Kabanata 14 [Alexa] Walong oras ang naging byahe ko bago nakabalik ng Maynila. Pagdating ko sa bahay ay ibinagsak ko kaagad ang katawan ko sa kama. Pagod na pagod ako. Sinilip ko ang oras mula sa wall clock kong nasa kanan. 9PM. Sakto lang pala. Tumayo ako at kumuha ng cup noodles sa kusina at nilagyan ng mainit na tubig. Tinatamad na akong magluto kaya ayos na ito. Pagkatapos kong kumain ay naglinis na ako ng katawan at bumalik sa kwarto. Lumipas ang weekends ko na nasa loob lang ng bahay. Hindi ako lumabas at nagkulong lang talaga ako sa loob. Laptop lang ang laging kong kaharap. Pagpasok ko nang Monday ay marami pa ring booth na nagkalat sa buong campus dahil sa intrams nga namin. Pagtungtong ko pa lang sa building namin, ramdam ko na agad ang sunod na tingin ng lahat sa akin. Pro

