Simula
Simula
I sighed as I looked at my new school. The green gate is too large, panigurado pati sa loob ay malaki. Galante ata ang may-ari ng skwelahang ito. Nilibot ko ang aking paningin. Mukhang maganda naman dito mag-aral.
I felt joy and excitement but there was a mixture of nervousness, wondering what will could happen to me here. Baka mamaya ay may sumapak na lamang sa akin dito.
"Hoy!" malakas na batok ang nakuha ko mula kay kuya Van. Parang lumindol. Tiningnan ko lang siya nang masama, as in masamang masama.
"Anong nginunguso-nguso mo dyan. Pumasok ka na nga roon! Dukutin ko 'yang mata mo eh!" Inirapan ko lang siya at tumakbo na papasok ng eskwelahan.
Bahala siya dyan! kala niya ha! batukan pa naman ako!
"Abat, hoy! Ikaw talagang—mamaya ka sa bahay pag-uwi!!" narinig ko pang sigaw niya, ayy oo nga wala pa rin akong takas. Ngumuso na lang ako at tinigil na ang pag-takbo ko, hindi maman na ako susundan no'n.
Nakakainis talaga ang lalaking 'yon. Siya si kuya Van, guwapo at habulin iyon ng mga babae pero pangit pa rin sya. Kidding, gwapo siya like daddy. Sobrang hangin nga lang minsan.
Naiinis ako sa kanya minsan kasi masyado siyang sumbungero lahat na lang ng galaw ko eh sinasabi niya kilala mommy. Kaya ito ako ngayon hinahanap ang panibagong classroom ko.
Nasaan ba kasi dito ang Section Sea?!
Nakakainis kanina pa ako tingin nang tingin sa buong kapaligiran. Eh kung magtanong kaya ako? Good idea self! May utak din naman pala ako minsan.
"Ate saan po rito ang— " hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay sumigaw na ito.
"Ano ba?! 'Wag ka nga sa akin magtanong!" aba highblood si Ate nagtatanong lang naman, Anong masama roon?
By the way, kaya pala ako nalipat ng ibang school dahil nanaman sa katarantaduhan ko, ewan ko ba sa sarili ko lagi na lang ako napaaway.
Sila naman ang nangunguna mang-away kaya pinapatulan ko tapos sa huli sila ang kawawa at bugbog sarado habang ako walang sugat miisa o kahit anong galos kaya ayun ako ang nasisisi na nauna sa huli. Hindi ako mangaaway kung hindi nila ako aawayin, tch!
Kababae ko raw tao ang hilig ko sa rambulan, pake ba nila.
"Aray!" napadaing ako dahil sa pagkabangga sa akin ng isang lalaki. Tiningnan ko iyon nang masama, diretso lang ang takbo niya.
Aba! Walang manners!
"Bilisan niyo! Parating na si sir!" sigaw niya at sunod sunod na lalaki naman ang paparating kaya gumilid na ako baka wala rin silang manners.
"Bakit ba excited na excited ka!?" natatawang sigaw ng isang lalaki doon sa nakabunggo sa akin, ngumisi lang siya at tumakbo na ulit.
"Paanong hindi magiging excited eh may panibagong bubugbugin!" gulantang akong tumingin sa kanila.
Grabe naman! Bubugbugin? So may mga nambugbog dito ganon? Ayos 'yun! pero hindi ko maiwasang kabahan. Baka bugbugin ako dito? Mga gangster ba ang nandito? Bakit naman kasi ako pinasok dito eh!
"Ready sana ang katawan ng Ash na iyon, paniguradong puro pasa ang katawan niya pag uwi. Section pa naman natin ang pinili." napalunok ako, so ka-section ko sila? at ano raw bubugbugin nila ako?!
Kababae kong tao bubugbugin nila? Siraulo ba sila? Pumapatol naman ako sa lalaki pero sa dami nilang iyan? Aba isa isa lang pwede naman atang mag request!
Napagpasiyahan kong tanungin sila. Maninigurado lang ako para ready mamaya. Patakbo kong hinabol ang limang lalaking naguusap kanina. Hinablot ko ang isa sa kanila dahilan para mapatingin sila sa akin.
"Anong kailangan mo?" maangas na tanong ng isa at pabalibag na tinanggal ang kamay ko sa uniporme niya. Kala mo kapogian isa rin namang unggoy!
"Taga Section Sea kayo?" ginamit ko ang mahinhin kong boses, ewan ko pero natatawa ako sa tuwing ginagamit ko ang boses na ito.
"Oo, bakit?" maangas ulit na tanong at sagot ng hinablot ko kanina. Aba ang angas ah! sarap sapakin.
"Wala lang," sagot ko at tumalikod na.
Confirmed! Bubugbugin nila ako! Ako lang naman ang transferee rito eh! Itutuloy ko pa ba ang pagpasok ko? Siguro naman ata ay hindi sila nanakit ng babae? Sana.
Sinundan ko sila, hanggang sa pumasok sila sa isang classroom. Huminto muna ako saglit at malalim na huminga. Anong gagawin ko? Papasok pa ba ako?
Sa huli ay napagpasiyahan kong pumasok pa rin. Nasa labas pa lang ako ng classroom ay rinig na rinig ko na ang ingay nila, nakakabingi.
Sumilip ako roon at pumasok na. Bahala na si batman! Pagpasok ko ay akala ko meron teacher na nagtuturo pero wala! Wala akong nakita kung hindi sila lang.
Bigla silang tumamahimik sa biglang pagpasok ko. Napataas sila ng kilay at tingnan ako mula ulo hanggang paa. Kinabahan ako ang sama ng tingin nila sa akin.
Mamatay na ba ako? Katapusan ko na ba? Gosh, hindi pa ako handa!
"Good morning, Section Sea!" guminhawa ang loob ko dahil sa pagpasok ng teacher na lalaki, hindi pa siya katandaan mukhang binata pa si Sir.
Tumingin ako sa kanila napaatras ako dahil titig parin sila sa akin. Wala naman ata akong utang sa kanila diba? Makatitig wagas! Kala mo may inutang ako.
"Sir, balita ko may transferee raw ah!?" nakangising tanong ng lalaki.
"Anong binabalak niyo?" seryosong tanong ni sir.
"Dating gawi sir parang hindi ka naman nasanay! Nasaan na ba yung Ash na iyon ng maumpisahan na ang pambubugbog!" sigaw ng nakabangga ko kanina, napataas ako ng kilay.
Yabang, ang liit liit naman.
"Sino nga pala 'yan, Sir!?" tanong ng isa sa kanila habang turo turo ako. Napalunok sa kaba. Bwiset! Napatingin ako sa kanilang lahat ganoon na lamang ang gulat ko dahil sa bukod sa konti lang sila, puro lalaki pa.
"Baka naligaw lang!"
"Chicks pa naman!"
"Bawal may ibang studyanteng umaapak sa classroom natin!"
"Naligaw lang 'yan!"
"Paano siya maliligaw?"
"Malamang transferee! Bobo talaga kayo!" sigaw ng isang lalaki na nakapagtahimik sa kanilang lahat. Si Sir naman na umiinom ng tubig ay napatigil.
"Bakit kayo tumahimik? May nasabi ba akong mali?" inosenteng tanong nito. Agad siyang binatukan ng katabi niya at may binulong.
"I-Ikaw ang transferee, hija?" tanong ng teacher kaya tumango tango ako sa kanya.
"Are you sure, hija?" tanong niya, tango lang ang sinagot ko. Ayaw kong magsalita!
"Siya 'yon?"
"Siya si Ash?"
"Kala ko lalaki!"
"Ako rin kala ko riin!"
"Bubugbugin ba natin 'yan?"
Napalunok ako sa huling nagsabi no'n. Bubugbugin ba nila ako? A-Ako na babae? Bubugbugin nila? Ayos lang ba sila!?
"Kakausapin ko lang ang principal tungkol dito. Maupo ka muna roon, hija!" sambit ni sir na kinabigla ko.
Ha? Iiwan ako ni sir? Iiwan ako?! Nababaliw na ba siya? Baka bugbugin ako ng mga 'to dito! Puro lalaki pa naman din!
Huli na nang mapigilan ko si sir nakalabas na siya ng classroom. Napasinghap akong tumingin sa kanila, lahat sila nakatingin sa akin.
"Anong pangalan mo miss?" tanong ng isa sa kanila.
"A-Ash," mahinhin kong sinagot ang kaniyang tanong. Kapag nalaman nilang pumapatol ako sa lalaki ba mabugbug ako dito nang wala sa oras. Mabuti nang nakakasiguro.
"Ang hinhin mong babae? Paano ka napunta sa section na 'to?" napatigil ako sa sinabi ng isang lalaki. Ha? Bakit bawal ba mahinhin dito? Ano bang ginagawa ng section na 'to?
Hindi na lamang ako sumagot.
"Anong gagawin natin sa babaeng 'yan?" katapusan ko na ba? Gosh, Babae kaya ako?! Nasaan na ba kasi si Sir! Ang tagal niya namang bumalik dito!
Napahawak ako sa sintido ko! Pagbalik dito ni sir bugbug na ako! Puro pasa at sugat na ako panigurado, nakakainis.
"Mukhang mahinhin pre, hintayin na lang natin si Earwin." nagliwanag ang aking mukha dahil sa sinabi ng lalaki! hindi nila ako bubugbugin! nakaramdam ako ng tuwa.
"Akala ko makakabugbug na ako tapos babae pala?!" napatingin ako sa sumigaw ayun yung lalaking nakabangga ko kanina. Tinaasan ko siya ng kilay, baliw nitong lalaking 'to ang tapang tapang.
"Bakit may babae rito?" napatingin ako sa nagsalita. Napalunok ako dahil sa awra niya!nakakatakot! Seryong seryoso siya habang nakatingin sa akin!
"Ewan namin!"
"Kinausap na ni Sir Res 'yung principal!"
Bumaling siya ng tingin sa nagsalita at muling tumingin sa akin. Nagiwas ako ng tingin! Grabe naman kasi ang tingin niya pamatay! Killer eye lang ang peg, bwiset! Gusto ko na umuwi!
"So, ikaw si Ash?" tumango lang ako bilang sagot. Ayaw ko pang magsalita!paniguradong nanginginig akong magsalita nito!
"Akala mo lalaki 'no?"
"Akala nga rin namin eh!"
"Excited pa naman kami kanina!"
"Oo nga! Akala ko nga makakasapak na ako!hindi pa pala! Kating kati na kamao ko!" ang yabang talaga ng lalaking 'to sarap sapakin.
"Paano ka napunta sa section namin?" aba hindi ko alam! Mukha bang alam ko?nagkibit balikat lang ako at nag-iwas ng tingin.
"Pipe ka ba?" inis niyang tanong.
Aba! Napipe pa ako ng loko! Hindi ko na lamang siya sinagot. Kainis 'tong lalaking 'to. Nasaan na ba si Sir?! Bakit ang tagal niya bumalik?
"Nagsasalita 'yan! Ang hinhin pa nga eh!"
"Talaga? Kung mahinhin iyan, Paano napunta 'yan dito?" ito na naman.
Bakit bawal ba mahinhin dito? Kung bawal edi sana hindi ako napunta rito!pero...hindi naman kasi talaga ako mahinhin!
Pero anong problema nila sa mahinhin?Bawal ba 'yon?!
"Oo nga 'no?" sang ayon ng sumigaw kanina. Napairap nalang ako, panget nilang lahat, lalo na itong Killer Eye na 'to.
Hindi ko alam pero iba pakiramdam ko sa kaniya! nakakainis siya!
"Handa niyo sarili niyo, mambubugbug tayo." malamig na saad nito, napapikit ako! katapusan ko na ba?!
Sir, nasaan ka na ba? bubugbugin na ako ng mga estudyante mo!