"MARRY me instead. Ako lang ang pwedeng mong pakasalan wala ng iba." Napatingin siya sa humila sa kanya at laking gulat niya nang makilala iyon.
"L-liam.." Tanging sambit niya sa pangalan nito. Nakatitig lang siya sa mga mata nito. Bakit parang mas lalo itong guwapo? "Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong niya rito.
Actually ay nakita na niya ito kanina na dumating sa event ngunit hindi niya ito pinansin dahil mas importante sa kanya ang plano niyang alukin ng kasal si Kean. Ito na lang kasi ang kilala niyang makakatulong sa kanya. At kailangan na niyang makahanap ng mapapakasalan sa lalong madaling panahon.
At ngayon ay pinigilan pa siya ng lalaking ito. Lagi talaga nitong sinisira ang mga plano niya. Ano na naman kaya ang gusto nito ngayon?
"I was invited here. Ikaw? Bakit nandito ka at inaalok ng kasal si Kean? Sa tingin mo ba ay magiging maayos ang pagsasama niyong dalawa gayong may ibang gusto si Liam? Masasaktan ka lang sa ginagawa mo Brea." Nakakunot noong tanong nito sa kanya.
Tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa baywang niya. "Ano naman sayo kung hindi maging maganda ang paagsasama namin? Hindi ba tumanggi ka na sa kasal na inalok ko sayo? Siya na lang ang kilala kong makakatulong sa akin. Kailangan ko na ng mapapangasawa sa lalong madaling panahon dahil palapit na ng palapit ang petsa ng kasal na itinakda ni daddy para sa akin." Sabi niya rito. Bakit na kasi ito nakikialam? Bakit ba big deal dito ang pag aalok niya ng kasal kay Liam?
Pero sa halip na sumagot sa tanong niya ay basta na na lang siyang hinila nito sa kung saan. Hanggang sa makarating sila sa parking lot ng venue ng event na iyon at sa pilitang pinasakay sa kotse nito.
"S-saan mo ako dadalhin?" Naaalarmang tanong niya. Bakit bigla na lang siyang nitong pinasakay sa kotse nito? Ki-kidnapin ba siya nito?
"Magpapakasal na tayo. Para hindi kung sino-sino ang inaalok mo ng kasal. Sumasakit ang ulo ko sayo." Sabi nito sa kanya.
"T-teka lang!" Pigil niya rito nang buhayin nito ang makina ng sasakyan nito. "N-ngayon na? H-hindi ka ba nabibigla lang?" Tanong niya rito.
Bakit bigla siyang kinabahan nang sabihin nito na magpapakasal na sila? Natatakot ba siya? Nagaatubili? Pero bakit? Hindi ba siya ang nakaisip ng ideya na iyon? Bakit ngayon na willing na si Liam na pakasalan siya ay parang gusto niya na mag back-out?
Nilingon siya nito. "Why are you asking that? Hindi ba ikaw ang may gusto ng kasal na ito? Don't tell me, aatras ka na?" Tanong naman nito sa kanya.
"H-hindi naman sa ganon pero kasi, ikaw yung tipong ayaw magpatali dahil na paka babaero mo. Kaya sinisiguro ko lang kung talagang sigurado ka ba na magpakasal sa sa akin." Palusot niya rito.
Sumandal ito sa sandalan ng sasakyan nito. "Honestly, I'm scared. I know, this is not a good idea but.." Lumingon itong muli sa dereksyon niya. "I don't like the idea of you marrying another man." Seryosong sabi nito sa kanya.
Hindi niya alam pero may bahagi sa isip niya na gustong isipin na baka may gusto pa rin ito sa kanya at ayaw nitong mapunta siya sa iba. Sa paraan nang pagkakatitig nito sa kanya ay parang may ibig sabihin ang mga sinabi nito sa kanya ngayon.
'Brea, don't believe him. He will just hurt you again, just like before.' Sabi naman ng munting tinig sa utak niya. Pero gusto niyang malaman kung bakit ayaw siya nitong maikasal sa iba. Para matahimik ang puso niyang umaasa.
"W-why?" Kinakabahang sabi niya rito dahil kinakabahan siya sa isasagot nito sa kanya.
"Dahil importante ka sa akin at ayokong matali ka sa lalaki na hindi mo gusto alam kong hindi maganda iyon. And pambawi na rin ito sa naging kasalanan ko sayo." Sagot nito sa kanya.
Ewan ba niya pero hindi niya nagustuhan ang sinabi nito dahil parang pinalalabaas nito na naaawa ito sa sitwasyon niya.
"Hindi mo kailangan na maawa sa akin. I know I'm desperate pero hindi ko kailangan may maawa sa akin." Tiningnan niya ito. "Lalung-lalo na kung ikaw yung taong naawa sa akin. Sayo na iyang awa mo!" Pagkasabi non ay basta na lang siyang lumabas ng kotse nito at nagtungo sa kinaroroonan ng kotse niya.
Bakit ba siya umasa na may gusto pa sa kanya si Liam? Mukhang hindi nga magandang ideya na alukin niya ito ng kasal. Dahil lalo lang umaasa ang puso niya na kahit papaano ay minahal siya nito.
"Brea!" Tawag ni Liam sa pangalan nya. Nakasunod na pala ito sa kanya
Nilingon niya ito."What?" Bored na sabi niya.
"Bakit ba lagi mo na lang mina-masama ang mga sinasabi ko? I just want to help you. Wala naman akong masamang intensyon." Sabi nito sa kanya.
"I told you, I don't need your pity. Kung papakasalan mo lang ako dahil na aawa ka sa akin. Forget it." Sabi niya rito saka binunksan ang kotse niya. Pero agad din namang isinara iyon ni Liam. Kaya galit na binalingan niya ito. "What's wrong with you?!"
"Ako dapat ang magtanong niyan sayo. Ano ba ang problema mo? Ako na nga ang lumalapit sayo para tulongan ka pero bakit ikaw pa itong galit?" Nakakunot ang noong tanong nito.
"I told you, I don't need your help anymore. Si Kean na lang ang aalukin ko ng ka-" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng bigla na lang nitong sinuntok ng malakas ang gilid ng kotse niya dahilan upang mayupi iyon. Hindi na siya nakapag salita dahil sa gulat.
"I won't let you marry Kean or anyone else. Ako lang ang pwede mong pakasalan." Pagkasabi non ay bigla na lang siya nitong inwan at nag walk out.
Galit ba ito? Ngayon palang niya nakita itong ganon. Ano ba ang kinaiinis nito?
Napailing na lang siya habang sinusundan ito ng tingin. Saka nilingon ang sasakyan.
Napabuntong hininga na lang siya habang nakatingin sa kotse niyang yupi ang gilid. Mukhang kailangan niyang magpaayos ng sasakyan.
-----
"NAPAKAGALING mo talaga prosecutor Alarcon. Isang galamay na naman ni San Agustin ang naipakulong mo." Sabi ni Martin kay Brea habang naglilipt siya ng mga gamit niya sa loob ng court room.
Katatapos lang kasi ng hearing kung saan siya ang tumayong prosecutor. Guilty ang naging hatol ng judge na may hawak ng kaso na iyon. Guilty ang hatol sa isa sa mga galamay ni San Agustin na siyang una na niyang naipakulong. Alam niyang marami pang galamay ito na malaya pa din at ang layunin niya ay ipakulong lahat ng sangkot kay San Agutsin.
"Ginawa ko lang ng maayos ang trabaho ko." Sagot niya rito. Tapos na siyang magligpit kaya tinungo na niya ang pinto upang bumalik na sa opisina nya. Ayaw niyang magsayang ng hindi pa tamang panahon. Alam niyang kumikilos na din ang iba pang galamay ni San Agustin at hindi niya mapapayagan iyon dahil maraming inosenteng bata ang napapahamak dahil sa iligal na ginagawa ng grupo nito.
"Don't tell me ay babalik ka pa ng opisina mo? Tapos na ang hearing mo. Pwede ka ng mag unwind ngayong gabi. Let's have dinner. Let's celebrate, It's my treat. " Sabi ni Martin na nakasunod pa rin sa kanya.. Napaka kulit talaga ng isang to.
Sinundan pa rin siya nito hanggang sa makapasok siya sa opisina niya. Pabagsak na inilapag niya sa table nya ang dalang mga papeles at hinarap ang binata. "Wala akong balak mag celebrate dahil hindi pa tapos ang kasong iniimbistigahan ko. ung gusto mong kumain sa labas. Iba na lang ang yayain mo." Sabi niya rito saka umupos sa swivel chair nya. Minsan talaga gusto na lang niyang manuntok ng katrabaho na makulit eh.
"That's what I like about you. Masyado kang focus sa ginagawa mo. Lalung lumalakas ang dating mo pag nagtatrabaho ka." Nakangiting sabi nito sa kanya. Mukhang malakas din ang sapak nitong isang to.
Sa sagot na sana siya nang bigalang bumukas ang pinto ng office niya at nagulat niya nang makita kung sino ang iniluwa niyon.
"Anong ginagawa mo rito Liam? Do you even know how to knock?" Nagtatakang tanong niya rito.
Tumingin muna ito kay Martin bago magsalita. "I'm here to pick you up." Sampling sabi nito habang nakatingin pa rin kay Martin. Mukhang tinatantya pa nito ang binata.
"Bakit?" Nagtatakang tanong niya rito. Naguguluhan siya sa sinasabi nito. Sa pagkakatanda niya ay wala naman silang usapan na susunduin siya nito at higit sa lahat ay paano nito nalaman kung saan siya nagtatrabaho? Wala naman siyang natatandaan na sinabi niya iyon kay Liam?
"Mommy wants to meet you. We have a family dinner tonight and she wants me to bring you there." Sabi nito na talagang hindi inaalis ang tingin kay Martin. Ano kaya ang problema nito kay Martin?
Pero mas nagtaka siya sa sinabi nito. "Bakit ako gustong makilala ng mama mo?" Muling tanong niya rito. Ano na naman bang kalokohan ng sinabi nito.
Doon lang siya tiningnan ni Liam. "Are you forgetting that you are my fiancé now? Gusto niyang makilala kung sino ang babaing papakasalan ko." Seryosong sabi nito.
Parang umakyat lang ng dugo niya sa ulo dahil sa narinig.
"You already have a fiancé?" Narinig niyang sabi naman ni Martin.
Si Liam ang sumagot dito dahil shock pa din siya sa narinig niya.
"You heard me right. Ms. Alarcon here is not available anymore." Sabi nito na parang nagyayabang pa.na lumapit sa kanya at inakbayan siya.
"I'm sorry I didn't know. If you'll excuse me." Sabi naman ni Martin at lumabas ng office niya.
"Talagang nagpapaligaw ka na kahit may fiance ka na?" Sabi ni Liam ng makalabas si Martin. Doon siya natuhan.
"Nababaliw kana ba? Bakit mo sinabi sa pamilya mo naa fiancé mo na ako?" Inis na tanong niya rito nang makabawi sa gulat. Parang gusto niyang magpagulong gulong dahil sa inis na nararamdaman niya. Ano ba ang pumasok sa kokote nito at sinabi nitong fiancé siya nito?
Umupo ito sa bakanteng upuan. "I have to tell them. Ayokong basta na lang magpapakasal nang hindi man lang nila nalalaman. Anyway that's normal. Ikaw itong may kasalanan sa akin dahil nagpapaligaw ka pa samantalang ikakasal na tayo." Sabi pa nito sa kanya.
Parang mas sumakit pa ang ulo niya ngayon kaysa noong pinag aaralan niyang yung kaso ni San Agustin. "Nakakalimutan mo na bang hindi na ako magpapakasal sayo?"
"I told you. Ako lang ang pwede mong pakasalan wala nang iba pa." Sabi pa nito saka tumayo. "C'mon, hinihintay na tayo sa bahay." Sabi nito saka basta na lang siya hinawakan sa kamay at hinila papalabas ng opisina niya.
Ni minsan ay hindi niya naisip na mami-meet niya ang family nito. Mukhang mali talaga ang naging desisyon niya na alukin ito ng kasal.