Parang nasa ulap ang pakiramdam ni lucy mula ng pumayag si Dylan na magbakasyon sila dito sa France. Pangalawang araw na nila dito ngayon at talagang na-eenjoy nya ito. Marami na rin silang napuntahan na mga tourist attraction na lugar dito. "Dylan, magshopping tayo please~" sabi pa nya rito habang nakayakap sa braso nito. Tumango lamang naman ito at sumakay sila sa taxi para makapunta sa sikat na shopping mall dito. Habang umaandar ang taxi na sinasakyan nila ay hindi mapigilan na maalala ni Dylan ang panahon na nagbakasyon sila ng asawa nya dito noon. Maganda ang paligid at pamilyar, habang nakatingin sya sa salamin na bintana ng taxi ay nakikita-kita pa nya kung gaano kasaya ang asawang si Rylan habang magkahawak ang kamay nila habang binabagtas ang lugar na nadadaanan nila ngayon.

