Chapter 02

1586 Words
Chapter 02 "Ano ba 'yung Section DV?" takang tanong ko kay Cayden. Nandito pa rin kami ngayon sa classroom. Ayaw ko pang lumabas, tinatamad ako siyaka marami pa akong gustong malaman, mabuti na lang ay nandito si Cayden para may pag tanungan ko. "Kaaway ng section natin." walang gana niyang sagot. Kanina niya pa kasing gustong pumunta sa Cafeteria nagugutom na raw siya kaso tinatakot ko. 'Pag pumunta siya doon sabog ang nguso niya sa akin. "Niyo," pag kocorect ko sa kanya. "Natin. Section natin." mariing sabi niya. "Whatever!" pagtataray ko, sinimangutan niya lang ako. "Paano naging kaaway?" tanong ko, nakakapagtaka lang meron palang ganoon dito? Magkaaway ang Section. Angas. "Mahabang kuwento," "Edi paiikliin mo!" inis na sambit ko, umirap lang siya at nagkamot ng ulo. "Dati pang mag kaaway ang Section DV at Sea dahil sa pataasan ng grades." Pataasan ng grades? So matatalino ang nandito? What the fvck?! Ako lang ata ang hindi matalino dito. Agad akong nangunot ng noo. Matalino si Cayden, sa kanya ako kumukopya dati kaya pala nandito siya. Matatalino ang nandito. Matatalino. Sabi ko na hindi ako welcome dito. Hindi rin ako belong. Parang pinaramdaman sa akin na ang bobo ko. "Eh? Bakit ganyan itsura mo?" natatawa niyang tanong. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ash? Huwag mong sabihing nangongopya ka pa rin?" ngumuso ako, hindi naman maiiwasan hindi mangopya eh. Ganoon ang ginagawa ko,nangongopya ako tuwing exam at may quiz. Sabi nila kuya matalino naman talaga ako tamad nga lang, pero totoo naman 'yon. "Ang babaw naman nila kung ganoon dahil lang sa grado? Magkakaaway!" Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Totoo naman, ang babaw babaw nila. Dahil lang doon? "Magkaibigan din pala kami dati." Gulat akong tumingin sa kaniya, huwag niyang sabihing nag-away sila dahil lang doon at nagkawatak watak!? "Tama yung nasa isip mo." halos humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya, ang iimmature nila. "Bakit ka ba tumatawa?" inis niyang saad. "Ang babaw ng dahilan!" halos kinapos na ako ng hangin dahil sa kakatawa ko. "May malalim pa na dahilan kaya tumigil ka sa kakatawa mo." masungit na sambit niya kaya nanahimik ako. Ano naman kaya ang malalim na dahilan na sinasabi niya? "Ano naman 'yon?" seryosong tanong ko dito. Bumuntong hininga muna siya at tumingin sa akin ng seryoso. Grabe, mukhang malalim na dahilan nga talaga ang dahilan. Grabe ang seryosong mukha ni Cayden eh. "Dahil sa babae," napatitig ako sa kanya. Humiga muna ako ng malalim Isa... Dalawa... Tatlo... Loading... Tuluyan na akong napahagalpak ng tawa habang siya ay seryosong nakatingin sa akin. Pinipigilan ko ang pagtawa ko pero lumalabas pa rin baka mautot pa ako dahil sa pagpipigil kaya tumawa lang ako nang tumawa. Malalim daw! 'Yung totoo? "Jinojoke mo ba ako?" natatawang tanong ko pero bakas pa rin sa mukha niya ang pag kaseryoso. "Mukha ba akong nag jojoke?" seryosong tanong niya sa akin, kung hindi lang nakakatawa ang dahilan baka natakot na ako dahil sa seryosong mukha ni Cayden pero wala eh natatawa ako. Kasi para silang mga bata. Okay self parang ikaw, hindi nakikipag bugbugan para lang sa isang chichirya. Pero iba naman kasi yung sa kanila, sinira nila pagkakaibigan nila dahil lang sa pataasan ng grado at babae? The hell?! "Tuloy mo na kwento mo," "Huwag na. Pinagtatawanan mo naman." "Hindi na nga eh," pigil tawang saad ko. Pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin, nakakailang tuloy. Ngumuso lang ako at yumuko. Mukhang wala na siyang balak ituloy ang pagkukuwento. "Puro lalaki din ba ang Section DV?" tanong ko. Kasi diba magkakaibigan daw sila? Baka nga puro lalaki din sila? Eh 'yung ibang Section kaya? May marami kayang babae sa kanila? "Hindi," "Ah talaga? Pwedeng magkwento ka pa?" tiningnan niya lang ako nang masama. Hindi na nga ako tatawa eh. Nakakainis naman, dapat talaga hindi na ako tumawa nang tumawa. Ayan tuloy hindi na niya itutuloy 'yung kwento niya. Siguro next time na lang. Magsasalita pa sana ako nang biglang magring ang cellphone ko kaya dali dali ko itong kinuha. Si Kuya Van. Sinagot ko ito at lumayo ng kaunti kay Cayden. "Hoy!" bungad niya sa akin. "Bakit?" "Hindi kita masusundo mamaya! Magtira sa baon mo para may pamasahe ka!" "Bakit saan ka ba pupunta ha? Mas importante ba 'yan kesa sa akin?" pagmamaktol ko. Kaya ko namang umuwi mag-isa pero sayang pamasahe. Nag-iipon pa naman ako. "Huwag na maraming tanong, basta 'di kita masusundo mamaya!" "Isusumbong kita kila mommy!" inis na saad ko pero binabaan na niya ako. Isusumbong ko talaga siya mamaya. Baka nang babae yun si kuya Van. Pinagpapalit niya ako sa babae niya, walang hiyang 'yon. Pagbalik ko sa upuan ay wala na si Cayden. Baka pumunta na sa Cafeteria, kanina pa 'yon nagugutom eh. Kinuha ko na ang wallet sa bag ko at lumabas ng classroom. Tahimik ang paligid, naglakad lang ako papunta sa Cafeteria. Ang kaso ay hindi ko alam kung saan 'yon. Napakamot ako ng ulo. "Aray," napadaing ako dahil sa pagkabangga sa akin ng grupo ng mga babae. Tiningnan ko sila isa isa. Drawing ang mga kilay, hindi pantay na blush on, makapal na lipstick, mapuputing mukha. Okay pasado, puwedeng panakot sa bata. "Wala ka bang gagawin?" tanong ng nasa gitna nila. Ano ba dapat kong gawin? Kinunutan ko lang sila ng noo. "Magsorry ka," saad ng nasa kanan niya. Aba, bakit naman ako magsosorry? Sila na nga 'yung nakabangga sa akin, baka nga sinadya pa nila 'yon eh. Sarap basagin ang bungo. "Kung ayaw mong mag sorry, lumuhod ka nalang at halikan ang paa ko." gulantang akong tumingin sa kaniya. Hala gago? Ano siya prinsesa!? Ang kapal ng mukha. Kahit prinsesa naman siya, hindi ko gagawin 'yon. Sasagot na sana ako at sisigaw sigawan siya kaso naalala ko dapat ay mahinhin lang ako. Nakakainis! Ganito ba ang mga estudyante dito?! feelling prinsesa at mga baliw? Nagkunwari akong natatakot sa kaniya, kahit sa kalooban ko ay gusto ko na siyang sapakin at sampalin kaliwa't kanan. "Hindi mo ba ako kilala?" bakit kailangan ba kilala ko siya?! dzuh! pasado din siyang maging kasambahay namin. "Palibhasa ay transferee," nakangising sambit ng nasa kaliwa niya ulit. Ano naman kung transferee ako? "Hayaan mong magpakilala ako." Gusto kong bigyan siya ng salamin ar sabihin sa kanya na "Oh ito salamin ipakilala mo ang sarili mo sa sarili mo." Wala naman kasi akong paki alam sa pangalan niya at kung sino siya. Kung hindi lang ako nag-acting actingan na mahinhin baka sumabog na nguso nito ngayon. "Aray," daing ko muli dahil lumapat ang palad niya sa niya ako kaliwa kong pisngi. Sinampal niya ako. Gulat akong tumingin sa kaniya. "Nagpakilala na sayo ang palad ko." nakangisi niyang sinabi. Tangina niya gustong gusto ko siyang tirisin! Kinuyom ko ang aking kamao. "Anong nangyayari dito?" napatingin ako sa bagong dating. Si Cayden kasama ang Section Sea. Lumapit kaagad si Cayden sa akin ganoon din ang taga section sea. Nagulat ako ng may biglang lumapit na babae at lalaki sa nanampal sa akin. "Away na naman 'to," "Rambulan," "Sino kaya panalo?" "Puta pusta ako DV panalo." "One thousand panalo Sea diyan." Bulong bulungan ng ibang estudyante. DV? Tiga Section DV sila? Napatingin ako sa kanila sa harap ko. Halos kaunti lang ang babae sa kanila at karamihan ay lalaki na. "Anong ginawa nila sayo?" seryosong tanong ng lalaking taga Section DV sa babaeng nanampal sa akin. "Wala. Ako ang may ginawa." pagmamayabang niya at tumingin sa akin. "At Anong ginawa mo?" "Pinakilala ko lang naman sa kanya ang palad ko." sabay turo sa akin ng babaeng nanampal sa akin,nagkatinginan naman sa akin lahat ng Section DV ganoon din ang Section Sea. "Ano?!" napatingin ako kay Cayden dahil sa sigaw niyang 'yon. Galit siyang tumingin sa babaeng nanampal sa akin at ibang tiga Section Sea ay seryoso lang. "Tangina bakit hindi ka pumalag!?" umaalingaw ang galit na boses ni Cayden, napaatras ang babaeng nanampal sa akin. Tiningnan ko lang ng masama si Cayden, pag pumalag ako, Section Sea naman ang bubugbog sa akin. Shunga shunga nito, pabayaan mo na gaganti naman ako eh. Hinawakan ko sa braso si Cayden para kumalma. Tiningnan niya naman ako nang ma gets niya ang ibig kong sabihin ay kumalma na siya. "Ingatan niyo 'yang classmate niyo. Bukas pagpasok niyang basag na mukha niyan." maangas na sambit ni Cayden habang nakangisi. "Yabang ah! kung kaya mong gawin." Isang lalaking tiga Section DV ang nagsalita. "At sino namang nagsabing ako ang gagawa?" sarkastiko na tanong ni Cayden, napasapo na lang ako sa noo. "Labas mo nalang mamaya sa garden yabang mo! Wala ka rin naman sinatsat! Bbobo na nga, mahina pa!!" sabi ng isa pang tiga Section DV. Nagtawanan silang lahat habang kami naman ay seryoso lang tinandaan ko ang mukha ng lalaking nagsabi noon, tang'na ka isa ka rin bukas pagpasok mo basag na bungo mong punyeta ka. Ayaw ko sa lahat eh 'yung minamaliit kaibigan ko. Ako lang dapat ang huhusga sa kaniya o sa kanila. Tang'na ka patay ka talaga sa akin. "Tulad ng Section mo. Mahihina na nga tatanga tanga at bo-" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil natumba siya. Sinuntok noong maliit na nakabangga sa akin ang lalaki. Hinila naman kaagad siya ni Earwin at may binulong, kumalma naman siya pero masama pa rin ang kanyang mga tingin. Kahit sino naman ay sasama talaga ang tingin. "Mamaya sa garden, labas niyo tapang niyo." malamig na sambit ni Earwin at tumalikod na ganun din ang ginawa ko at nila Cayden. Nakaramdam ako ng kaba, para silang mga gangster.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD