Chapter 5

1785 Words
JAN. 04 / Monday "Bye mahal ko, bye buddy" nakangiti pang pamamaalam ni Dylan sabay halik sakin at kay Ryden bago umalis papuntang opisina. Habang isinasara ko ang gate ng garahe ay biglang may sumulpot sa harap ko kaya naman napasigaw ako ng wala sa oras. "Hala kuya, Sorry po at nagulat ko kayo." nagmamadali pang paghingi ng paumanhin ni Gab. "Gab! ikaw pala, Bakit?" "Kung may inflatable pool daw po ba kayo sabi ni ate." ito habang napapakamot sa batok. Malaki na talaga si Gab at bagay na bagay dito ang school uniform nyang suot, highschool na ang patpating bata noon. "Naku, pasensya na Gab wala kami eh" paghingi ko pa ng paumanhin dito. "Ganun po ba, salamat po kuya Rylan" Ngumiti naman ako at tumango sa kanya. 'Wala kaming inflatable pool, ang  meron kami ay tunay na pool' Habang pabalik sa bahay ay bigla kong naalala ang bonding + Date = bondate namin kahapon. Dahil day-off ni Dylan sa trabaho ay binigyan kami nito ng oras para makapag saya ng sama-sama kahit nasa bahay lamang kami ay sapat na para mapuno kami ng kasiyahan. Nagswimming kami sa pool at tinuruan pa ni Dylan si deden na lumangoy at magfloating dahil madali itong matuto ay masarap itong turuan. Nag movie marathon din kami ng puro Cartoons para kay deden, sa kalahati pa lang ng pelikula ay nakatulog na si Dylan kaya naman napagtripan naming mag ama na sulatan ang mukha nito. Pagkatapos naming manuod ng halos tatlong pelikula na ay nagising si Dylan hindi namin napigilang mapatawa dahil sa itsura nito kaya naman nagtatakbo ito sa banyo para tingnan ang mukha nya. Kapag na-aalala ko ang nangyari  kahapon ay napapangiti pa rin ako. Nang makaalis si Dylan ay naghanda na rin kami ni Ryden papunta naman sa school nya medyo late nga rin dahil ang hirap gisingin ni deden kanina. Habang nasa byahe kami sakay ng nang kotse na minamaneho ko ay napansin ko kanina pang tahimik si Ryden sa tabi ko. "Anak may problema ba?" alalang tanong ko pa rito habang sinusulyapan ito. "Ah w-wala po Papa, medyo inaantok lang po ako," sagot pa nito pero hindi sya makatingin sakin ng deretso. "Ganun ba, sya tama na ang paglalaro ng video game bago matulog," sabi ko na lang para isipin nya na hindi ako naghihinala. Nang makapagpark na ako ng sasakyan ay bumaba na kami para maihatid ko na sya sa room nya. Dahil late na kami ay nagmamadali na kami sa paglalakad, marami kaming nadadaanan at nakakasabay na mga magulang na akay-akay din ang kanilang anak. Binibigyan nila ako ng tingin na kakaiba. Ang totoo nyan ay matagal ko ng nararamdaman iyon pero binabalewala ko na lang. Wala namang maiidulot na mabuti sakin kung papansinin ko pa sila. Nang makarating kami sa pinto ng room nya ay humingi ako tawad sa teacher nya dahil sa pagiging late namin. Inayos ko muna ang bag na dala ni deden bago ko ito halikan. "Pa, babye po." aking anak sabay kaway sakin. Yung mga ngiti nya at galaw ay kakaiba, alam kong may nangyayari at hindi ko gusto ito. 'Masama ang kutob ko' "Babye, sunduin kita mamaya," sagot ko naman sa kanya at binigyan pa ito ng isang ngiti sabay lakad paalis. Habang naglalakad ako sa hallway ng building ay may iilang mga magulang na nakatambay parin sa labas ng room ng anak nila. "Sya ba yun?" "Oo mars di ko nga din alam kung pano yan pinatulan nung gwapong mayaman eh" "Baka naman ginayuma hahaha" "Gayuma? Kulam kamo kita mong bakla yan haha" Naiyukom ko ang aking palad dahil sa inis na nararamdaman, alam kong ako ang pinariringgan nila. 'Sino pa nga ba, eh ako lang naman ang naglalakad dito sa hallway' Pero kahit ganun ay hindi ako nagpadala sa aking emosyon at naglakad na lang na parang walang naririnig. Isipin na nila ang gusto nilang isipin sakin, wag lang nila idadamay ang pamilya ko. Sa mga sumunod na araw ay inoobserbahan ko si deden kahit anong tanong ko kasi sa kanya ay wala akong makuhang matinong sagot lagi lang syang umiiwas. Lagi nyang sinasabi antok na sya at gusto na nyang matulog o kaya naman ay makikipaglaro pa sya kay bryce. Napapakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa stress at tumingin sa aking tabi. "Dylan, anong gagawin natin?" di mapakaling tanong ko sa asawa ko habang inaalog ang braso nito. "Gusto mo na bang tawagan natin ang teacher nya?" sagot naman nito at ibinaba ang binabasang papeles. "Hm, wag muna gusto ko sanang tanungin muna si Bryce sya ang laging kasama ni Ryden" "Sige, kung anong alam mo ay tama," sabi pa nito at hinalikan ang aking sintido para kumalma ako. "Magpahinga kana, ang itim na ng eyebag mo oh." malambing na turan pa nito at inayos ang unan ko. Nandito kami sa kama at nakahiga na ako habang sya naman ay inaayos na ang mga papeles at handa na rin akong samahan matulog. "Magiging maayos din ang lahat mahal ko," bulong pa nito saka ako niyakap. Napangiti naman ako at dahil alam kong kahit anong mangyari ay narito lamang sya para suportahan ako. Kinabukasan ay di ako mapakali, di ko alam kung paano ko ba matatanong si bryce. Kunot ang kilay ko habang inaayos ko ang mga gamit ni deden sa loob ng sasakyan papunta na kasi kami sa school ngayon. Buti na lang at maaga pa ngayon di katulad nung nakaraan. Habang abala ako sa pag iisip ay hindi ko napansin na nakasilip pala si Lily sa bukas na gate ng garahe. "Uii Cutiee!!" sigaw pa nito kaya napatalon ako sa gulat. 'Tss alam ko na kung kanino nagmana si Gab sa galing sa pang-gugulat' "Lily!! ang aga mo na naman ha" "Haha ikaw naman, sobra mo kasing seryoso bahala ka baka mabawasan yang beauty mo pag laging nakakunot kilay mo." natatawang sagot naman nito. Pansin ko din si bryce na nakasilip sa likod ng binti ng mama nya. 'Napaka mahiyain talaga ng batang ito' "Wag mong sabihin na manghihiram ka ulit ng inflatable pool?" pa-asar na tanong ko pa sa kanya. Napansin ko naman na napataas ang kilay nito at biglang sumimangot. "Hindi no." mataray na pagtanggi pa nito. "Eh bakit nga?" "Flat ang gulong ng kotse ko eh pasabay kami ni bebe papunta sa school," sabi pa nito habang nagpapa-awa. Syempre naman nagbibigyan ko sya, bestfriend ko ata ang babaeng ito. Pero ng mapadako ang paningin ko kay bryce ay bigla kong naalala ang kailangan kong gawin kaya lumapit ako kay lily. Pinapasok ko muna si bryce sa bahay para sunduin si deden habang kinakausap ko naman ang nanay nya. "Lily, pwede ko bang makausap si Bryce?" seryosong turan ko pa dito. "Oo naman pero tungkol saan?, mabait ang anak ko, walang masam----" "Wag ka ngang praning dyan may itatanong lang ako sa kanya," sabi ko pa pagkatapos putulin ang mga sinasabi nya. 'Daldal kasi' "Okay, mukha kasing seryoso eh." Nakanguso pa nitong sagot. "Oo, seryoso talaga" "Tungkol nga saan?," tanong ulit nito, napailing naman ako dahil sa kakulitan nya. "Basta sabihin ko na lang sayo mamaya," bulong ko pa dahil sa biglang pagdating ng dalawang bata. "Papa, aalis na po tayo?" tanong pa ni deden ng makalapit sila ni bryce sa kinalalagyan namin ni lily. "Oo anak, kasama din natin si tita lily mo at si Bryce" sagot ko at kita ko pa na napangiti ito at masayang sumakay sa kotse habang hawak ang kamay ni bryce. Sumakay na rin kami ni lily sa kotse at pagkatapos ng lahat ng preparasyon ay nagmaneho na ako papunta sa school. Habang nasa byahe ay sinusulyapan ko ang mga bata sa backseat habang katabi ko naman si lily dito sa unahan. Normal naman sila, nagtatawanan habang naglalaro ng game sa cellphone. Pero bakit ganun hindi pa rin mawala yung kakaibang pakiramdam na meron ako. Gusto ko na lang sana ipagsawalang bahala ang lahat ng biglang kausapin ni lily si bryce. "Bebe, Musta sa school?" tanong pa ni lily kay bryce. Para namang bigla nailang si Bryce at hindi agad nakasagot sa tanong ng mama nya. Pero ang mas nakakagulat ay ng mapansin ko ang reaksyon ng aking anak parang takot ito at di mapalagay. 'Hm, mukhang tama si Dylan baka kailangan nga naming kausapin ang teacher nya' Tumingin sakin si lily mukhang alam na rin nya kung ano ang problema ko. Seryoso na lang akong tumingin  sa kalsada habang mahigpit ang pagkakapit sa manubela. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa school. Hawak ko sa isang kamay si deden habang kasabay ko namang naglalakad si lily at hawak din ang anak. Katulad ng laging nangyayari ay pinagtitinginan na naman ako ng mga magulang na nakakasalubong o nadadaanan namin. Dahil sa kamalditahan ni Lily ay iniirapan nya ang mga ito at pinariringgan ng... "Masyado ba kaming maganda para pagtinginan nyo, celebrity ba kami?", maarte pang sabi ni lily habang naglalakad kami. Napailing na lang ako at di ko mapigilang mapangiti dahil napapa-iwas na lang ng tingin ang mga magulang na iniirapan ni lily. "Sige anak, pasok ka na" sabay halik sa noo nito habang inihahatid sya sa pinto ng room nila. Ngumiti naman ito sakin at yumakap bago pumasok kaya lalo akong napa-awa sa kanya. 'Kawawa naman ang deden ko, alam kong may pinagdadaanan sya' Kumayaw ako sa kanya at bumalik sa pwesto ni lily at bryce tumingin muna ako kay lily para humingi ng permiso at sinagot naman nya ako ng isang tango kaya lumuhod ako sa harap ni Bryce. " Bryce, pwede ka bang tanungin ni tito Rylan?" mahinanhon ko pang tanong sa bata, baka matakot eh. "O-Opo tito," sagot naman nito habang nakatungo. "May kaaway ba si Ryden dito?" pabulong ko pang tanong dito. Hindi naman mapakali ang bata at di alam ang gagawin, sasagot ba sakin o titingin sa mama nya. Naawa ako dito pero alam kong sya lang ang makakapagsabi sakin. Hinawakan naman ni lily ang ulo ng anak at ginulo ang buhok binigyan din nya ito ng isang ngiti na nagsasabi na okay lang. "Ahm w-wala naman pong kaaway si deden, P-Pero si Ad---" "Excuse me, wag nga kayong humarang sa may pintuan,"maarteng sabi pa ni Mrs. Ramirez habang hawak nito ang kamay ng anak na si Adrian. Si Mrs. Chloe Ramirez ang PTA President ng section ni Ryden, napaka maldita nito at matapobre kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit basagulero at mayabang ang ugali ng anak nya. Napatingala naman ako sa kanya at napatingin sa kinalalagyan namin. 'Luka ba ito, ang layo namin sa pintuan, sinadya nya talaga akong banggain' "Bulag ka ba girl? layo namin sa pinto oh," si Lily sabay taas ng kilay dito. Hindi naman sumagot si Mrs. Ramirez at umirap lang samin bago pumasok sa room. "Bryce anak, sige na tuloy m---" Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng marinig namin ang bell. Napabuntong hininga na lang ako napatingin kay lily. "Sige anak, mamaya ka na lang daw ulit tatanungin ni tito Rylan," sabi pa ni Lily sa anak at pinapasok na ito sa room. Napahinga na lang ako ng malalim at lalong bumigat ang pakiramdam dahil sa nangyayari. Habang pabalik na kami sa parking lot ay napabulong pa si lily sakin.. "Pano yan Cutiee, Mukhang may nambubully kay Ryden ah"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD