Panimula

1216 Words
"Hello? Is anybody there? Nasaan ako?" Kanina pa ako naestatwa sa madilim at nowhere in particular. Natatakot na talaga ako at sobrang kinakabahan dahil bakit walang nagsasalita at bakit sobrang dilim ng paligid? Sinubukan kong kumapa kapa pero natatakot ako baka may mahawakan akong black lady. 'Di ko rin mahanap ang cellphone ko sa bulsa at gusto ko sumigaw pero sobra na akong natatakot! Feeling ko nasa palabas ako sa Insidious. May pundidong red light sa pinakadulo ng hallway na ito at may mataas na sementong pader ang nasa kaliwa ko kaya no choice ako kundi pahakbang hakbang nang dahan dahan. Ang huling natatandaan ko nakaupo ako sa tabi ng hospital bed ni Lira, tapos kinuha ko yung notebook niya na may title Debacle. Posibleng ito yung kwentong sinusulat niya at hindi raw siya makaalis alis sa c****x. Pinipilit pa niya akong mag-suggest. Anong alam ko diyan? Ni hindi ko nga maintindihan ang title. Tapos natatandaan ko pa na binuklat ko 'yon at binasa ang first page. LIST OF CHARACTERS 1. Eric Blair Martinez - male lead 2. Elizabeth Austen - female lead At hindi ko na natapos dahil bigla na lamang akong nawalan ng malay. May mga narinig pa akong ingay at hagulgol habang tinatawag ang pangalan ko bago ako tuluyang mapapikit tapos paggising ko nandito na ako. "Teka? Panaginip ba 'to? Siguro kasalukuyan akong nananaginip." Pagkukumbinsi ko sa sarili ko. Kinagat ko yung dila ko at nararamdaman ko yung sakit so it means...totoo 'to? Oh no no no! "Psst Elizabeth!" M-may nagsutsot ba? M-may parang bumubulong. "Elizabeth! Anong ginagawa mo diyan? Andito ako sa likuran mo!? Hinahanap na tayo ni Eric!" Bulong ulit ng nasa likuran ko. Parang ganito yung napapanood ko sa horror movies tapos pagharap mo may nakakatakot na mukha ng babae na nasa tapat ng mukha mo. Oh please I wanna go home!" Hindi ako sisilip sa likuran. Hindi ako sisilip sa likuran. Hindi ako sisilip sa liku- "Elizabeth ano bang nangyayari sayo? Tara na!" Halos mahimatay ako sa gulat nang may humila sa braso ko at pilit akong pinaharap sakanya. Pumikit ako dahil nai-imagine ko na mukha siyang yung babae sa The Shutter or baka kamukha siya ni Valak. "Elizabeth! Si Lily to!" Panawagan ulit ng kung sino man ito. Wait! Lily? As in yung best friend kong si Lira? Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at isang maamong magandang babae ang tumambad sa harap ko at nakasuot ng classic gown. May hawak siyang gasera na sobrang kaunti ng liwanag na naibibigay. Pero sapat na 'yon para makita ko ang hitsura niya. Hindi ko siya kilala. Inagaw ko ang braso ko at parang nagulat naman siya sa ginawa ko. "Gurl! Ano ba! Hindi ako si Elizabeth! Ako si Jin!" Pagrereklamo ko kasi bakit niya ako tinatawag na Elizabeth eh Jin pangalan ko. At bakit parang kilalang kilala niya ako? Binigyan niya ako ng what-are-you-talking-about-look. "Umayos ka Elizabeth! Wala sa script yang mga sinasabi mo kanina pa!" Medyo badtrip na pagbulong ng kung sino man tong babaeng ito. "Script?" Takang tanong ko sakanya? Lumapit naman siya sa akin at muling bumulong? "Bes! Nasa role play tayo ano ba! Sabihin mo na yung linya mo. Babagsak tayo sa ginagawa mo e!" Inis na bulong niya. At talaga namang nag-loading sa isipan ko lahat ng sinabi niya. Ano bang nangyayari? Role play? Babagsak? E wala naman kaming role play dahil summer vacation namin. Tsaka sino ba tong nasa harap ko? It's how you used to say I love you and I miss you It's how you pretend to love me then When you wandered off the things we've done before Now it's too late to turn back anymore I used to say I love you I used to say I miss you And now it's all gone Are we fading away Are you coming back into my arms To love me again I love you I miss you I need you now More than ever More than words can say I love you and I miss you I need you more today Parang huminto ang paligid. Natulala ako. Biglang tumapat ang ilaw sa lalaking hindi ko kilala. May kung ano akong naramdaman habang tinitingnan siya. Biglang bumigat ang pakiramdam ko at hindi ko alam ang dahilan. Nakaupo at tumutugtog siya ng piano at may suot na black tuxedo. Bawat pagtugtog at pagkanta niya parang dinadala ako sa malungkot niyang mundo. Nakakahawa ang lungkot sa mga mata niya at kulang na lamang umiyak siya. Hindi ko kilala ang babaeng nasa gilid ko pati ang lalaking tumutugtog at mas lalong hindi ko maintindihan ang nangyayari pero isa lang alam ko...nalulunod ako sa awit ng lalaki. Wait! No time for that! Delete delete delete! Patakbo akong lumapit sa kanya kaya napahinto rin siya sa pagkanta. Taas kilay at nagtataka naman siyang napatingin sa akin. Artista ba 'to? "Ahm kuya! Alam mo ba kung nasaan tayo? Like nawiwindang na kasi ako? Nasa ospital lang ako bago ako mahilo tapos paggising ko nandito na ako! Nasaan ba tayo?" Malakas na pahayag ko pagkalapit ko sa lalaki. Isang another what-are-you-talking-about-look ang natanggap ko. "Pjourn ano bang pinagsasabi mo? Mamaya ka pa tutogtog!" Inis na bulong niya. Pjourn? What??? Tutogtog? Anong alam ko sa pagtugtog? E hindi rin ako marunong kumanta! Gulong gulo na ako! Nasaan ba kasi ako? Sino sila? "Sinisira mo ang script!" Mahinang tugon nitong lalaki at tsaka siya tumindig. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at biglang nagbago ang expression niya. Whut??? "Elizabeth! Nagbalik ka na. Patawarin mo na ako." Pahayag niya at napanganga na lang talaga ako. Shocked na shocked na talaga ako sa mga pinagsasabi nila. Binigyan niya ako ng ano-pa-hinihintay-mo-look. Isinenyas niya ang piano at tiningnan ko rin yung piano. Isinenyas niya ulit ang piano at taka na naman akong napatingin sa piano. At dalawang beses pang ganun ang eksena namin. "A- ANO BANG MERON DIYAN SA PIANO?" Galit na talaga na sabi ko. Super nagtataka at naiinis na ang expression niya. Tatanungin ko na sana siya ulit nang biglang may sumigaw. "LAST 3 MINUTES!" Sigaw ng kung sino man iyon. "Play and sing." Seryosong sabi sa akin ng lalaki. "Play and sing now! Or else, we'll all fail!" Medyo inis na sabi niya. "P-Play and sing? N-Ni hindi ako marunong kumanta, mag-piano pa kaya?" Nalilito at medyo inis na sigaw ko. Biglang nagkaroon ng tawanan sa paligid. W-wait? So totoong nasa role play ako? Gosh! Paano 'to? Sobrang dilim ng nasa harapan ko at hindi ko makita ang audience. "Go!" Inis na bulong ng lalaki. Napayuko ako at ngayon ko lang napansin na naka- classic gown din ako. Parang kasuotan sa Romeo and Juliet na napanood ko dati. Magra-rant pa sana ako kaso bigla akong nasilaw. Lumiwanag ang paligid at tumambad sa harapan ko ang napakaraming audience sa hall na ito. Nasa magarbong entablado ako at may napakaraming props. Parang Spanish Style ang nasa paligid ko. Ang gandaaa! S-so nasa role play nga ako kanina? Pero sino sila? Nilingon ko 'yong lalaking tumutugtog kanina at napalabi siya sa inis. "This is all your fault." Galit na sabi niya at tinalikuran ako. Taka ko naman siyang sinundan ng tingin. Isa-isa kong tiningnan ang mga tao dito sa stage at halatang disappointed sila sa akin. Halaaa what have I done? I'm sorry!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD