3rd Person POV
"Deden, Okay lang yan wag mo na silang pansinin," pabulong pa na sabi ni Bryce habang kumakain sila ni deden ng snack dahil break time nila.
"Pero bryce bad yung sinasabi nila kay papa at daddy," sagot naman ni Ryden sa kausap at tumitig lang sa baon niyang sandwich.
Napabuntong hininga na lang ang bata dahil sa pang aasar ng kanyang mga kaklase.
Habang nag-uusap silang dalawa ay nakuha ng isang malakas na tunog ng paghampas sa table ang kanilang atensyon.
"Oh!! anong baon mo Ryden the freak?" malakas na sigaw pa ng mas malaking bata at mabilis na inagaw ang sandwich na nasa harap ni Ryden.
Matapang lamang ito dahil wala ang teacher nila sa loob ng room.
Gulat na tiningnan ng dalawa ang batang kumuha. Si Adrian pala, ang anak ng PTA president.
Imbis na magsalita ay yumuko na lang si Ryden at walang ginawa.
"Haha hindi ka lang freak, duwag ka pa blehhh haha!!" malakas na sabi pa nito kaya nagtawanan naman ang iba nilang kaklase na nakapanig kay Adrian.
Kahit laging sinasabi ng papa nya na wag makikipag away ay talagang napuno na si Ryden at hindi na nya mapigil ang sarili na sumagot.
"Hindi ako Freak at lalong hindi ako duwag!!"
"Sinasabi mo bang sinungaling ako ha?!!" sigaw muli ni Adrian at sinipa ang table ng dalawa.
"Wala kang mama at dalawa ang papa mo, abnormal ka, isa kang freak!!", mayabang na turan nitong muli at sinabayan pa ng iba nilang kaklase.
"Freak!!"
"Haha freakk!!"
"Ryden the Freak!!"
Kahit natatakot ay mas nanaig ang pag aalala ni bryce sa kaibigan kaya naman sinubukan nyang pigilan si Adrian at bawiin ang baon nito.
"A-Adrian, Tama na !! ibalik mo na ang baon ni deden," sabi ni Bryce at tumayo pa ito para ipakita na hindi sya natatakot.
Nanlaki naman ang mga mata ni Ryden dahil sa tapang na ipinakita ng kanyang kaibigan.
"Wow naman, Nagsalita ka rin Bryce kala namin pipi ka haha." pangungutya pa ni Adrian sa kakawawang si Bryce.
Namula naman ang pisngi ni Bryce ng marinig ang malakas na pagtawa ng mga kaklase nya bigla na lang nangilid ang mga luha nito dahil sa hiya.
Napa-awa si Ryden dahil sa ginawa ni Adrian sa kaibigan kaya hinawakan nya ang kamay nito.
Ang galaw namang iyon ay hindi nakaligtas sa paningin ng bully kaya lalo itong napangisi.
"Alam nyo ba? sabi ni mommy bakla daw ang parents mo Ryden." Nakapamaywang pang sabi nito at ngumisi.
Napayukom naman ang palad ni Ryden ng mahigpit dahil sa mga sinasabi ng bully na ito.
'Anong karapatan mong pagsalitaan ng ganyan ang mga magulang ko?!!', Isip-isip pa ni Ryden at lalong tiningnan ng masama si Adrian.
"Bryce, lagi mong kasama yang freak na yan baka naman ----" pagputol pa ni Adrian saka lumapit sa harap ni Bryce at sumigaw.
"----Freak ka rin!!! haha"
Nanlaki na lang sa gulat ang mata ni Bryce at tumulo ang mga luha nito kaya naman hindi na kinaya ni Ryden at mabilis itong tumalon sa table at...
"Boss, Okay ka lang?" alalang tanong pa ni Nico at napatunghay dahil sa narinig na pagkabasag ng isang bagay.
"Y-Yeah," tanging sagot ni Dylan.
Mabilis namang lumapit si Nico kay Dylan at napansin na nabitawan pala ng Boss nya ang basong hawak, nabasag ito sa sahig habang kumakalat ang laman itong kape.
Malakas ang kabog ng dibdib ni Dylan, parehas ng pakiramdam ng panahon na nakidnap si Rylan noon.
"Boss ako ng bahala dyan, "sabi pa nito.
Alam ni Dylan na may mali dahil hindi nya maipaliwanag ang kabang kanyang nararamdaman.
Habang wala sa sariling nakatitig sya sa nabasag na baso ay bigla syang napapitlag sa gulat ng mag ring ang cellphone nya.
Mabilis nyang kinuhang ito sa bulsa at lumitaw ang pangalan ng asawa nya sa caller ID.
"Mahal ko, Bakit ka na---"
"Dylan, pumunta ka sa School ni Ryden ngayon na!!"
Nagmamadaling sabi pa ng kanyang asawa kaya naman mabilis syang lumabas sa opisina at nakasalubong pa ang naguguluhang si Nico.
"Teka Boss saan ka pupunta?,"tanong pa nito at may hawak na basahan.
"I can't tell you right now tatawag na lang ako mamaya," sigaw pa ni Dylan habang tumatakbo papunta sa elevator.
