"SAY aahhh.." Masama ang tingin ni Brea nang inumang ni Liam ang ang kutsara nito sa bibig niya. Naiinis na talaga siya sa ginagawa nito. Sa ilang araw kasing pananatili niya sa bahay nito dahil sa natamo niyang injury nang nagdaang araw ay masahol pa sa baldado ang turing nito sa kanya. Samantalang maayos na naman ang kanyang pakiramdam. Kung hindi nga lang sabado bukas ay baka pumasok na siya sa opisina niya dahil tambak na ang trabaho niya. Pero dahil may makulit na lalaki siyang kasama sa bahay ay hindi niya iyon magagawa. At unti-unti na siyang naiinis dito. Gaya na lang nang ginagawa nito ngayon. Pilit siyang sinusubuan nito kahit kaya naman niyang kumain ng mag isa. Hindi niya alam kung ano ba ang nakain nito at ganito na lang ito sa kanya. "Ano ba Liam? Kaya ko naman kumain n

