RYLAN POV "Daddy!!" "Welcome home, Dylan" Maligayang pagbati pa namin ni deden ng umuwi si Dylan galing Miami, Florida para bisitahin ang kalagayan ni Dad. "Hello!! namiss ko kayo!" malakas na sigaw pa nito ng makita kami, tumakbo ito sa amin at ginawaran kami ng halik at mahigpit na yakap. "Buddy marami akong pasalubong sayo oh" si Dylan sabay bigay kay deden ng isang bag na puno ng mga souvenir. Masayang nagpasalamat naman ang anak namin at tumakbo para buksan lahat ng mga pasalubong. Lumapit naman sya sakin at humawak pa sa bewang ko habang naglalakad kami papunta sa sala. "Kamusta naman si Dad?" tanong ko pa sa kanya ng makaupo kami sa sofa. "Okay naman sya, medyo OA lang si mom sa pagbabalita" "Marami din akong binili para sayo, Mahal ko," aniya pa ni Dylan. Tumango naman

