bc

" "Nathaniel" (My Love My Hero)

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
adventure
love-triangle
others
arranged marriage
arrogant
highschool
royal
betrayal
addiction
seductive
like
intro-logo
Blurb

Na-trap si Mezie sa katusuhan ni Bel at sa obsesyon sa kanya ni Nathaniel.

Pero nang tumakas ang dalaga sa madrasta, sa mga bisig din ng binata siya bumagsak! At hindi niya akalaing si Nathaniel pa ang kanyang magiging knight in shining amour sa napipintong paghihirap.

Sa kabila ng pag-aalinlangan sa kanyang puso, kusang sumibol ang pag-ibig niya rito. Ngunit paano niya maaamin iyon sa binata, gayung malinaw na hindi totoong pag-ibig ang nadarama nito para sa kanya?

chap-preview
Free preview
Mezhie Megzie " Nathaniel" My Love My Hero
CHAPTER ONE Habang naghahanapunan ay nangingitngit ang kalooban ni Bel. Naiinis ito sa inaasal ng kasalo sa harap ng hapag-kainan. Panay kasi ang hikbi ni Mezie. Naaalala ang namatay na ama kaya panay ang singhot at punas ng luha habang kumakain sila. "Ano ba naman, Mezie?" sabi ni Bel sa boses na nagtitimpi. "Hanggang ngayon ba naman hindi pa maampat-ampat 'yang luha mo? Aba'y ilang linggo nang patay si Arman, a. Kung ganyan ka ng ganyan baka hindi matahimik ang kaluluwa niya. Masama raw na tinatangisan ng sobra ang taong namayapa na. Buti pa tigilan mo na 'yang pag-iyak at ideretso mo na 'yang sopas sa bibig mo," sumimangot si Bel. "Kanina pa yan malamig, durog-durog na nga sa kakahalo mo." Ipinagpatuloy na ni Bel ang pagkain. Pinahid Naman niya ang luha. Nauunawaan niya ang gustong mangyari ng Tita Bel niya. Gusto nitong kalimutan niya ang nangyari sa kanyang ama. Gusto nitong alisin na niya sa dibdib ang guilt na nadarama. At tuloy wag isipin na may kasalanan siya sa pagkamatay nito sa terasa. Pero hindi ko nagawa! sigaw ng budhi niya. Kasalanan ko! Inagaw ko ang pagsagot ng telepono kay Daddy. Kung hinayaan ko na lamang na siya ang pumasok sa bahay, ay di sana'y buhay pa ngayon si Daddy at kasalo ko rito! Malinaw pa sa isipan niya ang masayang pag-uusap nila ng hapong iyon at napakasakit noon tuwing maalala niya. "May gusto ka bang hilingin sa akin kaya naglalambing ka, Mezie. Baka gusto mo na naman ng bagong damit o kanya'y sapatos? Kayong mga mga babae, mahilig sa gamit. Tingnan mo na lang ang Tita Bel mo Dala na naman Ang credit card ko para pakyawin ang laman ng mga boutique at de-parment stores. Hindi na yata nagsasawa ang babaeng iyon sa kasa-shopping." Natawa siya. "Sobra ka, Dad. Hindi naman ako katulad ni Tita Bel. Alam mo namang minsan lang ako mamili at hindi ako materyosong tao." Yumakap siya sa leeg ng Daddy niya. "Kaya ako naglalambing sa'yo, e, dahil nami-miss kita." Napamaang Ang Daddy niya. "O, nami-miss mo ako?! Paano mangyayari 'yon, hija e, alam mo namang hindi ako umaalis ng bahay dahil dito sa kalagayan ko?! " itinuro ng Daddy niya ang mga putol nitong pas. Natigilan naman siya. Ayaw niyang maalala ang pagkaputol ng mga para nito at pagkamatay ng kanyang Ina sa isang vehicular accident. Ibinaling niya ang pansin sa dagat. Nasa likod-bahay sila. Sa terasa. Abot-tanaw ang malapad na buhangina at dagat sa kinatatayuan niya. Isang mansyon sa tabing-dagat ang tirahan nila at minana pa iyon ng Daddy niya sa Lolo niya. "E, hindi ka nga umalis ng bahay." may himig hinampong sabi niya. "Pero lagi ka namang nagkukulong sa studio mo. Wala ka ng iniintindi kundi ang mga blangkong canvas. Minsan inaabot ka ng Isang buwan sa loob na walang puwedeng umistorbo sa 'yo. Biglang nanulis ang kanyang nguso. "Imagine, kahit nga ako....anak mo na pero hindi pa rin makapasok sa studio mo kapag busy ka 't nagpipinta." Marahang tinapik ng Daddy niya ang kamay niya. "Hija, trabaho na sa akin ang mga ginagawa ko." turo sa binti nito. "Dito tayo kumukuha ng ginagastos natin. At pasalamat tayo sa Diyos dahil nakilala pa ako sa larangang ito bago mahuli ang lahat." Napamaang siya. "A-Ano 'ng ibig mong sabihin, Dad?! Nangiti Ang Daddy niya. Noon biglang nag-ring ang telepono sa loob ng bahay nila. At parang humihiyaw ito sa ingay upang maagaw ang atensyon nila. "Sagutin mo na muna kaya ang telepono, Mezie." suhestyon ng kanyang ama. " Baka si Jack 'yan. Baka may kailangan sa Tita Bel mo. Inis na tumingin siya sa loob ng bahay. Kung si Jack rin lang ang nasa kanbilang linya, ayaw na niyang sagutin ang telepono. Naiinis siya sa mayabang na anak ng Tita Bel niya! "Hayaan nalang natin, Dad . " sabi niya. "I'm sure, hindi naman importante ang ingay ng telepono ay muli niyang kinulit Ang ama. "Well ?" Nangiti ang Daddy niya. "Ano 'ng well?" I was nito. "Well, ano ba ang ibig mong sabihin kanina? Ang tinutukoy mo ba e, ang biglang pagsikat mo bilang painter kahit may edad ka na?" tinukso niya ang ama. "Hindi naman halata a. Baby face ka kasi at guwapo. Kung hindi ka siguro batang tingnan at guwapo, hindi ka papatulan ni Tita Bel." Napahalakhak ang kanyang ama. "Hindi 'yan ang tinutukoy ko kaya sinabi kong bago mahuli ang lahat, Mezie. Walang kinalaman ang edad ko sa pagsisikap at pagpupuyat ko gabi-gabi." Napahalukipkip siya at saglit na nag-isip. " Well, tell me about it? Ano nga ba ang nasa utak mo, Mr . Armando De Guzman? Bakit mo nasabing dapat tayong magpasalamat sa Diyos bago mahuli ang lahat? Napatitig sa kanya Ang Daddy niya. Sa pangingislap ng mga mata nito 'y alam niyang may mahalagang bagay na inililihim sa kanya. Excited naman siyang kulitin ito. Pero parang tukso ring nag-ring uli Ang telepono upang istorbohin sila. "I 'LL get it," sabi ng Daddy niya. Itinulak nito ang wheelchair. Pinigilan naman niya. " Huwag na Dad! Ako na!" harang niya Dito. "Basta dito ka lang, sasagutan ko lang kung sino ang istorbong ito at pagkatapos ay iha-hang ko na ang telepono." Nangiti ang Daddy niya. Ipinihit nito ang wheelchair at ang huling sulyap niya rito 'y tumigil ito sa punong hagdan sa may terasa. Kinabahan na siya. Ang hagdanang bato na iyon ay napakatarik. Paikut-ikot ang korte na parang ahas. Pababa sa buhanginan na patungo sa malawak na dalampasigan. Baka mahulog doon ang Daddy niya! Kinilabutan siya pero iwinaksi niya ang ganoong kalagim-lagim na trahedya sa isipan. At iyon ang pagkakamali niya. Pagkat ilang sandali lamang ay doon niya pinulot ang duguang bangkay ng ama. Hindi niya alam kung nagpakamatay ito o nawalan ng balance ang wheelchair kaya nahulog. Ang alam at natatandaan niya lang ng mga sandaling iyon ay ang malakas na tawag nito sa pangalan niya. Na batid niyang nagpapasaklolo. Kinabahan siya agad. Bigla niyang nabitawan ang telepono.Ang nasa kabilang linya ay si Bel. Tinatanong kung kumain na ba silang mag-ama. At kung may gusto ba silang pasalubong. Marami itong tanong. Ibig na nga sana niyang babaan ng telepono baka mainip ang Daddy niya pero sige pa rin ng kausap sa kanya. "Mezie?" narinig niyang tawag sa kanya ng Tita Bel niya. Nagtataka ito sa walang kakurap-kurap na pagkakatitig niya rito. Gusto niyang ibaling ang sisi rito. Kung di ka sana madaldal, Tita Bel.... Kung di sana tumawag ng mga oras na iyon at di mo ako kinausap ng matagal..... "Mezie?" Kasalanan mo rin ang pagkamatay ni Daddy..... Hindi mo naman kami naaalala kapag nasa labas ka. Bakit pinili mo pa ang araw na iyon para bigyan kami ng importansya?.... "Mezie?" yugyog na sa kanya ni Bel. Bigla naman siyang napakislot at bigla na lang humagulgol. "Susmaryosep!" bulalas ng Tita Bel niya. "Ang akala ko 'y nasisiraan ka na ng bait!" Biglang tinawag ng Tita Bel niya ang katulong nila. "Luz! Luz!" "Po?!" sagot naman ng may edad ng katulong mula sa kusina. "Ano po 'yon Ma'am Bel?" lapit nito sa kanila. "Samahan mo si Mezie sa kanyang kuwarto. Magpapahinga na siya. Dalhan mo siya ng gatas at pagkatapos tawagan mo si Dr.Carpio." Bigla siyang tumutol. "Tita Bel, h-huwag na. Okey na ako," bigla siyang tumayo pero nabuway. Napatili ang katulong nila ng saluhin siya. Bakas na ang galit sa mukha ni Bel ng muling magsalita. Mamatay ako sa nerbyos sa 'yo, Mezie. Kaya sa ayaw at sa gusto mo'y tawagan ko na si Dr. Carpio. Mabuti nang matingnan ka niya. At mabuting mabigyan ka niya ng sleeping tablets." Mataray na tinaasan nito ng kilay ang katulong na nakikinig sa kanila. "Ayoko ng may kasama ako ritong himatayin." Baling din sa kanya pagkuwa. "At lalong ayoko ng may kasamang natutulala at bigla na lang iiyak. Baka mauna pang masira ang ulo ko sa pag-aalala! Pagkasabi noo'y tumalikod na si Bel. At narinig nilang nagda-dial na ito sa telepono. Walang nagawa si Mezie kundi tumalima. Hindi na nakipagtalo sa pangalawang asawa ng Daddy niya. Natatakot ito dahil baka bumigay ang isip niya. CHAPTER TWO WALANG simpatiyanh madama si Bel para kay Mezie. Matigas ang puso ng babae. Habang tinitingnan si Mezie ng duktor ay blangko Ang ekspresyon nito sa mukha. Totoong ayaw nitong maloka ang anak ni Armando. Pero pansamantala lamang dahil makakasira iyon sa pinaplano nito. Ang pagkakaalam kasi ni Mezie ay walang naiwan ang ama nito ng mamatay kundi ang mansyon. Ang hindi alam ni Mezie ay puno ng mamahaling painting ang attic. Doon nakikita ni Bel na itinatago ni Armando ang mga ipinipinta. Ang secret door kasi ng attic ay nasa loob ng studio nito. Nang puntahan nila ni Jack ang attic pagkaraang mailibing si Armando ay nalula sila sa magagandang painting na pinagtiyagaan pa ni Armando 'ng takpan ng karton isa-isa. At bakit hindi? Magkaano na ba ang presyo ni Armando? Kung susumahin ni Bel sa kanyang paningin ang napakaraming painting sa attic ay close to seven million lahat iyon. Ipagpalagay nang maibenta nila iyon ni Jack sa halagang limang milyong. Milyon pa ring maliwanag ang mapagbibilhan niyon! Ibig mangiti ni Bel. Maganda ang naging bunga ng mga katusuhan niya. At nagiging hustler na siya sa larangan ng pagpapa-ibig at panggagantso. Noong una'y si Rancho. Ang kanyang unang asawa. Nakuha rin siya ng kulang-kulang tatlong milyon sa lalaki, jasama ang pinagbilhan niya ng maliit na bungalow nito. Sumunod ay si Marvin. May-ari ng travel agency. Malaki-laki sana ang naiwan sa kanya ni Marvin kung hindi nakihati ang legal na asawa nito. Katulad niya 'y wala rin palang kaluluwa si miss! At ngayon si Armando. Ibig na talagang mangiti ni Bel sa isiping naka-jack pot sila ni Jack sa isang ito. Huwag lang magkakabisala ang kanilang plano. At iyon ang titiyakin ni Bel 'ng hindi mangyayari. Kailangan nila ni Jack ng puhunan para maging big time sa larangan ng panloloko. "Bel," tawag sa kanya ni Dr. Carpio. "Okey na si Mezie. Tama ka, napagod lang ang katawan niya sa sobrang pag-iisip. Rest lang ang kailngan niya at paglilibang. Bahala ka na, Bel. Narito ang reseta para sa gamot niya." Kinuha ni Bel ang papel na inabot ng ductor. Nagtama ang daliri nila. Naramdaman kaagad ni Bel ang pagkailang ng biyudong duktor. "Do you mind kung tawagin na lang kitang Greg?" Namumulang umiling ang duktor. "Aba, h-hindi.... I mean, okey lang!" nakangiting sabi ng duktor. Biglang ginagap ni Bel ang nanlalamig na palad ng duktor. "Salamat, Greg. Ihahatid na kita sa pinto." alok ni Bel. Tumango naman ang duktor. Nag-usap pa sila tungkol kay Mezie. Maya-maya'y hatid tanaw na ni Bel ang duktor. Naglalaro na naman sa isip ni Bel ang isang bagay biyudo ang duktor. Alam niyang mayaman at galing sa angkan ng may mga lupain. Kung hindi siya nagkakamali sa kanyang pagsusima, mahigit pa sa twenty million ang presyo ng duktor na ito. " Not bad," naisatinig ni Bel. "Not bad at all!" matamis na halakhak nito pagkatapos. SAAN ka ba galing?" galit na tungayaw ni Bel kay Jack. Kausap ni Bel ang lalaki sa loob ng masters bedroom. Kakarating lang nito at inumaga kung saan. "Nasabit ako," maikling paliwanag ni Jack. Anyong maghihibad ng pang-itaas na damit ng pinigilan ni Bel. "Huwag ka ritong maghubad! Baka mapasukan tayo ng katulong!" Napatitig si Jack kay Bel at unti-unti napangisi. "O, ano bang ikinatatakot mo? Wala na naman si Armando, a. At 'yung anak naman niya 'y tulog na tulog sa kabilang kuwarto." Ipinagpatuloy ni Jack ang paghuhubad. T-shirt, pantaloon, pati brief. Napalunok si Bel sa kabuuan ng lalaki na di hamak na mas bata sa kanya ng ilang taon. Hindi totoong anak niya si Jack. Lover niya ang lalaki. Napulot sa isang gay bar noong totoy pa lang at nagsisimulang magbenta ng laman. Bago mababoy ng iba ang lalaki, inalagaan na niya. Pinahpala. At lahat ng balang naisin nito 'y ibinibigay niya kapalit ng kamunduhang ipinagkakaloob nito sa kanya. Nilapitan ni Bel ang lalaki. Inikitan sa likod. Hinawakan sa beywang. Hinalikan sa leeg. Sa mga dantay ng kamay at banayad na halik ni Jack, nalulusaw ang katigasan ng puso ng matrona. Nang saluhin ni Jack ang magkabilang dibdib niya at marahas na haplusin ay bumigay ang katinuan niya. Bumagsak sila sa kama at buong init na tinighaw ang pananabik sa isa't isa. Makalipas ang mahabang sandali ay nakasubsob na sa dibdib ni Jack si Bel. Nilalaro na lamang ng dila at labi ang balahibuhing dibdib ng lalaki. "Ano na ngayon ang balak mo, honey?ILang linggo nang patay si Armando. Kelan ba natin kukunin ang parte natin?" Tumigil si Bel sa ginagawa. Nakangiting umusad pataas upang matitigang mabuti ang mukha ni Jack.Para kay Bel, napaka-simpatiko ng lalaki.Mapupungay ang mga mata nito at napakatangos ng ilong. "Huwag kang mainip. Anyway, wala namang alam si Mezie tungkol sa mga painting na nasa attic. Maibebenta natin iyon paisa-isa ng di niya namamalayan." "E, itong bahay? Sayang din ito." sabi ni Jack. "May ten million kaya ito? Malawak naman ito, di ba? Kasama pa ang buhanginan diyan sa likod-bahay." Bumalikwas na si Jack at nagsigarilyo. "Kung maibebenta natin kasama ng painting, magpahinga muna tayo. Gusto kung mag-tour. Doon naman sa medyo malayu-layo. Lagi na lang Taiwan at Singapore ang napupuntahan natin." Nagbuntung-hininga si Bel. Tumayo at nagsuot ng roba na nakasampay sa silya. "Sige, kung saan mo gusto. Pero on one condition..." baling niya rito na nangingiti. "Tapusin na muna natin ng malinis ang mga plano natin bago kita pagbigyan." "Walang problema. Ano ba ang Plano mo?" Nag-isip kunwa si Bel. "Papakasalan mo muna si Mezie. Tapos sisirain natin ang ulo. Ipakukulong natin sa mental. At pagkatapos,libre na tayo." Nanahimik si Jack. Pinagmasdan naman ito ni Bel. At ibig matawa ng babae sa hitsura nito na kunwa'y tinitimbang Ang sinabi niya. Kilalang-kilala niya ang lalaki. Sa kama lang ito magaling. Pero walang laman ang utak nito. Parang murang niyog na puro sabaw. "Okey, I agree," sabi nito pagkuwa. Of course, you imbecile! Ikaw pa ang hindi sasang-ayon sa akin? Hindi na nagawang pagtawanan ni Bel ang lalaki. Nahagip nito ang tali ng roba niya. Hinila siya. Minasdan ang bahaging ibaba ng katawan niya na nakahantad dito. Nang isubsob ng lalaki ang labi sa bahaging iyon na natatakpan ng pinto at malagong balahibo ay nabali ang likod niya at umangat ang mukha niya upang suminghap ng hangin. Halos mabaliw si Bel. Mawala na naman ang katinuan ng isip dulot ng sensasyong umaalipin sa kanya. Sunod-sunod ang kanyang buntong-hininga. Na sinundan na nang malalakas na pag-ungol ng muling hatakin ng lalaki ang balakang niya pababa. Dinig ni Luz sa labas ng kuwarto ang kakatwang ingay sa loob. Kakatukin sana ang pintuan ni Bel upang palitan ang sapin ng kama nang matigilan. Kumunot ang noo ng katulong. Idinikit ang tenga sa pinto. Nang hindi masiyahan. Nanilip sa siwang ng susian ng pinto. "Hesusmaryosep!" biglang nanlaki ang mga mata nito. Nahuli nito ang dalawa sa akto! Kinilabutan ito. Hindi ba't mag-ina si Bel at Jack?.... E, bakit nagtatalik ang mga ito! Muling nanilip ang katulong. Pagkuwa'y buong ingat nang lumayo. Nagsumbong si Luz sa asawa na noo'y nagpapahinga sa folding bed sa may garahe. Hindi naman makapaniwala si Mang Tomas na family driver ng mga De Guzman. Malabo kasi ang mata ng asawa baka namamalikmata lang ito sa nakita. "Pero kitang-kita ko," insist ni Luz. Far sighted ako kaya malinaw sa mata ko ang ginagawa ng mag-ina!" "Shhhh!" saway ni Mang Tomas sa papataas na boses ni Luz. "Huwag kang mag-histerya at baka marinig tayo." Pagkuwa 'y natahimik si Mang Tomas. "O, ano?" tapik ni Luz sa balikat ng asawa. "Bakit bigla kang nawalan ng kibo diyan?" "Nag-iisip ako," sabi ni Mang Tomas. "May kutob akong hindi mag-ina si Bel at Jack. Noon ko pa napansin 'yon, e." "May nakita ka na bang kakatwa sa kanila?" "Wala Naman," iling ni Mang Tomas. "Bihira ko naman silang makitang magkasama." "E,ano ang napapansin mo?" Nagbuntung-hininga si Mang Tomas. "Iyong agwat ng edad nila at iyong mga hitsura nila." napatingin si Mang Tomas sa asawa. "Hindi mo ba napupuna? Na wala man lang pagkakahawig ang dalawa?" EAGLE Finance Corporation. Kausap ni Nathaniel ang imbestigador na inuupahan niya. Sinadya siya nito sa opisina dala ang larawan ni Bel noong ikasal ang babae sa isang negosyante. Isa ang tumawag sa pansin ni Nathaniel. Ang larawang iyon ay kuha sa harap ng altar. Nakasingit sa larawan, sa likod ng bagong kasal ang mukha ni Jack. Biglang kumunot ang noo ni Nathaniel. "Dito sa anak ni Bel, wala ka bang nakuhang impormasyon?" tanong niya sa imbestigador. " Kahina-hinala rin sa akin ang karakter nitong anak niya." Kinuha ng imbestigador ang larawan na hawak ni Nathaniel. "Wala siyang record sa NBI. Malinis ang Jack na 'yan. As for Miss Maribel F Smith alyas Bel. Ang asawa niyang ito na si Rancho ay namatay sa isang freak accident. Namatay sa carbon monoxide sa loob ng garahe. Naabutan nila na umaandar pa ang makina ng kotse nito habang na nakalungayngay ang ulo sa manibela. Ang akala nga ng mga sumaklolong katulong, inatake sa puso. Iyon pala 'y na-suffocate." "Asan si Bel nang mga oras na iyon?" Ngumiti ang imbestigador. Inihagis ang larawang hawak at inunat ang katawan sa silya. "May alibi si Bel. Nasa kuwarto. Mahimbing na natutulog dahil uminom ng sleeping pills." Fantastic!" sabi ni Nathaniel. "Matindi ang kanyang alibi! Sino nga naman ang maghihinala na si Rancho ay sinadya niyang patayin?" Kumunot ang noo ng imbestigador sa biglang pagbabago ng ekspresyon niya. Bigla na lang nangalit ang kanyang mga ngipin at bigla na lang nagbaga ang kanyang mga mata. Pinagmasdan din nito ang pagtanaw niyang minsan sa mga larawan bago ihagis ang mga 'yon sa sahig! Hindi natigatig ang imbestigador. "May hinala ka bang hindi aksidente ang pagkamatay ni Rancho Garcia?" kaswal pa ring tanong. Huminga ng malalim si Nathaniel. "Katulad ni Armando sa hagdan sa likod-bahay nila!" Natigilan ang imbestigador. Samantla 'y napatayo na si Nathaniel sa kinauupuan. Dumako siya sa floor-to-ceiling window. Kinokontrol ang emosyon. Halo ang galit niya at kalungkutan sa pagkamatay ng kaibigang pintor. Matagal na niyang kilala si Armando. Kaibigan iyon ng kanyang ama. Nang mamatay ang kanyang ama limang taon na ang nakakaraan, kay Armando siya nagbubuhos ng mga sama ng loob at problema. Parang ikalawang ama na niya si Armando. Pero higit niya itong kinapitan bilang isang matapat na kaibigan. At masakit.... masakit na masakit para sa kanya ang mawala ito ng maaga sa buhay niya! "Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalulutas ang misteryo sa pagkamatay ni Armando." Sinulyapan niya ang imbestigador. " Malakas ang kutob ko na pinatay siya ng mag-ina." Biglang nangiti ang imbestigador. "May kutob din ako. Pero hindi ko mabuo ang motibo ni Bel dahil una sa lahat....Bakit niya papatayin si Armando kung ang halaga lang ng mansyon ang habol niya?" Napangisi si Nathaniel. "Sa klase ng tanong mo, nasisiguro kong may kaso tayong dapat lutasin. At ang una nating dapat alamin, James....ay magkaano talaga ang halaga ng kaibigan kung si Armando De Guzman?" Nangislap ang mga ng imbestigador. Na-e-excite ito sa tinatakbo ng imbestigasyon nito. Lumalalim kasi ang simpleng kaso ng babaeng namatayan lang ng asawa at maagang nabiyuda! PAGKARAANG kausapin ang imbestigador, pinuntahan ni Nathaniel ang mansyon ng mga De Guzman. Nag-alala si Nathaniel Kay Mezie. Beinte lang si Mezie, tahimik at walang kaibigan. Laging nagkukulong sa kuwarto. Walang malay sa mundong magulo at marumi ang dalaga ni Armando. At kasalanan ni Armando ang sobrang pag-iingat at pagmamahal. Kahit na nga siya na kaibigan nito 'y hindi makalapit sa dalaga "Not my only daughter, Nathaniel," nakangiti pero bakas niyang may takot na biro ni Armando. " Kilala kita pagdating sa babae, at ayokong lumuha sa iyo ang aking anak." "Hindi ako cradle snatcher, Armando. Hindi ko balak ligawan ang anak mo. At isa pa, wala pa sa loob ko ang sumeryoso sa pag-ibig." Naririnig ni Mezie ang usapan nila. At sinadya niyang iparinig rito ang usapan nila para huwag mailang sa kanya ang dalaga. Dahil tuwing dadalaw siya kay Armando, parang nakakakita ng isang taong may ketong si Mezie. Mabilis itong iiwas at hindi na lalabas ng kuwarto upang makausap man lang niya. Inaamin niyang mas bata si Mezie sa kanya at twelve years ang tanda niya rito. Pero hindi naman iyon halata dahil maingat maingat siya sa katawan niya at mukha siyang beinte cinco lang Hindi dapat mailang si Mezie sa kanya. Gusto niyang magkalapit sila ng dalaga. Gusto niya ito. At unang kita pa lang niya ay parang gusto na niyang ikulong sa mga palad niya ang inosenteng mukha nito. Gusto niyang ariin si Mezie. Ang mapupulang labi nito,ang matangos na ilong, ang kulay abong mga mata na minana ni Mezie sa Italyanang asawa ni Armando. Napakaganda ni Mezie sa paningin