Never have I ever in my life na pinayagan ko ang sarili ko na matalo ng ibang tao. Kailanman, hindi ako pumayag na magapi ako ng mga taong sa tingin ko ay hindi deserve na tumalo sa akin. Never in my life, definitely.
It will just bring annoyance, hatred, and more anger to my sanity.
"Oh, Mr. Canly, can I talk to him for a while? Would you mind?" tanong ko kay Mr. Canly na siyang quiz master at katabi nito ang payatot na lalaking nanalo sa laban.
Napalingon silang dalawa sa akin at nagkatinginan. Nagpalitan sila ng tingin bago nagkatanguan. Mabilis namang nagpaalam si Mr. Canly na siyang quiz master namin. He was the head of Tourism Department at masasabi kong may lahi siyang Espanyol. Hindi pangkaraniwan ang pagkakahubog ng kaniyang mukha at matangos ang kaniyang ilong. Mabalahibo rin at naiiba ang features.
Mapait akong ngumiti sa lalaking kaharap ko ngayon. "So, you are the winner. Sabihin mo, nandaya ka, ano?"
Hindi siya umimik, bagkus ay binigyan niya lang ako ng isang ngiting pilit. Para siyang introvert dahil mahina lamang ang boses niya kanina. Mahiyain rin siya at hindi pala-kibo base on my observations.
"Hindi ko gagawin iyon. Kung mandaya ang paraan para manalo, tiyak kong wala ako sa magiging listahan. Hindi ako tulad ng iba, ginagamit ko ang sarili kong kakayahan at higit sa lahat ay kung matatalo man ako ay tatanggapin ko." Mahinahon ang kaniyang boses habang binibitawan ang mga salitang iyon.
"Alam kong dinaya mo ang mga sagot—"
"Kailanman ay hindi ko gagawin iyan. Lumalaban ako ng patas at kung ang paglaban sa tamang paraan ang pagbabasehan, I think, I surely deserved it." Napalaki ang mata ko nang bigla siyang umalis sa harap ko. Tahimik siyang lumiko sa isang hallway. Samantala, hindi rin makapaniwala si Leah sa nasaksihan niya.
I sighed heavily. Sa tanang buhay ko ay wala pang gumagawa sa akin noon at kung mayroon man ay hindi ko pinalalampas! Kahihiyan itong maituturing para sa sarili ko! Lahat ng bumabastos sa akin ay hindi ko pinahihintulutan at ang ginawa niya ay tiyak kong pagsisihan niya! He'll surely regret this!
"I can't believe this, Kassandra! It was a breathtaking and captivating moment to the both of you! Biruin mo iyon? Siya pa lang ang gumawa noon sa nag-iisang Ms. Celestia—"
"Shut your mouth!"
That guy? That Kalix Jace Fedelin? How dare of him for irritating the hell out of me! Siya ang nakabangga sa akin sa malawak na hallway papunta sa President's Office! At kung ang tangang tulad niya lang ang makatatalo sa akin, I won’t absolutely let it slide!
Definitely not. Sa lahat ay siya pa?
After class, I went to the coffee shop na malapit sa university na pinapasukan ko. Gusto kong ikalma ang sarili ko dahil sa mga nangyari kanina. Kulang na lang ay makapatay ako ng tao dahil sa inis. Sakto naman at walang gaanong tao rito sa coffee shop na lagi kong pinupuntahan kung kaya’t walang katangahan ang lalapit sa akin—kung hindi ay madedemonyo na naman akong gumawa ng kalokohan.
The coffee shop was black and white in its theme which made me feel better. They also have small connected lights that was hanged on the walls along with the coffee portraits, as well as paintings and coffee-related quotations.
Malamig ang hangin. The place was quiet enough to calm my inside. May ilang mga regular customer, including me, ang naririto.
I saw on the other side some students from the same university, some employees, eyes were fixed on their phones and laptops, and some were enjoying their cup of tea while having their conversation. The coffee shop was indeed relaxing, plus the good choice of music from the counter side.
Nanatili lang akong nakaupo habang malalim ang iniisip. Kung may pakpak lamang ang isip ko ay nakarating na ito sa malayo. Tulala ako sa kawalan. Hanggang sa may bigla na namang pumasok sa isipan ko: everything isn’t fine when I started to grew up with my mom. Hindi kami magkasundo hindi dahil masama parehas ang ugali namin, hindi kami magkasundo because I don’t want to. Ako mismo ang kusang lumalayo sa kaniya sa tuwing lumalapit siya sa akin. I really hate her presence.
Para bang mayroon siyang nakahahawang sakit kaya’t kaagad kong nilalayuan.
Minsan, habang natutulog ako, nagigising na lang ako na nasa tabi ko siya at hinihimas ang buhok ko. Agad naman akong umaalis dahil sa ginagawa niya.
I was perplexed sa tuwing nagpapakita siya ng awa sa akin gayong kasalanan niya rin naman ang lahat. It was excruciating for the both of us na malayo ang loob namin sa isa’t isa. But I don’t feel any regrets. Kahit kailan at kahit ano’ng mangyari ay hindi ako magsisisi.
Tama lang naman na kamuhian ko siya.
Call me a person with a cruel mind but I am used to be like this. Wala akong nakikitang mali sa inaasal ko, everything for me is alright.
Matagal na kaming hindi magkaayos ni Mom at unang-unang saksi na roon ang aming assistant of all time na si Mr. Elvi. Lahat na yata ng pagtatalo namin ay nasaksihan niya kaya’t alam niya ang history namin ni Mom. Of course, gayon din ang mga namamasukang maids sa amin na halos linggo-linggo ay napapalitan. Saksi din sila sa relasyon namin ni Mom na hindi maganda.
I stood up from my sit and went to the counter. I picked some paper bills and sighed.
“One caramel, please. Pakidagdagan ng pisong bilis.”
The man just gave me a forced smile wearing black pants with a yellow polo tucked in on it. Pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko alam kung saan ko siya nakita. He is a quiet good-looking guy. Curly hair, pointed nose, and pinkish lips.
It has been an hour mula nang magpunta ako rito sa coffee shop at ang tangi ko lang ginawa ay ang mag-isip. Kanina pa nakatingin sa akin ang mga empleyado rito pero binibigyan ko lang sila ng matalim na titig. I will stay here whenever and how longer I wanted to because I pay here and I am a regular customer here.
“Thank you, have a nice day, Ma’am!” magiliw na saad sa akin ng lalaki.
Umalis na ako sa coffee shop at nagpasundo sa driver ko. I’m craving for a rest right now. Nang dumating naman ang kotse, naningkit ang mga mata ko nang makita si Mr. Elvi na nasa loob din ng kotse ko at kumportableng nakaupo roon.
Ano’ng ginagawa niya roon?
Nginitian niya ako nang makasakay at makapasok sa loob ngunit hindi ko siya pinansin. We’re not close, even though matagal na siyang naninilbihan sa amin. It is not necessary to be, though. I don’t want to be close to anyone. Matindi ang trust issues ko.
Habang nasa biyahe ay napatitingin na lamang ako sa mga nagtataasang gusali. Malapit ng dumilim kaya’t kaunti na lamang ang mga nakikita kong tao. I felt the cold breeze over my body that sent chills down to my spine. Buti na lang at hindi traffic ngayon.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko nang maramdaman ang vibration nito. Maging si Mr. Elvi at ang driver ko ay napalingon din. Kaagad ko itong kinuha dahil ayaw kong nasa akin ang atensiyon nila. Sunod ay nagtaka ako nang makita ang pangalan ni Leah sa screen. Tumatawag siya kaya’t wala na akong nagawa pa kung hindi ang sagutin iyon. Ano na naman kayang problema ng babaeng ito?
“Hello? Heidi! HOY! HELLO!”
I pulled off my cellphone away from my ears as I heard her thunderous voice. Masakit sa tainga dahil sumisigaw siya! Para bang bigla akong sinigawan sa mismong tainga ko at nabasag ang eardrum ko! This woman is sometimes getting into my veins!
I don’t know where was she but the background sound was noisy.
“Hinaan mo nga ‘yung boses mo. Masisira ang tainga ko!” I yelled back with my voice full of irritation.
She gave an apology kaya’t napahinga na lamang ako nang malalim. Kahit kailan talaga ay sira-ulo ang isang ito. Mabuti na lamang at napagtitiyagaan ko kahit papaano.
“Sama ka mamaya sa bagong bukas na bar—”
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya nang bigla ko siyang babaan ng tawag. Blangko ang mga mukha kong isinilid ang phone sa bag. Nahuli kong nakatingin sa akin si Mr. Elvi at ang driver kaya’t tinaasan ko sila ng kilay.
Alam ko naman na kung saan pupunta ang mga paliwanag ni Leah. Hindi ko rin maintindihan ang babaeng iyon. I mean, she loves to read books pero mahilig gumimik. Iyon ba ang kadalasang nababasa niya sa mga libro? Nasaan ang utak niya?
I hate defeaning sounds lalo na sa mga bar, and besides, I wanted to take a rest right now. Wala akong ganang makipag-usap at gumala. Nakapapagod rin dahil anong oras na. Tinatamad rin ako, it was so sudden. Baka imbis na saya ang maramdaman ko sa bar ay baka makagawa lang ako roon ng kademonyohan na hinding-hindi magugustuhan ni Leah, I swear to the utmost.
Bukod pa roon ay parang gusto ko munang mapag-isa para mawala ‘yung inis sa kaloob-looban ko. My anger this day was overflowing and that was an understatement. Kasalanan ito ng payatot na lalaking iyon. Ang kapal ng mukha niyang bastusin ang isang tulad ko kanina. How dare him to talk back at me, talikuran ako at magmalaki sa akin?
Napalingon ako kay Mr. Elvi nang bahagya siyang napatikhim, animo’y may gustong pag-usapan. Nakarungaw ito sa car window at kunwaring abala sa pagsa-sightseeing. He’s wearing black suit with white necktie, yellow ang panloob niya. As usual, paborito niyang kulay iyon. Presentable siya ngayon, makintab rin ang kaniyang sapatos at maayos ang style ng buhok niya. Kung hindi ko lang siya kilala ay mapagkakamalan kong officer siya sa isang company dahil sa pustura niya.
“Mr. Canly told me na hindi ikaw ang nanalo kanina. What happened?” pagsisimula niya ng usapan ss mahinahon na boses.
"Why? Magdiriwang ka na natalo ako?" I answered and rolled my eyes.
“Of course, not. I just asked because I assumed that you will win,” nanlalambing ang tono na saad ni Mr. Elvi. “What happened? Did you really lose? What was it?”
Biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ng lalaking payatot na nanalo kanina sa quiz bee. Gusto kong lamusakin ang mukha niya. I wanted him to curse so bad. Lagot talaga sa akin ang lalaking iyon. I will make his life more miserable. Kung miserable na ang buhay niya, let’s add more salt in the wound.
“Don’ bring it back, would you mind? Naiinis lang ako," matabang na sabi ko at napairap. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa kung saan para hindi niya na ako kausapin pa.
Hanggang sa makarating kami sa mansion ay hindi na kami nag-imikan ni Mr. Elvi. Pinalayas ko na siya sa harapan ko at pumasok na sa loob. That’s how we treat each other. Trabaho sa trabaho. Amo sa empleyado lang—nothing more and nothing less.
Nang makita ako ng mga maids namin habang taas-noo akong naglalakad at kapapasok lamang ng double glass door ay kaagad silang bumati ngunit hindi ko sila pinansin. I just rolled my eyes. They don't deserve my sight, not even my peripheral vision.
Malapit na ako sa hagdanan nang bigla akong nakatapak ng something na madulas. Ilang sandali pa ay natigilan ako nang maramdaman ang biglaang pagkawala ko sa balanse!
What the...
“MA'AM KASSANDRA!”
Naging mabagal ang mga pangyayari. Nakita kong hindi magkanda-ugaga ang mga maids upang tumungo sa gawi ko ngunit huli na dahil naramdaman ko na ang pagtama ng katawan ko sa malamig na tiles ng sahig!
What did just happened?!
What the hell?!
Naramdaman ko agad ang sakit sa ulo ko at ang pamamanhid ng braso at hita ko.
Dali-daling nagsilapitan ang mga maids sa akin at inalalayan ako ngunit imbis na pumayag ay iwinaksi ko ang kanilang mga kamay at dahan-dahang tumayo. Nag-unat ako ng braso, ng leeg nang marahan at isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan. Napahawak ako sa aking ulo at napainda sa sakit. May kung anong pangangalay o sakit sa bandang paa ko na hindi ko maipaliwanag. Napapikit ako sa inis dahil sa mga nangyari.
Nakita ng mga maids ang nangyari, ibig sabhin lang nito ay napahiya ako! Right! I said, I wanted some rest but I didn't wish for embarrassment and shame! This was hilarious!
Mayamaya pa’y natanaw ko si Mom na hindi magkandaugagang pababa na ng hagdan. Kulang na lang ay gumulong na siya roon dahil sa labis na pagmamadali makababa lamang upang makalapit sa akin. Nakahawak ang kaniyang kamay sa tapat ng puso.
“A-Are you okay, Kassandra?” she asked immediately.
Hindi ko siya pinansin. I don't need her. Alam kong pakitang-tao lang siya at pakitang-alala dahil sa nariyan sa paligid ang mga maids. And she was asking me if I'm okay? Can't she see? oh, common!
Samantala, nag-init ang dugo ko at umakyat ang lahat ng dugo sa ulo nang makita ang isang pulang timba at puting mop sa gilid. May basa-basa pa sa palibot noon. Basa rin ang tiles na sahig. That means, naglalampaso sila kahit gabi na! Bullshit! Mga tanga-tanga!
“Tanga-tanga ba kayo? Gabi na at ngayon lang kayo naglilinis? Paano kung nabagok ako?” malakas na sigaw ko dahilan para umalingawngaw sa buong mansiyon ang sigaw kong iyon. Paulit-ulit akong napabuntonghininga at napapikit sa inis.
Napaatras silang lahat sa akin. Napakapit pa ang ilan sa mga katabi nila.
Pinunasan ko ang mabasa-basang parte ng braso ko gamit din mismo ang sariling damit. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko na. This is embarrassing!
“Mga wala ba kayong utak?! Ngayon lang kayo gumagawa ng trabaho kung kailan gabi na?! Hindi ninyo ba naisip na baka may madulas?! The nerve of these poor and awful trashes!”
“Ako ang nag-utos niyan, anak, sorry,” parang nagmamakaawang sabat ng nanay ko. “I didn’t know na ngayon ka palang nakauwi. If I only knew that you’re already home na, ipinagpabukas ko na lang sana. Don't blame them, Kassandra. Kasalanan ko.”
Hahawakan na sana ng ina ko ang braso ko para amuhin nang bigla kong lumayo sa kaniya, saka sinipa nang malakas ang timba. Tumalsik iyon! Kumalat naman sa sahig ang maruming tubig na nakalagay roon. Nakalikha iyon ng malakas na ingay at kulang pa iyon para mawala ang inis sa sistema ko! My day was completely ruined! What a great life of Kassandra Celestia!
“Sino ang nag-mop?” Muling naging mhinahon ang boses ko dahil ayo’kong magalit. I took a deep breath, trying to calm myself, again. Sirang-sira na ang araw ko. Kung puwede lang, tama na. Puro katangahan na lang ang umaaligid sa akin. “Sinong tanga ang gagawa ng ganitong kabobohan gayong gabi na?!”
Napailing sila sa akin. Walang kahit isa sa kanila ang sumagot at pinanatili ang mga sarili na nakayuko lamang at pirming nakatayo. I gritted my teeth and sighed.
“SINO ANG NAG-MOP?!” sigaw ko na mabilis pa sa kidlat na kumalat sa kabuuan ng mansion. “Hindi ninyo talaga sasabihin? Don't try me! I will fire you all! Walang magsasalita o lahat kayo ay damay?! ANSWER ME!”
Napalingon ako sa isang maid na nanginginig ang nakadurong kamay at itinuro nito si Dalia, nakayuko at hindi mapakali habang nanginginig ang kamay at balikat. May katandaan na ito at ilang linggo na ring naninilbihan dito. Nagkatinginan sila ni Mom at napatingin sa akin ang tangang matanda.
Marahan akong lumapit sa kaniya. Alam kong sa bawat paghakbang ko ay siya ring pagbilis ng t***k ng puso niya. Nang nasa harap ko na siya ay napangisi ako. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot. That's good, matakot talaga siya dahil death at your service na.
“Let’s talk. Pumunta ka sa pool mamaya. Ayusin mo ang ikinikilos mo.”
Padabog akong umakyat sa aking kuwarto at buong-lakas na isinarado ang pinto. Nagbihis ako at inayos ang sarili, hindi na ako humingi ng tulong sa kahit sino. I used to be independent and I can do it by myself. Baka lalo lang akong mainis.
Agad akong nagtungo sa swimming pool namin na nasa gilid lang ng mansion matatagpuan. Minsan na lang ako makaligo rito dahil sa katamaran. Natanaw ko naman si matandang Dalia na nakatayo at naghihintay sa akin. Bahagya siyang napayuko at bumati.
Napalingon pa ako sa swimming pool namin na tahimik. Kumikinang ang tubig mula rito. Nakikita ko rin ang repleksiyon ng buwan na nagbibigay liwanag sa buong gabi. Malamig ang simoy ng hangin kaya’t nakararamdam ako ng kaunting lamig. Nakapantulog na ang suot ko ngayon and I am completely comfortable to this.
“Aalis ka bukas o hindi?” bungad ko habang nakangisi ang labi.
Nagtaka ang mukha niya. Napairap naman ako dahil base sa kaniyang ekspresiyon ay naguguluhan ito. Ang mga matatanda talaga, mapupurol na ang mga utak.
“Aalis ka o aalis ka?!”
“Ma’am Kassandra! Sorry po! H-Hindi ko po sinasadya! Huwag ninyo po akong tanggalin sa trabaho! Wala na po akong m-mapapasukan! Pinag-aaral ko pa ang mga a-apo ko! Patawad po!”
Umiiyak na siya ngayon samantalang nakatayo lang ako sa harap niya at nakahalukipkip. This reminds me of Maggy. Their similarities is not too far. Parehas silang nagpamalas ng katangahan kaya parehas din silang mapaaalis dito. This is the consequence of their foolish actions.
I just smiled a bit. I laughed sarcastically in a moment. "Aalis ka bukas. That’s final. Naiintindihan mo?"
Akmang lalakad na ako palayo sa kaniya nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at nagmakaaawa! Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pagmamakaawa. Napapikit ako sa inis. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at dahan-dahang itinayo. Nakatitig lamang siya sa akin habang ginagawa ko ang bagay na iyon. Nginitian ko siya at tinanguan.
“S-Salamat po, M-Ma’am! S-Salamat—”
Buong-lakas ko siyang itinulak sa swimming pool kaya’t nagpumiglas ito sa tubig! Napatawa ako nang makita ang mukha niya. Malakas ang kaniyang pagsigaw kaya’t dali-daling nagdatingan ang mga kapwa niya katulong dito sa mansion. Lahat ay taranta at nagmamadaling tumatakbo sa gawi namin.
“Na’y Delia!” the young maid shouted in fear. Hindi magkanda-ugaga siyang tumakbo sa pool kung nasaan nagpupumiglas habang sumisigaw si tanda. Hihilahin na sana niya si tandang Dalia upang iahon nang sipain ko siya sa likuran dahilan para malaglag din siya sa tubig! Uh, what a great, heartbreaking, and captivating moment for the both of them!
“You deserved it!” enjoy na sabi ko.
Dalawang basang sisiw ang nagtatampisaw sa kalagitnaan ng malamig at madilim na gabi. They looked good together!
“May gusto pa bang sumunod?!” I yelled at them. I saw fear in their eyes as I asked it. This is just my normal and it is not the cruelest evil thing I can do. Marami pa akong ginagawa na mas masaklap pa rito. Marami pa akong itinatagong kademonyohan na ngayon ay pilit kong pinipigilang ilabas.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at umakyat na sa aking kuwarto. Wala akong mapapala kung mananatili pa ako roon habang pinanunuod sila sa katangahan nila.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama. May ngisi sa labi ko habang naiisip ang mga bagay na iyon. Napawi ang inis ko sa lalaking payatot na iyon nang ibuntong ko ang galit ko sa mga kasambahay namin. How dare him, seriously. This is because of him, the anger inside me for the whole day. He ruined my day!
But it doesn't mean na tapos na ako sa kaniya. I am thrilled to gave him a miserable life.
Kinabukasan, matapos ang paghahanda ko para sa pagpasok ay dumaan muna ako sa coffee shop na lagi kong binibilhan at bumili ng isang caramel coffee. This is one of my favorite drink at kahit papiliin pa ako kung ano ang pinakamahalaga sa buhay ko ay hindi ko ipagpapalit ang kape.
Kape na nga lang ang nariyan sa tabi ko sa anumang situwasyon. Kape na nga lang yata ang nagmamahal sa akin? Kape na lang ang nariyan upang intindihin ako pagdating sa mga bagay na mahirap intindihin sa akin.
Namana ko kay Dad ang hilig sa pag-inom nito at kahit patay na siya ay hindi ko pa rin ito nakakalimutang gawin. It's our bonding—drinking coffee together.
Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Mr. Elvi na patungo sa direksiyon ko. His eyes were grave as I looked on it. Nagtaka naman ang hitsura ko nang makita ang isang supot na may lamang coffee mula rin sa coffee shop na pinuntahan ko. Napangingiti ako every time na ginagawa niya sa akin ito na dalhan ako ng paborito kong caramel coffee kahit hindi ko sinasabi. Dalawa na ang kape ko ngayon.
“Ano na naman kayang pumasok sa maliit na kukuti nito?”
When the times that I got mad and furious, laging coffee ang nariyan upang gamitin niyang pampaamo sa akin. Marahil naisip niyang kahapon ay sobrang sirang-sira ang araw ko. Well, his ways are effective.
“For you, Ms. Coffee.”
Hinampas ko siya sa kaliwang dibdib dahil sa pambungad niya. I hate my nickname! Gagawa na nga lang ng palayaw ko, hindi pa inaayos!
“Ano’ng sabi mo?” pagtataray ko, pigil siyang napatawa. Ano’ng sa tingin niya, we’re close? Nakalilimot yata ito na kahit ano’ng mangyari, makagawa man siya ng magandang bagay at makatapos ng isang gawain na may maayos na resulta ay ako pa rin ang nakatataas sa aming dalawa.
That is the disadvantage sa pagdadala niya sa akin ng kape. May halong pang-iinsulto.
“Nothing. I said, I’m handsome,” sarkastikong aniya at kumindat pa sa akin. Mabilis kong tinapakan ang kanang paa niya dahilan para mapatalon siya sabay atras. Ang kaninang makintab at kumikinang niyang itim na sapatos, ngayon ay mayroon ng dumi.
“Before you go home, please, proceed to the President’s Office first. May magandang balita sa ‘yo ang Head Department.” Nagpaalam na siya at lumiko na sa isang hallway. Samantala, naiwan naman ako ritong nagtataka.
I don’t have any clue. Pa-mistery rin ang dating ni Mr. Elvi. Umaasta siyang isang puzzle na akala mo ay paglalaanan ko ng oras para buuin.
Kaagad akong nagtungo sa room. Obviously, the whole room was filled with silence as I entered. Wala naman akong nadatnan na Leah sa likod so napahinga na lang ako nang malalim. Perhaps, she's sleeping right now because she went on the bar last night. Matindi yata ang naging tama sa kaniya ng alak kaya’t hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising.
Sa kabilang banda ay natanaw ko si Ms. Cha na pumasok na sa classroom namin. May katangkaran dahil naka-heels. Mapupungay ang mga mata nito. Tingin ko’y nasa edad tatlumpu na.
Nagsimula na ang klase at halos hindi na ako nakikinig sa discussion niya. Alam ko na rin naman ang itinuturo niyang core discplines. Habang nagtuturo siya ay patuloy lang ako sa paglagok ng kape. Inuunti-unti ko lang para umabot ng hanggang dalawang oras.
Maya’t maya namang napatitingin sa akin ang mga kaklase ko. Gaya ng nakagawian, I raised my hand, gave my middle finger habang nakatalikod si Ms. Cha. Buong class hours ay nakatunganga lang ako. Binabagabag ako ng sinabi kanina ni Mr. Elvi.
There’s something good news na ibabalita sa akin ang Head Department. I’m clueless about that because I knew Mr. Elvi, he would definitely tell what I needed to know or else, he would be fired.
Nang matapos ang klase ay dali-dali akong lumabas ng classroom. Hindi ko na hinintay pa ang pagtawag sa akin ni Ms. Cha dahil may sasabihin daw ito. Pagkarating ko sa mahabang hallway ay napakunot ang noo ko nang makita ang mga students na nagkukumpulan. Maybe the bulletin board posted something.
“Nakita ko siya kanina! Tinawag ko pa nga siya ngunit hindi siya lumingon, mukhang mahiyain,” bulong ng isang babae. She’s wearing a simple yellow shirt with black and pink linings. Nakihalo siya sa mga nagkukumpulan ding mga student.
“Magaling siya at inaamin kong kahit transferee siya ay mayroon na siyang ibubuga.”
May ibubuga? Dragon ba ang taong pinag-uusapan nila?
Napadako ang tingin ko sa bulletin board. My eyes widened as I saw the picture of a very familiar guy. That annoying Kalix Jace Fedelin? That guy!
So, this is really official that he won on the Battle of the Brain at natalo niya ako?
“Balita ko, nakatira siya sa sementeryo hindi kalayuan dito?” Nagbulungan ang ibang students nang marinig ang buwelta ng isang lalaki.
Living in a cemetery? A filthy place for dead people? He’s living there? Interesting...
“Nakikita ko nga siya sa overpass noong nakaraang araw! Hapon iyon at uwian na. Mukhang nagtitinda siya ng mga basahan.”
Mas lalong lumakas ang mga bulungan!
Nakatira sa sementeryo at nagtitinda ng mga basahan? Napangisi ako at napangiti nang palihim. Nangangahulugan lamang iyon na mahirap siya at kapos sa buhay. Ngunit ang ipinagtataka ko, paano siya nakapasok sa ganitong university at manalo sa quiz bee? Alam ko na once na mahirap ka, bobo ka.
“Kalix Jace Fedelin...” muli kong pagbasa sa pangalan niya.
It was quiet interesting, to be honest.
Naglakad na ako patungo sa President’s Office. Sakto namang nakasabay ko si Mr. Canly na papasok na rin. Bahagya siyang napangiti sa akin ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay. Kung makangiti sa akin ay akala mong magkaibigan kami sa past life.
“Good day, Ms. Celestia. You are here dahil magkakaroon ng competition sa labas ng university na ito.”
He’s serious while uttering those words. I took a deep breath and rolled my eyes. That Mr. Elvi, I hate him! Akala ko ay kung ano’ng balita ang tinutukoy niya! Pero kahit papaano ay natuwa ako. Maituturing pa rin itong good news kahit pinag-alala ako ng Elvi na iyon. Lagot siya sa akin.
“Thank you. I will surely participate,” blangkong tugon ko. Tatayo na sana ako nang bigla siyang magsalita dahilan para mapahinto ako.
“Base sa content na nakalagay here in the document, you’ll be having a partner.”
Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya. Buong school life ko ay wala akong nakasasama sa mga ganitong bagay.
“Not necessarily partner, but a representative like you na makasasama mo to represent out university.”
Napalingon kaming dalawa ni Mr. Canly nang marinig na bumukas ang pinto. Nag-init ang ulo ko nang iluwal nito ang kinaiinisan kong si Kalix Jace Fedelin. But what made me think of right now is his presence here at the President Office.
What is he doing here?!
“Siya ang makasasama mo.”
Natulala ako sa narinig.
"ANO?!"