Kabanata 3

1173 Words
"Sigurado kang hindi na kita sasamahan?" Tanong ni Lily habang naghihintay kami ng taxi sa waiting shed katabi ng school namin. Nagaagaw dilim na rin sa paligid at marami na ring umuuwing estudyante. "Oo kaya ko na." Sagot ko at kinindatan siya. Napabuntong hininga naman si Lily kaya mas lalo akong napangiti. Obvious sakanya na pinipilit niyang tanggapin kung ano na ang mga ikinikilos ng Liza na kaharap niya ngayon. Sorry Liza, I can't live the way you wanted it to be. "O siya sige. Sabay tayo magdinner ha. Hihintayin kita." Sagot ni Lily. "Okkk!" Tanging sagot ko na lamang. Agad naming pinara ang taxi na dumaan at pinasakay na ako ni Lily. Kumaway pa siya hanggang sa tuluyan akong makalayo. Napakaswerte ni Liza dahil may kaibigan siyang tulad ni Lily. Isipin niyo na lang na madalang niyang kibuin si Lily at hindi pa niya sinasabihan ng secreto pero nagi-stay pa rin si Lily sakanya. Bigla ko tuloy naalala si- si- s- Sino? Sino 'yong dapat aalalahanin ko? B-bakit ganito bigla ang nararamdaman ko? Biglang sumakit ang ulo ko. "Miss?" Tanong ng driver dahilan para manumbalik ang diwa ko. "Ah ano ho 'yon?" Tanong ko pabalik. "Sabi ko saan tayo pupunta?" Tanong niya. Hininto pala niya ang sasakyan sandali para itanong 'yon. "S-sa pinakamalapit na beach po manong." Sagot ko. "Miss isang oras ang byahe papunta sa pinakamalapit na beach. Sigurado ka?" Tanong ni manong. Hala ang layo naman. "Huwag na lang ho. Sa malapit na coffee shop na lang." Sabi ko at rinig ko ang buntong hininga niya. "Kung ganon, bumaba ka na dahil nasa tapat na natin ang pinakamalapit na coffee shop. Pinagloloko mo yata ako hija eh." Sabi ni driver at umiling iling pa. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ang magandang coffee shop sa labas ng bintana. Oo nga nasa tapat na namin. Bigla tuloy akong nahiya kay manong. Nagabot na lang ako ng singkwenta para sa ilang metrong natahak namin. Walking distance lang pala ang coffee shop na ito. Gusto ko na makapag-isip agad ukol sa mga pangyayari kaya dumiretso na muna ako agad sa barista para umorder bago maghanap ng mauupuan. "Isa pong matcha green tea at blueberry cheesecake." Pahayag ko at binanggit ko ang name ko para sa pagtawag sa akin mamaya. "Elizabeth" nakangiting wika ko. Pagkatapos, naghanap na ako ng mauupan. Napakaganda ng ambiance ng coffee shop na ito at ang sarap tumambay. Tahimik at nakakarelax ang dilaw na ilaw. Napagod na ang ulo ko sa kakaikot pero wala pa rin akong nakikitang vacant chair maliban na lamang sa tapat ng nakatalikod na lalaking iyon sa bandang dulo katabi ng bintana. Mukha naman siyang walang kasama kaya doon na lang siguro ako. Sana umalis na rin siya agad para makaisip na ako ng plano kung paano makakabalik sa outside world. "Ahem. Excuse me, pwede makiupo?" Magalang na tanong ko. Hindi ako pinansin ng lalaki kaya medyo nilakasan ko ang tanong ko pero wala pa rin siyang imik. Kakalabitin ko na sana nang bigla niya akong lingunin. Muntik na akong ma-out of balance dahil sa gulat nang marealized ko kung sino siya. Shems! Tinanggal niya ang earphones sa tenga niya at itinaas ang dalawang kilay. Kumunot ang noo niya at sinisiguro kung tama ba ang narinig niya kanina na gusto kong makiupo. Medyo may kalakasan kasi ang tanong ko kaya imposibleng hindi niya 'yon narinig kahit naka-earphones siya. "Are you sure?" Takang tanong niya. Anong isasagot ko? Ah wag na lang pala kasi ano... ano? Send help to 2366 "Go ahed. Sit." Tipid na sabi niya at isinuot muli ang earphones at tumingin sa bintana. Magpapakipot pa ba ako? Ito lamang ang bakanteng upuan. Actually meron pang isa doon sa kaliwang banda kaso mukhang gangster 'yong lalaki. Napalunok naman ako at dahan dahang umupo sa tapat ni Blair. Act normal Liza ano ba! Para akong mannequin na may stiffened neck na malikot ang mata. Grabe ang epekto ng Blair na ito sa akin. Nakakainis! Alam mo yung nababadtrip ka sakanya dahil sa coldness niya na ewan. Malayong malayo sa tipo ko para sa isang lalaki. Nilingon naman niya ako at kitang kita ko ang walang emosyong mata niya. Ako naman hindi ko alam kung humihinga pa ba ako nang maayos. Baka puro inhale na ang ginagawa ko ngayon at nakalimutan ko na mag-exhale. Kinuha ko na lamang ang cellphone sa bag na dinala para sa akin ni Lily kanina. Matapos ko siyang tawanan nang tawanan dahil sa epic na reaction niya nang maabutan niya ako sa tapat ng salamin, ay agad din naman na akong nagpalit ng damit na dala niya. Mahilig magpalda hanggang tuhod itong si Liza. Suot ko rin ang long sleeves white striped na crop top. Medyo pa-pencil skirt ang navy green palda niya pero hindi naman hapit na hapit pero sapat na para makita ang magandang shape na katawan ni Liza. Agad kong binuksan ang Gallery sa phone niya at nagkalkal. Wala man lang siyang selfies grabe. Puro picture ng nature, lansangan, kalsada at bulaklak ang makikita pero may isang album doon na may limang litrato lamang. Chineck ko iyon at nakita ang tatlong batang masayang magkakaakbay. Dalawang lalaki at isang babae. Nilipat ko ito at nakita ang picture ni Liza na nakaupo sa damuhan na napapaligiran ng bulaklak. Sa tansya ko ay mga labinlimang (15) taong gulang lamang siya rito. Natanong ko rin pala kanina kay Lily kung anong year at course namin at ang sabi niya ay 4th year BS Psychology. Ang ganda rito ni Liza, tila wala siyang problema.Ano kaya ang dahilan ng pagiging tahimik niya? Trip lang ba niya 'yon? Ililipat ko na sana ang sunod na picture kaso tinawag na ang pangalan ko ng barista kaya agad ko na ipinunta sa homescreen at dumiretso sa harap. Pagbalik ko sa table wala na si Blair. Ang sungit naman ng lalaking 'yon pero at least umalis na siya, makakahinga na ako nang maayos. Inilabas ko ang maliit na notebook at nagsulat. My real name is J- is... is... B-bakit hindi ko maalala ang tunay kong pangalan? T-tunay? May tunay ba akong pangalan? Ako si Elizabeth.  Elizabeth Austen. B-bakit ako nag-iisip ng ibang pangalan? Teka wait hindi ako si Elizabeth.  Napunta lang ako sa mundong ito noong... role play nila. Tama! P-pero bakit pakiramdam ko ako si Liza? Ano ba Liza ikaw nga yan? Hindi! Hindi ako si Liza! Hawak ko ang aking ulo dahil sobrang sakit at medyo nahihilo na ako. Bakit may outside world akong tinutukoy kanina? Sobrang sakit ng ulo ko! "Hoy" Gulat akong napalingon sa gilid ko at nakita kong nakatayo si Blair. Kahit pumipintig sa sintido 'yong sakit ng ulo ko nagawa ko pa rin siyang lingunin. "A-akala ko umalis ka na." Namimilipit sa sakit na sabi ko. Umupo naman na siya sa harapan ko. "Nag-CR lang ako." Tipid na sagot niya. Hindi ko na talaga kaya. Nahihilo na talaga ako... "Pjourn! Hoy pjourn!" Narinig ko pa si Blair na tinawag ako pero hanggang doon na lang 'yon dahil nagdilim na ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD