Nine

1182 Words
Pagkatapos kong mag palit ng damit kinausap ko yung Isang staff kung saan pwede mag inquire para sa water paraliding Ang sabi sa akin kung saan daw kami nag inquire nung nag banana boat kami doon din daw. Inaantay ko na lang si Zamiel para tanungin sya kung ayos lang ba sa kanya na sumama sa akin. Pag lingon ko sa kaliwa nakita ko sya naglalakad papunta sakin. Sunglass. . Topless. . . Abs. . . Napalunok ako ng makita ko yung ayos nya bakit naman ganito biglang uminit? "Sorry kung natagalan ako," Sabi nya sakin Nakatingin sya sakin pero ako nakatingin lang sa mga taong nakatingin lang din sa amin. "A-ayos lang 'yon ano ka ba." Pilit kong hindi ipakita na naiilang ako pero yung boses ko pahamak dahil nauutal ako. "Ahm. . Sasama ka ba sakin mag water paraliding?" Pag iiba ko "Oo bakit?" Tanong nya "Just asking you baka kasi ayaw mo," Sabi ko "Like what I said earlier I want to experience all of these activities with you," daretso nyang sabi. Bakit pag sya ang nagsasalita parang ang dali lang. Well I know na wala naman na wala syang iniisip na iba. Ako lang naman nagiisip ng kung ano ano. "Okay, Tara na mag inquire na tayo," excited kong sabi nag inquire pa kami at pang lima pa daw kami. Ang tagal naman gusto ko ng sumakay eh. Kaya nakasimangot ako ngayon akala ko pa naman makakasakay agad kami. "Bakit ka nakasimangot?" Tanong nya sakin Tumingin ako sa kanya. Bakit nya pa tinatanong? "Kasi naman ang tagal pa gusto ko ng sumakay," reklamo ko sa kanya Natawa naman sya dahil doon. "Akala ko naman kung ano na nangyare sayo," Sabi nya. "Tss wag mo konv tawanan Zamiel naiinis ako!" Inis kong sabi sa kanya "Okay okay wait here," Sabi nya sakin Saan naman sya pupunta? Bahala sya pag tinawag kami iiwan ko sya sasakay ako mag Isa. Hindi ko sya pinansin at umalis na sya sa tabi ko kaya ito ako ngayon nakaupo habang nakatingin sa dagat. Ang ganda talaga tignan ang dagat. Maya maya lang bumalik si Zamiel sa tabi ko. "San ka pumunta?" Tanong ko sa kanya Hindi ko na sana sya tatanungin kaso na curious na talaga ako. "Pinakiusapan ko yung nag inquire kung may VIP tas sabi nila meron daw. Kaya tara na," Aya nya sakin Bigla ko naman syang niyakap dahil sa saya. "Talaga? Sasakay na tayo? Hindi na tayo mag iintay?" Sunod sunod kong tanong sa kanya na ikinatawa nanaman nya. "Chill okay, you really look excited. I'm happy that I make you happy." Nakangiti lang ako sa kanya habang sinasabi nya iyon. Masaya talaga ako hindi ko alam kung bakit. Sumakay kami ng paraliding hindi ko talaga inaakala na makakasakay ako sa ganito. Habang nakasakay kaming dalawa kuha lang sya ng kuha ng picture meron din namang selfie naming dalawa. Ang sarap pala sa pakiramdam yung ganito para kang lumilipad. "Whoa! Ang sarap!" Sigaw ko habang dinadama yung hangin na tumatama sa katawan ko. Naiiyak ako hindi ko alam kung bakit pero basta na lang tumulo ang luha ko. I spread my arms para mas dama ko yung pag yakap ng hangin sa katawan ko. Feeling ko kino-comfort ako ng hangin kaya siguro ako naluluha ngayon. "I thought you're happy?" biglang tanong no Zamiel. Nalamutan ko saglit na nandito pala sya. "I am,' sagot ko sa kanya. Matapos kaming sumakay sa paraliding dumaretso kami sa pinaka malapit na restaurant. Pinili ko ang seafood restaurant kasi minsan lang naman ako kumain ng seafoods. "What yours?" Tanong nya sa akin Napatingin naman ako sa menu at parang masasarap lahat. "Baked cheesy scallops, marinated crabs and shrimp," Sabi ko sa kanya tumango sya sakin at inorder yung order namin. "Kailan ka babalik ng manila?" Tanong nya sakin. "Siguro bukas," sagot ko sa kanya. "Bakit parang hindi ka pa sigurado?" Tanong nya ulit "Hindi naman sa ganoon pero parang ayoko pa kasing bumalik," paliwanag ko sa kanya "Pero hindi naman pwede iyon dahil ako ang namamahala ng kumpanya ngayon," dagdag ko pa "Kelan pala wedding ng kapatid mo?" Tanong nya "Sa susunod na buwan pa," sagot ko "So he's really busy." Tumango ako sa sinabi nya at dumating na rin yung pagkain na in-order namin. "Wow! Mukhang masarap lahat," Sabi ko Para akong naglalaway sa nakikita ko nilalapag pa lang ng waitress yung pagkain namin pero parang gusto ko na kagad kumuha. "Gutom ka na no?" Tanong nya sakin "Hindi naman gaano pero nung nakita ko yung pagkain parang gutom na gutom ako," Sabi ko pa sa kanya Ngumiti sya sakin parang inaasahan na nya na sasabihin ko iyon. Kumain lang kaming dalawa at pinatikim nya pa sa akin yung lobster na in-order nya. Napaka juicy ng mga pagkain Ang swerte ko dahil hindi ako allergic sa seafoods. Pagkatapos namin kumain lumabas kami ng restaurant at umupo kami sa may cottage na walang tao. Ang lamig pala buti na lang longsleeve itong suot ko kaso naka short lang ako. "Nilalamig ka ba?" Tanong nya sakin kaya tumango ako sa kanya. "Ikaw ba? Hindi ko akalain na ganito kalamig kahit ganitong oras," Sabi ko sa kanya "Teka dito ka lang," paalam nya at lumabas paalis ng cottage. Saan nanaman pupunta iyon? Napatingin na lang ako sa mga taong nag enjoy mag swimming at yung iba naglalaro pa ng volleyball. "Ito oh," rinig kong sabi nya hindi ko napansin na nandito na sya. May dala syang roba "Thank you," Sabi ko at nag okay sign naman sya sakin. "You want to drink?" Tanong nya Umiling ako sa tanong nya ayokong uminom ngayon alam Kong sasakit lang ulit ulo ko kinabukasan. "Bukas na uwi ko ng manila ayoko namang dumating ng manila na masakit ang ulo," Sabi ko sa kanya Naalala ko Hindi ko pa pala nabubuksan ang cellphone ko after non mamatay dahil lowbat. Na charge ko naman sya kanina Kaya mamaya bubuksan ko na lang iyon para mag check ng email. "I'm sleepy," bigla nyang sabi Kaya napatingin ako sa kanya. "Gusto mo na bang bumalik sa kwarto mo?" Tanong ko sa kanya "No I want to stay here with you," Sabi nya Napakagat na lang ako sa sariling labi dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Nagulat ako ng lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko. Akala ko uupo lang talaga sya pero humiga sya sa tabi ko at ginawang unan ang hita ko. "Sorry Inaantok lang talaga ako," Sabi nya "Okay lang sige matulog ka muna gigisingin na lang kita mamaya," nakangiti kong sabi sa kanya. Ipinikit nya yung mata nya kaya napatitig ako sa mukha nya. Wala paring ipinagbago ang mukha nya ganon na ganon parin. Hinawakan ko ang buhok nya at nilaro laro iyon. Napangiti ako kasi ang cute nya paring matulog. Para talaga akong bumabalik sa nakaraan. Nakita ko pa syang ngumiti at kinuha ang isang kamay ko para hawakan iyon. Naalala ko ito ang ginagawa nya dati pag matutulog na sya tinatanong ko pa sya non kung bakit ang sabi nya lang para daw mas masarap tulog nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD