Kabanata 4

1423 Words
A-aray! Ang sakit ng ulo ko! Ang sakit sa mata ng liwanag mula sa bintana kaya dahan dahan ko lang binukas ang akingmata at tumambad sa akin ang hindi pamilyar na lugar. "Naku sa wakas gising ka na Liza! Naku ka talaga! Aatakihin ako sayo nyan eh!" Bungad ni Lily habang hawak ang walis at nakadungaw sa akin. "Ayos ka na ba? Gutom ka na? Kakain ka na?" Sunod na sunod na tanong niya. "Nasaan tayo?" Tanong ko habang pinipilit kong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. "Saan pa edi sa boarding house natin!" Sagot niya at chinecheck kung may lagnat ako. Hindi ko alam pero biglang may nagflash sa aking utak na pangyayari sa lugar na ito. Parang kusang nakita ko ang sarili kong nasa study table at nagsusulat, tapos kasunod niyon ay ang pag-inom namin ng gatas nang sabay ni Lily. Dalawa ang kama sa kwartong ito at may kalakihan. Bigla ko rin nakita na pinapanood kong magluto si Lily sa kusina at mayroon ding nagflash na sabay kaming nanonood ng T.V. Sa pagkakataong iyon puro tipid na ngiti lang ang inilalabas ko pero batid kong hindi gaanong kalungkot ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. "Hoy Liza girl!" Pagpalakpak ni Lily sa tapat ng mukha ko. "Ha?" Nagtataka kong tanong. "Sabi ko tara na kain na tayo, may pasok pa tayo mamayang 8:30. Tsaka tuesday ngayon kaya get ready tayo kay Sir Ramos." Sagot niya. "Anong oras na ba?" Tanong ko habang tumatayo na mula sa kama. "7 am na phoewshz."sagot naman ni Lily at nagtuloy na sa pagwawalis. Napatitig pa ako saglit kay Lily habang abala siya sa pagwawalis at napapangiti na lang ako. Dumiretso na ako sa banyo at habang naglalabas ng sama ng loob ay bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Pagkatapos kong makuha ang order ko ay inilabas ko ang maliit na notebook at nagsulat. My real name is J- is... is... B-bakit hindi ko maalala ang tunay kong pangalan? T-tunay? May tunay ba akong pangalan? Ako si Elizabeth. Elizabeth Austen. B-bakit ako nag-iisip ng ibang pangalan? Teka wait hindi ako si Elizabeth. Napunta lang ako sa mundong ito noong... role play nila. Tama! P-pero bakit pakiramdam ko ako si Liza? Ano ba Liza ikaw nga yan? Hindi! Hindi ako si Liza! Hawak ko ang aking ulo dahil sobrang sakit at medyo nahihilo na ako. Bakit may outside world akong tinutukoy kanina? Sobrang sakit ng ulo ko! "Hoy" Gulat akong napalingon sa gilid ko at nakita kong nakatayo si Blair. Kahit pumipintig sa sintido 'yong sakit ng ulo ko nagawa ko pa rin siyang lingunin. "A-akala ko umalis ka na." Namimilipit sa sakit na sabi ko. Umupo naman na siya sa harapan ko. "Nag-CR lang ako." Sagot niya. Hindi ko na talaga kaya. Nahihilo na talaga ako... "Pjourn! Hoy pjourn!" Narinig ko pa si Blair na tinawag ako pero hanggang doon na lang 'yon dahil nagdilim na ang paningin ko. Nawalan ako ng malay kagabi at ang huli kong kasama ay si Blair. Paano ako nakauwi rito? Agad kong tinapos ang pagbabanyo at patakbong pinuntahan si Lily. Wala na siya sa kwarto kaya naman lumabas ako at hinanap siya. Dalawang palapag pala ang bahay na ito. Ang sosyal naman namin ni Lily. "Lily!" Sigaw ko. Narinig ko naman ang boses niya mula sa ibaba." Oh bakit? Tara na rito kain na tayo!" Sigaw niya. Agad akong bumaba at naabutan ko siyang naglalagay ng plato sa mesa. "Lily! Paano ako nakauwi kagabi?" Tanong ko sakanya. "Paano pa ba edi syempre pasan pasan ka ni Eric Blair!" Sagot niya na may halong pang-aasar. "Ikaw ah! I mean kayo ha! Ang sabi mo sa akin sa mall ka pupunta pero makikipagkita ka pala kay Eric. Mabuti na lang ganon ang kinuha kong damit mo." Pangaasar niya habang iniikot sa tapat ng mukha ko ang hawak niyang kutsara. Ibig sabihin siya ang naghatid sa akin dito? Hala nakakahiya at nakakainis! "Alam niya address natin?" Takang tanong ko. "Tinext niya ako gurl huwag kang assuming!" Sagot niya. Tingnan mo tong babaeng ito, kanina lang inaasar ako tapos ngayon sasabihan pa akong assuming. Kinuha ko na lang yung potholder na nasa mesa at hinampas nang mahina sa ulo niya. Natawa naman siya at napangiwi naman ako at tumawa rin. "Grabe kaya mo naman pala ang maging ganyan kacheerful bakit ngayon mo lang ginagawa?" Wika niya pagkatapos magpray. Kumakain na kami ngayon ng sinangag, corned beef at longganisa. "Ha? Pinagsasabi mo diyan?" Taka ko namang tanong. "Alam mo ikaw ang abnormal mo! Parang kahapon lang pinapipilitan mong ikaw si Jin ba 'yon at hindi ka si liza. Tse ewan ko sayo! Ano kayang nakain at nalanghap mo at ganyan ka na kadaldal at biglang nawala ang pagiging introvert mo?" Taka niyang tanong. Hindi ko naman maintindihan ang mga pinagsasabi niya kaya hindi ko na lamang sinagot at nagtuloy na lang sa pagkain. Ewan ko ba pati ako ay naguguluhan. Wala akong matandaan sa ibang mga bagay pero bigla na lamang magflaflash ang pangyayari at ang ending ay parang komportable na ako sa pangyayaring iyon. "Matapos mo lahat kaming idamay sa play tingnan mo yang si Blair nagawa ka pa tulungan. Teka bakit nga pala kayo magkasama?" Usisa ni Lily kaya wala akong choice kundi ikwento sakanya ang nangyari. "Ah ganun pala. Pero in fairness ang sweet niyo pa rin. Parang unti-unti nang nasisira ang wall between the two of you." Pahayag ni Lily. Anong sweet doon? Tsaka oo pogi si Blair pero parang hindi ko feel na magkacrush doon kasi super pogi. Baka anytime nakatitig lang ako sakanya. Makapal ang kilay niya, maputi, kahit laging nakasimangot ang cool niya pa rin. Gustong gusto ko ang blonde hair niya at ang mata niyang itim na itim na sobrang nakakatunaw at para bang hihigupin ka niya anytime tapos ayaw mo na umalis sa mundo niya. "Lizaaaaaa!" Nagulat ako sa sigaw ni Lily. Anak ng! Taka ko naman siyang tiningnan. "Hindi mo naman ako pinapakinggan eh! Bumabalik ka na yata sa pagiging introvert mo." Sabi niya at nagpapacute sa harap ko habang nakasimangot. "Hahaha para kang aso! Ano ba yang sinasabi mo?" Natatawa ko namang tanong. "Sabi ko humanda tayo sa ipapagawa sa atin ni Sir Ramos dahil bagsak tayo sa Play! Huhu final requirement 'yon tapos bagsak pa. "Bakit kasi may paganon eh Psych students tayo." Inis ko naman na pahayag. Natawa na lang kami pareho dahil sa reaction namin. Tahimik ang buong klase at natatakot ang lahat kay Sir Ramos. Alam niyo feeling na para akong nagka-amnesia pero mapupunan agad ng utak ko yung alaala? Medyo magulo kaya madalas din ang pagsakit ng ulo ko. Halimbawa na lang, hindi ko matandaan kung anong subject ko kay Sir Ramos at nang ikwento ni Lily parang kusang naalala ko na ang mga pangyayari sa klase niya. May mga times din na feeling ko hindi ako 'to pero naisip ko imposible naman. Nalaman ko kanina na pangalawang take na pala namin ni Lily ng Humaties 101 Art Appreciation na under ni Sir Ramos. Magkaklase kaming tatlo ni Blair at puro freshmen ang kaklase namin. "So ayun na nga nung midterm natin nagkaroon ka ng matinding LBM dahil sa pagkain mo ng isaw diyan sa tapat ng school. Inapoy ka ng lagnat at naconfine sa ospital. Pinalampas yun ni Sir Ramos at binigyan ka ng tumataginting na special exam dahil 'di talaga siya nagpapaspecial exam eh." Mahabang kwento ni Lily habang hinihintay si Sir Ramos dito sa room. "Eh bakit daw ako binigyan?" Taka ko namang tanong. "Dahil hindi lang ikaw ang naospital niyon. Pati si Blair at iba nating classmates na food poisoned." Sagot niya. Hindi ko alam pero biglang kumabog ang puso ko nang marinig ang pangalan ni Blair. Anong meron sa puso ko? "Tapos nung finals naman nagka- chickenpox ka. Kamalas malas mo nga naman oh! Kaya may scar diyan sa temples mo." Sabi niya at kinapa ko naman ang maliit na scar gilid ng noo ko. Kaya pala. "At nung practicum natin hindi ka nakapunta kasi iyon yung time na nahatulang guilty ang daddy mo." Malungkot na wika ni Lily. Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niyang iyon. Nagpaulit ulit sa pandinig ko ang mga huking linya niya. ...iyon yung time na nahatulang guilty ang daddy mo ...iyon yung time na nahatulang guilty ang daddy mo ...iyon yung time na nahatulang guilty ang daddy mo. Pakiramdam ko hindi ko kilala amg sarili ko. Ako si Elizabeth Austen pero pakiramdam ko hindi ako ito dahil kulang kulang ang mga alaala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD