Chapter 5: War In Parking Area

4386 Words
Kulang ang mga salitang ‘inis’ at ‘galit’ kung ilalarawan ko ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Para bang malakas na nga ang apoy, dinagdagan pa ito ng maraming gaas dahilan para maabot na ang langit sa lakas ng liyab—tulad na lamang ng galit at inis ko kay Kalix. I am mad at Kalix, and that might be the greatest understatement of the history. “Good day, Ms. Celestia. You are here dahil magkakaroon ng competition sa labas ng university na ito.” He’s serious while uttering those words. I took a deep breath and rolled my eyes. That Mr. Elvi, I hate him! Akala ko ay kung ano’ng balita ang tinutukoy niya! Pero kahit papaano ay natuwa ako. Maituturing pa rin itong good news kahit pinag-alala ako ng Elvi na iyon. Lagot siya sa akin. “Thank you. I will surely participate,” blangkong tugon ko. Tatayo na sana ako nang bigla siyang magsalita dahilan para mapahinto ako. “Base sa content na nakalagay here in the document, you’ll be having a partner.” Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya. Buong school life ko ay wala akong nakasasama sa mga ganitong bagay. “Not necessarily partner, but a representative like you na makasasama mo to represent out university.” Napalingon kaming dalawa ni Mr. Canly nang marinig na bumukas ang pinto. Nag-init ang ulo ko nang iluwal nito ang kinaiinisan kong si Kalix Jace Fedelin. But what made me think of right now is his presence here at the President Office. What is he doing here?! “Siya ang makasasama mo.” Natulala ako sa narinig. "ANO?!" Could you believe the thought that you will be with someone na ayaw na ayaw mo? Makasasama mo ang taong kinaiinisan mo? I couldn’t imagine my company with him, seriously! Ngayon, nang marinig ko ang mga sinabi ni Mr. Canly... “Siya ang makasasama mo...” Napatayo ako sa gulat dahil sa sinabi ni Mr. Canly. Did I heard it right? Hindi ba ako nananaginip ngayon? Totoo at seryoso ba ang naririnig ko? Mr. Canly must be joking, right? Naikuyom ko ang kamao ko. I don’t know what should be my reaction for being with him. Ano ba’ng tumatakbo sa isip ng hilaw na Espanyol na Canly na ito? Takas-mental ba siya at kung ano-ano na ang mga sinasabi niya? That Kalix? With me? There’s no way! “ANO?!” Malakas ang pagkakasabi kong iyon kaya’t maging ang mga kasama ni Mr. Canly rito ay napatingin sa akin. Nababasa ko sa isip nila na narito na naman si Heidi at magkakalat ng kademonyohan at kahit hindi ko sila isa-isahin, alam kong lahat sila ay nakatitig sa akin nang masama. “Are you serious?! Have you gone mad? You must be joking. Stop it, the thought is not funny.” “What’s with you, Ms. Celestia? Any problem with Mr. Fedelin?” I bit my lower lip at napatingin kay Kalix na nakayuko lang at hindi umiimik. Wala ba siyang gagawin? Hindi ba siya gagawa ng action? Hindi ba siya aangal?! He must be protesting now! I don’t want to be with him! “Bakit siya? Pwede bang iba na lang? Babayaran ko,” suhestiyon ko, bakas na bakas sa boses ko ang pagkabahala. Paulit-ulit na napailing si Mr. Canly; nangangahulugan iyon na may mali sa sinabi ko. “Why it is has to be him?! Do something! I don't want to be with him!” “Your money can do but nothing! Hindi pera ang may utak. Ms. Celestia, just to remind you, battle of the BRAIN and not battle of the MONEY. There's a huge difference with that. On the other hand...” Napapikit ako sa inis. “At some point, si Kalix ang nanalo sa quiz bee yesterday so he deserves it. In fact, hindi siya dapat mawala dahil na-secure niya ang slot after winning the competition yesterday.” Napahinga ako nang malalim. Hindi ko alam ang isasagot ko. This is getting into my veins. Pansamantalang nagkaroon ng katahimikan. I heard how Mr. Canly sighed heavily. The situation was very simple: kung papayag siyang hindi si Kalix ang magiging kakampi ko, walang gulong mangyayari. That’s it! But I don’t really want to! Definitely not! Hindi madaraan sa usapan ang hilaw na Espanyol. “Ayos lang po sa akin kung iba na lang.” Napalingon kami parehas nang mahinahon na nagsalita si Kalix. Sa wakas, sa kanina pang pagtatalo namin ni Mr. Canly ay nagsalita na rin siya. I thought, he was mute. Mahinahon ngunit malalim at malamig ang kaniyang boses. “See? He’s okay with it! Let him! Ayos lang naman pala sa kaniya na iba na lang,” I hissed at Mr. Canly but he shook his head multiple times. Hinilot nito ang kaniyang sentido. “Do not force him! he decided himself! It's just okay daw na iba na lang! Finish!” “I won’t let that happen! Ikaw ang kailangan, Kalix. Kung hindi ikaw ang isa sa kasama ay huwag na lang natin isali ang university na ito next week.” “You are joking. That can’t happen,” mabilis na saad ko. “I’m serious. I will be handling you two here so I will decide wether I will drop this chance or not. At kapag sinabi kong kayong dalawa ang lalaban, my decision is final. Now, kung hindi isa sa inyo ang kasali, I will immediately drop this one.” I knew that Mr. Canly is sincere about his sentences and that made me worry. Bigla namang naghari ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Sa totoo lang, gusto ko nang magwala sa mga oras na ito. I calmed myself and took a deep breath. Hindi ko lubos maisip na magiging magkasangga kami, magiging magkasama sa mga reviews at higit sa lahat ay magiging kakampi ko sa laban. Noong mabangga ko siya sa hallway, I marked him already as my enemy. Markado na siya. How are we going to interact and communicate to each other? I’m sure, we’re both uncomfortable to each other, especially ako na ayaw na ayaw siyang makasalamuha. Paano ang mangyayari sa aming dalawa? I couldn’t imagine, seriously. There’s no way that he will be my apprentice for this battle. “Mr. Canly, we should think about this first. Let’s consider—” Naputol ang sinabi ko nang tumayo si Kalix at nakalikha ng malakas na ingay ang kaniyang upuang bakal. Though, he’s totally serious and expressionless. “Mr. Canly, I will quit. It’s voluntary kaya’t huwag na po kayong mag-alala,” pagputol sa akin ni Kalix. “She’s right, someone might be more deserving to my slot so I will quit. Marami rin pong magaling sa university and ’m just new here. A lot of students has better experience to this so I would like to quit for my slot, thank you.” Natigilan ako nang bigla siyang lumabas dahilan para mapalaki ang mata namin dahil sa gulat! Dalawa kami ni Mr. Canly ay tulala nang mabilis siyang naglaho sa paningin namin. Napapadyak na lang ako sa isang vase sa gilid ng kinatatayuan ko. Agad naman iyong nabasag at nakalikha ng napakalakas na ingay. Nagkalat ang mga piraso nito sa tiles na sahig. The whole department saw what I did and indeed, it was a gigantic trouble. Napatayo ang ibang mga professors sa ginawa ko. Of course, may kalokohan na naman akong nagawa. Narinig ko pang tinawag nila ang pangalan ko ngunit humarap ako kay Mr. Canly at binigyan siya nang matalim na titig. “We will proceed, no matter what happen. We will talk about this later.” Agad na akong umalis sa lugar na iyon. Anytime, I might did something perilous. If I wouldn't stop myself, I'm definitely sure that I might did a new trouble; a massive one. Dali-dali akong nagtungo sa parking lot habang ang kilay ko ay magkasalubong, nag-uusok na sa galit. That was a rapid decision! Hindi man lang nila pinag-isipan! Wala ba silang iisip? Hindi ba muna sila nag-planning and evaluation? He’s transferee and who knows kung mapagkakatiwalaan ba ang lalaki na iyon! Sabihin na nating nanalo siya, pero hindi niya deserve! Maraming mga estudyante rito ang may better experiences pagdating sa mga battle of the brain! This is no joke! Doesn’t mean that guy had won yesterday, basta-basta na lang ito isasali at isasabak ni Mr. Canly. Everything is a joke! Nang makarating sa parking lot, I accidentally hit a girl na malapit sa kotse ko. Napaharap siya sa akin at bumungad ang kaniyang mukha na malungkot, wala siya sa kaniyang sarili. Her face and hands were shaking. Nangingig ang kaniyang dalawang balikat at lungkot na lungkot ang mukha nito. “Gusto mo bang lumuha ng dugo?” inis na buwelta ko. Ang lungkot sa kaniyang mga mata ay tila napalitan ng takot. Seriously? Hindi ba niya nakitang daraan ako?! Bulag ba siya? At dito pa talaga siya nag-drama sa parking lot?! Wala siyang puwang at ang mga tulad niyang mahihirap sa parking lot na ito! She’s insane! “Sorry, h-hindi ko sinasadya. P-Patawarin niyo po ako!” madaling sabi nito at bahagyang yumuko at umulit-ulit. Yumuko siya sa harapan ko. Napangisi ako sa ginawa niya. Goods, marunong matakot. Buong-lakas kong idiniin ang kanang kamay ko sa kaniyang baba, umiiyak na siya ngayon. Hindi ako nakuntento at habang hawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang baba, marahan ko siyang tinulak nang hindi binibitiwan. “You’re so filthy.” Ang dungis niya sa paningin ko. Hindi na nakapagtataka kung bakit nakaharang siya rito sa parking lot dahil tulad rin siya ng mga basura. Funny of her. Mas lalo kong diniinan ang pagkakahawak sa baba niya at anumang oras ay babaon na ang mga kuko ko sa mukha niya. Halos panggigilan ko na ito dahil sa galit. Akmang sasampalin ko na siya at nakaangat na ang kanang kamay sa ere nang biglang higitin ng kung sino ang aking braso dahilan para hindi tumama ang aking kamay sa mukha ng babaeng kaharap ko ngayon na lumuluha na at nakapikit. Pinilit kong bawiin ang braso ko upang ipilit na isampal sa mukha ng babae ngunit malakas ang pumigil sa akin at hindi ako makakawala rito. “Take off your dirty hands!” I stated angrily while voice is filled with furious tone. “Tanggalin mo iyan kung ayaw mong maging miserable ang buhay mo!” Hindi pa ako humaharap sa taong pumigil sa akin at napapikit ako sa inis dahil mariin ang hawak niya sa braso ko. “You’re awful, aren’t you?” pagsasalita ng isang boses sa likuran ko. Bumungad sa akin si Kalix. His eyes were grave as is. Hindi pangkaraniwan ang mga titig niya ngayon. Walang buhay ang mga mata niya. Blangko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. I saw a lot of students watching us. Some are whispering and others are holding their phone taking photos and videos. Gusto ko mang sigawan sila dahil sa ginagawa nila ay pinigilan ko ang sarili, hindi pa ako tapos sa babaeng pinanggigigilan ko at kay Kalix. “Bayani ka na sa ginagawa mo?” matapang at mapaghamon kong tanong sa kaniya. “Sa ginagawa mong ito, sa tingin mo, mapasasama ka sa libingan ng mga bayani kapag pinatay kita? Take off your filthy hands.” Hinila ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at humarap sa kaniya. Akala niya ba, sa ginagawa niyang iyan ay ililibing na siya sa libingan ng mga bayani kapag namatay siya? He’s being heroic this time! Saan humuhugot ng kakapalan ng mukha ang lalaking ito?! “Ang galing mo rin, ano? Nakisasali ka rito? How dare you holding me.” Sarkastiko akong napatawa at matalim siyang tinitigan sa mga mata. Kahit ano’ng anggulo, seryoso at madilim ang kaniyang mata at buong mukha. Napaatras ang student na muntikan ko ng masampal habang nagpupunas ng luha. Si Kalix naman ay seryoso. Nakapagtataka lang dahil hindi ko makitaan ang mga mata niya ng galit o inis dahil sa mga pang-iinsulto ko sa kaniya. Bagkus ay para bang kinaawan niya ako gayong hindi ko kailangan ng awa niya. “It’s not her fault. I saw it. Bakit ka nagagalit at mananakit ng ibang tao dahil lang sa sariling galit diyan sa puso mo?” Mas lalong lumaki ang galit ko sa kaniya. How dare him to judge my feelings?! Kaunti na lang ay babaliin ko na siya ng buto. Hindi ako mag-aatubiling gawin iyon, kahit lalaki pa siya. I can definitely make it. Naalala ko noon na may namasukan sa amin na driver. Muntikan na kaming mabangga dahil sa pagmamaneho niya. I’m on my way to Laguna that time at may pupuntahan akong debut. Pagkarating namin sa venue ay binugbog ko siya’t binalian ng buto. Medyo nahirapan pa ako dahil malakas siya at lumalaban ngunit hindi siya umubra sa akin. Kahit lalaki siya, hindi iyon hadlang para hindi ko siya magapi. The nerve of him for fighting back! Nagpaakyat-baba ang tingin ko sa lalaking kaharap ko ngayon na si Kalix. Napakadali para sa akin na balian siya ng buto for a short period of time. He was so annoying. “You know what? Kahit transferee ka—” “Kassandra! Stop that!” biglang sigaw ng isang malakas na boses. Napalingon ang lahat nang marinig ang sigaw ni Mr. Elvi. Umalingawngaw ang sigaw nito sa kabuuan ng parking lot. Lumapit siya sa akin at hinarang niya ang kaniyang sarili kay Kalix. Humingi siya ng tawad rito at tipid na tango lamang ang ginawa ng lalaki. Seriously? Why did he do that?! Did I ask him to do that?! “Let’s go home, please,” pagharap naman sa akin ni Mr. Elvi na hindi makatingin sa akin sa mga mata. Muli kong binalingan ng tingin si Kalix at nakatitig ito sa akin na hindi rin nagpapatalo. Talagang dirketa ang mga mata niya at walang planong bumali sa titig na iyon. Hinila na ako papasok ng kotse ngunit hindi pa rin maalis ang matatalim kong titig kay Kalix. Nagpumiglas ako ngunit tila nawalan ako ng lakas dahil sa inis. Naubos ang enerhiya ko sa galit na nararamdaman sa lalaking iyon. Kung alam ko lang na eeksena siya rito, talagang pinaghandaan ko. “Don’t touch me, moron!” I hissed at Mr. Elvi, irritated. I can't image na siya lang ang nakagawa sa akin na mapahiya ako nang ilang beses! Ang hampaslupang tulad niya lamang ang nakagawa noon sa akin gayong isa lang naman siyang mahirap, nakatira sa sementeryo, at nagtitinda ng basahan! Ang kapal ng mukha niyang magmatapang sa akin! Habang nasa kotse ay hindi ko maiwasang mainis dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung magsasama kami ni Kalix. Mas lalo lang akong nais dahil sa nangyari kanina at sa kaisipan na magkakasama kami sa mga review sessions. I admit that he talk professionally. The way he speak is kinda unique and meaningful. His words were not just words to be stated—it has value and worth to be paid off. Marahan lang ang kaniyang pananalita at mahinahon. Madalas din siyang nakayuko. Kung Tagalog naman ay malalim ang mga salitang ginagamit niya, malinis ang pagbigkas, at lalo na ang grammar. “You, jerk! Sana ay sinabi mo agad sa akin ang good news. I’ll kill you once na ulitin mo!” inis na singhal ko kay Mr. Elvi. Mahinang napatawa si Mr. Elvi at bahagyang dumungaw sa bintana ng kotse ko. “Let’s buy coffee.” Hindi ko na siya pinansin pa. Mas lalo lang akong maiinis. That’s a good suggestion. Mabuti pa nga na magkape na lang kami bago pa ako atakhin ng kademonyohan sa loob ko. Nang makarating sa coffee shop ay napaayos muli ang mga employees nang makita ako. Alam na nila ang dapat gawin. Natanaw ko naman ang pinsan ni Leah na si Yani. Nagpa-part time siya rito. Hindi nalalayo ang hitsura maging ang kabuuan ng katawan niya sa pinsan niya, they were both stunning like a model. But, Yani is a simple one unlike Leah na fashionista at laging nakaporma. Agad akong um-order ng isang caramel coffee. Mula rito ay amoy na amoy ko ang napakabango at hindi nakasasawang amoy ng coffee beans. It seems like the aroma of it is a sort of refreshing air that I had love to breathe. On the other hand, I saw Mr. Elvi standing in front of my car, waiting for me outside. “Hindi pumasok si Leah, don’t ask me,” mabilis kong sabi kay Yani bago pa man siya makapagsalita at ibuka ang bibig. She just gave me a simple nod and forced a bit smile. Inunahan ko na si Yani dahil sa tuwing nagpupunta ako rito ay kinakamusta niya sa akin ang pinsan niya. Nakasasawa na nga minsan dahil iyon na lang ang bungad niya sa akin. Other employees will greet me but she’s way different dahil si Leah ang bungad niya at hindi ang nakasanayang bati ng isang karaniwang employee. Nang maibigay sa akin ang caramel coffee na in-order ko, kaagad ko iyong ininom. Bahagya namang nawala ang inis sa kaloob-looban ko. Kahit kailan, maaasahan talaga ang kape sa lahat ng oras. Buti pa ang kape, mapagkakatiwalaan at maaasahan hindi tulad ng mga katulong namin sa mansiyon. Narinig ko si Mr. Elvi na tumatawag sa akin dahil nagsisimula nang bumuhos ang ulan. Mula sa maliliit na patak nito ay nagsimulang lumaki kaya’t wala na akong sinayang pang oras. Agad akong lumapit sa kaniya at sumilong sa dala niyang payong while holding my favorite caramel coffee. “Ma’am Kassandra! You need to get out now! The rain is falling! Be quick!” sigaw nito na hindi ko naman malinaw na naririnig dahil bukod sa nasa loob ako ay soundproof din ang kabuuan ng coffee shop pero nakikita ko ang bukas ng bibig. 4 PM pa lang at nakikita ko pa ang araw na unti-unti nang sinasakop ng madilim na ulap sa kalangitan. Pumasok na ako bago pa man din ako mabasa. Mahirap nang magkasakit sa panahon ngayon. Nang makarating sa mansiyon ay bumungad sa akin si Dalia na may bitbit na mga gamit. Hindi maipinta ang mukha nito dala ng lungkot. Kulang na lang ay mamugto na ang mata nito kaiiyak. Sa gilid nito ay ang nanay ko na kinakausap si Dalia. Alam kong inaamo niya ito, as usual. Nang makarating ako sa harap nila ay tinitigan ko siya nang matalim. Napaatras pa silang dalawa dahil sa ginawa ko. “I’m overjoyed that you’re leaving now. Feel the cold rain outside!” sarkasti kong pagpapaalam sa kaniya. Sinundan ako ni Mr. Elvi hanggang makarating sa loob ng kuwarto ko. I asked him to conduct a simple background research tungkol sa buhay ng nakaiinis na si Kalix. The fact that Mr. Elvi was good in his job, naging madali ang ipinagagawa ko sa kaniya. He is now ready to present his information he gathered. Nang makarating sa loob ng kuwarto ay umupo ako sa gilid ng kama ko at hinintay ang kaniyang sasabihin. Mapait akong napangiti at kinalikot ang kuko ko. He cleared his throat and walked slowly while his eyes focused on the papers. “His name is Kalix Jace Fedelin. Nakatira siya sa isang cemetery malapit sa university na pinapasukan ninyo. He’s with his grandmother at sila na lang dalawa ang magkasama. Nagtitinda siya ng basahan sa overpass doon sa taas ng highway na dinaraanan natin.” I started to nod slowly, trying to reminisce where and when I heard that simple yet significant info. Galing iyon sa mga student na nagkukumpulan while reading bulletin board’s announcement when Kalix got posted on it as he won the battle of the brain. So, it wasn’t a rumors but a fact, huh? “How is it possible na nakapapasok siya sa isang university?” Nakita ko ang pagngisi ni Mr. Elvi at muling tiningnan ang mga papel na hawak niya ngayon. Iyon ang isa sa ipinagtataka ko. There must be something.. “He's a scholar by Mr. Canly.” Napaawang ang bibig ko nang marinig ang sinabi niya. Scholar by Mr. Canly? Kaya pala hindi nais bitiwan ng hilaw na Espanyol na iyon si Kalix! Mr. Canly is on Kalix's back all along! And Mr. Canly is willing to drop the offer kung hindi si Kalix ang isa sa participant! “That Canly! That is why!” inis na bulalas ko. “Graduate siya sa isang pampublikong paaralan lang. Top of the top.” Napabuntonghininga na lamang ako nang makita ang mga graduation pics niya. Sa leeg nito ay ang mga medalyang ginto. His family must be proud of him. On the picture, as expected, hindi siya nakangiti. Bahagya at tipid na tipid na para bang napilitan lamang. Ang ngiti niya ay para bang puwersahan pa. “That’s for now.” Umalis na si Mr. Elvi sa harapan ko at nang-aasar na nagpaalam. Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama. I feel exhausted. I’m starving now, kape lang ang ininom ko kanina. Dala ng gutom at uhaw ay dali-dali akong nagbihis at bumaba sa kusina. Nadatnan ko pa ang isang dalagang katulong na nakikipag-usap sa nanay ko. They were too serious to the point na hindi nila napansin ang presensiya ko. “Marinated fried chicken, fried rice, and caramel coffee. Pisong bilis.” Agad na napatingin sa akin ang nanay ko at ang kausap niyang kasambahay. Sinenyasan naman siya nito na kumilos na dahil alam na niya ang kahihinatnan ng lahat. I lazily sat on the chair. Pati pala ang pag-upo, nakatatamad na rin. Sa kabilang banda ay natanaw ko ang nanay ko na nakatayo malapit sa counter habang hinihilot ang sariling braso. Nakita ko roon ang pamumula. Nag-iwas ako ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako. Bigla lang akong nakaramdam ng lungkot. Nang mailapag ang mga pagkain sa harap ko ay kaagad akong kumain. Mas lalong nakadagdag ang nakahahalinang amoy ng mga pagkain, animo’y tinutukso ako na kumain ng marami. Napagod at nagutom ako sa nangyari kanina. Samantala, nakatingin lang sa akin si Mom at ang kausap nitong kasambahay marahil napansin nila ang mabilis kong pag-kain. I ate as fast as I could and went immediately to my room. Kinuha ko ang cellphone ko at bumungad sa akin ang dalawang taong nag-message sa akin. Una kong tiningnan ang message sa akin ni Harvey na kinaiinisan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil. “Caramel coffee?” Mabilis akong nag-reply. Pupunta ako hindi para sagutin siya, kung hindi para ipakulong siya dahil naiirita na ako sa kaniya. Leah told me na stalker daw ang lalaking ‘to. I really hated those people, mga walang sariling buhay. “Okay, see you.” Nagtungo na ako sa kulay itim kong aparador na naglalaman ng sari-sari kong mga damit na mula pa Canada. Pumili ako ng isang ternong damit at short na may kahabaan dahil gabi na. Madilim na ang paligid. Nang matapos ay nagtungo na ako sa kotse ko, nadatnan ko ang driver namin na kausap si Mr. Elvi. Ano’ng ginagawa ni Mr. Elvi rito? “I’m going to coffee shop. Drive as fast as you can. Pisong bilis,” maawtoridad na utos ko. Pinaandar naman ng driver ko ang kotse samantalang nasa passenger seat si Mr. Elvi na maya’t mayang napatitingin sa akin sa salamin. Inirapan ko lang siya dahil wala akong kailangan sa kaniya ngayon. Nagtipa muna ako sa cellphone at sinabi kong malapit na ako. Nang mag-reply si Harvey, napangisi ako. Uhaw na uhaw. I heard Mr. Elvi cleared his throat. “Ano’ng mayroon, Ms. Kassandra?” seryosong tanong nito. Itinago ko ang cellphone ko sa bulsa at bahagyang ngumiti sa kaniya. “I’ll clean something,” sarkastikong sagot ko. Napalaki ang mata ko as they burst into laughter! Hindi sila naniniwala sa sinabi ko. “Y-You? C-Clean something?” Muli silang nagtawanan kaya’t naikuyom ko na ang kamao ko. Ayaw kong sabihin kung ano o kung sino ang lilinisin ko dahil baka mamaya ay humadlang sila. They don’t get what I’m trying to say and ang alam lang nila na I’ll clean something literally. Pinanlisikan ko ng mata ang driver kaya’t huminto ito sa pagtawa. Nang mapansin ni Mr. Elvi na siya na lang ang tumatawa ay agad siyang napahinto. He’s making fun of my statement! “It’s just like—” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya nang mabilis ko siyang binato ng lata ng Lysol sa gilid ko. Napakamot pa siya sa ulo dahil solid iyon. Kung may bato rito, iyon na ang ipinukol ko sa kaniya. “It’s none of your business, you asshole!” Nang makarating sa coffee shop ay agad kong nakita si Harvey wearing simple short and blue shirt. Mukha talaga siyang excited at pinaghandaan ang pagkikita naming ito. Pansin ko ang paglinga-linga niya mula kanan pakaliwa. May lumapit na rin sa kaniyang babae upang tanungin ang order niya ngunit napailing lang ito at muling tumingin sa cellphone. It wasn’t that hard to find him. Bumaba na ako at pumasok sa loob. When he saw me, he became attentive. Kulang na lang ay magningning na ang mga mata niya. Sabay kaming nagtungo sa counter para um-order ng kape. Nang makuha na namin ang order namin ay umupo kami sa isang face-to-face table. Habang tumatakbo ang minuto ay pansin ko ang mga malalagkit na titig niya sa akin. I just flashed a forced smile, trying to act naturally. “Can you go with me in jail?” I asked casually. Nagtaka ang itsura niya sa biglaang tanong ko. Of course, magtataka siya kung bakit. “What’s in there?” he asked, brows furrowed. Tumayo ako at nilagok ang caramel coffee. Napadila pa ako sa gilid ng labi ko dahil wala akong makitang tissue sa table namin. The taste was absolutely nice. “I’ll just visit my close friend. Napagbintangan kasi kaya nakulong. Would you mind?” Napatango siya kaya’t naglakad na kami papuntang kotse ko. I smirked. Nagtaka ang itsura ni Mr. Elvi nang makita ako na may kasama. “Jail, please. Pakidagdagan ng pisong bilis.” Hindi na nakaangal pa ang driver at pinatakbo na ang kotse. I smiled secretly. He doesn’t even know na katapusan niya na sa pagiging stalker. He might victim someone at hindi ko iyon hahayaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD