Chapter Eighteen

3774 Words
Siblings Scheme Alas siete palang ng umaga ay ginising na ako ng magkapatid at pinagagayak na para sa check up ko sa ob-gyne. "Hmmm.. ang aga aga pa eh!" Nagrereklamong bulong ko "Angel we need to be early!" may kataasan ang boses na sambit ni Carson. Napipilitang tumayo ako dahil saa narinig kong pagtataas ng boses niya. Nakakunot ang noo na pinagmamasdan ko ang dalawa na abala sa pag-aayos ng gamit. "Good morning cray, carson! Masayang bati ko na tinanguan lang ng dalawa ni hindi manlang ako tinignan "May problema ba?" Takang tanong ko sa pananahimik ng magkapatid "Wala, gumayak ka na at nakahanda na ang mga gagamitin mo." seryosong tugon ni cray. Nakakapanibago si cray he's usually jolly and hyper pero ngayon parang wala akong energy na makita sa kanya. "Dahil ba ito sa kagabi? Sorry" tanong ko kasabay ng paghingi ko ng paumanhin. Sabay na napabuntong hininga ang dalawa. "Gumayak ka na angel!" this timel know carson is mad, kaya napayuko nalang ako at naglakad na papuntang banyo. Sa banyo ay hindi ko mapigilan na mapahikbi habang nakayuko sa ilalim ng shower. Mabilis lang ang ginawa kong paliligo dahil ayoko ng mas magalit pa sila sa akin. Bago lumabas ng banyo ay sinigurado kong walang bakas ng pag iyak ko. "Ito yung susuutin mo'" pambungad sa akin ni Cray ng makalabas ako ng banyo habang inaabot ang gamit na susuotin ko. I was about to say thank you matapos kong makuha ang mga gagamitin ko pero napaawang nalang ang labi ko ng basta nalang siyang tumalikod sa akin at pumasok sa banyo para maligo. Pigil ang luhang lumakad akoo papunta sa kwarto para mag bihis ng maabutan ko don si carson. "Car-" naputol ang sasabihin ko ng kagaya ni cray ay tumalikod din ito at umabas ng kwarto. Tuluyan ng tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa nangyayari. Habang sinusuot ang damit ay paulit ulit kong pinupunasan ang mga luhang ayaw maubos. "Dang! Bakit ayaw niyong maubos!" kinagat ko ang labi ko para maiwasan ang pag hikbi pero pati sila ay naging matigas ang ulo at pilit ako sinusuway. Mabilis ang naging kilos ko, nang matapos akong magbibis ay humarap ako sa salamin habang may hawak na panyo, for the last time I wipe my tears and apply a light make up para maitago ang bakas ng aking ginawang pag-iyak. Pero sino ang niloloko ko eh sa mata palang ay bakas na ang naging pag iyak ko. Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa kama habang hinihintay na matapos ang dalawa na maligo. Nagbabaka sakali na pumunta sila dito kahit alam kong hindi kase dala na nila ang mga susuotin nila sa labas ng kwarto. After 20 minutes ay may kumatok sa pinto ng kwarto. "Knock... Knock.. Muli ay napabuntong hininga ako at tumayo na para kunin ang maliit kong bag, nang makuha ay muli akong tumingin sa salamin at muli na namang napabuntong hininga. Nang makalabas ng kwarto ay naabutan ko na ang magkapatid na bihis na bihis at tahimik. Ang napansin ko lang ay may dalawang bag silang hawak na mukhang puno ng laman. "May pupuntahan kaya sila?" Tanong nang isang bahagi nang aking isip "iiwan ka na nila!" Pananakot ng isa pang bahagi ng aking isip "M-May pupuntahan ba k-kayo? Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot habang tinatanong ko sila. Napatingin lang sila sa akin at malungkot na napangiti. "Tara na!" pinilit kong ngumiti ng matamis sa kanila, pero deep inside nararamdaman ko na malapit na akong maiwang mag-isa. Nauna akong lumabas ng bahay habang sila ay kasunod ko lang. Nang makarating kami sa sasakyan ay pinagbuksan ako ni cray ng pinto. Tahimik lang akong sumakay habang sila ay inilalagay pa sa trunk ng sasakyan ang dalawang bag na dadalhin nila. Nang matapos sila ay sabay na silang sumakay ng kotse. Nasa harap Silang parehas habang mag-isa lang ako dito sa likod. Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makarating kame sa Yaptanco Medical Hospital. "Good morning, saan ang clinic ni Doctora Leonor Yaptanco?" tanong ni Carson ng makarating kami sa information's desk. Hindi namin alam yung clinic ni doctora kase nung nakaraan ay sa emergency room ako dinala, this is my first time na magpupunta sa clinic niya. "Good morning po sir, sa second floor room 201 po ang clinic niya!" magiliw na sagot ng nasa information's desk. Ngumiti ang magkapatid at nagpasalamat sa babae, thank you.. hindi ko maiwasan na masaktan sa nakita. "Nagagawa nilang ngumiti ng matamis sa iba pero sa akin ay iba ang turing nila" kinakain ng sakit at selos ang buo kong pagkatao pero nanahimik nalang ako, dahil wala naman akong karapatan na magreklamo o magselos dahil wala namang kami. After namin sa information ay dumiretso na kami sa clinic ni Dra. Yaptanco. Habang nasa elevator ay tahimik lang akong nakayuko at nakahawak sa tiyan, tahimik na kinakausap ko ang baby namin. Sa totoo lang kinakabahan ako, ito yung unang beses na mararanasan kong magkaroon ng sariling pamilya. Araw-araw tinatanong ko ang sarili ko kung kaya ko bang maging mabuting ina sa magiging anak ko. Pag naiisip ko yung mga pinagdaanan ko nung bata ako ay hindi ko maiwasang mangamba na baka kagaya din ako ng parents ko na hindi naalagan ang anak nila, baka hindi ko din maibigay ang pagmamahal na nararapat sa kanya. Iniisip ko palang na magiging walang kwentang nanay ako ay nagagalit na ako sa sarili ko. Pero kung tatanungin niyo ako kung pumasok ba sa isip ko na ipalaglag yung ipinagbubuntis ko? Ang sagot ko jan ay hindi, hindi ko kailanman naisip na ipalaglag ito kase kasalanan iyon sa diyos at mas masahol pa ako sa magulang ko non pag nagkataon. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay nagulat pa ako nung biglang magsalita si carson at magtanong. Tumingin ako kay carson ng may pagtataka, nagbuntong hininga muna siya bago nagtanong, "okay ka lang ba? seryoso ang tinig na ginamit niya. Ngumiti lang ako at tumango, pagkatapos nun ay balik na naman kami sa pananahimik. Nang makarating kami sa second floor ay kaagad kaming lumabas ng elevator. Mabilis ang lakad ng magkapatid sa unahan ko habang ako ay nanatili sa likuran nila at tahimik lang na sumusunod sa kanila. Hindi na kami naglakad ng malayo dahil nasa malapit lang naman clinic ni doctora. Kahit na walong clinic ang nandito sa ikalawang palapag ng hospital ay madali lang mahanap yung clinic ni doc. yaptanco dahil pangalawa lang ito sa bungad. Nang makita ang nasabing clinic ay si carson na ang kumatok sa pinto, "come in!" naging hudyat ang nagsalita sa loob para buksan no carson ang pinto ng clinic at pumasok. Nang makapasok ay nanatili lang akong nasa likod nung magkapatid. Sa totoo lang kung umakto sila ay parang wala silang kasama, baka kung hindi lang dahil sa ipinagbubuntis ko ay wala sila dito ngayon. Sa naisip ay lihim akong nag ngingitngit sa inis. "mga lalaki nga naman pag nakuha na yung gusto, halos itapon ka na, na parang basahan!" galit na sigaw ng isip ko na sinang-ayunan ng puso at konsensya ko. "Maganda umaga, maupo kayo!" nawala ang pansamantalang galit na kumakain sa puso ko ng marinig ko ang maamong boses ni doctora, "napaka ganda ni doktora, may asawa na kaya siya? Hindi ko maiwasan ang magtaka. Naupo ang magkapatid habang ako ay nanatiling nakatayo, "Misis simulan na natin?" tumango lang ako at sumunod sa kanya patungo sa itinuturo niyang higaan na may naka paikot na kurtina. Hindi na niya sinabi, ay kusa na akong nahiga sa bed, habang siya naman ay inaayos ang mga gagamitin. May hinila siyang maliit na parang mesa na may nakalagay na parang pang laser at parang lalagyan ng cream, meron ding dumating na nurse, at itinulak yung parang nmonitor papunta sa malapit sa hinihigaan ko. "Kumusta ka na?" tanong ni doktora sa mababang tinig habang itinataas niya ang suot kong damit. "maayos naman po doc" yun lang ang naging tugon ko at ngumiti sa kanya. Pagkataas ni Doctora sa damit ko ay pinahidan niya ako ng gel sa malapit sa pusod at idinikit niya yung pang ultrasound na gagamitin niya. "There! The small white circle!" nakatingin lang ako sa tinuturo ni Doctora sa monitor, "D-Doc, bakit po dalawa yung white na circle?" napatingin ako kay doc ng wala sa oras habang malakas ang kabog ng dibdib ko sa pinaghalong saya at kaba. Kahit na may hinuha ako ay gusto ko pading makasiguro. "Gusto mo bang tavwagin ko yung magkapatid?" tanong ni doctora na tinanguan ko lang, kahit naman galit sila sa akin ay gusto ko paring makIta nila ang baby namin. Pagkatapos kong tanguan si doctora ay tinawag na niya yung dalawa na nakaupo pa din sa harap ng table ng doctor. Wala pang limang minuto ay magkakasama na naming pinapanood ang dalawang bilog sa tiyan ko. "Kambal ang magiging anak niyo!" Kambal.. Kambal... Kambal.... "kambal ang baby ko" naluha ako sa sobrang saya na nararamdaman ko. "Kambal sila! Kambal sila!" masayang sambit ko sa magkapatid pero ang sayang nararamdaman ko ay unti unting naglalaho habang nakatingin ako sa dalawang kasama ko na blangko lang ang mukha. "Doc kumusta po yung baby?" tanong ko kay doctora na may pilit na ngiti. "The babies are fine, basta puro masustansiya lang ang kainin mo at wag magpapa stress at wag mag pupuyat, tuloy tuloy lang ang check up, bibigyan kita ng vitamins na iinumin mo." Tumatango lang ako sa mga bilin ni Doc, ng may maalala akong tanungin sa kanya. "Doc kailan pwede malaman ang kasarian nila baby?" hopeful ako na malalaman ko na ang kasarian nila pero sa nakita ko ay mukhang malabo pa itong mangyari "in four to five month pwede nang makita ang gender nila!" "thank you doc!" nakangiting nagpasalamat ako sa kanya habang inaayos ko ang aking sarili. Papalabas na kami ng clinic ni doc ng inabot niya sakin ang printed copy ng ultrasound ko, para akong nakalutang sa ere habang nakatingin ako sa maliit na papel na nagpapakita ng larawan ng baby sa sinapupunan ko. Nakapako lang ang tingin ko sa larawan hanggang sa magsalita si Carson. "Ihahatid ka lang namin sa bahay mo at aalis na din kami!" "aalis na din kami" "aalis na din kami" "aalis na din kami" "aalis na din kami" "aalis na din kami" Nagpaulit ulit ang mga huling katagang binigkas niya, wala sa sariling napatango ako habang unti unting nawawasak ang mundo ko. Nang makarating sa harap ng bahay ko ay ngumiti lang ako sa kanila at bumaba na sa sasakyan. Pagkababang pagkababa ko sa sasakyan nila ay tuloy tuloy na ang luha ko sa pagtulo, hindi ko pinunasan ito hanggat hindi ako nakapasok sa loob ng bahay, dahil ayaw ko na makita nila akong unti unting nagigiba. Nang makarating ako sa kwarto ko ay dali dali akong nahiga sa kama at dun umiyak ng umiyak. Alam kong makakasama sa baby ang ginagawa kong pag iyak pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, dahil masyado itong masakit, siguro sasabihin ng ibang tao na ang babaw ko kase ganon lang eh grabe ang iyak ko. Pero wala akong pakialam dahil iiwan na ako ng mga mahal ko. I covered my eyes using my forearm and cry silently until I cant take the heaviness of my eyelid. habang tahimik ang paligid.. "nakahanda na ba ang lahat?" "Opo nakahanda na po lahat" "Sige buhatin niyo na iyan!" Napako ako sa kamang hinihigaan ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa dalawang anino na nag uusap sa harapan ko, hindi ko alam kung sisigaw ba ako o tatakbo ng mabilis hanggang sa makalabas ako. Pero alinman doon sa dalawa ay hindi ko na nagawa dahil sa nakita kong patalim na hawak nila. Nanginginig ang katawan ko sa takot na baka may mangyaring masama sa mga anak ko. Pero mas lalo akong nakaramdam ng kilabot na buhatin ako ng isang lalaki. "AHHHmmp" natigil ako sa tangkang pagsigaw ng takpan ng isa pang estranghero ang bibig ko at tutukan ako ng patalim sa leeg Hindi ko magawang magpumiglas habang buhat ako ng isang lalaki, dahil sa baby sa tiyan ko. Nang makarating kami sa labas ng bahay ay maingat ako nitong ibinaba sa sasakyan at itinali ang aking mga kamay. "hhmmpp.. Nag-ingay ako kahit na alam kong useless dahil itinali din nila ang panyo sa bibig ko. Hindi ko alam kung anong nangyari pero para akong bumalik sa nakaraan, nanginginig ang katawan ko habang paulit ulit na naaalala ang mga nangyari nung fourteen years old ako. Para akong mababaliw habang pilit na kinakalas ang tali sa aking kamay pero hindi ko ito makalas. Gusto kong sumigaw pero kahit ungol ay wala nang lumalabas mula sa aking bibig. Nanunuyo ang lalamunan ko habang natutulalang nakatingin ako sa kawalan. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa paligid ko, para na akong tinakasan ng kaluluwa. Nanatili akong tulala habang kahit na naririnig ko ang isa sa kasama ko na nakikipag-usap sa cellphone. "She's here!" and "she's fi-" the man in the passenger seat look at me and before he completed what ever he wants to say, ay napahinto ito at napamura, "s**t!" Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla ko nalang narinig ang boses ni carson sa kabilang linya, siguro ay na-loud speaker ito accidentally. "Anong nangyayari?" tanong ng nasa kabilang linya, na siguradong sigurado ako na si carson iyon T-tinali namin yung kamay niya pati yung bibig niya." yun lang yung sinagot nung kasama ko ay kaagad na itong minura ni carson sa kabilang linya. "f**k brad kalagan mo siya ngayon din!" sa sinigaw ni carson ay kaagad na tinigil nung nagdadrive yung sasakyan at mabilis silang nagpunta sa pwesto ko. "Miss! Miss! Miss!" inaalog-alog nila ako habang tinatanggal ang pagkakatali ng bibig at kamay ko, pero nanatili lang akong tulala. "parang awa niyo na tigilan niyo na ito!! piping sigaw ko habang paulit ulit na bumabalik sa akin ang nakaraan. Meron yung lalaki at babae na hinahampas ako ng sinturon sa likod at sa ibat ibang parte ng katawan ko. "parang awa niyo na tigilan niyo na ito!!" nagpatuloy ako sa pag-sigaw sa isip ko pero nagpatuloy din yung mga ala-ala sa pagbalik sa akin. habang nakaupo ako at tulala ay muling nagbago ang settings na kinaroroonan ko, bumalik ako sa kung saan nagsimula ang lahat. Nakikita ko ang sarili ko noong bata pa ako na hila-hila sa buhok ng nanay ko papunta sa isang sasakyan kung saan may lalaking naghihintay sa amin ni nanay Sa huling pagkakataon ay muli akong nagmakaawa sa aking isipan, "'nakikiusap ako panginoon, ayoko nang balikan ang masakit na sinapit ko, parang awa mo na, patigilin niyo na po ang paghihira-", "angel.." natigil ang pag hingi ko ng awa at tuluyan akong naluha ng marinig ko ang malungkot pero malambing na boses ni carson. Magkakasunod ang naging paghikbi ko ng marinig ko ang paulit ulit na pag hingi ng tawad ni carson sa kabilang linya, "I'm sorry.... please forgive me...... I am so sorry...baby... Tuluyan na akong napahagulhol nang yakapin ako ng mahigpit nitong lalaking katabi ko habang tinatahan ako, "shhh.. ahan na papatayin kami ni cray at carson nito eh.. Napangiti nalang ako sa sinabi nung estrangherong lalaki. Nababaliw na yata ako dahil isang banggit lang sa pangalan nung magkapatid ay nawawala ang anumang sakit na nararamdaman ko. Kumalas ako sa pagyakap sa lalaking katabi ko and smiled at him weakly. Ipinakita ko ang palad ko bilang senyales na gusto kong makuha ang phone na hawak niya. Walang magawang ibinigay niya ito sa akin, nang makuha ko ang cellphone ay kaagad ko itong inilapit sa tainga ko. Pero bago makipag-usap ay sinenyasan ko muna yung driver na umalis na kami. "L-lagot kayo sakin mamaya.. sambit ko ng mailapit ko ang cellphone sa tainga ko Sorry...galit ka ba..."mahina ang boses ni cray sa kabilang linya "hindi ko kayang magalit sa inyo eh kase mahal ko kayo.. pero ang sakit..." muli akong napaluha pero mabilis ko itong pinahid. I cant wait to see you guys..." yun lang ang sinabi ko at pinatay ko na ang tawag. Pagkatapos ng tawag ay nanatili akong tahimik na nakatanaw sa labas ng sasakyan... Hindi ko na alam kung nasaan kame dahil tinakpan na nila ang mata ko, ayaw ko sana kaso nagmakaawa sila sa akin para daw sa surprise na pinaplano nung magkapatid, dahil papatayin daw sila ni cray at carson pag nagkataon. Sabi pa nga nitong lalaking katabi ko ay, "kawawa naman ang mga babae, pag namatay ako mawawalan na ng gwapo sa mundo". May angking kayabangan din itong katabi ko parang yung magkapatid na Constantine, nag-uumapaw sa kayabangan. Dahil din sa pakiusap nila ay tinanggap ko ang panyo na inaabot nila at ako na mismo ang nagtali nito sa mata ko. Sa tantiya ko ay nasa trenta minuto na kaming nagpaikot ikot sa lugar pero parang wala na kaming patutunguhan, hanggang sa ihinto nila ang sasakyan. Dahil sa wala akong makita ay hindi ko alam kung nasaan na kami. Basta sumusunod lang ako sa sasabihin nila, kaya naman nung narinig ko yung pagbukas ng pinto ng sasakyang kinalalagyan ko ay inihanda ko na din ang sarili ko. Inalalayan ako ng dalawa pababa sa sasakyan. Nang makababa ay inayos ko muna ang sarili ko at hinawakan ko ang tiyan ko. Sa totoo lang ay ngayon lang pumasok sa isip ko ang sitwasyon ko. Buntis pala ako, hindi ko iyon naisip kanina, wala akong ibang naisip kung hindi ang takot ko and it's not just me anymore. Dapat na akong mag-ingat dahil meron ng bata sa sinapupunan ko. Mga batang gusto kong alagaan, mga batang magiging sentro ng buhay ko at mga batang may magandang kinabukasan. Kaya naman halos batukan ko ang sarili ko ngayong naalala ko ang kalagayan ko. Habang niyayakag ako ng dalawang lalaking hindi ko kilala papasok sa may kadilimang lugar ay unti unti kong nararamdaman ang kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero sobra sobra ang aking kabang nararamdaman, pakiramdam ko ay any moment babagsak ako habang akay ako papunta sa kung saan. Habang tumatagal ay mas napapansin ko ang isang bagay, katahimikan, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aking tainga. Nanatili kaming naglalakad sa isang tahimik na lugar, para akong nasa scene ng isang pelikula kung saan yung bida ay naglalakad at nakikiramdam sa kanyang paligid dahil baka anumang oras ay may biglang lumabas at hilahin siya sa kadiliman. Hindi ko alam kung nakatulong ang takip sa mata ko o hindi, kase mas nararamdaman ko ngayon ang takot na baka may multo dito o baka may bigla nalang humila sa akin. "Para kang tanga Angelina!" sininghalan ako ng isang bahagi ng isip ko dahil sa kabaliwang pilit kong isinisiksik sa kukote ko. Hindi nagtagal ang paglalakad namin, pero nang tanggalin ang takip sa mata ko ay natagpuan ko nalang ang sarili ko sa stage ng isang lugar na pamilyar sa akin. This place is the witness of my life and trials and being here means a lot to me. It’s like I saw my family again. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar ng magawi ito sa gitna ng stage na may kalayuan sa akin. And there they are... Seeing the two guy I love standing in the middle of the stage wearing their best suit and best smile habang nakatingin sa akin pakiramdam ko’y biglang bumagal ang oras, naging slow motion ang buong paligid. Muli kong tinignan ang buong paligid at hindi ko napigilan ang luha ko sa pagtulo ng makita ko ang dalawang taong itinuring kong pamilya na naka dress at masayang nakatingin sa akin. hilam ng luhang muli akong napatingin sa dalawang lalaking nakatayo sa harap ko . “Sabi ko sa sarili ko na hindi ako mag mamahal!” panimula ni carson sa sasabihin niya. “Pero nakilala kita, sa isang ngiti mo lang ay tinunaw mo ang yelo sa pagkatao ko, ikaw yung pader na handa kong akyatin at ikaw yung batas na handa kong labagin, alam kong hindi ako perpekto pero handa kabang tanggapin at maging kabiyak ako?” umiiyak na nakatingin lang ako sa kay carson na nakangiti habang nakaluhod sa harap ko. Napatingin naman ako kay cray na tumikhim at naglakad papunta sa tabi ng kuya niya. “Alam kong maraming tao ang manghuhusga, masasaktan tayo at mahihirapan, noon ay walang kwenta ang buhay ko pero mula ng makilala at makasama kita pakiramdam ko’y nagkaroon ako ng halaga, angel gusto kong masaktan at mahusgahan kasama mo, will you be my everything? Pagkatapos magsalita ni cray ay hindi ko na napigilan ang mapahagulhol at dambahin sila ng mahigpit na yakap. “A-Akala ko a-ayaw niyo na s-sa a…kin!” humihikbing sagot ko habang yakap sila. Lahat ng sakit na naramdaman ko mula kaninang umaga ay parang isang bula na bigla nalang pumutok at nawala. “Hinding hindi ka namin iiwan angel, ikaw, si cray at ako, tayo lang ang mahalaga.” Mas humigpit ang yakap nila sa akin ng sabihin ni carson ang mga salitang nagbigay sakin ng kakaibang pakiramdam. Yung pakiramdam na kompleto ka na at wala ng hihilingin pa. “So anong sagot mo angel?” ask cray with his hyper tone “syempre magpapakasal ako sa inyo!” pagkayari kong sabihin yun ay hinalikan na nila ako habang yakap pa din ng mahigpit. Kumalas ako ng yakap sa kanilang dalawa at pinagtaasan sila ng kilay. "Sinong nakaisip ng kagaguhan na iyon kanina?" sa totoo lang nagtatampo ako pero hindi ako galit gusto ko lang malaman nila na hindi laging okay pag nakagawa sila ng kasalanan, kailangan din nilang malaman yung pwedeng maging outcome ng actions nila nang sa gayon ay maiwasan ang problema. "sorry angel.... si cray kase eh!" Hindi ko maiwasan ang matawa dahil sa pagtuturo ni carson sa nakababatang kapatid. Pinipigilan ko ang matawa ng malakas ng makita ko ang nakasimangot na mukha ni cray na halos umusok na ang ilong habang tinuturo si carson. "Anong ako?! Ikaw kaya yun!" pagkakaila din ng huli, kung ano ang ginawa nung kuya ay ginawa din nung bunso. "at talagang nagsisihan pa kayong dalawa?!" kunwari'y galit na singhal ko. sabay na napabuntong hininga ang magkapatid at humingi ng paumanhin, "sorry..." "paano kung nalagay sa kapahamakan yung baby natin?" tanong kong muli sa magkapatid. sabay na tumingin sa akin si cray at carson habang nagpapaawa ang mga mata. This time ako naman ang nagbuntong hininga at muli silang niyakap. "sorry angel..." bulong ni cray "I love you angel..." Ani carson "mahal na mahal ko din kayo.... ng higil pa sa buhay ko" this time it is my turn to tell them how much I love them....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD