Chapter 19 "Good Morning, Ash!" bati nila sa akin kaya ngumiti ako, nagtataka ako kung bakit hindi man lang sila nagtanong. Hindi ko na lang inintindi 'yon at sinulyapan si Cayden, nakangiti siya ngayon. Okay na siya? "Good morning, Cayden!" bati ko sa kaniya kaya napawi ang ngiti niya at napunta iyon sa pag-aalinlangan na ngiti. "Hello!" bati niya sa akin pabalik kaya ngumiti ako. Okay na kami! Siguro may problema lang talaga siya nung nakaraan. "Oh! Andyan ka na pala!" "Bakit ang tagal mo!?" "Natraffic ka?" Napatingin ako sa harap dahil sa pagbati nilang 'yon. Laking gulat ko nang makita kung sino ang nando'n! Ang impostora... Umusbong ang galit sa puso ko kaya agad akong tumayo at pumunta sa gawi niya isang malakas na sampal ang binigay ko sa kaniya. "Ash! Anong ginagawa mo!

