Kabanata 13 [Alexa] He offered me his hand which I gladly accepted. Inalalayan niya akong tumayo. Pinahid niya ang mga luha ko sa pisngi at saka pabirong pinisil ang ilong ko. Pagkatapos ay inakbayan nya ako at humarap kami sa puntod ni Kyle. "Bro, kamusta ka na d'yan? Kita mo itong pinakamamahal mo? Gusto nang sumunod sa'yo oh. Baliw talaga kayong pareho kaya hindi na ako nagtataka kung bakit nagkasundo kayo at tumagal ng ilang taon. Multuhin mo nga mamaya at sabihang manlalaki na sa Maynila. Ang tibay hindi pa rin maka-move on sa'yo. Ang gwapo kasi ng lahi natin kaya siguro ganon. Well, hindi na natin kasalanan ang maging pinakagwapo sa balat ng lupa sabi mo nga." binatukan ko siya pagkatapos niyang magsalita. "Sira ulo!" Hinimas himas niya ang parteng hinampas ko. "Narinig mo iyo

