Chapter 01

1628 Words
Chapter 01 I don't know how many times I swallowed while looking at them. Is that it? Are they going to beat me up now? What am I going to do? Napayuko ako at pinaglaruan ang dalawa kong kamay. "Sinong bubugbugin natin? Iyang babae ba?" because of that question he received a punch from the man next to him. "Hindi siya ang bubugbugin natin!" iritadong sagot ni Killer Eye. "Section DV nasa labas." tipid niyang sinabi. Hindi nila ako bubugbugin? Halos mag tatalon ako sa tuwa pero, ano raw? Section DV? Ano naman iyon? Syempre Section din. Halos mabatukan ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Sariling tanong, sariling sagot. "Nagyayaya sila?" tanong ng isa pa. Tumango lang ang kakapasok na lalaki at tumingin ulit sa akin. Pamatay na tingin. Killer Eye talaga. "Ngayon na kaagad?!" gulat na tanong ng lalaking nasa bandang bintana. I looked at him for a few minutes. I am sure that he is tall. His eyebrows are thick and his lips seem redder than mine. His hair is messy just like his uniform. I averted my eyes from him when I noticed that he was also looking at me. "Mamayang uwian," Killer Eye said coldly and looked at me like he would kill me. "Anong gagawin natin sa babaeng 'yan?" tanong ng lalaking maliit. "Patalsikin," "Babae, lumipat ka na ng section hindi ka welcome dito." anito at umupo na sa likuran. Edi, hindi welcome. Kala mo kagandahan 'yung classroom puro alikabok naman, tapos ang init init pa, ang kalat kalat din. "Hindi siya pwedeng lumipat." napatingin ako sa pintuan. Si Sir, hingal hingal siyang tumingin sa amin. "Luh? Bakit naman sir?" "Bawal siya rito!" "Ayaw ko sa babae!" "Kami rin!" As if naman gusto sila ng mga babae? Kala mo mga kapogian sila mga mukha naman silang unggoy. Kairita, ang yayabang pa. "Bakit bawal?" taas na kilay na tanong ni Killer Eye. Bakit ba ang sama sama ng tingin nito palagi sa akin? Kala mo may masama akong ginagawa sa kaniya! Inosente ako, siyaka ngayon lang kami nagkita 'no. Sarap talaga kutusan ng bente ang Killer Eye na 'to. "Kahit gustuhin niyang lumipat ng section ay bawal na." pumasok na si sir sa classroom at umupo sa lamesa. Uminom muna rin siya ng tubig para pakalmahin ang sarili niya. Siguro ay uhaw na uhaw si Sir. Sino ang hindi mauuhaw? Akyatin pa naman ang fourth floor. "Bakit nga?" inis na tanong ng isang lalaki. Bakit siya galit? Gano'n na ba talaga kaayaw niya sa babae? Tiningnan ko siya saglit at iniwas na rin kaagad ang paningin ko. Mamaya kung ano pa sabihin niya eh. "Tinry ko na siyang ilipat sa lahat ng section walang tumanggap sa kaniya, hindi na raw pwepwede sabi ng Dean." paliwanag nito. Bakit bawal? At hindi ako tinanggap? Ang kapal naman nila? Sa ganda kong 'to? Hindi nila ako tatanggapin? Edi wow, siopao. I'm literally pissed right now, if they don't like me I don't like them either. "Hindi rin siya tanggap dito." tinaasan ko ng kilay ang nagsalita noon, kapal ha. As if naman tanggap ko sila? nakakainis sila at nakakairita. Hindi ba pwedeng tanggapin na lang nila ako na hindi labag sa kalooban nila o kaya kahit tanggapin na lang nila ako kahit labag sa kalooban nila. Sa dati kong school, takot silang lahat sa akin at pinag-aagawan nila ako, ngayon? Halos lahat hindi ako tanggap, anong klaseng eskwelahan 'to tapos ang weird pa ng pangalan. No Name School Grabe diba!? No Name School! NNS for short saan naman nila nakuha ang name na 'yon? Eh walang name ang tagalog ng school? Napahawak ako sa aking ulo. Kakastress naman mag-isip ng kung ano-ano. "No choice, dito siya." Si Sir habang nakangiti. Buti pa si Sir ayos lang sa kanya pero dito sa mga estudyante niya kala mo babae kung makaarte. Parang mga bakla. Siguro ay halos isumpa na nila akong lahat sa kanilang utak. "Sir, alam mo namang hindi kami tumatanggap ng babae!" inis na saad ng lalaking kanina tahimik lang. Bakit ba ang arte nila? Tiningnan ko ito nang maiige color brown ang kanyang mga mata, matangos ang ilong makapal ang labi at kilay pati na rin ang mukha. Ang arte arte kala mo kapogian. "Wala na kayong magagawa, dito na siya. Kabilang na siya sa inyo." seryosong sambit ni sir. "Bahala siya dyan pag nadamay siya sa gulo namin!" sambit muli ng lalaki na na sa tabi ng bintana. "Iwasan niyo na ang gulo kung ganoon." agad na sabi ni Sir. Mahilig pala sila sa gulo? Ako rin naman. Palihim akong napangisi. Same vibes na ba kaming lahat? "No way!" "Hindi namin kaya 'yon!" "Mamatay ata kami pag walang gulo!" Whoa? Ang OA naman nila. Mamatay kapag walang gulo tanggalan ko sila ng hangin para malaman nila kung ano ba talagang nakakamatay. "Then, hu'wag niyo iwasan basta pag nadamay si Ash, kailangan niyo siyang protektahan." maotoridad na sambit ni Sir habang turo turo pa ako. Ano bang pinag-uusapan nila? sa totoo lang wala na akong magets. Sana all nagegets diba? "Hindi namin siya proprotektahan!" sabay sabay na sabi nila, aba? As if naman kailangan ko ng protekta nila. Hindi na iyon pinansin ni sir bagkus ay nagpakilala siya. "I'm Sir Res, hija. Puwede kabang magpakilala sa kanila?" tumango lang ako. "I'm Ashe-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil isa isa silang nagreact. "Paki namin sa pangalan mo!" "Huwag kana magpakilala!" "Walang may pake!" "Sarilihin mo pangalan mo!" Tangina nitong mga ito, mga gago. Sino bang nagsabi ng may pake alam sila sa pangalan ko? "Section Sea, manahimik!!" galit na sigaw ni Sir Res. Nanahimik naman sila, isa-isa nila akong sinamaan ng tingin. Kung hindi lang ako nagpapanggap na mahinhin ay sinamaan ko na rin sila ng tingin pabalik. Pero dapat good girl muna ako ngayon. "Kung ayaw niyo siyang makilala. Sige, kayo na lang ang magpakilala!" sigaw muli nito. "Sige Sir magpakilala na pala siya!" "Magpakilala ka na hoy!" "Tuloy mo na pagpapakilala mo!" "Ayaw namin sir!" "Katamad!" Napabuntong hininga na lang ako. Nakakangawit tumayo baka pwede na akong umupo? Ayaw ko na ring magpakilala siyaka wala naman silang pake. Wala silang pake sa akin? Ako rin walang pake sa kanila. Same vibes. "Sir? Pwede na po ba akong umupo?" mahinhin kong tanong, tumango lang siya at tinuro ang bakanteng upuan. May lalaki roon, mukhang tahimik. Hindi kasi siya nagsasalita magmula kanina. Dirediretsyo akong pumunta doon at umupo. Tiningnan ko ang katabi ko nakatingin lang siya sa akin. Mukha naman siyang mabait. "H-Hi? I'm Ash," pagpapakilala ko,sa totoo lang hindi ako ganito umasta, nakakainis. Pero kailangan kong maging ganito dahil pag nalaman nilang hindi ako mahinhin at pumapatol ako sa lalaki baka anong gawin nila sa akin. Tinaas niya lang ang kilay niya at tiningnan ang kamay ko. "Don't act like that hindi ako sanay." gulantang akong tumingin sa kaniya. "I'm Cayden, Remember me? Asherah?" "C-Cayden?" kilala niya ako!tl tiningnan ko siya nang maigi, halos mapatalon ako sa gulat at saya. "Tang'na mo!" bulong ko at dinamba siya ng yakap. Namiss ko siya, siya lang ang naging kaibigan ko dati. Pinagtatakpan niya din ako sa mga katarantaduhan ginagawa ko. "Paano ka napunta ditong gago ka? Ang sabi mo sa akin sa ibang bansa ka na mag-aaral! Sinungaling!" inis na saad ko sa kaniya,totoo 'yon! iyong ang sinabi niya sa akin dati. Napataas siya ng kilay. "Bakit ka muna umaakto na parang babaeng babae ka?" natatawa niyang bulong. "Malamang! Baka bugbugin ako ng mga 'yan eh!" inis na sambit ko. "Baka sila pa ang mabugbog mo." humagalpak siya ng tawa. Tang'na nito! Kahit ganoon na-miss ko pa rin siya. "Close kayo?" "Tumawa si Cayden himala" "Close ata sila!" "Magkaibigan?" "Baka nagjoke si Ash!" Napatigil siya sa pagtawa ako naman ay napatingin sa kanilang lahat. Halos lahat sila nakatingin sa gawi namin. Tiningnan ko ang harap, ganoon din si Sir Res nakatingin sa amin. Tumahimik ang lahat. Nakakabingi ang katahimikan. "May meeting daw ang mga teacher kaya baka hindi na makapasok ang susunod niyong teacher." binasag ni sir ang katahimikan gamit ang pag-announce. "Yes!" "Yun oh!" First day of school? Meeting? Ayy isang linggo na pala ata sila, transferee nga pala ako. "Earwin? Ano ang gagawin natin?" tanong ng lalaki. "Maghanda susugod ang Section DV diba?" sarkastikong sagot ni Killer Eye at bumaling sa amin ni Cayden. "Anong mangyayari?" bulong ko kay Cayden. "Bugbugan sa garden mamayang break time ata?" "Ahh? Sasama ka?" bulong ko. "Malamang kasama 'yan! buong Section Sea kasama!" muntik ko ng masuntok ang maliit na 'to dahil sa pagsigaw niya sa harap namin. Nakakagulat! "K-Kasama rin ako?" kunwaring takot na tanong ko. Ngumisi lang siya at ang iba. "Malamang! Kasection ka namin eh!" Yes! kasama ako makakasapak ako. "Babae 'yan tapos sasama mo doon?"si Cayden! panira talaga 'to palihim ko siyang sinamaan ng tingin. "Pinili niya ang Section na ito diba?" Hoy! for your information, hindi ko 'to pinili. Binigay lang ito sa akin 'no. Kung may chance lang na papipiliin ako hindi ito ang pipiliin ko. "O-Okay lang Cayden...Nandyan ka naman para protektahan ako..." nakangiti kong sambit at medyo mahinhin halos humagalpak na siya ng tawa dahil sa sinabi ko. Tang'na ka! Makisama ka. Sinamaan ko siya ng tingin, senyales na kung hindi siya makikisama ay lagot siya sa akin mamaya. "Mag syota ba kayo?" tanong ng isa sa kanila. "Hindi," nagpipigil tawang sambit ni Cayden. "Hindi kayo bagay." sambit ni Killer Eye --- I mean Earwin. Isa isa silang umalis sa harap namin hanggang sa kaming dalawa nalang ni Cayden ang natira. "Tang'na anong protektahan ka dyan?baka ikaw pa ang prumotekta sa akin!" at doon na siya tuluyang humagalpak ng tawa. Nababaliw na siya. Tatawag na ba ako ng magdadala sa kanya papuntang mental? Umirap ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD