Kabanata 22 [Alexa] Hinigpitan ko ang hawak ko sa cellphone ko. "Bigyan mo pa ako ng ilang araw," (Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo, Dria. Hindi lang ikaw kundi pati si Zayne. Sa tingin mo ba magiging manhid siya habang pinagpapatuloy mo ang pakikipaglapit mo sa kanya? Para mo siyang pinapatay ng dahan dahan,) Mariin akong napapikit. Napakasama kong tao. I'm destroying a great man! "Pero kailangan niya ako ngayon. Hihintayin ko lang siyang bumalik ng Maynila bago ko sabihin sa kanya. Pagbigyan mo na ako, Dwane, please?" narinig ko ang malalim na buntong hininga niya mula sa kabilang linya. ('Wag mong sabihing hindi kita binalaan, Dria. I don't want you get hurt in the end so you better make the right decision. I'm telling you, hindi basta basta ang papasukin mo. Kapag i