Si Rylan naman ay kinakabahan kahit katatawag lamang nya sa asawang si Dylan para papuntahin din sa school.
Malakas at maingay ang t***k ng kanyang puso, nakaraming senaryo sa kanyang isip na pwedeng mangyari habang nagdadrive.
'Naku po baka kung ano nangyari kay Ryden,' halos mapaluha ng sabi ni Rylan sa kanyang isip.
Habang nasa bahay sya kanina para mag experiment ng bagong flavor ng dessert na pwede ilagay sa menu ng shop ay biglang tumawag ang teacher ni Ryden.
Nanlaki ang mata ni Rylan dahil sa sinabi ng teacher nito at nagmadaling pumunta sa school. Hindi man binaggit nito kung anong nangyari ay ramdam pa rin nya na may masamang nangyari.
'Ito na ba yung tinatawag nilang Mother's intuition'
Matapos ang ilang minuto ay nakarating na rin si Rylan sa eskwelahan, mabilis nyang binagtas ang hallway papunta sa Guidance office.
Pagbukas nya ng pinto ay sinalubong siya ng mataray at galit na mukha ni Mrs. Ramirez at anak nitong may black eye at mga kalmot sa mukha at braso.
"Buti naman at dumating ka rin Mr. Hendricks kala ko paghihintayin mo pa kami ng ilang oras, " sarkastikong bati pa nito sa kanya.
Hindi naman sumagot si Rylan at minabuting puntahan na lang ang anak at alamin ang kalagayan nito.
Nang makalapit sya sa kinauupuan ng anak ay napasinghap sya sa nakita.
Hinaplos nito ang pisngi ng anak dahil sa awang nararamdaman, ang labi nito ay putok at dumudugo may namumula din ang bandang leeg nito at halatang sinakal pa.
"Papa," mahinang bulong ng bata at mabilis na yumakap sa kanya.
Napayakap na lang din si Rylan ng mahigpit sa anak dahil sa awa nya dito.
Napatingin naman ng masama si Rylan sa batang gumawa nito sa anak nya pero mas galit sya sa ina nito.
Mabilis ang naging paghinga nya para pigilan ang galit na nararamdaman at umuusbong sa kanyang dibdib.
'Anong karapatan ng kahit sino para saktan ng ganito ang anak ko!!?'
"Mabuti at nakarating kayo Mr. Hendricks maaari na ba tayong magsimula para pag usapan ang nangyari?" tanong pa ng Guidance Officer sa kanya.
Napatayo naman ng maayos si Rylan at iniupo ng maayos ang anak bago sumagot.
"Hinihintay ko pa po ang asawa ko," magalang na sagot naman ni Rylan at iniiwasan na magtagpo ang tingin nila ng kapwa magulang.
Baka di nya mapigilan ang sarili nya at masuntok pa ito.
"Tss alin? yung bakla mo ring asawa." natatawang parinig pa nito.
Nagngit-ngit ang bagang ni Rylan dahil sa ka-walang respeto ng babaeng nasa harapan.
'Hayss kaya manang mana ang anak nya sa kanya eh, na-aawa ako sa anak nya dahil nagkaroon ito ng magulang na ganyan' napailing na lang sya habang iniisip ang bagay na iyan.
"Papa"
Napatingin ito sa anak dahil sa pagtawag nito sa kanya kumuha na lang sya ng panyo sa bulsa at pinunasan ang mukha ng anak.
Pansin pa ni Rylan na na kahit matindi ang inabot ng anak ay hindi mababakas ang luha sa mga mata nito, hindi tulad ng anak ni Mrs. Ramirez na sa laking bata eh kala ko baby pa rin.
Maya-maya pa ay pumasok na sa office ang teacher ni Ryden at Adrian at napatingin naman sa relo nya ang Guidance officer.
Mukhang naiinip na ito kaya naman sinabi nito na kailangan na naming magsimula.
'Hayss nasaan na kaya si Dylan?', isip- isip pa nya habang nakatingin sa pinto ng opisina.
"Ms. Rachel ano ba talaga ang nangyari kanina?"tanong pa ng Guidance officer sa adviser ng mga bata.
"Maayos ko naman po silang iniwan kanina dahil break time nila nagpunta muna po ako sa room ni teacher Nel dahil ibibigay ko pa ang mga Activity nila," ani pa ni Ms. Rachel.
"Tapos pagbalik ko po sa room ay naabutan ko po silang nagkakagulo na lalo na sina Ryden at Adrian, mabilis ko po silang inawat pero ayaw papigil ni Ryden," dugtong pang sabi ng teacher kaya napataas ang kilay ni Mrs. Ramirez sa dereksyon ni Rylan.
Kung makatingin ito ay parang nanalo sya sa isang mahalagang kaso sa korte.
Napailing na lang sya at tahimik na nakikinig sa pahayag ng teacher ng mapatingin sila sa pinto dahil sa magkakasunod na katok mula dito.
Tok!! tok !! tok!!
Mula sa pagbukas ng pintuan ay pumasok si Dylan na medyo hinihingal pa.
Mabilis itong tumayo sa tabi ng asawa at humingi ng tawad sa Guidance officer.
"Im very sorry for being late, Ma'am," magalang na sabi ni Dylan at nginitian pa ito para namang na-stroke na si maam dahil sa pagkakatitig kay Dylan.
Nang marinig ni Ryden ang boses ng ama ay mabilis itong umalis sa upuan at yumakap dito.
Nang mapatingin si Rylan sa dereksyon ni Mrs. Ramirez ay bakas ang pagkamahanga sa mukha nito.
Napangiwi naman pa ito ng makitang medyo nagpupuso-puso na ang mga mata ni Mrs. Ramirez habang nakatingin sa asawa nya.
'Hindi ko sila masisisi, siguro kaya malakas mangutya si Mrs. Ramirez dahil ngayon pa lamang nya nakita si Dylan. Nalaman lamang nya na lalaki ang asawa ko dahil sa chismis'
"Dylan, bakit ngayon ka lang?" takang tanong pa ni Rylan sa asawa.
"Pasensya na mahal ko na-traffic ako, tinakbo ko na nga papunta dito,"sagot naman nito sabay yuko para tingnan ang anak nila.
Dahil kita ni Rylan na pawisan ang asawa ay kinuha ulit nito ng panyo at pinunasan ang noo ng asawang si Dylan.
Ngumiti si Dylan pero bakas sa mga mata nito ang galit dahil sa sinapit ng anak.
"Ehem, Okay pwede na ba nating ituloy?" pagbasag sa katahimikan na sabi ng Guidance Officer.
Napatango naman ang lahat at nagpatuloy ulit ang adviser na magsalaysay ng nangyari kung ano ang mga nakita at naabutan nya sa room.
"Humihingi po ako ng tawad dahil wala ako sa room kaya nangyari ito," malungkot na paghingi pa ng tawad ni Ms. Rachel ang adviser ng mga bata.
Napatango naman ang Guidance Officer at nagsimula ng magtanong.
"Adrian, ano ba talaga ang nangyari kanina?"
Napatingin pa ang bata sa nanay nya bago sumagot..
"A-Ano po, si Ryden ang nagsimula ng lahat!!" pasigaw na sagot ng bata sabay turo kay Ryden habang nakaupo ito sa tapat nya.
Napangisi naman si Mrs. Ramirez bago magsalita.
"Narinig nyo naman ho diba, Mrs. Garcia yang batang yan ang nagsimula ng gulo"
'Hindi talaga kayang magpalaki ng anak ng maayos ang mga bakla,' bulong pa nito.
Hinawakan naman ni Dylan ang braso ng asawa dahil pakiramdam nito ay kaunti na lang at susugudin na nito ang babaeng katapat.
"Mrs. Garcia? hindi nyo manlang ba tatanungin ang anak namin kung anong tunay na nangyari?" tanong ni Dylan sa Guidance Officer.
"Teka, Mr. Hendricks so sinasabi mo na hindi tunay ang sinabi ng anak ko?" mataray na tanong pa ni Mrs. Ramirez kay Dylan at tinaasan pa ito ng kilay na naparang naghahamon.
"Yan ba sa tingin mo ang ibigsabihin ko Mrs. Ramirez?" balik na tanong naman ni Dylan dito.
"Okay, okay --- Ryden ano ba talaga ang nangyari? ikaw ba ang nagsimula ng gulo?" tanong ulit ni Mrs. Garcia.
Tumingin naman si Ryden sa mga magulang nya, hinawakan ni Rylan ang buhok ng anak at ginulo ito tumango naman si Dylan para sabihin sa anak na wag matakot itong magsalita.
"S-Sinuntok ko po si Adrian---"
"Kita nyo na yan ngang batang yan ang nagsimula at nanakit sa anak ko," madamdamin pang sabi ni Mrs. Ramirez at dinuro-duro si Ryden.
"Hoy, wag mong maduro-duro ang anak namin rumespeto ka naman hindi pa sya tapos mag salita!" galit na sabi ni Rylan dahil hindi na nya mapigilan ang galit na nararamdaman, mabilis naman syang niyakap ni Dylan para pigilan ang asawa.
"Huminahon muna kayo mga parents, hayaan nating magsalita ang bata." pag awat pa ni Mrs. Garcia sa mga ito.
"Sige hijo, ituloy mo na"
"N-Na gawa ko lang naman po yun dahil sinasabihan nya ng b-bad ang Papa at Daddy ko, pinaiyak din nya si Bryce"
Nagkatinginan ang mag asawang hendricks dahil sa sinabi ng kanilang anak. Napahawak na lang si Dylan sa bewang ng kanyang asawa dahil sa pag aalala.
"Haha imposible yan Mrs. Garcia hindi yan magagawa ng ana--"
"Anong mga bad words ang sinasabi nya, Ryden?" aniya pa ni Mrs. Garcia at hindi pinansin ang sinasabi ni Mrs. Ramirez.
Napahugot ng hininga muna ang bata bago magsalita..
"F-Freak daw po ako, dahil b-bakla ang mga magulang ko"