3rd person POV "Dylan, Okay na ba lahat ng dala mo?" tanong pa ni Rylan sa kanyang asawa pagkatapos mai-zipper ang maletang dadalhin nito. "Oo mahal ko, Okay na yan" sagot naman ni Dylan ng makalabas ito sa banyo at nakatapis lamang ng towel. Napaiwas naman si Rylan ng tingin dahil sa pamumula ng kanyang mukha, nahihiya parin syang tingnan ang katawan ng asawa kahit matagal na silang kasal. Ngayon ang alis ni Dylan papunta sa Miami para bisitahin ang mom at ang kalagayan ng Dad nya roon, gusto sana nyang samahan ito pero may kailangan pa syang gawin. Nang lumingon ulit sya sa kinalalagyan ni Dylan ay tapos na itong magbihis at nagsasapatos na lamang. "Dylan, wala ka bang kasama?" biglang tanong naman ni Rylan dito at naramdaman pa nyang natigilan ito sa ginagawa. "B-Bakit mo naman n

