Ten

1056 Words
Kinabukasan maaga akong nagising para mag ayos. Wala naman akong dalang gamit puro mga nabili ko lang dito yung mga inaayos ko. Hindi ko alam kung gising na ba si Zamiel pero baka hindi pa kasi tumawag sya sakin kagabi na may meeting pa sya ng madaling araw dahil nag ka emergency meeting. Pagkatapos kong mag ayos nagluto ako ng pagkain at hahatiran ko si Zamiel. Mag tanghalian na rin kaya adobo na lang niluto ko buti na lang pala namili kami kagabi dahil sabi ko sa kanya magluluto ako sa huling stay namin dito. Mag alas dose na ng matapos akong magluto ng may kumatok sa pintuan ko. "Sino yan?" Tanong ko at inilapag ang adobo na kakasalin ko lang sa mangkok. Pag bukas ko ng pinto si Zamiel ang nakita ko. Hindi ko aakalain na magigising sya ng ganitong oras kahit puyat sya. "You cook?" Bungad nya sakin nung pag bukas ko ng pinto. Lumingon pa ako sa likod ko dahil nagtaka ako kung paano nya nalaman. "Yup, Diba sabi ko magluluto ako," Sabi ko sa kanya at tinalikuran sya para maghanda ng kakainin namin. "I miss this, I miss your cooks." Napangiti naman ako sa sinabi nya, Kaya rin adobo ang niluto ko dahil sa lahat ng luto ko iyon ang paborito nya. Pagkatapos ko mag sandok ng kanin namin umupo na ako sa harap nya para makakain na kami. Inantay kong mauna syang sumubo at napangiti ako ng magustuhan nya iyon. "Masarap ka pa rin magluto," komento nya "Huwag ka ng mambola pa Zamiel ayan na nga at nilutuan na kita," pang aasar ko pa sa kanya. Masaya akong nagustuhan nya pa rin yung luto ko. Napansin kong marami syang nakain dahil naubos nya yung nilagay ko sa Plato nya at humingi pa sya sakin. "Mukhang hindi ka kumain kagabi dahil sa dami mong kinakain ngayon." "Ang sarap ng niluto mong ulam eh," "Nako kelan ba ako nagluto ng hindi masarap?" Tanong ko sa kanya "Lagi kang masarap magluto kaya wala akong maalala na may naluto ka na bang ulam na hindi masarap." "Alam mo masyado kang mabulaklak kung magsalita. Huwag ako Zamiel alam Kong marami ka ng nakainang restaurant na masasarap ang mga pagkain," Sabi ko sa kanya Tapos na akong kumain at pati na rin sya kaya nagliligpit na ako ngayon ng pinagkainan. "Oo pero yung luto mo ang paborito ko sa lahat," sagot nya sakin na nag pahinto sa ginagawa ko. Simpleng salita nya lang iyon pero nagugulat pa rin ako. Naalala ko nga dati na madalas ko syang lutuan noon at patago nya pa itong kinakain minsan sa tuwing nasa bahay nila ang mommy nya. Napangiti ako patungo sa lababo hanggang ngayon paborito nya pa rin ang mga luto ko kahit sa tagal na ng panahon na hindi kami magkasama. We are now heading to Manila gamit namin ngayon yung sasakyan na dala ko at yung sasakyan nya ipapakuha na lang daw nya. "What's your plan after this?" He asked. My plan? "Wala naman kailangan ko lang mag focus sa trabaho," sagot ko "If you need me you can call me. Mika," Sabi nya "Thank you Zamiel but I'm okay. You have things you need to do kaya wag kang masyadong magalala sakin," Sabi ko sa kanya. Baka dumagdag pa ako sa alalahanin nya at Kaya ko naman tong mga problema na kakaharapin ko. Sa byahe hindi ko namalayan na nakatulog ako at nagising na lang ako na malapit na kami. "I'm sorry kung nakatulog ako. Okay ka lang ba? Hindi ka ba napagod? Dapat nag stop over ka muna," sunod sunod ko na sabi. But he just laugh Kaya napakunot ako ng noo dahil iniisip ko kung anong nakakatawa sa sinasabi ko. "What's funny?" I curiously ask "Nothing, I'm fine okay just chill." Inirapan ko sya dahil parang tuwang tuwa pa sya. "Pero thank you, Hindi mo naman ako kailangan samahan pero sinamahan mo ako. Hindi mo naman kailangan gawin Ang lahat ng mga to pero ginagawa mo parin kaya thank you. Na appreciate ko lahat nang to," seryoso kong sabi sa kanya. He smiled at me "Welcome. Don't forget that I'm just always here supporting you. " Gabi na ng makarating kami sa manila alam Kong pagod sya kaya pagkarating namin dito sa parking lot tinanong ko sya ulit kung ayos lang ba sya. Sabi ko huwag na nya ako ihatid pero sabi nya ayos lang naman sya. "Sorry talaga," Sabi ko Na guilty ako kasi sya yung nag drive at tulog lang ginawa ko. "I'm fine Mika." Hinatid pa nya ako sa unit ko gusto daw nya kasi makasiguro na maayos akong nakauwi. "Mag ingat ka ah, text me pag nakauwi ka na. Thank you ulit," Naka ngiti kong sabi sa kanya. "Welcome, I'm going just text me anytime." Tumango ako sa kanya kahit sinabi ko namang wag syang mag alala sa akin. Nahiga agad ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko sa may bag. Inopen ko ang phone ko at parang masisira ma sa sunod sunod na vibrate. Galing sa kay Miko, Lolo at sa kaibigan ko. Lahat sila tinatanong ako kung asan ako at kung ayos lang ba ako. Ni replayan ko naman silang lahat at pagkatapos nun nag check ako ng email at parang gusto ko na lang ulit bumalik sa tabing dagat sa Nakita ko. Napaka daming email parang pag balik ko bukas sunod sunod na meeting ang kailangan kong attenand. Nag message ako sa secretary ko para iforward ang schedule ko bukas. Pagkatapos nun nag ayos na ako ng gamit at naligo para maka tulog na rin. Kinabukasan hindi ako sa front dumaan dahil may mga media daw at nagtataka pa rin ako kung bakit may media. May nangyare ba? Pag lapag ng elevator sa floor kung saan ang office ko. Ibinigay naman agad sakin ng secretary ko ang copy ng schedule ko today. "Ma'am hindi pa rin umaalis ang media sa baba. Gusto po nila kayo ma interview." "Interview? Ano ba nangyare at para saan ang interview?" Tanong ko "Ma'am hindi pa po ba kayo nag bubukas ng social media? May nilabas po kasi na video Kasama nyo po si Mark yung artista. Gusto po nila malaman kung anong meron sa inyong dalawa." Para akong nahilo sa narinig ko hindi ko alam kung bakit ganito. Bakit ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD