang habang tinuturo ko ang
dalawang lalaki na ngayon ay may hindi makapaniwalang tingin. Kapwa sila mga nakanganga habang nanlalaki ang mga mata.
"Angel?! Ano bang sinasabi mo? Ang
gwapo at ang bango kaya namin!" mas lalo akong naasar ng inamoy pa nila at inayos ang buhok sa harapan ko.
"Basta mama paalisin mo sila dito!"
nagtatampong sambit ko at saka
tumingin at dumila sa magkapatid.
"Mama bakit po ganyan si angel?
bulong na tanong ni cray
"oo nga po may mga time pa nga po
na kinakagat at sinusuntok niya kami" sunod na bulong ni carson
"Tapos ito pa po, yung mga kinakain
niya parang ewan yung combination,
ugh.. muling nagsalita si cray na parang nasusuka na ewan.
"Ganyan talaga ang naglilihi
nagiging moody tapos kakaiba yung mga gusto" simpleng sambit ni mama
Napatingin ako sa tatlong kaharap
ko at naabutan ko silang nag sesenyasan at nagbubulungan na parang hindi ko sila maririnig, mas lalong nalukot ang pagmumukha ko dahil sa eksenang naabutan.
"Angel baby, anong gusto mong
pagkain? May lambing sa boses ni
carson ng tanungin niya ako
"Bibilhan niyo ako ng pagkain?" kuminang ang mata ko dahil na narinig.
Isang bagay pa nga pala na
napansin ko sa sarili ko, ang hilig kong kumain, alam kong given na iyon pero iba yung lakas kong kumain ngayon, tapos minsan yung combination pa ay kakaiba, kagaya nalang last week nagpabilli ako ng clover na sitchirya tapos nagtimpla
ako ng kape saka ko isinawsaw yung
clover. Kaya yung dalawa nung nakita
nila ako ay para na silang masusuka na ewan.
Natatawa ang ekspresyon ng tatlong
kaharap ko pero wala akong pake kasi
bibilhan nila ako ng pagkain
"Oo naman kahit ano angel para sa iyo!" malambing din ang boses ni cray ng sabihin niya iyon
"GUSTO KO NG STRAWBERRY NA
MAKINIS ANG BALAT!" nakataas ang
kamay habang sinisigaw ko ang gusto
kong pagkain
"THE f**k?"
"THE HECK?!
Magkasabay na napasigaw ang dalawa habang si mama mosang ay
natawa nalang sa aming tatlo "HAHAHA!!" tawa ni mama mosang.
Hindi ko pinansin ang pagtawa ni
mama mosang, nanatili lang akong
nakatingin sa magkapatid na nanlulumo ang mga mukha, para silang pinagsakluban ng langit at lupa
"Bakit kayo sumisigaw?" malungkot
na tanong ko sa kanila. Magkasabay na napabuntong hininga ang magkapatid at kaagad na lumapit sa akin para ako ay yakapin at suyuin.
"Sorry na angel, napufrustrate lang
talaga kami
"Kase naman angel, wala naman
kasing strawberry na makinis eh"
Matutuwa na sana ako sa
paglalambing nila kaso agad sumama
ang tingin ko sa kanila ng sabihin nilang walang strawberry na makinis ang balat.
"Simulan niyo nang humanap ngayon dahil pag wala kayong nahanap sa labas kayo matutulog. Seryosong utos ko sa kanila
"Naku angelina mamaya na yang hanap hanap na iyan" seryoso si mama ng sabihin niya iyon
"Pero Mama-!" mamaya na yan angelina!" pigil ni mama sa mga
sasabihin ko pa sana. Napapadyak
nalang ako dahil sa ginawa ni mama na pagpigil.
"Kailan ba ang ultrasound ni baby?"
pag iiba ni mama sa topic.
Naging excited naman agad kaming
tatlo sa tanong ni Mama.
"Bukas palang po mama excited na po kaming malaman ang kasarian ni baby!" nakangiting sagot ko sa tanong ni mama mosang na tinanguan lang nung magkapatid.
"Ano pang ginagawa niyo dito?
pagkuway tanong ko sa magkapatid
"ITO NA PO AALIS NA!"
Pagkatapos tumalikod ng
magkapatid ay tahimik naman kaming nagkwentuhan ni Mama.
"Napag-usapan niyo na ba ang
tungkol sa magulang nila?" napabuntong hininga nalang ako sa tanong ni mama mosang
Alam kong kahit hindi sabihin nung
dalawa ay nakikita kong nasasaktan pa din sila, minsan ay nakikita ko silang tulala. Sa loob ng isang buwan na magkakasama kami dito ay nakikita kong iniiwasan nila ang mga magulang nila.
Minsan nakita kong tumatawag
yung parents nila pero kinacancel lang nila na para bang hindi nila kilala yung tumatawag.
"Mama, alam kong hindi ko
maiiwasan na harapin ang mga
magulang niya, pero hindi ko alam kung paano makikitungo sa kanila."
Angel naalala mo ba yung mga
panahon na mahinang mahina ka, na
wala kang alam na pwede mong kapitan? napatango ako sa tanong ni
Mama.
"Sabi mo sakin non na nandiyan ang
panginoon na pwede kong hingan ng
tulong. Galit na galit ako nun, sinisisi ko yung panginoon sa mga dinanas ko, sabi ko pa non sa isip ko na bakit ako pinakikialaman ng babaeng ito eh hindi naman niya ako kaano ano." Inalala ko yung mga panahon na kahit anong tulak ko kay mama mosang ay hindi niya ako sinukuan.
"Mama sabi mo non na kahit na
nasaktan ang panginoon ay nagawa
nitong magpatawad. Pero mama paano ko gagawin ang bagay na iyon ngayong wala akong ibang maramdaman kung hindi galit"
"Anak ang problema ay hindi naman
nawawala pero hindi tayo permanenteng nandito sa mundo dadating ang panahon na kailangan nating iwan ang lahat, na ang pwede mo lang pagplian ay ang manatiling kinakain ng galit ang puso mo oh ang magpatawad dahil hindi tayo perpekto."
"Mama sana maging maayos ang
ahat, sana magawa ko din na
magpatawad." Naluluha ako habang
naiisip ang nakaraan.
"Magiging maayos ang lahat
magtiwala ka." Hinimas ni mama
mosang ang likod ko habang sinasabi
ang mga katagang iyon.
"Mama hindi pa pala ako nakakapag
pasalamat sa lahat ng nagawa mo
sakin."
"Ano ka ba wag mo ng isipin iyon,
anak na ang turing ko sa inyong dalawa ni amara kaya gagawin ko ang lahat para maging maayos ang buhay niyo." Nakangiti si mama pero nanatili akong malungkot na nakatingin sa kanya.
"Mama salamat sa lahat, ikaw yung
laging nasa tabi ko pag kailangan kita,
hindi mo ako pinabayaan nung mga
panahong wala akong pamilyang
makapitan, ikaw yung magulang na
kailanman ay hindi ko naramdaman sa totoo kong pamilya, mama ikaw yung isa sa pinaka magandang nangyari sakin." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko na agad pinahid ni mama at niyakap ako ng ubod ng higpit.
"Sshh wag kang umiyak alam mo
naman na bawal kang ma-stress."
Napangiti nalang ako kay mama at
yumakap ng mahigpit
Thank you mama, mahal na mahal
ko kayo." Mas hinigpitan ko ang yakap ko kay mama na para bang yun na ang huli kong yakap sa kanya.
Tatlong oras na akong nakatulala
habang nakatingin sa kisame. Tatlong
oras na din mula ng umalis si mama pero hanggang ngayon wala pa din ang dalawang pangit na iyon.
"San na kaya sila nagpunta? Mag
tatlong oras na silang wala ah, papadilim na din. Tanong ko sa sarili ko hindi ko maiwasan ang magtaka dahil wala pa sila.
"Hmp maka tulog na nga lang siguro
naghanap na ng ibang babae yung mga bwisit na iyon!" naiinis na nagtalukbong ako ng kumot at pinilit ang sarili na makatulog.
"hey, sigurado ka na ba jan sa plano
mo?"
"Oo siguradong sigurado, panahon na para tayo naman ang maningil sa kanya!"
Napabangon ako ng maulinigan ko na may mga boses na nag uusap malapit sa kamang kinahihigaan ko.
"May magnanakaw?" sinisigaw ng isip ko
"Gaga ano naman ang nanakawin sa
iyo? my subconscious mind roll her eyes at me and ask the most obvious
question.
Tama siya wala namang pwedeng
nakawin dito?
Hindi naman ako mayaman
Ba-baka n-naman!!
Tumingin ako sa buong paligid para
tignan kung may tao sa bawat sulok pero wala akong makita.
"hindi ako pwedeng magkamali may
nagsalita talaga" sa pag-aakalang multo ang nagsasalita ay mabilis pa sa alas kwatrong nagtatakbo ako papalabas ng kwarto.
"HA... HA... HA.." Napahawak ako sa
tuhod ko habang naghahabol ng hininga ng biglang may humawak sa balikat ko.
Halos panawan ako ng ulirat dahil sa
sobrang takot at gulat
"AAHHHHH!" para akong isang
isda na biglang tinanggal sa tubig na
nagsisisinghap
"Angel shhh... don't shout..." mga bulong at halik ni carson ang naging
dahilan ng pagtigil ko sa pag sigaw.
Naiiyak akong napatingin sa kanilang dalawa na ngayon ay nakatingin sa akin ng may pag aalala at guilt, saka
ko narealize na buntis pala ako, pwede akong makunan pag nagkataon.
"Sorry Angel kung natakot ka namin,
at sorry baby ah wag kang bibitaw ah
kapit ka lang ng mahigpit kay mommy. Niyakap ako ng dalawa ng sobrang higpit habang hawak ang tiyan ko.
"Angel anong nangyari sa iyo at bakit
para kang natatakot?" natatawang
tanong ni cray sa akin habang ako ay
mukhang tanga na pabalik balik ang
tinain sa kwarto at sa kanilana dalawa
"ma-may narinig akong nag uusap sa kwarto kanina, ka-kaya nag tatakbo
ako di-dito." Kinakabahan pa din ako pero itong dalawang ito ay mukhang hindi naman apektado.
"May ginawa ba sayo, asan sila, nakita mo ba, hahanapin ko sila?" habang nakatingin ako sa magkapatid ay napansin ko ang kakaibang kilos nila
para bang hindi naman talaga Sila
concern, I don't hear the sincerity in their voice.
"Angel baka nananaginip ka lang,
mabuti pa halika na at kumain na muna tayo!" sa pag anyaya ni carson ay saka ko lang naalala yung strawberry na pinabili ko sa kanila.
"Yung strawberry ko? nakangiting
tanong ko, kaagad na lumikot ang tingin ng magkapatid dahil sa simpleng tanong ko
"Ahh- ehh ito lang kase ang nakita namin angel eh hehe!" alanganin na
natawa si cray habang inaabot ang isang supot ng strawberry.
Unti unting nalukot ang mukha ko sa
nakikita kong itsura ng strawberry.
"Bakit hindi makinis ito?!" asik ko sa
napapayukong magkapatid
"Angel wala naman kaseng ganoong
strawberry eh!" pangangatwiran ni cray
"Kung saan saan na kami nagpunta
pero wala talaga kaming nahanap!" si
carson naman ang sunod na nag salita.
"Ang sabihin niyo hindi kayo nag
hanap, sa inyo na iyan at jan kayo sa sala matutulog!" Galit na singhal ko sa dalawa at mabilis na akong umalis sa
hapagkainan para pumunta sa kwarto.
Mag iisang oras na akong nakahiga
at iniisip ang ginawa ko kanina.
"AIST! Asar kase itong mood swings
na ito!" pagalit ko sa sarili ko at habang ginugulo ang buhok dahil sa frustration.
"Mag sorry ba ako? Paano kung galit
sila at ayaw na nila sa akin?" babangon hihiga ang ginagawa ko habang kinakausap ang sarili ko sa kung ano ang dapat gawin.
"aist bahala na nga!" yun lang ang
nasambit ko at tumayo na para lumabas ng kwarto.
Nang makarating ako sa sala ay
naabutan ko ang dalawa na nag-uusap habang nakahiga sa nilatag na king size foam, mayat maya din ang mga itong nagpapalo tapos kakamot. Malamok dito at wala pang bentilador.
"Ikaw kase kuya, sana nag hanap pa
tayo sa iba!" paninisi ni cray pero
nanatiling tahimik na nakapikit si carson
"Kuya sa tingin mo pag nilambing
natin si angel papapasukin na niya tayo sa kwarto?" muli ay tanong ni cray pero this time ay sumagot na si carson
"Nope I don't think so, you know her
may isang salita siya." Simpleng sagot ni carson
"Aray! Kuya ang daming lamok ang
sakit pa naman nila mangagat tapos ang kati!" nakangusong reklamo ni cray
"Ano ba cray, itulog mo nalang yan
okay!" Napipikong sagot ni carson sa
kapatid.
Sa totoo lang ay nakakatuwang
makita na napipikon ang dalawang ito hahaha. Pero alam kong kailangan kong mag sorry sa kanila kase sumobra talaga ako kanina.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at
lumakad na ako sa pwesto nila.
Napatingin ang dalawa sa akin habang nahihiga ako sa pagitan nilang dalawa.
"Sorry... Sana hindi kayo galit sa akin,
pasensya na din kung sensitive ako
masyado" naluluhang pag hingi ko ng
paumanhin "lintek na mood swings ito hindi naman ako iyakin na ta, ngayon naman bahagyang kibot naiiyak ako"
Hindi na kailangan ng salita isang
yakap lang nila ay nagiging
maayos na ang lahat.
Sa huli ay sa sala na kami natulog
nilabas lang nila yung electric fan ay
okay na nakatulog kami na yakap ang
isa't isa.