niya.Napakalinis.Napaka-inosente. At ito ang klase ng babaeng gusto niyang mapangasawa. Dahil alam niyang ni dulo ng daliri ay hindi pa nahahawakan ng kahit sino. Kahit na nga ng mukhang hitong anak ni Bel! Namula ang mukha ni Nathaniel sa galit ng maalala si Jack. Diskumpiyado siya sa kara nito. Mukhang hindi gagawa ng matino. Huwag na huwag lang nitong masasaling si Mezie at baka manghiram ito ng mukha sa Akin si Mezie, sa loob-loob ni Nathaniel. Kung magagawa ko lamang na takpan siya ng belo mula ulo hanggang paa 'y ginawa ko na.... Hindi ako makapapayag na madungisan siya. Lalo pa siguro ang mapunta siya sa iba! Sinapit ni Nathaniel ang mansyon ng mga De Guzman. "Si Nathaniel... h-hindi ba si Nathaniel ang dumating na iyon, Tita Bel?" Umupo si Mezie sa tabi ng kama niya. "Si Nathaniel nga, at ewan ko ba kung ano pa ang ipinupunta-punta ng lalaki g iyan dito? Patay na naman si Armando. Dapat ay manahimik na rin siya!" "Tita Bel!" Nagulat siya sa tinuran ng babae. Ngumisi naman ito. "O, hindi ba tama naman ako? Ano pa ba ang interes niya dito sa mansyon, Mezie? Alam ko namang hindi mo siya gusto kahit magkandarapa pa siya sa iyo." Nilaro ng daliri ni Bel ang burda sa cover ng kama. "Ang hirap sa lalaking iyan, masyadong makapal ang mukha!" Namilog ang mata niya. Parang hindi niya gusto ang biglang pakialam ni Bel sa buhay niya. Hindi ito dating ginagawa ni Bel noong nabubuhay pa ang Daddy niya. "Gusto niya lang siguro akong bisitahin, Tita Bel, at wala namang masama roon. Kahit ipagpalagay pa nating hindi ko siya gusto." Nagpanting agad ang tenga ni Bel. "Ako ang magsasabi kung sino lang ang puwedeng bumisita sa 'yo, Mezie. Mula sa araw na ito, ako na ang masusunod sa Bahay na ito!" Napamaang si Mezie. Tama ba ang mga salitang naririnig niya? "At sino ka?" inis na tanong niya. "Ano ang karapatan mong pakialaman ang buhay ko? Asawa ka lang ng Daddy ko, Tita Bel. Baka nakakalimutan mong asawa ka lang at anak ako!" Natigilan si Bel. Hindi niya akalaing ang tatahi-tahimik na anak ni Armando ay may boses. Tumayo si Bel. Kuyom ang mga palad. "Pasalamat ka nga at naging anak ka ni Armando. Dahil kung naging anak lang kita, kanina ko pa pinadugo ang bibig mo." Tumalikod si Bel at tigagal si Mezie sa inasal ni Bel sa harapan niya. Batid niyang may pagka-prangka at may katarayan si Bel pero hindi niya akalaing bukod roon ay may natatago itong sungay sa noo! Tumigil si Bel sa may pinto. "Sige, magpapahinga ka na. "Ayokong magalit sa akin si Jack, Mezie. Baka sabihin niya sa akin, pinapabayaan kita!" Napamaang si Mezie. Biglang umasim ang mukha. Si Jack? At bakit? Ano rin ba ang pakialam ni Jack sa kanya? Sino ba si Jack sa buhay niya? Nahihibang na yata ang Tita Bel niya.... O baka tamang sabihing nahihibang na ang mag-ina! Pagkuwa'y napasalampak siya sa kama. Nauwi sa pagkabalisa ang inis niya. Kinabahan siya. Dama niyang may hinahabing kalokohan ang mag-ina.... kung wala 'y hindi siya pahahagingan ni Bel ng ganoon. Pero ano nga ba ang kahulugan noon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook