PROLOGUE
ABALANG nagbabasa ng libro si Brea sa library ng mga oras na iyon. Marami siyang dapat basahin at dapat i-memorize. Lalo pa at malapit na ang midterm exam niya at pagkatapos non ay ang finals na. Kaya mas kailangan niyang pagbutihan.
Ito na ang last year niya sa Law school at ga-graduate na siya. Matutupad na ang gusto ng pamilya niya. Ang makapag tapos siya sa law school at maging abogado upang sundan ang mga yapak ng mga magulang niya. Dahil nagmula siya sa pamilya ng mga abogado. From her great grandfather to her father and mother. Parang naging obligasyon na nila ng kuya niya na maging abogado din. Pero lingid sa kaalaman ng daddy niya ay wala siyang balak maging abogado sa halip ay gusto niyang maging prosecutor. Ayaw niyang mag-defend ng mga kriminal. Gusto niya ay siya ang mag kukulong sa mga ito.
Napatingin siya sa harap niya ng may biglang umupo sa tapat niya. Saka ibinaling muli ang pansin sa binabasa.
"Ang sipag talaga ng crush ko." Sabi ni Liam at nakapangalumbaba pa ito habang nakatingin sa kanya. Ang lalaking matagal ng nagpapalipad hangin sa kanya. Hindi niya alam kung kailan ito nagsimulang manligaw sa kanya. Basta isang araw na lang ay panay na lang ang sulpot nito sa kung saan-saan. Ilang beses na din niyang binasted ang lalaki dahil kilala ito sa school nila na playboy at ayaw niyang makipaglaro dito. Pero makulit ang lalaki at talagang desidido itong makamit ang matamis niyang 'Oo'.
"Ano na naman ba ang kailangan mo sa akin Liam? Gusto mo bang sapakin ko na naman iyang pag-mumukha mo?" Tanong niya rito pero nakatuon pa din ang paningin niya sa librong binabasa.
"Napaka sungit mo talaga kahit kailan. Pwede bang maging mabait ka naman sa akin kahit minsan lang?" Sabi nito na nakapangalumbaba pa rin sa harap niya.
Tumingin siya rito. "Hindi ko obligasyong maging mabait sayo. Kung ayaw mo ng ugali ko, huwag mo akong kausapin, huwag mo akong titingnan at huwag ka na ring huminga." Sabi niya saka ibinalik ang pansin sa binabasa.
"Napakaseryoso mo naman. Hindi kana mabiro." Sabi nito at sinilip pa ang binabasa niya. "Ano ba yang binabasa mo? Gusto mong tulungan kita diyan? Hindi mo yata alam na genius itong kaharap mo." Pag mamayabang pa nito.
"At ano naman ang alam mo sa law? Eh, medicine ang kinukuha mo?" Tanong niya rito.
"Marami akong alam na hindi mo alam. Kaya nga ako genius eh."
Napailing na lang siya kahit kailan talaga ay napaka kulit nito. Hindi niya alam kung paano niya natatagalan ang lalaking ito.
-----
KASALUKUYANG tinitingnan ni Brea ang bulletin board dahil gusto niyang malaman kung ano ang resulta ng exam niya. At nakita niyang siya ang nangunguna sa buong batch niya. Sapat na sa kanya iyon. Aakmang aalis na siya nang biglang my tumakip sa mga mata niya. Agad niyang siniko at pinilipit ang braso ng kung sino ang tumakip sa mata niya.
"A-aray!" Hiyaw ng salarin.
"Liam?" Agad niyang binitawan ito ng makilala niya.
"Grabe ka talaga! Kaya sinasabihan kang amasona ng mga estudyante rito eh." Sabi nito habang hinihilot nito ang braso nito.
"Bakit ka ba kasi nang gugulat dyan?" Sabi naman niya rito. Sinipat niya ang braso nito. "Hindi naman ganon kalakas ang pagpilipit ko sa braso mo. Huwag ka ngang OA."
"Anong hindi? Hayyss.. kung hindi lang kita love ay baka matagal na kitang ipinasalvage eh." Naiiling na sabi nito.
"Ano ba ang ginagawa mo rito?" Inis na sabi niya rito.
Bigla lang itong naglabas ng isang bouquet of flowers. Saan nito iyon kinuha? "I just want to congratulate you for being top 1 on your batch." Nakangiting sabi nito sa kanya.
Napatingin siya rito. Kahit minsan ay hindi ito pumalya na batiin siya sa mga achievements niya. Kahit sa mga importanteng okasyon sa buhay niya ay lagi itong may surpresa sa kanya. Kaya hindi niya namalayan na unti-unti niya na pala itong minamahal.
----
"C'MON, pumayag kana na maging date ko." Pamimilit ni Liam kay Brea.
Kasalukuyang nasa Soccer Field sila ng school dahil abala siya sa pagbabasa. Malapit na kasi ang finals nila. Kaya kailangan na niya talagang mag sunog ng kilay. Pero hindi siya makapag concentrate dahil sa asungot na si Liam. Kanina pa ito nangungulit na isama siya sa birthday party ni Bryzon na kaibigan nito. Kesyo ayaw nitong um-attend mag isa dahil nahihiya ito. Pero hindi siya naniniwala sa mga sinasabi nito. Sa tingin niya ay may binabalak lang ito.
"Maghanap ka ng girlfriend na pwede mong isama mo sa party na iyon. Wala akong time sa mga ganyang bagay." Sabi niya rito habang patuloy na nagbabasa.
"I don't have a girlfriend. Sa tingin mo ba liligawan kita kung may girlfriend ako? C'mon Brea samahan mo na ako. Pag hindi ka sumama sa akin hindi na lang ako a-attend at sisisihin ka ni Bryzon dahil hindi ko naka-attend sa birthday party niya dahil sayo." Sabi nito sa kanya.
Tumingin siya rito habang nakakunot ang noo. Akala ba nito ay uubra sa kanya ang pananakot nito? "Edi huwag kang um-attend. Baka pag untugin ko pa kayo ni Bryzon." Sabi niya rito at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
"Hayss.. Ang hirap mo naman kumbisihin. Ano ba ang pwede kong gawin para pumayag ka?" Tanong nito sa kanya.
Bigla siyang may naisip at hinarap si Liam. "Pag napapayag mo si Alesandra na pumunta sa party ni Bryzon. Saka ako sasama sayo." Sabi nito rito.
Napakamot naman ito sa ulo. "Ang hirap naman ng gusto mo. Alam mo naman na mortal na kaaway ang turing ni Alesandra kay Bryzon eh. Paano ko naman yon mapapapunta sa birthday party ni Bryzon?" Reklamo nito sa kanya.
"Well, kung hindi mo kaya edi hindi ko sasama sayo, period." Sabi niya saka muling nagbasa.
Bumuntong hininga ito saka tumayo. "Okay sige, challenge accepted. Oras na mapapayag ko si Alesandra. You will be my date. Wala nang atrasan yan ah." Paninigurado nito.
"Deal." Sabi niya rito.
Nakangiti itong nagpaalam sa kanya. Mukhang desidido talaga ito na maging date siya sa birthday party ni Bryzon.
-----
"WHAT are you doing here? Akala ko ba ay badtrip ka kay Bryzon?" Tanong ni Brea sa kaibigan niyang si Alesandra.
Naroon sila sa pool side ng mansion nila Bryzon. Doon niya ito hinila. Hindi niya alam kung anong tricks ang ginawa ni Liam at napapayag nito si Alesandra na pumunta sa birthday party ni Bryzon.
"Kean invited me here so what can I do? Alam mo namang hindi ko matatanggihan ang irog kong iyon." Sabi nito sa kanya.
Bakit nga ba niya nakalimutang malaki ang pagkakagusto nito kay Kean na kaibigan din nila Bryzon at Liam? Dapat pala mas hinirapan pa niya ang kundisyon niya kay Liam. Kaya imbes na nag-aaral siya ngayon ay nandirito siya sa birthday party ni Bryzon.
Napalingon sila ni Alesandra nang dumating si Liam kasama ang birthday boy na si Bryzon.
"Hey girls, Hi Ally! Hindi ko ini-expect na pupunta ka sa birthday party ko, sana ay pinasundo kita sa inyo." Sabi ni Bryzon kay Alesandra.
"Huwag mo akong kausapin. Baka masapak lang kita." Sabi ni Alesandra.
Hindi niya alam kung ano ba ang ginawa ni Byzon kay Alesandra at kumukulo ang dugo nito sa tuwing makikita ang binata.
"Ouch! You're really so rude. You should be nice to me since it's my birthday, you know." Sabi pa nito.
"Wala akong pakialam sayo. Hindi ikaw ang pinunta ko rito." Sabi ni Alesandra at nag walk out.
Walang nagawa si Bryzon kung hindi tingnan na lang ang papalayong si Alesandra.
Binalingan siya nito. "Ano ba ang gagawin ko para mapaamo ko iyang kaibigan mo Brea?" Tanong nito sa kanya.
"Huwag kang huminga." Simpleng sabi niya rito.
Napailing naman ito saka binalingan ang kaibigang si Liam na natawa lang sa sinabi niya. "Magkaibigan nga sila." Sabi nito kay Liam saka umiiling na iniwan sila.
Nang naiwan silang dalawa ay may inilabas si Liam na isang maliit na box pagkatapos ay tiningnan nito ang relong pambisig na suot nito. Maya maya ay bigla na lang itong nag countdown.
"Five, four, three, two, one.." Tumingin ito sa kanya. "Happy birthday Brea." Sabi nito sa binigay nito sa kanya ang box na naglalaman ng isang gold infinity bracelet. Kinuha nito ang kaliwang braso niya at ikinabit ang bracelet doon. Napatitig na lang siya sa binata. He never missed her birthday. Sa tatlong taong panliligaw nito sa kanya ay ni minsan hindi ito pumalya na surpresahin siya pag dumarating ang araw ng birthday niya.
-----
NAGPASYA si Brea na sagutin si Liam sa araw nang graduation niya. Matagal na niyang pinag isipan ang bagay na iyon. Alam niyang malaking desisyon ang gagawin niya pero sure na siya sa desisyon niya. Dahil na patunayan na niya kung gaano siya ka gusto ni Liam at dahil sa ilang taong panunuyo nito sa kanya ay nahulog na din ang loob niya sa binata. Hanggang dumating ang araw na pinaka hihintay niya. lahat ng importanteng tao sa buhay niya ay naroon sa graduation party niya, maliban kay Liam.
Ilang beses niyang tinawagan ang binata ngunit hindi ito nasagot sa tawag niya. Panay lang ang ring ng cellphone nito. Hindi niya alam pero iniisip niya na baka may nangyaring masama dito.
"I'm worried." Sabi ni Brea sa mga kaibigan niyang sila Alesandra at Cynthia.
"Ano ka ba. Baka naman busy lang iyon? Masyadong demanding ang medicine. Baka marami lang ginagawa iyon." Sagot naman sa kanya ni Alesandra.
"Huwag ka naman masyadong halata na in love na in love ka na sa kanya. Tatawag iyon sayo. Maghintay ka lang." Sabi naman ni Cynthia sa kanya.
Pero hindi siya mapakali. Iba talaga ang kutob niya. Kaya hinarap niya ang mga kaibigan. "Tulungan niyo akong takasan ang party na ito." Sabi niya sa mga ito.
"W-what?!" Sabay na sabi ng dalawa.
"Are you out of your mind? Nakalimutan mo na ba na para sayo ang party na ito? Siguradong hahanapin ka dito pagnawala ka." Sabi ni Alesandra sa kanya.
"I really want to see Liam. I think, may hindi magandang nangyari sa kanya." Hindi mapakaling sabi niya sa mga ito.
Bumuntong hininga si Cynthia at tumayo. "C'mon let's go." Sabi nito.
"Teka saan tayo pupunta?" Takang tanong ni Alesandra dito.
"We're going to leave this party." Sabi nitong muli.
"W-what? Hahanapin si Brea dito." Sabi naman ni Alesandra.
"Nakikita mo ba ang hitsura niya? Naaalibadbaran na ako sa sentemyento niya sa buhay niya. Kaya c'mon, para tumigil na iyan." Sabi nito kaya agad naman silang sumunod dito.
Habang nasa sasakyan ni Cynthia patungo sa condo ni Liam ay todo todo ang kabang nararamdaman niya. Magkahalong excitement at pangamba ang nararamdaman niya. Hanggang makarating sila sa pupunthan nila.
"You go." Sabi ni Cynthia nang makarating sila sa tapat ng condo ni Liam.
"Hindi ba natin siya sasamahan?" Tanong ni Alessandra.
Binatukan naman ito ni Cynthia. "Gaga! Kailangan natin silang bigyan ng privacy. Ano? Gusto mo pang maging audience sa ganap nila sa buhay?" Sabi nito kay Alesandra.
Siya naman ay huminga ng malalim bago tinipa ang code ng condo ni Lam at dahan dahan siyang pumasok. Alam niya ang code ng condo ni Liam dahil lagi nitong sinasabi na ang birthday niya ang ginawang code nito. Nagtataka siya dahil may dalawang sapatos ang naroon sa pinto ng condo nito. Isang pambabae at isang panlalaki. Bakit may sapatos na pambabae sa condo ni Liam? May kasama bang babae si Liam?
Kinabahan siya sa naisip. Habang kinakalma ang sarili ay dahan dahan siyang nagtungo sa kinaroroonan ng kwarto ni Liam. Nakabukas ng kaunti ang pinto non kaya sumilip na lang siya sa loob ng kwarto at kitang kita niya kung ano ang nangyayari sa loob na ikinagulat niya ng husto.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Dahil kitang kita niyang mainit na naghahalikan si Liam at ang student council president ng school nila na si Ella. Parang gumuho ang mundo niya ng mga oras na iyon. Paano iyon nagawa sa kanya ni Liam? Ano na ang gagawin niya?
That was the first time she got hurt and that was because of William Evans.
The first man she loved but broke her heart into pieces.