Humanities 101 Class
Sa sobrang lalim ng iniisip ko, nahinto lang iyon nang kalabitin ako ng seatmate ko. Nagising sa wisyo at napagtanto na nasa klase pa pala ako.
"Kanina ka pa tinatawag ni Sir, Liza!" Pabulong na sabi ng seatmate ko.
Oo nga, mukhang dragon na ang prof na ito. Marahan akong tumayo at pilit na ngumiti sakanya. Nakatayo rin pala lahat ng kagroup ko sa role play at kasama na roon si Blair.
"Liza, alam mo bang ikaw ang may kasalanan at babagsak ang grupong ito!" Sir Ramos.
Nyeta, ano nga ba kasi ang naisip ko at bakit naging ganoon ang inakto ko nung role play.
Naging masama ang titig sa akin ng mga kagroup ko.
"Para ka raw nasaniban at parang wala ka sa sarili mo kahapon! Baka gusto mong ulitin ang subject ko? Aba eh hall of famer ka na nyan. Repeater for the 3rd time!" Sarkastikong sigaw ni Sir at nagsitawanan naman ang klase.
"HAHAHAHAH" sila
"Silencio! Por pabor Liza! Sawang sawa na ako maging estudyante ka, ipasa mo naman ang humanities 101!"Parang nawawalng pag-asang pahayag ulit ni Sir.
"Jusko sir, pasensya na ho, hindi ko rin kasi talaga alam anong nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung nauntog ako o ano pero believe me sir, wala ako halos maalala sa buhay ko ngayon." Nakangiwing tugon ko.
Ramdam ko ang taka sa mukha ng mga kaklase ko. Totoo naman kasi. Wala talaga akong maaalala.
"Tsa! Anong gusto mong paniwalaan ko, yung una LBM kaya bagsak. Tapos chickenpox kaya bagsak ulit tapos ngayon na-amnesia ka? Aba baka sa susunod na sem mabalitaan namin nailibing ka sa hukay na buhay?" Sarkastikong sabi ni Sir.
Putek!
Nagsitawanan ulit ang paligid pero napahinto rin agad nang hampasin ni Sir ang mesa.
Nagtaas ng kamay si Lily.
"Sir totoo ho ang sinasabi ni Liza. Ako nga na kaibigan niya hindi niya maalala kahapon. Kayo nga rin Sir hindi niya natatandaan. Baka epekto ho nang pagkakauntog niya sa poste nung linggo." Nakikiusap na wika ni Lily.
Omgg nauntog ako sa poste? Anong kagagahan yan?
Napapaisip si Sir at kunot noong tinitigan ako. Ngumiti ako ng pilit. Nakatingin lahat sa akin ang mga kaklase ko maliban lang kay Blair na sa glass board lang nakatingin.
"I don't know what to say. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa kayo o nagdadahilan lang kayo para ipasa ko." Sagot ni Sir.
"Si Blair sir baka may gusto siyang sabihin." Biglang tugon ni Lily at parang tinambol ang dibdib ko sa kaba.
Binigyan ko si Lily ng killer look pero ngumiwi lang siya.
"Oh Blair, may masasabi ka ba?" Sir
Tahimik ang klase at naghihintay sa sasabihin ni Blair.
Nilingon niya ako at gusto ko na magpalamon sa lupa ng mga oras na ito.
"Roses or Sunflowers?" Biglang pahayag niya habang nakatingin sa akin.
Bibigyan niya ako ng bulaklak?
Hanla! Sayang naman hindi ko maitwetweet ito!
Hindi, tanong lang yan, pipili lang ako.
Omgg I love Sunflowers.
"Sunflower syempre!" Sagot ko.
Hindi ko alam pero halata sakanya na nagulat siya sa isinagot ko. Agad niyang ibinalik ang cold na reaksyon at tumingin kay Sir.
"She really can't remember anything sir." Sagot ni Blair.
Eh?
Nagtatakang tumingin ang lahat sa akin.
Biglang nagsalita ang isa sa mga kaklase ko.
"Ate liza, you love roses! Lagi ka ngang may baon na ganon sa bag mo. Look at your desk, nagdrawing ka pa ng rose oh." Biglang sabi nung babaeng katabi ko. May bangs siya at napakaganda niya.
At tila tumigil ang mundo. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Sigurado akong mas gusto ko ang sunflower pero bakit ganyan ang sinasabi nila?
Anong nangyayari sa akin?
"Liza, magpacheck up ka. Mukhang totoo nga ang sinasabi ng mga kaklase mo." Sir
"Wait sir." Sagot ko at nilingon si Blair."Ah Blair!" Wika ko at nagulat ang mga classmates ko.
"Oh no, she's calling him by his name!"
"Hala what happened to Ate Liza!"
"Hahaha flat na ba ang mundo?"
Nyeta ang oO-A nila!
Kunot noo namang napalingon sa akin si Blair.
Dinilaan ko pa ang natutuyong labi ko bago nagsalita. " Ask me again." Sabi ko.
Inalis niya sa akin ang paningin niya at hindi ako pinansin.
Wtf to the 3rd power!
"That's enough Liza. You better go to the hospital baka nga dahil sa pagkakauntog mo 'yan." Wika ni Sir.
Anong gagawin ko?
Masasagot ba ng doctor ang mga katanungan ko?
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla akong nasilaw sa ilaw. Muntik na akong mawalan ng balanse at mabuti na lamang ay naalalayan ako ng katabi ko.
Nalilito akong naupo at bakit ganoon na lamang ang nireact ko nang dahil lang sa pagkasilaw. Biglang napakaraming tanong ang namutawi sa akin at nagpaalalang ako si Jin. Pati ako ay naguguluhan na rin. Hindi ko na alam kung ano na talaga ang nangyayari. Pakiramdam ko minsan ay ako si Jin ngunit may mga pagkakataon na nagtataka na lamang ako kung anong ginagawa ko at kung bakit ako nasa lugar na iyon.
Anong misteryo ang nangyayari sa akin? Sumasakit na talaga ang ulo ko kaiisip kung bakit ganito ang mga nangyayari?
Nagsisimula na akong tanungin ang sarili ko kung sino nga ba ako. Ngunit sa pagkakataong ito, malinaw sa aking puso na ako si Jin. May bestfriend ako na ang pangalan ay Lira. Nasa ospital siya ngayon dahil comatosed ang gaga. Palasing lasing kasi dahil brokenhearted ayun tuloy nasagasaan. Sana gising na siya.
Basta ang alam ko rin ay may parcel akong hinihintay. Kailangan ko lang talaga magkaroon ng masinsinang pag-uusap sa sarili ko.
Ngunit paano ko masasagot ang mga katanungan ko kung sarili ko mismo ay hindi maintindihan ang mga nangyayari?
Kailangan ko ng tulong. Tiningnan ko si Lily at pinagmasdan ang katauhan niya. Imposibleng mapupunta ako sa ibang mundo. Hindi ako naniniwala sa parallel universe na 'yan. Mukha naman ding tao lahat ng nasa paligid ko. Lahat kami ay mukhang walang special powers kaya anong pasabog ito?
Sunod kong tiningnan si Blair.
Gwapo.
Este baka siya ang isa sa makakatulong sa akin. Hindi ko alam kung anong ugnayan mayroon ba ang katauhang ito kay Blair kaya naman Elizabeth patawad kung may mga bagay akong ginagawa kay Blair na ayaw mo ha.
Sorna girl, dapat kasi go lang ng go!
"MISS ELIZABETH AUSTEN!" Nagulat ako sa biglaang pagtawag sa akin ni Sir.
Agad akong tumayo at napapahiyang tumungo.
Napakamot ng noo si Sir at binigyan ko na lamang siya ng awkward smile.