Kabanata 6

1274 Words
Nasa opisina kami ngayon. Nasa mahabang mesa ang lahat at naglalaro ng UNO Cards maliban sa akin na nakaupo sa sofa at nagkukunwaring tulog. Si Blair naman ay katapat ng PC at abala sa kung ano man. Umuwi si Lily dahil naiwan niya ang cellphone niya. Kanina ko pa pinagiisipan kung dadalawin ko sa presinto ang daddy ko raw. Pano ko dadalawin ang taong di ko naman matandaan. Napamulat ako at napatingin kay Blair na hindi man lang inaalis ang paninigin sa PC. Mukhang may alam siya sa pagkatao ko. Kailangan kong malaman bakit ganun na lang kami hindi magpansinan noon at tipong pagtawag ko lang sa pangalan niya ay kinabibigla ng lahat. Hindi naman daw ako gaanong palakwento kay Lily kaya baka mas maraming sagot akong makukuha mula kay Blair. Kinuha ko ang isang monoblock chair at itinabi iyon sa tabi niya. Nagulat ang mga tao sa opisina lalo na ang lalaking kaharap ko ngayon. "Hanep nabibigla ako sa mga kilos ni Liza!" "Ako rin puta!" "Hahahaha tara laro na!" "Hayaan muna natin sila." "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig" pakantang sabi pa nitong isa. Nakakunot ang noo ni Blair at nilabanan ko ang titig niya. "Anong kailangan mo?" Sagot niya at ibinalik sa monitor ang paningin. "Sure ako na marami kang alam sa pagkatao ko. Kaya simula ngayon didikit ako sayo palagi para maghanap ng sagot." Diretsong sabi ko. Kusa siyang napahinto sa ginagawa niya at marahan akong nilingon. Nagtataka siyang tinitigan ako. "Nakikiusap ako. Tulungan mo akong makaalala." Sinserong pahayag ko. Masakit na kasi talaga sa ulo na hindi mo makilala pati sarili mo. "Mas magandang hindi mo na lang maalala." Wika niya. "Bakit naman?"tugon ko. "Alam ko iyon ang gusto mong mangyari...ang makalimutan na lang ang lahat." Walang emosyong sabi niya Gusto kong himatayin sa sinabi niya. Tumatagos hanggang sa buto ang hindi ko mawaring sakit na naramdaman ko. Anong klaseng buhay ang meron ako? Hindi! Hindi maaari. "Ayoko. Nakikiusap ako tulungan mo ako." Pakiusap ko sakanya. "At anong mapapala ko?" Biglang sagot niya. Shit. Oo nga noh? Anong mapapala niya? "Matitibag na nang tuluyan ang pader na humaharang sa kung anong samahan man ang meron tayo." Walang kautal utal na wika ko. Kasi mukhang matagal na kami magkakilala. Napangiti siya nang mapait."Matibag ang pader na ikaw ang gumawa? Pjourn ginagago mo ba ako?" Inis na sabi niya. "Eeeh kaya nga tutulungan mo ako Blair! Ano ba naman yan oh! Hindi nga kasi talaga ako makaalala! Sagot ko lunch at dinner mo araw araw!" Kampanteng sagot ko. "Eric."sabi niya. Anong meron sa Eric na name niya? "Oh bakit yan?" Tanong ko. "You used to call me Eric."sagot niya. "And you hate the name 'Blair" dagdag niya. Napanganga ako at walang kurap na tumitig sa kanya. Parang pinisil ang puso ko. Pinapatunayan kong ibang tao na nga ang Liza na kilala nila ngayon. "Mas prefer ko ang Blair" Sagot ko. "Hindi na tayo pwedeng makitang magkasama pjourn! Tapos na ang issues sa pagitan natin, 'wag mo na ungkatin pa."sagot niya at humarap ulit sa monitor. Argh! Ang hirap naman pilitin ang isang ito! "Anong issue kasi yan? Pesteng issue yan!" Inis na sabi ko. Hindi niya ako sinagot kaya inuga uga ko siya. "Hoy Blair sige na kasi! Sige na please!" Pagmamapilit ko. Halatang naiinis siya. Tumayo siya at inis na tiningnan ako. "No way." Kunot noong sabi niya at iniwan akong nakanganga rito. Pabagsak niyang isinara ang pinto at gulat na napatingin sa akin ang mga tao sa opisina. Nag-peace sign na lamang ako sakanila at karamihan sakanila ay napailing. Binuhat ko ang aking upuan at inilapit iyon sa kanila. "Guys! Pano ba ang samahan namin ni Blair dati? I mean noon noon pa man?" Tanong ko sakanila. Nakapangalumbaba ako habang pinapanood sila sa pagu-uno. Halata sa hitsura nilang pinipilit na masanay sa pagkatao ko ngayon. "Hahahah kakaiba ka na nga talaga Liza!" Sabi nung lalaking pogi. "Oo nga Liza. Ex mo tapos hindi mo maalala hahaha! Ibaaa!" Sagot naman nung isang babae. Hindi ko alam kung nabingi ako sa narinig ko pero parang gusto kong ipaulit. "A-anong sabi mo ulit?" Tanong ko. Napahinto siya sa paglalaro at tiningnan ako. "Sabi ko, mag- ex kayo ni EIC!" Sagot niya at napabuntong hininga ang karamihan sa kanila. Nyeta ex ko ang poging masungit na iyon? Omggg! "G-gusto ko p-pang makarinig n-ng ibang k-kwento." Nauutal na sabi ko. Bakit ba ako nauutal? "Mula first hanggang second year natin magsyota kayo. Hmm tahimik ka talagang tao pero dumoble iyon nung nagbreak kayo. Till then hindi na kayo nagpapansinan." Sagot nung isang babae. Kulang. Kulang pa. "S-sige pa." Pahayag ko. Tila ba nauhaw ako bigla. Umayos ako ng upo at talagang tutok na tutok sa kanila. "Student journalist na kayo simula first year hanggang ngayon, magkakabatch tayo except sa mga limang juniors na iyan. Masaya kayo palagi. Parang hindi kayo nag-aaway tapos isang araw, hindi namin alam kung anong dahilan pero hindi na kayo nagpapansinan. Hindi mo na rin siya tinatawag sa pangalan niya at ganun din siya. Bale magdadalawang taon na kayong hindi nagpapansinan. Odiba hanep?" Mahabang kwento ng lalaking katapat ko. 2 years na walang pansinan? Ginagago ba nila ako? Nabibigla ako sa mga nalalaman ko pero parang hindi pa ako satisfied. Marami pa akong tanong. Sobrang dami. Nakaupo ako ngayon sa open field nitong school. Kaunti rin ang mga taong nasa paligid na nag-aaral dahil may klase pa. Trip ko lang talagang hindi pumasok dahil masyadong magulo ang isipan ko. Para akong tanga na bunot nang bunot ng mga d**o habang ngumunguya ng gum. Ex-boyfriend ko talaga si Blair? Bakit naman kami nagbreak? Bakit nakakulong ang daddy ko? Bakit hindi ako palakwento ng secrets kay Lily? Anong problema ang kasalukuyan kong hinaharap? At... Bakit pinagmamapilit ko raw na hindi ako si Liza noong time ng role play? Alas dos na ng hapon at makulimlim. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin at ang pagdilim ng kalangitan. Isang patak. Pangalawang patak. At naging sunod sunod ang pagpatak ng ulan sa katawan ko. Tumingala ako at pumikit. Hindi rin ako nakakain ng lunch dahil hindi pa bumabalik si Lily kaya bukod sa wala akong kasabay ay tinamad na rin akong pumunta sa canteen. Dinamdam ko ang bawat patak sa mukha ko. Hindi ko alam kung para na nga ba talaga akong tanga noong mga oras na ito ngunit wala akong pakialam. Gusto ko masagot ang mga katanungan sa isip ko ora mismo! Nakikiayon ang panahon sa nararamdaman ko. Habang nakapikit pa rin ako at nakatingala ay parang biglang tumigil ang ulan. Eh? Huminto na agad ang ulan? Dahan dahan akong napamulat at imbes na ulap ang makita ko ay isang itim na payong. Tiningnan ko kung sino ang may hawak nito at gusto kong maluha sa nakita ko. Maari bang sabihing muli Na ako lang ang 'yong mahal At wala nang ibang hahadlang, hmm Sa ating pagmamahalan Maghihintay ako sa 'yong pagbabalik Nandito lang ako Ano man ang mangyari Baunin mo sa'yong pag-alis Mga ligaya ng nakaraan Maghihintay ako Parang piniga ang puso ko nang makita ko ang mga matang iyon na walang emosyon. Gusto kong tumakbo palayo sakanya kasi baka hanap hanapin ko na ang presensya niya. "Ayaw na ayaw mong nababasa ng ulan." wika ni Blair habang nakatitig sa mga mata ko. "Halika may pupuntahan tayo." Dagdag pa niya. Hindi mahina at hindi rin malakas ang pagkakasabi niya pero sapat na para patibukin nang kay bilis ang puso ko. Kusa nang pumatak ang luha ko. Sunod sunod at dinamdam ko ang bigat ng nararamdaman ng aking puso. Bakit ba ganyan siya? Ipagpapatuloy... Pamagat ng kanta: Maghihintay Ako Ni: Jonalyn Viray
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD