"mika, kamusta pala yung project? Mayroon na bang naisip kung ano magiging interior?"
"Wala pa pero inaayos na" walang gana Kong sagot Kay Miko
Napabuntong hininga ako nang maramdaman ko nanaman yung sakit ng ulo ko Kaya napahawak ako sa noo ko.
"Bakit parang pagod na pagod ka may problema ba?" Tanong ni Miko
Napatingin ako sa kanya at umiwas rin nang tingin.
Binuksan ko yung laptop ko at tinignan yung mga email na dapat kong reviewhin.
"Is this about your relationship with Mark?"
Napakunot ako sa tanong nya
"No" agaran kong sabi pero parang di sya naniniwala.
"I'm okay Miko medyo na stress lang ako kung ano magiging design, Na pe-ressure ako" palusot ko pero sa totoo lang na pe pressure din ako sa project.
"If you need help you can ask me" Sabi nya
"Okay, thank you pero yung wedding mo malapit na. Yun muna ang asikasuhin mo bago mo ko tulungan sa project na to." Sabi ko sa kanya
"Oh sh*t may food testing pala kami ni Karina. I need to go mika. " Sabi nya kaya tumango ako sa kanya
Hayst look at him abalang abala para sa kasal nya. Ganyan siguro kami ni Mark kung Hindi nya ako iniwan.
Napailing na lang ako sa mga pumapasok sa isip ko at itinuloy na lang yung pagbabasa sa mga email.
Hapon na nung naka received ako ng text galing nanaman sa unknown number.
From: *****
There's more princess... And you will know the truth soon.
Napapikit na lang ako sa nabasa ko dahil dito Wala akong tulog iniisip ko lahat ng sinabi nya sakin. Tapos ngayon magsasabi sya ng ganito.
Tinapos ko na lahat ng mga ginagawa ko at nililigpit na lahat ng mga papers na nasa desk ko.
Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok. Sino naman ang pupunta ng ganitong Oras sa office ko?
"Come in" Sabi ko nang nakayuko dahil busy ako sa pag aayos ng mga gamit ko.
Gusto ko ng umuwi para Makapag pahinga ako ngayon. Feeling ko gusto ng bumigay ng katawan ko dahil sa pagod.
"You're going home?"
Gulat akong napatingin sa kanya ng marinig ko boses nya.
What is he doing here?
"Hi" bati nya pa
"Ahm hi?" nagtataka kong sagot
"I'm here because of this" Sabi nya at sabay abot ng Isang invitation.
"Ate invites you to her party " Sabi nya
"But why?" Tanong ko
Alam Kong alam ng ate nya kung bakit kami naghiwalay noon dahil their mom hates me.
"She just said to me that I need to give you her invitation. That's it." Sabi ni Zamiel
So inutusan lang talaga sya.
"Okay I will go" Naka ngiti kong Sabi
Pupunta ako dahil nakakahiya naman kung hindi. Pumunta pa sya sakin para lang iabot sakin yung invitation ng ate nya.
"Good" rinig kong sabi nya
"Uuwi ka na ba?" Tanong nya
"Yup" Sabi ko at inilagay yung laptop sa bag ko
Tumunog yung phone ko kaya napatingin ako doon. Galing nanaman sa unknown number. Nakita Kong napatingin din sya sa cellphone ko kaya ibinulsa ko na agad iyon.
"Who's that?" Tanong nya
Nakita nya ata na unregister yung number
"A friend" mabilis kong sagot sa kanya
Kinuha ko na yung bag ko at lumapit sa kanya.
"Let's go" nakangiti Kong aya sa kanya Kaya tumango na lang sya sakin.
Bumukas yung elevator sa gitnang floor at nakita naming may dalawang employee na sasakay. Umusog ako at umusog naman sya palapit sakin. Kaya ngayon nasa harap ko sya at ako nasa likod nya.
He looks like he is guarding me.
Napa cross arm na lang ako at napansin ko Yung tingin ng dalawang employee sa amin at umiwas naman sila nung tinignan ko sila.
I think they're from marketing team.
"Mika" tawag sakin ni Zamiel Kaya napatingin ako sa kanya
"Yes?" Nagtataka kong tanong sa kanya
"Are you free tomorrow?" Tanong nya
Naramdaman ko naman yung tingin samin nung dalawang employee kaya napa samid ako kunyari.
Bakit ngayon nya pa balak mag tanong ng ganyan. Pwede naman mamaya.
"I'm not sure" sagot ko
Totoo naman, Hindi ko kabisado ang schedule ko everyday.
"If you are not, can you go with me?" Tanong nya ulit
"Saan?" Curious Kong tanong
Nawala na sa isip ko yung dalawang employee dahil sa mga tanong nya. Bakit parang binalak na nya ito.
"Somewhere" sagot nya
"I'll check my schedule for tomorrow " Sabi ko
Hindi na sya kumibo nun hanggat sa makalabas kami ng elevator Hindi ko na nga napansin na naka labas na pala yung dalawang employee.
Sinundan nya ako hanggang sa may sasakyan ko.
"Ahm" nasabi ko Kasi hindi ko alam sasabihin sa kanya.
"Drive safe, text me okay" Sabi nya kaya tumango ako sa kanya at ngumiti.
"You too Zamiel " Sabi ko
Sumakay na ako sa sasakyan ko nag signal pa ako bago ko paandarin yung sasakyan ko.
Nasa kalagitnaan ako ng edsa nang makita ko yung billboard ni Mark with Ashiana. Until now masakit parin may mga oras na iniisip ko parin sya. Kasi parang ang bilis sa isang iglap biglang nagbago ang lahat.
Masya naman kami.. I think. Masaya akong Kasama sya pero siguro hindi na sya masayang Kasama ako. Sino nga ba magkakagusto sa set up namin. Minsan lang kami magkita patago pa.
Malakas ang brake na ginawa ko nang makita ko yung pangalan nya sa phone ko.
He's calling.
Napatabi ako ng sasakyan sa kalsada at madaling sinagot yung tawag nya.
Bakit sya tumawag?
And here I am umaasa parin na magkaayos kami.
I know he still love me.
"Hello" Sabi ko pero hindi sya sumagot.
Maingay yung background, siguro nasa bar sya. Dahil puro ingay ng tao naririnig ko at yung pang bar na kanta.
"Hey, where are you?" tanong ko pa pero walang sumagot
"Mika I missed you" bigla nyang sabi na nagpagulat sakin.
Itatanong ko sana kung nasaan sya kaso pinatay nya na kagad ang tawag pagkatapos nyang sabihin iyon.
Tama ba yung narinig ko? O baka pinapaasa nanaman ako ng sarili ko.
May tumulo nanamang luha sakin mata at agaran kong pinunasan iyon.
Na tanong ko nanaman ang sarili ko kung Anong kulang. Ginawa ko naman lahat.
Paano ako magsisimula ulit ng wala sya. Lahat ng Plano ko nawala dahil sa kanya.
I think I need a break from everything.
I text my brother pagkatapos nun pinatay ko na ang cellphone ko.
Gusto Kong lumayo kahit saglit lang. Hanggang ngayon hindi ko maramdaman sarili ko. Parang lagi na lang ako wala sa sarili pag sya na naiisip ko.
Masakit parin sobra. Gusto kong makalimot kahit saglit.
Patuloy lang ako sa pag drive hindi ko alam kung saan ako patungo. Nag drive thru na lang ako nang makaramdam ako ng gutom.
Binuksan ko rin yung bintana ng sasakyan ko at dahil doon medyo gumaan yung pakiramdam ko.
Hanggang sa nakarating ako sa probinsya ng Bicol.
Bicol please heal me kahit saglit lang. I need a brake from everything