Kabanata 21 [Alexa] Pagkatapos niyang bitiwan ang mga salitang tila nagpabaligtad ng mundo ko, nakahawak pa rin ako sa mga labi ko hanggang sa makaalis siya. Labing-dalawang oras. Hindi ko alam kung saan pa ako nakakuha ng lakas para makarating sa canteen at makabili ng pagkain ni Zayne ng maayos. Pakiramdam ko ay kusang naglalakad na lang ang mga paa ko pabalik sa clinic. Pagdating ko sa tapat ng pintuan ng clinic, wala na yatang sapat na lakas ang mga kamay ko dahil hindi ko mapihit ng maayos ang seradura at hindi ako makapasok. Mabuti na lang at bumukas ito dahil may lumabas na nurse kaya nakapasok ako. Ganon pa rin ang posisyon niya. Kung paano ko siya iniwan kanina ay ganon ko rin siyang nadatnan. Inayos ko sa lamesa ang pagkaing binili ko at saka ako lumapit sa kanya. "Kumain

