Nakarating ako sa Calaguas Island kung saan pinili kong mag stay ng ilang Araw. Pagkarating ko dito nakatulog kagad ako dahil sa pagod na mag drive ng ilang Oras.
ngayon nakaupo ako sa tabing dagat habang nakatingin sa papalubog an araw. Hindi ko inakala na magagawa ko ito na pumunta sa malayo.
Napangiti ako nang mapait ng may ma-realize ako. Kahit yung langit pinaparamdam sakin na tapos na. Kahit gaano pa kaganda ang pagsasama at mga alaaa kung tapos na wala ka ng magagawa.
Before akala ko pag pumasok ka sa Isang relasyon ay parang fairytale na palaging may happy ever after pero mali pala ako. Nalimutan kong na sa realidad pala ako ng buhay kung saan hindi lahat nang inakala mo ay mangyayare.
Naniniwala akong nangyare tong bagay na ito dahil may dahilan at dahil sa dahilan na iyon hanggang ngayon umaasa akong malaman iyon.
I did everything to save our relationship kaso sya itong unang napagod. Kumapit ako pero habang kumakapit ako sya namang itong bumibitaw na. Sabihin nyo sa akin paano ako kakapit kung yung taong kinakapitan ko ay sumusuko na?
I'm not alcoholic person pero ngayon hindi ko inaalala iyon. Pagkarating ko sa islang ito bumili na kagad ako ng alak. Sabi nga nila alak lang ang mag papaalis ng sakit pansamantala kaya kahit saglit lang maramdaman ko man lang na wala yung sakit.
Tinungga ko yung Isang alak na binuksan ko kanina. Yung pait na nalasahan ko ay parang buhay ko lang. How ironic na lumaki ako na hindi ko alam kung sino ako, na lumaki ako sa ibang katauhan na akala ko ay sa akin.
Bakit sabi nila pag may pera ka doon ka sasaya pero bakit ako hindi?
I'm not happy pero hindi ibig sabihin nun susuko na ako sa buhay. Sabi ko nga kanina hindi mangyayare ang Isang bagay kung wala itong dahilan. Siguro na sa point ako ng buhay kung saan nasa ilalim pa ako at hindi ko pa nahahanap yung hagdan papuntang taas para maging masaya.
Hindi ko alam kung Ilang oras na ako sa tabing dagat. Ang alam ko lang ay madilim na at hindi na ako makatayo ng maayos dahil nahihilo na ako. Napatingin ako sa mga bote na nagkalat sa tabi ko at napangiti ako.
"Thank you alcohol!" Sigaw kong sabi
I feel like I'm the strong woman right now.
Tumayo ako pero bago iyon may bato akong kinuha at ibinato iyon sa dagat. Inulit ko pa ng ilang beses iyon dahil ang saya sa feeling para akong Isang bata ulit.
Napahagikgik ako dahil natalsikan pa ako sa pagbato ko nung malaking bato.
Lumapit ako sa dagat at dinama ang lamig ng tubig dagat. Naglakad lakad pa ako kahit para na akong matutumba. Wala akong pakealam ngayon kung matumba ako gusto Kong maramdaman itong lamig ng tubig dagat.
"Mika!"
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad Hanggang sa huminto ako dahil nahihilo na talaga ako. Umupo na lang ako at hinayaan na mabasa ang suot kong damit.
"Mika"
Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng alak pero may naririnig akong may tumatawag sakin kaya tumayo ako at lumingon sa likod ko.
I saw someone pero hindi ko maanigan ng maayos kung sino dahil umiikot na paningin ko.
Napansin kong lumapit yung taong iyon Kaya medyo naanigan ko kung sino.
"Mika you're drunk," Sabi nya.
"No," tanggi ko
Hindi pa naman ako lasing nahihilo lang ako.
Umupo ulit ako ngayon at naramdaman kong lumapit sya sakin.
Naawa ba sya sakin kasi nakikita nya ngayon nasasaktan ako?
Naramdaman kong niyakap nya ako habang nakatalikod ako. Dahil doon yung luhang kanina ko pa pinipigilan ay parang isang water falls. Napahikbi ako ng maramdaman ko yung sakit nanaman at yung yakap nyang mahigpit.
"Why it always like this? Nagmahal lang naman ako mali bang mag mahal ako? This is the second time na nasaktan ako. All I did is to love them pero bakit ganito ang kapalit?"
"Sabihin mo sakin na mali na mag mahal ako na ang pag ibig ay di para sa akin."
Hindi sya sumagot pero naramdaman ko yung kamay nyang hinahaplos ang ulo ko na parang pinapatahan nya ako.
"Magsalita ka sagutin mo yung mga tanong ko," pakiusap kong sabi sa kanya
Humiwalay sya sakin at naupo sa tabi ko Kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa dagat kaya tumingin na lang din ako.
"Paano ko sasagutin ng lahat ng tanong mo kung Isa ako sa mga nanakit sayo. Tell me Mika. . . Ang gusto ko lang ngayon ay mabura lahat nang sakit ng nararamdaman mo. Ayokong maalala mo yung mga sakit na naramdaman mo noon na ngayon tinatanong mo sarili mo kung deserve mo ba mag mahal," Sabi nya.
"I'm sorry if I hurt you before I was immatured back then. Hindi ko inisip yung mararamdaman mo. But believe me I love you and I still love you. Hindi na maibabalik yung panahon pero gusto Kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa at naiparamdam ko sayo noon,"
Napayuko ako dahil kahit matagal na iyon parang gumaan yung pakiramdam ko dahil sa sinabi nya.
" At nasasaktan akong makita kang ganito. Ayokong sabihin na you don't deserve him dahil alam kong sya yung nag pasaya sayo nung mga panahon na hindi ko magawa."
Pagod akong tumingin sa kanya at tumingin din sya sakin. Lahat ng sakit na naramdaman ko ay parang nabawasan.
Hinihila na ako ng antok at pagod. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod sa pag iyak. Wala akong lakas tumayo Kaya sumandal na lang ako sa balikat nya.
"Thank you Zamiel." Sabi ko bago ako hilahin na nang antok ng tuluyan.
Anong Oras na ako nagising at isinusumpa ko na kagad ang alak. Hinding hindi na ako iinom ulit.
Ang sakit ng ulo ko parang pinupukpok.
Hawak hawak ko yung ulo ko habang inaalala kung paano ako nakarating dito sa ni rent kong kwarto.
Wait. . . Si Zamiel!
Teka asan na ba yon? Bakit parang panaginip lang lahat?
Naghilamos ako at nag sipilyo bago lumabas ng kwarto.
I saw him pagkabukas ko ng pinto parang kanina nya pa ako inaantay na magising. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Here, eat this food and drink this para mabawasan yung sakit ng ulo mo," Sabi nya sakin.
Kinuha ko yung dala nya at pumasok sa loob ng kwarto. Sumunod naman sya sakin.
Paano nga ba sya napunta dito? Hindi ko maalala na may tinawagan ako.
"Ahm. . . Zamiel pwede bang mag tanong?"
Tumango naman sya sakin bilang sagot.
"Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya
"I called you at para kang wala sa sarili non and I thanks God na bukas ang gps mo," Sabi nya
Did I turn on my phone?
Halos masabunutan ko na sarili ko ng hindi ko maalala yung pinag gagawa ko kahapon.
"Ahh" nahihiya kong sabi na lang.
"Pag tapos mo dyan mag pahinga ka na lang alam kong masakit ulo mo. "
Dahil sa kahihiyan hindi na ako makatingin sa kanya kaya tumango na lang ako at kinain itong dala nyang pagkain.