Lagi kong iniaalis at iniiwas ang sarili ko sa mga mabuting bagay. Itinatak ko na sa isipan ko na demonyo ako at hangga't maaari ay puro kalokohan lang ang gagawin ko. Hindi ako tulad ng ibang tao na mabait at mala-anghel kung ituring dahil buong buhay ko ay naging alipin ako ng kasamaan.
“Anong pinagkakalat mo noong nakaraan na binayaran ko ang quiz master para ako ang manalo?! Seriously?!” Nakita kong natatakot na ang isang babaeng kasama nito. Huwag niya lang subukang lumapit, magkakaroon ng gulo rito sa comfort room.
“Because of that, napahiya ako. Gusto mo rin bang mapahiya? Alam mo, kayong mga bobo, wala kayong karapatan na sumali! Gusto mo bang gawin ko sa ‘yo ang ginawa mo sa akin?” Napahinga ako nang malalim dahil anumang oras ay sasabog na ako sa galit. Kulang na lang ay mag-usok na ako sa labis na galit sa mga nangyayari ngayong araw.
Nagpumiglas ang babae sa mahigpit na pagkakahawak ko sa buhok niya ngunit dahil malakas ako, her effort to free herself from me was useless. The girl shouted her friend's name, “Aliah!” But Aliah didn’t move.
Kung mamalasin ka nga naman at ngayon ko pa nakita ang babaeng ‘to. She made rumors in our department na isa raw akong attention seeker, mean, at unfair kung lumaban. Ang ipinapahaya ako sa maraming tao at sinisiraan ang pangalan ko is the one thing I hated the most.
I strongly pulled her out of the comfort room at dinala sa canteen, marami ang tao rito, sapat na para mapahiya ang babaeng ito. I’m still holding her hair at halos mapasigaw na ito sa sakit ng ginagawa ko ngunit hindi ako nakaramdam ng awa dahil bakit naman ako maaawa? Naisip niya ba ang mga pinagsasasabi niya laban sa akin?
Every students who’s busy eating their foods, writing on their notes, reading with their books and laptops, making plates, are now watching us. I cleared my throat.
“Everyone! This is the student na attention seeker, a thief, at ibinibenta ang kaniyang dignidad tuwing gabi.”
Wala sa isip ko ang gumawa ng mabuti dahil isang himala kung gagawin ko iyon. Siguro, kung gagawin ko iyon, baka nakalunok ako ng bato.
But fate isn't loyal and consistent. Whatever you do, lalapit at lalapit pa rin sa ‘yo ang tadhana upang itulak ka na gumawa ng mabuting bagay. ‘Yung kahit ikaw na ang umiiwas, ito pa rin ang lalapit. Wala naman tayong magagawa roon kung hindi ang tumugon kahit pilit dahil habang-buhay, paulit at paulit-ulit pa rin itong hahabol sa atin.
One time, I saw a man being bullied by some guys. He’s nerd at may kaliitan ang height niya. Mga apat yata ang nanunukso sa kaniya at pinagpapasa-pasahan ang book na dala niya. The scene was indeed familiar. I often watched it in various movies and series.
Tinawan ko lang siya noon dahil kabilang siya sa mga taong mahihina. Hinahayaan ang sarili na lapastanganin ng ibang tao. I mean, lalaki siya! Can't he protect and fight for his self? Bakit? Ano’ng akala niya? Sa lahat ng oras ay may anghel na ihuhulog ang langit para saluhin siya? Para ipagtanggol siya? That was so gasgas mindset!
The next day, tinapunan siya ng isang rich guy ng coffee na mainit. Who knows na sobrang init noon! Sabi pa sa akin ay hanggang mag-uwian ay suot pa rin nito ang uniform na may mantsa, pinagtatawanan siya ng mga tao. Kahihiyan iyon para sa akin. Ang umuwi kang marungis at mukhang basura gayong pumasok ka nang disente at malinis.
Sa isip-isip ko ay nararapat lang sa kaniya iyon. Hindi kasi siya lumalaban at tanging ngiti lang ang ginagawa niya.
But the situation suddenly changed as I heard the rumors about him. Babaeng bayaran daw ang nanay kaya't nakakabayad ito ng tuition fee nang walang kahirap-hirap.
Doon ako nakaramdam ng awa. Tanga ba ang nagsabi sa kaniya noon? Sa pagiging babaeng bayaran lang ba nakukuha ang pera? Kahapon lang ba siya isinilang at hindi niya alam na maraming opportunities when it comes to source of income? O sadyang may ubo lang ang utak niya?
Medyo napaisip din ako roon at nainis. Dahilan niyan ay inalam ko ang totoong trabaho ng nanay niya with the help of Mr. Elvi. Pinaimbestigahan ko ang buong buhay niya at napag-alaman ko na nagtatrabaho pala ang mga magulang nito bilang isang sampaguita vendor sa tapat ng isang simbahan.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin nang may sumunod na umalipusta sa kaniya.
"Nakaaawa ka naman! Hindi ka dapat nag-aaral sa ganitong prestigious university dahil hindi pinaghihirapan ng mga magulang mo ang perang pinambabayad mo. Nakukuha lang nila iyon sa iba. Yay!"
I clenched my jaw as I saw the guy pushed the nerd student strongly. I slowly walked towards him with my hands shaking, excited to punch him in his beautiful ugly face.
"Balita ko, babaeng bayaran ang nanay mo? Kaya pala hindi mahirap sa 'yong magbayad ng tuition fee rito." Napalaki ang mata ng ibang student. Samantala, nakayuko lang ang student, tahimik na animo'y wala lang sa kaniya.
"Balita ko, you broke up with your girlfriend last week? Masyado ka raw kasing mayabang at mahangin! Ito lang ba ang kaya mong labanan?!" bulyaw ko sa lalaki na nang-aalipusta. Nagulat naman ang ito sa biglaang pagsulpot ko.
Sa kabilang banda ay bakas ang pagtataka sa mukha ng mga student dahil hindi nila akalaing ipagtatanggol ko ang binu-bully na student ngayon. It wasn't a miracle. I just wanted to protect and save the guy.
Buong-lakas kong hinampas sa lalaki ang papel na may lamang documentation and pictures ng nanay ng nerd na nagtitinda ng Sampaguita sa simbahan. I asked Mr. Elvi to print 100 copies kaya't makapal iyon.
Papers are scattered in the floor. Makikita roon ang patunay na hindi totoo ang sinasabi ng lalaking ito. It was so annoying that someone will spread a fake news. Ang masama pa roon, pinaniwalaan ng nakararami.
Agad ko namang inutusan ang nerd na student na tumayo at umalis at muling humarap sa lalaki na ngayon ay nanlalambot na ang tuhod sa takot.
Nilisan ko na ang lugar na iyon na parang walang nangyari dahil nakita kong paparating na si Ms. Fe from Discipline Office. Her face was deadly serious. Sa isip-isip niya ay ako na naman ang nagsimula ng kalokohan. Hindi pa ba siya sanay?
Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng kaunting saya sa aking puso sa hindi ko malamang dahilan. I asked my self if what is happening and why I did that. It wasn't dream.
Nabalik ako sa realidad nang may magsalita sa unahan.
"Good morning, everyone from the representative of each department. It was the celebration of. . ."
The speaaker talked too much. Madali lang akong mawalan ng interes sa isang bagay dahil hindi ako sanay na maghintay. I wanted everything in instant.
Mr. Canly, our quiz master talks a lot including the opening remarks, motivational messages that was very useless, mechanics and scoring system. I didn't bother to listen.
Mayamaya pa ay pumuwesto na kami maging ang quiz master. Alam kong kinakabahan ang mga student na kasama ko ngayon pero kung ako ang tatanungin ay kampante lang ako. Kahit hindi ko isa-isahin ang mga kamay nila, I'm definitely sure that it was cold and vibrating. There is no reason para kabahan dahil alam ko namang ako ang mananalo. I'm sure for that.
"The overall category is random or general. We expect for your cooperation. Let's start."
Inilibot ko ang paningin ko sa mga magiging kalaban ko. They were hushed and apprehensive. Natatawa na lang ako dahil tutok na tutok sila na akala mo ay may mga maisasagot. Baka nga, kapag nabasa nila ang tanong, manahimik sila.
Lumabas sa screen ang word na EASY ROUND. It has five questions and basically, madali lang iyon since easy.
"What is the system that is responsible for the circulation of blood throughout the body?"
Kaagad kong isinulat ang sagot ko. So easy as is. Even lower grade levels can answer this. Kahit yata nakapikit ay masasagot ito nang kahit sino.
Circulatory system.
"It is an online platform, content development, use for storing and accessing data and program over the internet instead of your computer's hard drive. Examples are Google Drive, Evernote, and Dropbox." Medyo kinabahan naman ako sa question na ito. Inaamin kong nakaramdam ako ng kaunting kaba. I knew what should be the answer but I'm not sure. I took a deep breath.
Cloud Computing.
Napapikit ako nang malaman na tama ang sagot ko. Hindi ako mahilig sa ICT pero kahit papaano ay may alam ako.
Natapos na ang easy round. Napailing pa ako nang makita ang iba na nagpapagpag ng kani-kanilang kamay na animo'y seryoso sa laban, matatalo rin naman. We proceeded to the average round at nabawasan na rin ang mga kasama ko. Tingin ko'y nasa pito na lang kami.
"What is the basic estimated value of Pi?" Isinulat ko na ang sagot ko. I remember, it was written on a website that I've read. 'Pi' is an example of irrational number.
3.14159265
Nang lumabas sa screen ang sagot, napangisi ako nang muli kaming mabawasan ng dalawa. They answered 3.14 only. That's hilarious. Pang-kinder ang mga utak.
Natapos na ang average at sunod-sunod lang ang mga sagot kong tama. I already expect this from the very beginning since ako rin naman ang nangunguna sa buong university na ito. We proceeded to the final and difficult round. Lima na lang kami at masasabi kong may tensiyon ng nagaganap. This time, wala nang matatanggal dahil tuloy-tuloy na ang scoring hanggang dulo.
Inaamin ko rin na kinakabahan na ako dahil kahit sanay na ako sa ganitong bagay at alam kong ako ang mananalo dahil bobo naman ang mga kalaban ko ay may pakiramdam pa rin ako. Tinarayan ko pa ang isang student na lumingon sa akin.
"According to Feminism, he is a Utopian socialist and French philosopher, is credited with having coined the word 'Feminisme' in 1837."
Charles Fourier.
"This is the type of statistics that summarizes or describe the important characteristics of a known set of data."
Descriptive Statistics.
Halos lahat ay nagkamali sa ikalawang tanong. Mayroon rin namang tumama tulad ko ngunit hindi ko na sila inintindi pa. I'm that cutthroat type of student but I don't understand what I'm feeling right now. Bigla akong kinabahan for an unknown reason. One question is remaining para malaman ang mananalo. Gusto kong ako iyon dahil hindi ako makapapayag.
"It is the longest word in Filipino dictionary which means the most emotionally disturbing (or upsetting) thing."
Pansamantala akong naestatwa mula sa kinauupuan nang mabasa ang tanong. Parang tumigil din nang saglit ang paghinga ko sa nakita. Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig at napako ako sa aking kinauupuan dahil hindi ko alam ang isasagot. Samantala, nakita ko naman na ang iba ay nag-iisip at halos pukpukin na ang kanilang mga ulo.
Ten seconds were starting to run! Wala akong maisip! Kahit yata pukpukin ko ang ulo ko ay walang lalabas na bumbilya rito! Kahit pigain ko pa ang utak ko ay wala naman akong mapipiga dahil hindi naman ako naglalaba!
Until the quiz master announced to raise our answers!
What the hell? Wala akong maisagot!
Everyone became quiet. The four corners of the gymnasium was filled with deafening silence. Inilibot ng quiz master ang mata niya, naghahanap ng estudyanteng may sagot.
Nagulat ang lahat nang may isang student na lalaki ang nagtaas ng kaniyang sagot. Everyone's attention is on him even though nasa pinakagilid siya. Malayo siya sa akin at isa pa ay nakatalikod siya kaya't hindi ko makita ang kaniyang mukha.
Muling inilibot ng quiz master ang kaniyang paningin sa amin, ang lalaking iyon lang kasi ang may sagot. "We have the winner!"
Napatayo ako sa aking kinauupuan. Nakalikha nang malakas na ingay ang padabog na pagtayo ko. Hindi ako makapaniwala. This can't be. Lumabas sa screen ang isang word na napakahaba.
Pinakanakapagpapabagabag-damdamin.
Nag-init ang buo kong katawan sa nalaman. Hindi ako makapapayag na hindi ako ang manalo! Sa buong buhay ko ay nakukuha ko ang gusto ko at kahit anong gawin ko, labag man sa paningin ng iba ay gagawin ko! But this feeling inside my chest is totally different! It is annoying the hell out of me!
"Congratulations from Engineering Department, Mr. Kalix Jace Fedelin!"
Nagpalakpakan ang ibang mga student maging ang mga professors na nasa paligid.
Napalaki ang mata ko nang umakyat sa stage ang isang lalaking pamilyar sa akin. Nakangiti lang siya nang bahagya at kinamayan ang mga nasa unahan. Kahit malayo, kitang-kita ko nang malinaw kung sino siya at hindi ako roon maaaring magkamali. He was the student I bumped with! Ang tangang estudyante na nakabangga sa akin kanina sa malawak na hallway ng President's Office!
Paanong siya ang nanalo gayong ang tanga-tanga niya? Daanan nga lang ay hindi niya malampasan nang maayos kanina nang walang nababangga at ngayon ay siya pa ang nakarating dito hanggang dulo?! This can't be! This is impossible! Paanong siya pa?!
Ilang sandali pa ay dumating si Leah at kumapit sa braso ko. Kaagad kong iwinaksi ang kamay niya sa inis.
“Hey, are you the winner? Oh, sorry. Ikaw ang nanalo!” Nandilim ang paningin ko. Hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. Hindi ko lubos maisip na matatalo ako ng isang tanga at payatot na student. That fool guy!
Nagsilabasan na ang lahat kaya’t dali-dali kong hinila si Leah patungo sa tapat ng labasang bahagi ng gymnasium. Leah's face turned into confuse look. Napadaing pa siya dahil kinakaladkad ko siya. Wala akong panahon para sa pag-angal niya dahil lagot sa akin ang tanga-tangang lalaking iyon.
Gusto kong abangan ang lalaking iyon. Paano nangyaring nauwi ang lahat sa ganito? Buong buhay ko ay hindi ako nakaramdam ng ganitong galit dahil alam kong puwedeng gawan ng paraan na ako ang manalo—but this one is strange and really different. What's on him? What's wrong with me this time?!
“Ang galing niya, hindi ba?! Biruin mo iyon, hindi siya pala-kausap o pala-libo pero marami pala siyang alam. Tingin ko'y magiging top of the top siya rito!” Tinitigan ko nang masama ang student na nakalaban ko kanina. May itsura siya kahit papaano. Nagmamadali itong umalis sa paningin ko.
“I didn't expect that he'll win! The question is really hard but it seems like it's easy!” Mas lalo lang akong nainis dahil sa mga naririnig ko. Inaamin kong nabubuhay na ang inggit at demonyong ugali ngayon sa akin. That should be me! Hindi niya deserve dahil sa katangahan niya! Ako dapat iyon!
Ano ang karapatan niya para manalo? Ako ang dapat na nasa titulong iyon!
Nakita kong kinakausap siya ng quiz master at binati, animo'y isang artistang hinahangaan. Palabas na sila ngayon kaya't ihinanda ko ang sarili ko. I need to prepare my words. Samantala, nakatingin lang si Leah sa kaniyang cellphone at mukhang nag-i-scroll sa f*******:—as always.
"Oh, Mr. Canly, can I talk to him for a while? Would you mind?" tanong ko kay Mr. Canly na siyang quiz master at katabi nito ang payatot na lalaking nanalo sa laban. Pinanatili ko ang postura para ipakita na I was not shaken—even a small flinch.
Napalingon silang dalawa sa akin at nagkatinginan. Nagpalitan sila ng tingin bago nagkatanguan. Mabilis namang nagpaalam si Mr. Canly na siyang quiz master namin. He was the head of Tourism Department at masasabi kong may lahi siyang Espanyol. Hindi pangkaraniwan ang pagkakahubog ng kaniyang mukha at matangos ang kaniyang ilong. Mabalahibo rin at naiiba ang features.
Mapait akong ngumiti sa lalaking kaharap ko ngayon. "So, you are the winner. Sabihin mo, nandaya ka, ano?"
Hindi siya umimik, bagkus ay binigyan niya lang ako ng isang ngiting pilit. Para siyang introvert dahil mahina lamang ang boses niya kanina. Mahiyain rin siya at hindi pala-kibo base on my observations.
"Hindi ko gagawin iyon. Kung mandaya ang paraan para manalo, tiyak kong wala ako sa magiging listahan. Hindi ako tulad ng iba, ginagamit ko ang sarili kong kakayahan at higit sa lahat ay kung matatalo man ako ay tatanggapin ko." Mahinahon ang kaniyang boses habang binibitawan ang mga salitang iyon.
"Alam kong dinaya mo ang mga sagot—"
"Kailanman ay hindi ko gagawin iyan. Lumalaban ako ng patas at kung ang paglaban sa tamang paraan ang pagbabasehan, I think, I surely deserved it." Napalaki ang mata ko nang bigla siyang umalis sa harap ko. Tahimik siyang lumiko sa isang hallway. Samantala, hindi rin makapaniwala si Leah sa nasaksihan niya.
I sighed heavily. Sa tanang buhay ko ay wala pang gumagawa sa akin noon at kung mayroon man ay hindi ko pinalalampas! Kahihiyan itong maituturing para sa sarili ko! Lahat ng bumabastos sa akin ay hindi ko pinahihintulutan at ang ginawa niya ay tiyak kong pagsisihan niya! He'll surely regret this!
"I can't believe this, Kassandra! It was a breathtaking and captivating moment to the both of you! Biruin mo iyon? Siya pa lang ang gumawa noon sa nag-iisang Ms. Celestia—"
"Shut your mouth!" Mas lalo akong nanggalaiti sa sinabi niya. Kaunti na lamang ay sasabog na ako, hindi ko na mapigilan pang magtimpi. Agad namang nagtinginan ang mga student sa akin. Naikuyom ko na ang kamao ko at halos madurog na ang singsing sa isa kong daliri.
“He’s Kalix Jace Fedelin, narinig ko kanina na—”
“Wala akong pakialam kung sino man siya at kung saan pa siya nagmula.” I gritted my teeth as I saw him again. “At huwag mong ipaalam sa akin hangga’t wala akong sinabing magsalita ka.”
Humanda sa akin ang lalaking iyon. Akala niya siguro, papayag ako na ganoon na lang. He wants to play a game? Fine! let’s give it to him! Why not?!
Is he challenging me? Even if I am not challenged, I will accept it. Tingnan lang natin kung sino ang uuwing luhaan sa dulo. I promise to myself na walang dapat humahadlang sa akin at lahat ng gusto ko ay nakukuha ko—labag man sa kalooban ng iba ay wala akong pakialam.
I will make sure that this game will definitely completely crash him into pieces...
“I will kill you, Kalix...”